Share

Kabanata 1

Nanatili akong nakatingin sa salamin habang dinadampot ang face powder sa study table na nakapuwesto sa gilid ng aking higaan. Doon din nakapatong ang mga libro ko at ilang sketchpad. Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at pinahiran ng kaunting liptint ang maninipis kong labi. Marahan kong sinuklay ang aking buhok at pagkatapos ay itinali iyon.

Sa harap ay kumikinang ang repleksyon ng suot kong hikaw. Simpleng white pearls lang ang mga iyon na bumagay sa pink kong dress. Hiniram ko lang ito kay Venus dahil lahat ng bestida ko ay luma na. Ayoko namang humarap sa mga bisita na ganoon ang suot.

Umupo ako sa dulo ng kama para maisuot ang sandalyas na kabibili ko lang din kahapon. Sinuwerte ako sa sinalihan kong art competition kaya't nagkaroon ako ng sapat na pambili ng mga gusto ko at yung iba ay ibinigay ko kay Nanay.

Nagawi ang tingin ko sa naka-frame na sketch sa aking study table. Halos tatlong taon na rin ang nakalipas magmula nung iginuhit ko siya at hanggang ngayon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Totoo nga talagang nangyayari ang love at first sight. Napapailing na lang ako sa tuwing naiisip ko yung nakatatawang nangyari noon.

Now I wonder, would he still recognize me kung sakaling magkita kami muli? Would he still remember the girl who messed up with his car's window years ago? Hindi ko alam. Pero alin man sa dalawang iyan, tiyak lalamunin na naman ako ng lupa sa kahihiyan.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago magpasyang lumabas na ng aking silid.

“Mabuti naman at nakagayak ka na. Tulungan mo ako rito,” bungad ng nanay ko. Nag-aayos na siya ng mga plato at iba pang kagamitan sa hapag-kainan.

Nagtungo ako sa kusina para kunin ang mga pagkaing ihahain sa mesa. Isa-isa kong ipinuwesto ang mga iyon sa maayos na pagkakahilera. Si Nanay ang nagluto ng mga putahe samantalang ako naman ang nagluto ng spaghetti at sopas.

Ipagdiriwang namin ngayon ang pagtatapos ko ng High School. Pagkatapos nito, hindi ko alam kung makapagpapatuloy pa ako sa kolehiyo dahil sigurado akong mas mahihirapan lang si Nanay. Kung magpupursige man ako hanggang kolehiyo ay sarili ko na lang ang pwede kong asahan.

Sa ngayon ay malabo pa sa akin ang susunod kong gagawin dahil wala pa akong malinaw na plano. Posible ring magtrabaho na muna ako para makapag-ipon.

“Nariyan na ang mga Clausen.” Pumasok si Tiyo Banny upang ibalita iyon.

Lumabas sila ni Nanay para salubungin ang mga bisita.

Lumapit ako sa pinto para makita rin sila. Dalawang magkasunod na kotse ang pumasok sa loob ng bakuran namin. Ang isa ay gray at ang isa ay itim. Mula sa gray na kotse ay bumaba ang isang babae. May suot siyang brown na shades. Pinarisan niya ng pulang heels ang suot na bodycon dress. Sa tingin ko'y nasa mid 40's na siya. Sa katabi niya'y isang lalaking nakasuot ng formal attire.

Sumunod na bumaba ang isang binata at isang dalagita mula sa itim na kotse. Sa kabuuang bilang ay apat lang sila ngunit naging mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Bukod sa ito ang unang beses na makikilala ko ang pamilya Clausen na silang may-ari ng lupaing pinagtatrabahuhan ng magulang ko ay masyado akong namamangha sa taas ng kanilang antas. Tuloy ay iniisip ko rin kung magugustuhan kaya nila ang mga pagkaing inihanda namin.

Nang tuluyan na silang nakapasok sa bahay namin ay hindi ko alam ang gagawin.

“Magandang araw po,” maingat kong bati.

