Share

Chapter 5

Author: JV Writes
last update Last Updated: 2025-01-17 13:52:53

ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.

Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari.

Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay.

“Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis na sabi nito.

Napakunot ang noo ni Alyssa. “Sino daw?” tanong niya, iniisip kung sino sa kanyang mga pasyente ang maaaring nasa ilalim ng emergency care.

“Si Ms. Cruz daw po,” sagot ni Lucas, bahagyang nag-aalangan.

Hindi na inalam ni Alyssa kung sino si “Ms. Cruz.” Sa halip, agad siyang tumayo at nagmadaling bumaba patungo sa emergency room. Alam niyang ang bawat segundo ay mahalaga sa ganitong sitwasyon.

---

Sa emergency room, tumambad kay Alyssa ang masalimuot na eksena. May mga pasyenteng tinutulungan sa iba’t ibang bahagi ng silid, ang ilan ay may mga bali, habang ang iba’y may malalalim na sugat. Napuno ng sigaw, pag-iyak, at tunog ng mga makina ang paligid. Mabilis niyang hinanap ang tinutukoy ni Lucas na si Ms. Cruz.

Sa isang sulok ng emergency room, nakita niya ito—si Samantha “Sam” Cruz. Nakahiga ito sa stretcher, duguan ang laylayan ng kanyang damit, at hawak ang kanyang tiyan na waring pinoprotektahan ito. Kahit nanginginig, nanatiling gising si Sam, ngunit bakas sa mukha nito ang sakit at pag-aalala.

“Sam?” nanlaki ang mga mata ni Alyssa nang makita ito. “Ano’ng nangyari?”

Nagsalubong ang kanilang tingin, at sa kabila ng tensyon, bahagyang tumango si Sam. “Naaksidente kami… tulungan mo ako, Alyssa. Ang anak ko…”

Agad tumawag si Alyssa ng tulong mula sa ibang staff at mabilis na nagsuot ng gloves. Pinakiramdaman niya ang pulso ni Sam at sinimulan ang proseso ng pag-stabilize sa kondisyon nito. Hindi pa panahon para manganak si Sam, ngunit ang aksidente ay nagdulot ng komplikasyon—may vaginal bleeding ito na kailangang kontrolin agad.

“Prepare an ultrasound,” utos ni Alyssa sa isang nurse. “Check fetal heartbeat.”

Habang abala siya sa pagsusuri kay Sam, naramdaman niya ang pangangatal nito. “Sam, kumalma ka. Hindi kita pababayaan,” sabi ni Alyssa, kahit ang puso niya ay tila dinudurog sa bawat salitang binibitawan.

“Doc, fetal heartbeat is weak,” sabi ng nurse matapos ang mabilis na pag-scan.

Napakagat-labi si Alyssa. Hindi ito magandang senyales, ngunit hindi siya maaaring panghinaan ng loob. “Increase the IV fluids. Monitor her vitals every two minutes. Sam, I need you to stay with me. Makinig ka, okay? Laban tayo.”

Habang inaasikaso ang kondisyon ni Sam, narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang yabag ng isa pang doktor na pumasok. Humarap siya, at sa gulat niya, isa sa mga kasamahan niya ang lumapit.

“Doc Alyssa,” sabi nito, medyo hinihingal. “Nandito rin si Mr. Delgado.”

Natigilan si Alyssa. May hinala na ito kung sino ang tinutukoy ng pumasok na doktor, kaya naman imbes na agad sumugod sa itinuturong pasyente, ang una agad na naitanong ni Alyssa ay “Sinong Delgado?” tanong niya, pilit iniintindi ang sinabi nito.

“Yung sikat na CEO at negosyante sa TV!" sagot ng doktor.

Parang tumigil ang oras. Napatingin si Alyssa kay Sam, na noon ay patuloy pa rin niyang ginagamot, bago siya bumaling pabalik sa doktor. “Nasaan siya?”

“Nasa kabilang cubicle po, duguan din.”

Mabilis na tumayo si Alyssa, iniwan si Sam sa mga kamay ng ibang doktor na handang magpatuloy sa pag-aalaga. Sa bawat hakbang papunta sa cubicle na tinutukoy, naramdaman niya ang bigat ng bawat galaw.

Ano ang ginagawa ni Marco sa aksidenteng ito? Siya lang naman ang kilalang sikat na negosyante ni Alyssa dahil itong Delgado na ito ay ang kaniyang asawa.

Pagkarating niya sa cubicle, nakita niya si Marco na nakahiga sa stretcher, duguan ang kanang bahagi ng kanyang ulo at may sugat sa braso. Gising ito, ngunit halatang may iniindang sakit.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat si Alyssa nang marinig ang unang mga salitang binitiwan nito. Mukhang hindi pa nakikita ni Marco kung sinong mga doktor ang lumalapit sa kaniya dahil nakapikit pa rin ito sa sakit na kaniyang nararamdaman.

