Share

Chapter 2

Auteur: JV Writes
last update Dernière mise à jour: 2025-01-17 13:47:19

ISANG BUWAN NA ang nakalilipas, pero tila wala naman masyadong usad ang takbo ng relasyon nina Alyssa at Marco. Minsan nga'y hindi na ito masyado iniisip ni Alyssa, pero bilang isang babae na gusto pa rin maayos ang kaniyang pamilya, wala itong ibang magawa kundi isipin at humanap ng paraan upang magkaroon muli sila ng oras mag-asawa.

Magkahalong pagod at lungkot ang naramdaman ni Alyssa habang nakahiga siya sa malawak na kama sa kanilang master bedroom. Isang buwan na ang lumipas mula nang pag-usapan nila ni Marco ang posibilidad na magbakasyon, ngunit hanggang ngayon ay nanatili itong plano. Kahit na nagawan niya ng paraan na bawasan ang kanyang oras sa ospital—isang bagay na hindi madali para sa isang abalang obstetrician—tila si Marco naman ang laging wala.

Sa kabila ng kanyang mga pagsisikap, napansin niyang lalo pang naging abala si Marco sa trabaho. Hindi maalis kay Alyssa ang mag-isip: Trabaho nga lang ba talaga ang dahilan ng pagiging abala ni Marco? O may kinalaman na rin dito ang pagbabalik ni Samantha?

Hindi mapakali si Alyssa habang iniisip ang mga ito. Sa dami ng tanong na umiikot sa kanyang isipan, nakaramdam siya ng bigat sa kanyang sikmura. Mabilis niyang tinapik ang kumot at tumayo, dumiretso sa banyo.

Sa loob ng malamig na tiles ng banyo, mabilis niyang hinawakan ang lababo at isinuka ang laman ng kanyang tiyan. Huminga siya nang malalim matapos ang bawat pagsusuka, pinipilit pakalmahin ang sarili. Ramdam niya ang panghihina, ngunit mas matindi ang bigat na bumabalot sa kanyang damdamin.

Halos isang buwan na niyang itinatago ang kanyang pagbubuntis kay Marco. Takot siyang malaman nito ang totoo, lalo na’t alam niyang hindi pa handa si Marco na maging ama. Sa kanilang mga naging pag-uusap noon, palaging malinaw ang posisyon ni Marco: nais niyang i-focus ang kanyang oras at atensyon sa pagpapalago ng negosyo ng pamilya Delgado.

"Pero paano naman ako?" bulong ni Alyssa sa sarili habang nakatingin sa salamin. Malinaw na nakikita niya ang sarili niyang repleksyon—maputla, ngunit hindi maitatanggi ang taglay na ganda sa kabila ng pagod. Napalitan ng bahagyang ngiti ang kanyang labi habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Ang batang ito… ito ang liwanag sa gitna ng lahat.

Matapos maghilamos at magmumog, lumabas na siya ng banyo.

Tahimik ang buong mansion nang lumabas si Alyssa mula sa kwarto nila ni Marco. Ang bahay ay tila larawan ng karangyaan—malalaking bintana, chandelier na kumikinang sa bawat liwanag, at mga mamahaling muwebles na nakahilera sa bawat sulok. Ngunit sa kabila ng kagandahan nito, ramdam niya ang lamig at kawalan ng sigla sa loob.

Habang naglalakad siya pababa ng grand staircase, agad siyang sinalubong ni Yaya Mila. "Ma’am Alyssa, umupo po muna kayo sa dining area. Ihahanda ko na po ang almusal ninyo."

"Salamat, Yaya Mila," sagot ni Alyssa na may ngiti sa labi. Sa kabila ng bigat ng kanyang iniisip, hindi niya nakakalimutang maging magalang at mabait sa mga kasambahay.

Pagdating niya sa dining area, maayos nang nakahain ang pagkain: sinangag, longganisa, itlog, at mainit na kape. Umupo siya sa isa sa malalaking upuan na gawa sa narra at hinaplos ang gilid ng mesa, naalala ang maraming pagkakataong sila ni Marco ay masayang nag-aalmusal dito noon.