“You're Allisa's daughter, right?” Ibinaba ng ginang ang kaniyang shades at tiningnan ako.

“Opo.” Ngumiti ako nang bahagya.

“Maupo na kayo.” Iginiya sila ni Nanay sa mesa.

“I like the preparations, Allissa. You all made these?”

“Kaming dalawa ni Alliyah, Ma'am Navi.”

Tahimik naming sinimulan ang pagkain.

“So... this is our first meeting, right? I am Navillie Clausen and this is my husband, Ridley Clausen. My son, Daimler, and my daughter, Madeley,” panimula ni Ma'am Navi.

“Alliyah po. Nice meeting you all po,” anas ko at isa-isa silang tiningnan ngunit tanging ang mag-asawa lang ang tumango sa akin.

Tumikhim si Sir Ridley. “Oh, I forgot. Congratulations, hija. Anong kukunin mong kurso sa college?”

“Hindi ko pa po alam,” nahihiyang sagot ko.

“Ah, sa ngayon kasi ay kapos kami. Pero kung papalarin, baka tumuloy siya sa pag-aaral,” sabi ni Nanay.

Sa sulok ng mga mata ko'y tahimik lang na kumakain ang magkapatid na Clausen. Ganito rin siguro sila kailap sa ibang tao. Tanging ang ingay ng nagbubungguang kubyertos ang naririnig ko.

“Oh, I see. Ilang taon ka na ba, Alliyah?” muling baling sa akin ni Ma'am Navi.

“Eighteen po.”

“Daimler is eighteen too but he's in third year college now. Why is that?”

“Natigil po kasi ako nang dalawang taon dahil na-ospital si Nanay.”

“Uhm, sayang naman kung hindi ka magpapatuloy,” saglit na tumigil si Sir Ridley at nilingon ang binatang anak. “Nasaan nga pala ang kuya mo, Daimler? Wala raw siya sa opisina niya.”

Iyon pa lang ang unang beses na nag-angat ng tingin ang anak nilang lalaki. “I don't know. Maybe he's in the condo.”

“He has no interest at all. Sinabihan ko siyang sumama sa amin dito pero ayaw niya,” may bahid ng paumanhin na sabi ni Sir Ridley.

“Naku, ayos lang, Sir. Sobra na po iyong pagpunta ninyo rito. Maraming salamat,” nakangiting tugon ni Nanay.

“Anyways, hija, kung gusto mo, puwede ka naming ilakad sa Clinton University. You can apply for a scholarship there. Daimler is also there to assist you kung kailangan mo ng tulong. Right, son?” She looked at Daimler.

Mula sa seryosong pagkain ay muli namang naabala ang binata. “Sure, 'ma,” tipid na imik nito. Sa tabi niya'y tahimik ding kumakain ang nakababatang kapatid na babae na sa pagkakatanda ko'y Madeley ang pangalan.

Tumikhim ako. “H-hindi po talaga ako sigurado kung magpapatuloy ako.”

Sir Ridley nodded his head. “Basta kung magbago ang isip mo, magsabi ka lang, hija.”

“Salamat po,” nangingiting saad ko at nahihiyang nagyuko. Itinuon ko na lang sa plato ang mga mata ko.

Ang kaninang nakalukunod na kaba ko'y biglang naibsan sa init ng pakikitungo nila. Hindi ko akalaing ganito sila kabait.

“The food's great!” Iyon ang huling narinig ko kay Ma'am Navi sa hapag hanggang sa natapos na kaming lahat sa pagkain.

Nauna nang umuwi ang mga anak nila, samantala nagpasama pa sa amin ang mag-asawa para libutin ang malawak na taniman.

“Gusto kong si Daimler ang mamahala ng lupaing ito pagkatapos niyang mag-aral.”

Naglalakad kami ngayon patungo sa taniman ng mais. Niyaya ni Tiyo Banny si Sir Ridley sa kung saan kaya't ang kasama ko lang ngayon ay sina Nanay at Ma'am Navi na silang nasa unahan ko at nag-uusap.

