Malayang pumasok ang pang-umagang hangin sa kuwarto nang buksan ko ang glass doors. Bakas pa rin ang iniwan ng ulan sa magdamag at ang mga dahon ng puno't halaman ay hindi pa natutuyo. Malalim akong huminga at mas dinama ang sariwang simoy ng hangin bago muling bumalik sa kama upang ayusin ang nagulong bedsheets.
Nag-iinit ang mukha ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Akala ko isang beses lang pero nasundan pa dahil sa kalikutan ni Russel. It was a quick moment. Parang kahapon lang, nasa ibang bansa ako at nangungulila sa kaniya. Mabilis na nagbago ang kapalaran matapos ang isang gabi. Ang makasama siya kahit saan ay nakalulunod na. Paano pa kaya kung ganitong senaryo ang mabungaran ko araw-araw? Maybe when we get married. My face heated more. Parang hindi naman talaga ako nagka-edad dahil walang nagbago sa reaksyon ko sa tuwing naiisip siya. And it sucks to feel like I'm still a teenager having a crush on him.
Naayos ko na ang kama nang pumasok si Russel bitbit a
Hello, readers. Thank you so much for reading this story. This story is supposed to be written into two books but I realized that would be more time consuming so I decided to write it all down in one straight book. Anyways, since you've already reached this far, I'd like to know your thoughts, if you don't mind sharing me some. Thanks! – Inbluence
Wala akong ideya sa kung paano ko ipakikilala si Russel sa kanila pero nang makarating kami sa bakuran, tila bigla akong itinulak ng kumpiyansa. I smiled as I reach for his arms. Iginiya ko siya sa terasa kung saan naroon ang mag-asawa at si Nanay, kasalukuyang nag-uusap. Agad tumayo si Nanay nang makita kami. Dumapo ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Russel at alam kong nakuha niya ang ibig sabihin nito. “Tuloy ka, hijo.” Tumikhim ako upang mabawasan ang pagkailang sa nagtatakang tingin nina Tiya Marga at asawa niyang si Tiyo Carlos. “Uh, Tiya, si Russel po, boyfriend ko,” anas ko sabay baling kay Russel. “Si Tiya Marga, nakababatang kapatid ni Nanay at siya naman si Tiyo Carlos, asawa niya.” “Magandang araw po.” Ngumiti ang dalawa. “Nice meeting you, hijo! Kaygandang lalaki, ah!” palatak ni Tiyo Carlos. Napangisi ako. “Akala ko ba manliligaw pa lang, Alliyah?” Makahulugan akong tiningnan ni Nanay.
Tuwang-tuwa ako sa mga bata sa unang araw ko sa shop. They're all bubbly and energetic. Halos bitin pa sa ilang oras na session dahil ang lahat ay may kani-kaniyang rason kung bakit gusto nilang maging mahusay na artist balang araw, dahilan kaya nagtagal ang pagpapakilala. Some of the moms are there, too. Ang iba nama'y ayos lang kahit maiwan ng magulang. Our first lesson is all about shapes and colors. Naalala ko ang kabataan ko noon. Natuto akong gumuhit nang minsang nabighani ako sa isang larawan. That's how it all started. Nagkaroon ako ng interest sa pagguhit dahil sa kuyosidad. Iniisip ko noon kung anong kalalabasan ng isang larawan kung iguguhit ko. Masaya ang naging unang araw. I also discussed to them some parts of my childhood days kung kailan ako nagkaroon ng interes sa Sining at kung paano ko iyon napaunlad. They're also attentive kaya hindi ako nahirapang ipaliwanag sa kanila yung basic lessons. Ang kahalagahan ng art at kung anong maitutulong nito sa in
Bigla akong napalabas ng opisina nang umalingawngaw ang malakas na iyak ni Arianne. Naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig kasama ng mga nagkalat na krayola. “What happened?” nag-aalala kong sabi matapos ko siyang akayin patayo. “He pushed me, Teacher!” iyak niya habang itinuturo si Lionel na mas busangot pa ang mukha. “Is it true?” malumanay kong tanong. Hindi nawala ang matalas na tingin ni Lionel kay Arianne. “Yes, Teacher. She ruined my drawing that's why I pushed her.” Simangot na simangot si Arianne habang patuloy ang pagpalahaw. Inalo ko siya't pinunasan ang pisngi. “Sshh. Why did you ruin his drawing, baby?” “Because he colors the clouds green! Clouds are not green!” Humikbi pang lalo si Arianne kaya bahagya akong nakaramdam ng awa. “They look green in my eyes!” buwelta naman ni Lionel. Napahilamos ako, hindi ko alam kung matatawa ako o ano. These kids! I sighed as I fix the crayons. Ibinalik ko ang mg
