Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 74 => Simula ng Paghilom.

Share

CHAPTER 74 => Simula ng Paghilom.

last update Last Updated: 2025-08-08 07:59:56

Tahimik pa rin ang paligid. Tanging mahinang ugong ng aircon at tunog ng kanilang paghinga lang ang maririnig. Nakaupo pa rin si Xayvier sa tabi ng kama ni Yukisha, nakahawak sa kamay nito, habang patuloy lang ang marahan niyang paghinga.

Bahagyang bumukas ang pinto at sumilip ang isang pamilyar na mukha —ang ina ni Yukisha. Bitbit nito ang maliit na bag at may bahagyang ngiti sa labi, kahit halata ang pagod. Pumasok siya nang marahan, para hindi magising ang anak.

"Xayvier..." mahinang tawag niya. Lumapit ito at tumabi saglit. "Kanina, habang natutulog kayo, dumating yung doktor. Sabi niya... puwede na raw tayong makalabas bukas. Sa bahay na lang daw magpapatuloy ang pagpapagaling ni Yuki."

Bahagyang tumango si Xayvier, ngunit nanatiling nakatingin kay Yukisha. Para bang ayaw niyang iwan ang posisyon niya ngayon sa tabi ni Yukisha. Naramdaman ng ina ni Yuki ang bigat ng sitwasyon, ngunit pilit nitong inilabas ang kahit kaunting pag-asa sa kanyang tinig.

"Magiging mas komporta
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 82 => Uncovering the Truth Behind the Incident.

    Nagkatinginan ang grupo at natigilan matapos biglang tumayo ni Xayvier at ibalibag ang upuang kanina lang ay gamit nito, nanginginig ito sa galit ngunit agad namang nakabawi sa pag kagulat si Leandro at napigilan siya agad kasabay ng iba pa. “Huminahon ka muna Xayv. Hindi naman ibig sabihin niyon na siya agad ang salarin,” Saad ni Dominique habang hawak ang kamay ni Xayvier at pinipigilan ito sa pag wawala. Pinagtulungan nilang pakalmahin si Xayvier matapos ay ipinagpatuloy nila ang video. Sa isang bahagi, makikitang kinuha ni Yukisha ang maliit na pouch niya ang telepono saka pinindot iyon, mukhang may katext din ang dalaga. Matapos ang ilang minuto ay tumayo na ito at nag paalam sa mga kasama. Kasabay nito, tumingin muli ang kahina- hinalang katrabaho sa hawak nitong telepono, nag- type itong muli, at saka tumingin ng mabilis kay Yukisha bago bumaling sa iba. “Rewind mo tapos ipause mo,” utos ni Xayvier, mababa ang boses. Agad siyang sinunod ni Raf inulit nito saka in pause an

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 81 => May Taksil.

    Tahimik ang silid. Sa gitna ng sofa nakaupo si Xayvier, bahagyang nakasandal ngunit ramdam ng lahat ang bigat sa kanyang balikat. Nakalapat ang mga siko niya sa tuhod, magkahugpong ang mga daliri, at nakayuko na para bang binibilang ang bawat pintig ng puso niya. Sa paligid, apat na pares ng mata ang nakatutok sa kanya— may halong pag- aalala, kaba, at inis. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Leandro, na nakaupo sa kaliwa niya, saka siya na ang unang bumasag ng katahimikan. “Dro, kagabi nung tumawag ka… sigurado ka bang siya ‘yon? Na si Yukisha ang target nila?” Mabagal na tumango si Leandro, kinuha ang isang kopita ng alak na iniabot ng kasambahay kanina, at marahang iniikot ito. Narito sila ngayon sa isang pribadong silid sa loob ng mansion— lahat ng pinto at bintana nakasara, siniguradong walang ibang makakarinig. “Oo. At kung hindi ako dumating sa oras… baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko inaakala ang narinig ko.” Napasinghap si Nate, ang artista sa g

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 80 => Friends.