"Yaya Mila, nasaan si Marco?" tanong niya habang sinusubukan ang kape.

"Nasa trabaho na po, Ma’am," sagot ng yaya habang inaayos ang mga kurtina sa gilid. "Kanina pa po siyang umalis. May maaga raw po siyang meeting."

Tumango si Alyssa at tahimik na tinanggap ang sagot. Sa kabila ng pag-asang makakasama niya si Marco ngayong umaga, naroon ang pang-unawa. Subalit hindi niya mapigilang isipin kung ang pagiging abala nito ay dahil lamang sa negosyo, o may ibang dahilan.

Habang kumakain si Alyssa, muling sumagi sa isip niya ang nakaraan. Si Marco, ang kanyang kababata, ay palaging naging bahagi ng kanyang buhay. Noon, madalas silang maglaro sa likod ng malawak na hardin ng pamilya Delgado. Tumatakbo sila, nagtatago sa likod ng malalaking puno ng mangga, at nagtatawanan hanggang sa halos mawalan na sila ng hininga.

Isang beses, naalala niyang napilayan si Marco habang nagtatangka itong umakyat sa puno. Agad niya itong inalalayan, at sa kabila ng sakit, tumatawa pa rin ito. "Sabi ko sa’yo, hindi ka pa handa maging Tarzan!" pabirong sigaw niya noon.

Ngunit ang masasayang alaala ay biglang naputol nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Napalingon siya sa maliit na mesa kung saan ito nakapatong. Sa una, binalewala niya ito, iniisip na maaaring isa lamang sa kanyang mga pasyente o kasamahan sa ospital. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Papa.

Saglit niyang pinagmasdan ang pangalan. Parang biglang naging mabigat ang paligid; tumigil ang kanyang mga kamay, at tila huminto rin ang mundo niya. Maraming tanong ang pumasok sa kanyang isipan—Bakit siya tumatawag? May nangyari ba? O may gusto na naman siyang sabihin o hingiin?

Pinilit niyang kontrolin ang nanginginig na daliri, at sa halip na sagutin ang tawag, pinindot niya ang decline.

Ayaw niya munang harapin ang tawag na iyon, lalo na ngayong iniiwasan niya ma-stress. Inilapag niya muli ang cellphone sa mesa.

Natapos niya ang almusal at mabilis na umakyat sa kwarto upang magbihis. Dumiretso siya sa malaking walk-in closet kung saan nakahilera ang kanyang mga eleganteng damit at sapatos.

Pumili siya ng kasuotang simple ngunit elegante: isang cream-colored na dress na hanggang tuhod, may manipis na lace sa mga manggas, na bumagay sa kanyang makinis at maputing kutis. Pinili niyang itali ang kanyang mahabang itim na buhok sa isang mababang bun, na nagbigay-diin sa hugis ng kanyang mukha. Dinagdagan niya ng pearl earrings at beige na sandals para sa isang klasikong look. Bagama’t hindi siya pupunta sa ospital, nais niyang panatilihin ang kanyang presentableng anyo.

Matapos ang ilang sandali ng pag-aayos, humarap siya sa salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay maganda—elegante ngunit may bakas ng lungkot sa mga mata.

Habang bumababa siya ng hagdan, sinalubong siya ng isa pang kasambahay. "Ma’am Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa labas," sabi nito habang abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa hallway.

Nagulat si Alyssa. Agad niyang naisip si Marco. Baka bumalik siya para i-surprise ako? Pumasok sa isipan niya ang posibilidad na sinorpresa siya nito, at ang ideya ay bahagyang nagbigay ng ngiti sa kanyang labi.

Lumakad siya patungo sa front door, na may halong excitement at kaba. Ngunit paglabas niya, isang hindi inaasahang tao ang bumungad sa kanya.

Si Samantha.

Ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa, nakatayo sa harap ng pinto. Inaasahan ni Alyssa na makakita ng isang sexy na babaeng mala-artista, dahil sa trabaho ni Samantha sa ibang bansa, ngunit iba ang kaniyang nakita. Isang babaeng malaki at umbok ang tiyan, kitang-kita ang pagbubuntis nito. Nakangiti ito, ngunit ang mga mata ay tila nag-aapoy sa kumpiyansa.