Ngunit ang mga susunod na salita ni Marco ang siya namang nakapagbigay ng sakit sa puso ni Alyssa.

“N-Nasaan si Sam? Kumusta ang anak namin?” tanong ni Marco, halatang nababahala.

Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang mga salitang iyon ay nagbigay-linaw sa lahat ng kanyang kinatatakutan. Sa gitna ng pag-aalala niya para kay Marco, naramdaman niyang parang unti-unting nadurog ang kanyang puso.

“Marco…” mahina niyang tawag, ngunit hindi nito napansin ang kanyang emosyon.

“Doc,” sabi ng nurse na malapit kay Marco. “We’re stabilizing him. He’s conscious but needs immediate imaging for further assessment.”

Hindi na nakapagsalita si Alyssa. Tumayo lamang siya sa gilid ng stretcher, tinititigan ang duguang anyo ni Marco habang ang isip niya ay punong-puno ng tanong at sakit. Nang makita niyang muli itong tumingin sa direksyon ng emergency room kung nasaan si Sam, tila nanlambot ang kanyang tuhod. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapansin ni Marco na nandito si Alyssa sa kaniyang paligid.

Ang buong atensyon ng kaniyang asawa ay nakatuon sa isang babae bukod sa kaniya. Kay Samantha.

Hinawakan niya ang gilid ng stretcher ni Marco, pilit pinatatag ang sarili. Ngunit ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan ay unti-unti nang bumagsak.

“Marco,” mahina niyang sabi. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Hindi ito narinig ni Marco. Nakatayo lamang si Alyssa sa gilid habang pinanonood si Marco na nagpupumilit tumayo at saka dali-daling pumunta sa cubicle kung saan nakahiga si Samantha. Tumakbo siya pabalik kay Sam, na noon ay patuloy na ginagamot ng mga kasamahan niya.

Ang mga tanong sa kanyang isipan ay tila hindi maipaliwanag ng kahit sinuman. Ngunit isang bagay ang sigurado—ang sitwasyong ito ay magbabago ng lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 130

    Naroon lang si Alyssa, tulalang nakatingin kay Marco, tila hindi agad makapaniwala sa sinabi nito. “Nakakatawa ba ako?” tanong niya, bahagya ang pagkunot ng noo.Umiling si Marco, ngunit halatang may inis sa tono. “Sabihin mo na lang na wala kang konsensiya,” reklamo niya, habang patuloy na naglalakad pababa ng bundok. “Naalala mo ba nung bata ka, nagkasakit ka, ang taas ng lagnat mo, hindi mo na nga makilala ang mga tao sa paligid mo? Halos nanginginig sa takot ang nurse na lalapitan ka. Ako na lang ang bumuhat sa’yo buong gabi sa ward.”Biglang nanumbalik kay Alyssa ang alaala. Naalala niya iyon.Hindi naman siya ganoon kabata noon—nasa high school na siya. Pero malalim ang tinatago niyang sakit sa panahong iyon.Bina-bully siya sa eskuwelahan. Isang araw, pagbukas niya ng pinto sa CR, bigla na lang may bumagsak na palanggana ng malamig na tubig mula sa itaas. Basang-basa ang buong katawan niya. Walang kasalanan si Alyssa. Wala siyang inaping tao, hindi siya nangaaway. Pero dahil so

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 129

    Sa totoo lang, matagal nang gusto ni Alyssa si Marco. Ilang taon na ang lumipas, at kahit anong pilit niyang itago, hindi niya talaga ito kayang itanggi—ang damdaming iyon ay lumalim at nanatili.Pero sa paningin ni Marco… kapatid lang ang turing sa kanya.Kaya ngayong siya’y balak nang lumayo, ang inaasahan niya’y mabilis lang ang magiging paghilom ni Marco. Sa oras na wala na siya, babalik ito sa maayos na takbo ng buhay: may mainit na kama kasama ang tunay na asawa’t anak, may maunlad na karera, at panatag na araw-araw.Pero hindi iyon ganoon kadali para kay Marco.“Paano naging madali ‘yon?” bulalas nito, habang patuloy sa paglalakad. Hindi nagbabago ang ritmo ng kanyang mga hakbang, at mahigpit pa rin ang pagkakayakap ng kanyang mga braso kay Alyssa—buo, matatag, at walang bakas ng panghihina. “Hindi ako tulad mo. Ikaw, isang medical student na sanay sa dugo, sa trauma, sa pasyenteng nawawala araw-araw. Sanay ka na. Matigas na ang puso mo.”Nagkibit-balikat si Alyssa, tila hindi