Tulog pa rin si Lionel nang matapos ako sa pagluluto. Nakapagluto na ako't nakaligo. Nang balikan ko si Russel sa sala, mukhang malalim na rin ang tulog. Dahan-dahan akong sumiksik sa kaniya sa couch. “Hey, handsome...” mahinang saad ko habang pinaglalaruan ng daliri ko ang pang-ibaba niyang labi. Idinantay ko ang binti ko sa tiyan niya. “Russel...” Hindi siya natinag. Bumangon ako't tuluyan na siyang dinaganan. I buried my face on his neck while I'm on top of him. Nanatili ako sa ganoong posisyon at hinayaang lumipas ang ilang sandali. I closed my eyes and rested for a while. Hanggang sa naramdaman ko ang paggalaw niya. Ipinulupot niya ang mga braso sa akin. “Oh... my poor baby. I'm sorry,” aniya sa namamaos na boses habang marahang hinahaplos ang ulo ko. “I disturbed you.” I chuckled. It's too comfortable that I feel sleepy now. “Dinner's ready,” anas ko sa papahinang boses. “Alright. Five minutes,” he requested as he tightened the h
Sumisilip na ang mga nakatakas na sinag ng araw nang magmulat ako. Unti-unti kong nasilayan ang liwanag ng umaga na idinaan ko sa pagkurap-kurap. Ang mahabang binti at matipunong braso ni Russel ay nakadagan sa akin na siya ring nagbalik sa akin sa antok. Ngunit tapos na ang magdamag at panibagong araw na ito kaya't itinuloy ko na ang pagbangon. Sakto rin ang pagtunog ng doorbell, aligaga akong nabalik sa wisyo. Akmang tatayo ako ngunit napagtanto kong tanging kumot lang ang nakabalot sa akin ngayon. Napahilamos ako. “Russel...” Tinapik-tapik ko ang kaniyang mukha. Patuloy ang pagtunog ng doorbell na para bang inip na ang pumipindot noon kaya mas lalo akong naalarma. He groaned. Saglit na nagmulat ngunit umambang pipikit ulit. “Bangon na, Russel! May bisita ka!” Tamad siyang bumangon. He even checked his wristwatch like he's confirming something. Tumayo siya kaya't naiwan sa akin ang kumot. Buti pa siya, naka-boxer! Hindi man l
Makailang ulit kong pinasadahan ang establisyilemento kung saan ko tatagpuin si Venus. Bago pa man kami makarating dito ay sinabihan ko na siyang kasama ko si Russel nang sa ganoon ay hindi magulat.Sa isang maaliwalas at malawak na coffee shop na kahit tanghali na'y maeengganyo magkape ang sinoman.“I can wait for you here,” pagbabago ng isip ni Russel.“Sumama ka na.” Inangkla ko ang aking kamay sa braso niya at hinila siya papasok.Agad kong inilibot ang tingin ko upang maghanap ng magandang puwesto. Pinili ko ang sa bandang dulo, sa tabi ng bintana.“Sigurado kang ayos lang na nandito ako?” paninimbang niya.“Okay nga lang. Bakit hindi? Wala namang isyu.”I checked my phone. May message si Venus na nagsasabing malapit na siya. Habang nasa cellphone ang aking atensyon ay pansin ko naman ang tingin sa akin ni Russel kaya binalingan ko siya.“Bakit?”“Not
Marahas na tumayo si Venus at hindi makapaniwalang hinarap si Daimler.“What are you doing here?” aniya sa galit na tono. Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ni Daimler.Prente itong umupo sa bakanteng upuan.“Daimler!” Venus ranted.Hinawakan ko siya sa braso para awatin. “Kalma, Venus. Maraming nakatingin...”Dahil sa galit kaya maging ang mga taong nakikiusyoso sa amin ay matalas na binalingan ni Venus. Nagulat ang mga ito at sila na rin ang kusang umiwas.“Magkita na lang tayo ulit sa ibang araw,” mahinang saad ko.Hindi iyon nakapagpakalma sa kaniya. Padabog siyang umupo sa harap ni Daimler. Nanatili akong nakatayo roon habang si Russel naman ay nasa tabi ko na.“Speak up! Come fucking on!” inip na singhal sa kaniya ni Venus.“I thought you're going to slap me... I'm waiting...” mabagal ngunit naghahamong sagot ni Daimler.Napabuga si
Nanatili ang hindi maipintang mukha ni Alodia kahit nang simulan ko ang birthday message ko sa kaniya.“Uh, hi... I don't know you personally and I got invited here without knowing what for so I didn't know it's your birthday. I do hope you'll enjoy this day and, uh, happy birthday! You're beautiful!” tipid kong sabi.Ibinalik ko na ang mic sa lalaki.“Thanks,” hilaw na saad ni Alodia.May mga ilan pa rin namang pumalakpak at nag-cheer.“K, next!” Alodia exclaimed.Dumiretso ako kay Russel. “Ikaw na.”He nodded. “Wait for me here.”Siya naman ngayon ang pinanood kong pumunta sa unahan. Siguro dahil alam ng mga bisita na may nakaraan sila kaya kakaiba ang tono ng cheers na naririnig ko. And I admit, hindi ko iyon nagugustuhan.Iniabot ni Russel ang papel sa lalaki.“Five facts about Alodia!” malakas na anunsiyo nito sa mic.Malaki ang ng