"Alyssa," bati nito, ang boses ay magaan ngunit puno ng intensyon. "Pwede ko bang malaman kung nasaan si Marco?"

Napatigil si Alyssa, na parang hindi makagalaw mula sa kinatatayuan. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya?

Sa unang pagkakataon sa buong umaga, naramdaman ni Alyssa ang bigat ng kawalan ng kontrol. Sa harap niya ay ang babaeng tila bumaliktad sa kanyang mundo—at ngayon, nasa mismong harapan ng kanyang pintuan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 146

    Tahimik silang lumakad hanggang makarating sa pinto ng kanilang kuwarto. Pagbukas ng pinto, napahinga nang malalim si Alyssa—at hindi niya napigilang mapa-wow.“Wow…” bulong niya sa sarili. “Totoo ngang couple’s suite…”Ang buong silid ay balot sa malabong kulay rosas na ilaw na para bang nagmula sa isang eksenang pang-romansa sa pelikula. Banayad ang ningning nito ngunit sapat para bigyang-diin ang kakaibang ambiance ng kuwarto. Sa gitna, namamayani ang malaking bilog na kama, napapalibutan ng mga unan at kumot na kulay puti at pula, tila ba nilikha para sa mga bagong kasal.Habang dahan-dahan siyang pumasok, napansin niyang ang mga dingding ay natatakpan ng hindi pantay-pantay na salamin, bawat isa’y kumakain ng bahagyang ilaw at ibinabalik ito sa iba’t ibang anggulo. Para siyang nasa loob ng isang malaking music lounge o KTV bar, at ang bawat sulok ay nag-aanyaya ng pagiging malapit.Hindi alam ni Alyssa kung saan siya titingin. Pakiramdam niya’y may mali sa lahat ng ito, ngunit wa

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 145

    Isang Couple’s Suite?!Mabilis na nagpaliwanag si Ethan, “Hindi kami—”“Hindi ba kayo magkasintahan?” Tumigil sa pagta-type ang receptionist at tumaas ang kilay, may halong pagdududa sa tono. “Pero iisa lang ang kama sa loob, at ang disenyo ng kuwarto ay talagang para sa magkasintahan. Ibo-book n’yo pa rin ba?”Natigilan si Ethan at dahan-dahang napatingin kay Alyssa.Si Alyssa naman ay parang napatigil ang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hindi siya magbu-book ng kuwarto, saan siya pupunta? Grabe ang buhos ng ulan sa labas—wala na siyang ibang mapupuntahan kundi dito sa hotel. At higit sa lahat, iniingatan niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan—isang maling galaw lang ay maaaring magdulot ng kapahamakan.Pero kung tatanggapin niya ang kuwarto, kawawa naman si Ethan na basang-basa na dahil sa kanya. Hindi ba’t parang magiging makasarili siya kung magpapahinga siyang mag-isa habang pinapabayaan ang lalaking tumulong sa kanya?Nahulog si Alyssa sa isang mahirap na s

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 144

    Habang abala pa sa pag-uusap sina Alyssa at ang ina ni Alice, natapos nang makipag-usap si Ethan sa telepono at lumapit sa kanila. Basa pa rin ang dulo ng kaniyang buhok, marahil mula sa halumigmig ng ulan, ngunit maayos pa rin siyang nakatayo, dala ang karaniwang kalmado sa mukha nito—maliban na lamang sa pamumula ng pisngi na tila hindi pa rin nawawala mula kanina.“Tinignan ko ang lagay ng daan,” sabi niya, na parang nag-uulat kay Alyssa mismo. “Malakas ang ulan sa kabundukan at isinara na ang highway. Mukhang dito na tayo matutulog ngayong gabi at bukas na tayo makakauwi.”Napatingin si Alyssa sa kaniya, pilit pinapakalma ang sarili kahit may halong pagkailang sa dibdib. Wala siyang ibang nagawa kundi tumango na lamang, tinatanggap ang sitwasyon.“Mukhang maraming na-stranded ngayon sa bundok,” dagdag naman ng ama ni Alice, na may bakas ng pagkabahala sa mukha. “Baka maubusan tayo ng kuwarto sa hotel. Kailangan nating magmadali.”Nagpasya silang umalis agad mula sa water bar patun

