Share

Kabanata 19

Wala na akong sinayang na sandali bagama't hindi naman ako nagmadali sa pag-alis. May ilang employees akong nakasabay sa elevator na gaya ko ay maaga ring nag-out.

Pagdating ko sa exit, hinarang ako ng guard. 

“Bago ka rito, hija?”  

“Opo,” maagap kong sagot. 

Mabilis niyang itinuro sa akin ang logbook. “Hangga't wala ka pang ID, kailangan mong pumirma sa logbook sa tuwing papasok at lalabas ka.”

Sinunod ko ang sinabi niya. Napansin kong marami-rami rin pala ang bagong employees na kapapasok lang ngayong araw. 

Nang tuluyan akong makalabas, agad hinanap ng mga mata ko ang lokasyong binanggit ni Glen. Naglakad lang ako para makatipid, hindi ko man alam kung gaano kalayo iyon. Mabuti na lang at walang hirap kong nahanap ang ice cream shop na kulay dilaw. Sa tabi no'n ay ang art store na sadya ko. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status