    Unang tumayo mula sa sofa si Leandro Cruz, matangkad, matipuno, at may matalim na tingin na tila laging nag- oobserba sa paligid. Naka- dark leather jacket ito, simpleng pantalon, at may baril na bahagyang nakasilip mula sa holster sa bewang. Isa siyang NBI agent, kilala sa matapang at walang kompromisong paghawak ng mga kaso. Nakilala ni Xayvier si Leandro pitong taon na ang nakalipas sa isang kidnapping incident kung saan parehong nalagay sa alanganin ang buhay nila. Simula noon, naging matibay ang samahan nila — hindi lang bilang magkakaibigan, kundi bilang magkakapatid sa laban. “Matagal ka naming hinintay,” sabi ni Leandro, mababa ang tono ngunit may bahid ng pag- aalala. Sa tabi niya, bahagyang nakasandal sa armrest ng sofa, hawak ang isang slim laptop, si Rafael “Raf” Torres. May salamin ito, lean build, at palaging may kasamang earphones na nakakabit sa isang earpiece. Isang dating black-hat hacker na naging ally ni Xayvier matapos nitong subukang pasukin ang server ng kum

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 79 => Adapting.

    Tahimik ang buong silid maliban sa mahinang ugong ng aircon at banayad na tunog ng bentilador sa kisame. Sa ilalim ng malambot at mamahaling kutson, nakaupo si Yukisha sa gilid ng kama, nakasandal sa headboard at mahigpit na nakayakap sa sarili. Parang sinusubukan niyang ikulong ang init ng kanyang katawan sa malamig na hanging nanggagaling mula sa aircon, ngunit higit pa roon — tila ikinukulong din niya ang sariling damdamin, pilit itinatago sa kahit kanino, lalo na kay Xayvier. Lumapit si Xayvier, may hawak na baso ng maligamgam na gatas. Sa bawat hakbang niya, ramdam niya ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Nang marating ang gilid ng kama, mahinahon niyang inilapag ang baso sa maliit na mesa sa tabi nito. “Uminom ka muna,” wika niya, mababa ngunit mariin, parang utos na may halong pag- aalaga. Saglit na nag -angat ng tingin si Yukisha. Ang mga mata niya’ y mapupungay, hindi dahil sa antok kundi dahil sa labis na pagod. Walang imik, niyang kinuha ang baso at dahan -dahang

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 78 => Sa Bahay ng mga Juaquin.

    Sa bahay ng mga Juaquin. Pagdating nila roon, sinalubong sila ng malamig na hangin mula sa malapad na bukas na pinto ng mansyon. Ang liwanag mula sa mga chandelier ay bumungad agad sa kanila, kumikislap sa makintab na sahig na gawa sa marmol. Nasa bungad si Aling Minda, ang matagal nang tagapangalaga ng pamilya, na may bakas ng pagkabahala sa mukha. Ilang gwardya rin ang agad tumayo nang tuwid, handang magbigay- galang at mag- ulat. “Sir,” mahinang bati ni Aling Minda, bahagyang yumuko bilang pagrespeto, “handa na po ang kuwarto sa itaas, gaya ng iniutos niyo.” Mula sa likuran, lumapit ang isa sa mga gwardya. “Sir, may mga idinagdag na tayong bantay sa likod at gilid ng bahay. Lahat ng gate naka- lock. Nagpalit na rin kami ng security code sa main gate.” Tumango lang si Xayvier, malamig ngunit may awtoridad ang boses. “Walang makakalapit kay Yukisha nang hindi ko alam. Kung may mapansin kayo na kakaiba kumilos, agad niyo akong tawagin.” Tahimik lang si Yukisha habang maingat

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 77 => Going Home.

    Parang mabigat na ulap ang bumalot sa isip ni Xayvier matapos marinig ang huling pabulong na iyon mula kay Yukisha. “Papatayin nila ang anak ko…” Hindi niya alam kung paano niya dapat intindihin iyon. Ang anak na tinutukoy ba niya ay ang bata na… nawala na? O may ibang ibig sabihin si Yukisha? At sino ang tinutukoy niyang “nila”? Mas lalo pang nagulo ang isipan niya nang maisip ang mga salitang binitiwan ni Leandro sa tawag kanina. Ang tono nito, ang bigat ng tinig, at ang malabong pagbibintang na para bang may alam na hindi niya alam. Paulit- ulit niyang tinanong ang sarili “Sino ang tinutukoy ng kaibigan kong si Leandro kanina? Sino ang may gawa ng aksidente? Bakit parang konektado lahat?” Pero sa bawat tanong na pumapasok sa utak niya, mas lalo lang siyang nalulunod sa kawalan ng sagot. Mula sa tabi niya, bahagyang gumalaw si Yukisha. Mahigpit pa rin ang kapit nito sa kamay niya, para bang iyon na lang ang natitirang tali na nag- uugnay sa kanya sa mundong ito. Pinagmasdan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status