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 143

    Nararamdaman ni Alyssa na wala siyang ibang pagpipilian—si Ethan lang ang natitirang posibilidad. Kung babalik na rin lang ito sa lungsod, maaari naman siyang makisabay. Magkatrabaho naman sila, kaya’t hindi na iyon magiging malaking abala para rito.Napatingin si Alyssa kay Ethan, na bahagyang lumayo at kasalukuyang may kausap sa telepono. Tila abala ito, ngunit may kakaibang aura ng pagiging maasikaso at mahinahon na lalaking hindi madaling basahin.Parang nakaramdam ng mga matang nakatingin sa kaniya, biglang lumingon si Ethan at sinalubong siya ng isang banayad at magiliw na ngiti. Hindi iyon malapad, ngunit may init na nagbigay ng kakaibang damdamin sa dibdib ni Alyssa.Pinili ni Alyssa na ipalagay iyon bilang simpleng kabaitan lamang. Walang ibig sabihin, basta’t pormal na pakikitungo lamang bilang magkasamahan. Kaya’t gumanti rin siya ng isang mahinahong ngiti—wala namang mawawala, hindi ba?Ngunit laking gulat niya nang mapansin ang biglang pamumula ng mukha ni Ethan. Para ban

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 142

    Nang makita ni River ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Marco, saglit itong natauhan. Sa wakas, napagtanto niya na baka kailangan na niyang tumigil sa pangungulit. Dahan-dahan niyang inangat ang katawan mula sa pagkakasandal sa bintana ng sasakyan at marahang kumaway.“Marco,” aniya, may bahid ng pangungumbinsi sa tinig, “isang huling payo lang para sa ’yo. Kung itinuturing mo talaga si Alyssa bilang kapatid, huwag mong kontrolin ang bawat aspeto ng buhay niya. Alam mo ba kung ilang tao ang nanligaw sa kanya noong nasa eskuwela pa tayo? Kung hindi mo sila hinarang noon, baka hindi siya nanatiling single hanggang ngayon. Pero… kung tinitingnan mo siya bilang babae—”Hindi na hinintay ni Marco na matapos pa ang kaniyang sasabihin. Mariin niyang inapakan ang silinyador. Biglang umarangkada ang sasakyan, tila isang palasong kumawala mula sa busog.Matagal nang umuulan ng ambon, at dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng ulan, nag-ipon ng mababaw na tubig ang bahaging mababa ng paradahan.

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 141

    Habang patuloy na binabaybay ni Marco ang kalsada, mahigpit ang hawak niya sa manibela. Ang bawat ikot ng gulong ay tila sinasabayan ng pag-ikot ng mga salitang naiwan ni River sa kaniyang pandinig. Paulit-ulit, parang sirang plaka na hindi tumitigil:"Kuya ka nga, pero mas inaalala mo ang asawa mo."Napangiwi siya, ramdam ang paninikip ng kaniyang dibdib. Kilalang-kilala niya si River—hindi ito kailanman marunong rumespeto. Mula ulo hanggang talampakan, animo’y nakatatak na sa anyo nito ang pagiging bastos. Laging may halong yabang ang tikas, laging may sarkasmo ang tinig, at ang bawat titig ay puno ng panlilibak at pangmamaliit.Naalala niya pa kung paano iyon binitiwan ni River kanina, malamig, mabigat, at may lasong nakatago sa bawat pantig.“Marco,” anito, nakangiti ngunit puno ng pang-uuyam, “ang dami nang taon ang lumipas, pero bakit hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagaling sa pagkabulag mo?”Dati, hindi niya siniseryoso ang mga birong ganoon. Alam niyang ganoon talaga si Ri

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status