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 128

    Biglang nakahinga nang maluwag si Alyssa. Parang unti-unting naglabas ng hiningang matagal na niyang pinipigil. May kung anong bigat na bumaba mula sa balikat niya—at sa loob ng dibdib niya, para bang may matagal nang nakabigkis na ngayon lang tuluyang nabunot. Isa lang iyong simpleng “Okay,” pero sa likod noon ay maraming takot at pangambang nawala.“Ayos lang,” sabi niya, mahina ngunit malinaw. May bahid ng pagkalma sa kanyang tinig, na para bang pinipilit nitong huwag ipahalata ang totoong kabig ng dibdib.Napansin ni Marco ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon. Kaya’t ngumiti ito—isang ngiting hindi pilit, hindi rin biro, kundi magaan at may tinatagong lambing.“By the way…” bungad ni Marco habang tuluy-tuloy pa rin sa maingat na paglalakad, “bakit ang bigat ng bag mo? Ano bang laman niyon?”Bahagyang natigilan si Alyssa. Napatingin siya sa kawalan, parang sinisilip sa kanyang isipan ang laman ng bag—isa-isang binibilang sa imahinasyon kung alin nga ba ang nagpapabigat.Na

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 127

    “Ma, ano ba ‘yang sinasabi n’yo…” sagot ni Alyssa, pilit pinapakalma ang sarili habang hawak pa rin ang cellphone.Ngunit sa kabilang linya, mas lumambot ang boses ni Olivia. “Sige na, hindi na kita istorbohin pa. Mag-enjoy na lang kayo diyan, ha? Kung abutin kayo ng gabi at hindi na kayo makakabalik, ayos lang ‘yon. Mag-check-in na lang kayo sa hotel. Huwag mo na akong alalahanin.”Narinig ni Alyssa ang tunog ng paghikab at mahinang yawn ng ina, pero kasunod nito’y mga sunod-sunod pang bilin—karaniwang mga paalala mula sa isang mapagmahal na ina. Ngunit ang huling bahagi ng sinabi ni Olivia ay nagpataas ng kilay ni Alyssa, lalo na’t may halong pabulong itong dagdag: isang serye ng mga bilin na may kinalaman sa kung paano raw “mabuntis agad.”“Subukan mo raw ‘yung sabaw na may luya, tapos pakuluan sa ikatlong araw pagkatapos ng period mo,” sabi ni Olivia sa kabilang linya, tila nagbabasa pa ng reseta. “Tapos ‘wag kang iinom ng malamig, at dapat nakataas ang paa mo pagkatapos n’yong… a

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 126

    “Hindi sinagot?” tanong ni Marco, kahit alam na niya ang sagot.Umiling si Alyssa habang hawak pa rin ang cellphone. “Hindi. Siya na mismo ang nagbaba ng tawag.”Napabuntong-hininga si Marco at simpleng umiling. “Kung binaba na niya, eh ‘di hayaan mo na. Huwag mo nang isipin. Kumapit ka na lang nang maayos—baka mahulog ka pa.”“Okay,” maikling tugon ni Alyssa. Kahit pa hindi ramdam sa boses niya, alam niyang parehong nilang naiintindihan kung gaano ka-komplikado ang simpleng tawag na ‘yon.Hindi pa man tuluyang nauupos ang katahimikan ay muling tumunog ang cellphone. Pareho silang nagulat—pero hindi si Sam ang tumatawag ngayon, kundi si Olivia, ang ina ni Alyssa.Hindi na nagdalawang-isip si Alyssa. Mabilis niyang inangat ang cellphone at agad sinagot ang tawag. “Hello, Mom?” Mahinahon ang boses niya, bagama’t ramdam ang pagod sa tono.Sa kabilang linya, agad sumagot si Olivia, ang kanyang ina—at sa tinig pa lang nito, dama na agad ang matinding pag-aalala. “Alyssa! Anak, bakit hindi

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 125

    Ngayon, si Marco ay isa nang ganap na lalaki. Hindi na siya 'yung payat at payatol na batang kilala ni Alyssa noon. Malapad na ang kanyang balikat, matatag ang tindig, at halata sa bawat hakbang niya ang kumpiyansang dala ng panahon at karanasan. Sa kabila ng manipis lang na tela ng kanyang polo, ramdam ni Alyssa ang init ng katawan nito sa ilalim ng kanyang palad—mainit, hindi dahil sa init ng panahon, kundi marahil ay dahil sa lakad nilang pataas kanina.Tahimik lang siyang nakasandal sa balikat ni Marco habang binabagtas nila ang pababang daan. Umaayon ang kanyang katawan sa pag-indayog ng mga hakbang nito—pataas, pababa—parang sinasalo siya ng bawat kilos ng lalaki.“Marco,” tawag niya, halos pabulong.“Hmmm?” sagot nito, hindi man lang lumingon.“Ang bigat ko ba?” tanong niya, may halong biro ngunit may bahid din ng pag-aalalang baka pabigat siya.Napahinga ng malalim si Marco, hindi dahil sa pagod, kundi parang nagpipigil ng tawa. “Alam mo ba kung ilang kilo ang binubuhat ko tuw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status