Share

Kabanata 20

“Tinatawag na ako ni Mommy, Alliyah! Good luck sa 'yo d'yan. Mag-iingat ka palagi. Mag-usap na lang ulit tayo bukas! I love you, frenny!”

Patuloy ang malalakas na pagkabog ng dibdib ko dahilan para hindi ko na masagot si Venus. Itinago ko na lang ang bahagyang panginginig ng kamay ko sa agarang pagbaba ng cellphone mula sa aking tainga. 

Napalunok ako nang mapagtantong marahil ay narinig ni Russel ang sinabi ko kanina. Tuloy ay gusto kong tawagan ulit si Venus at siya na lang ang kausapin! 

Tahimik na inilapag ni Russel ang dalang tray kung saan mayroong cookies at gatas na alam kong para sa akin. 

“Come here. Give yourself a break,” sa namamaos na boses ay sinabi niya. 

Umupo siya sa gilid ng kama, sa harap ng mini table kung saan niya inilapag ang tray. 

“N-nag-abala ka pa...” nahihiyang sam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status