“Napakasuwerte ni Daimler kung ganoon,” komento ni Nanay.

Nabanggit sa akin ni Nanay na naging batch mate niya noon si Ma'am Navi kaya kahit papaano'y mayroon silang mabuting ugnayan. Anak-mayaman ito kaya naman hindi rin kataka-takang naging priority nito ang pag-aaral at kalaunan ay nakapagtapos at nasungkit ang pinakamataas na rank sa kolehiyo.

“Kung hindi lang matigas ang ulo ni Russel ay siya ngayon ang naririto kasama ninyo, hindi ang asawa kong si Ridley. That's why magmula noong nasa legal age na siya ay isinalang na siya sa training ng ama niya. Now, after years of training, he has successfully passed it. And oh! Bukas nga pala ay may event sa bahay. Sana makapunta kayo,” mahabang litanya ni Ma'am Navi.

Russel...

Para akong kakapusin ng hininga nang marinig ko ang pangalang iyon.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga para mabawasan ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko.

“Ganoon talaga kapag lumalaki ang mga bata. Nagkakaroon din ng sariling interests,” natatawang sagot ni Nanay. “Susubukan naming pumunta,” pahabol pa niya.

“You're right. Good thing, Daimler agreed to my offer. Besides, kung hindi pa siya papayag, mapipilitan kaming ibenta ito. Malapit na ang pagbalik namin ni Ridley sa Britain at gusto ring sumama ni Madeley dahil gusto niyang doon mag-take ng course niya.”

Nakalulungkot isiping posible palang mawala sa kanila ang lupain. Ilang taon na kaming namumuhay rito. At isa pa, hindi ko alam kung makakaya ba naming mangupahan ni Nanay gayong libre kaming nakatitira rito kapalit ng pangangalaga ng farm.

Pagbalik namin sa bakuran ay naghihintay na roon si Sir Ridley. Hindi na niya kasama si Tiyo Banny. Malamang ay bumalik na rin iyon sa trabaho.

“Let's go?” Inalalayan niya ang asawa papasok sa kanilang sasakyan.

“We're leaving, Allissa. Nice meeting you, hija.”

Kinawayan sila ni Nanay hanggang sa makalabas na sila ng main gate.

Nang kinahapunan ay nagsidagsaan na yung mga katrabaho ni Nanay sa farm upang ipagpatuloy ang munting selebrasyon. Ang totoo ay kaunti lang ang ginastos namin dahil ang karamihan ay mula sa ambag ng aming mga kabaryo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa kanila.

“Alliyah, gumising ka.”

Naistorbo ang tulog ko nang magising ako sa tapik ni Nanay. Agad napagawi ang tingin ko sa alarm clock at nalamang alas otso na ng gabi. Napagod ako sa paglilinis kanina kaya ang bilis kong nakatulog.

“Inay naman,” reklamo ko habang mas dinadama ang lambot ng kumot sa balat ko.

“Bumangon ka riyan at may bisita ka.”

“Gabing-gabi na, 'nay. Pauwiin niyo na po,” tamad na tamad kong sabi. Bumaling ako sa kabilang side.

Ngunit naramdaman ko na lang ang pagsakit ng tainga ko nang pingutin iyon ni Nanay.

“Aba! Kailangan mong harapin ang panganay na Clausen, kung hindi ay magagalit sa iyo si Ma'am Navi! Bilisan mo at naghihintay iyon!” pananakot niya sa akin sa pabirong paraan.

Awtomatiko akong napabangon sa gulat. Kinusot ko ang mga mata ko habang ang mga kilay ko'y nangungunot. “Anong ibig mong sabihin, 'nay?” kabado kong turan.

“Si Russel kako, pumunta rito ngayong gabi. Kaya pumaroon ka na!”

Agad umakyat ang init sa buong mukha ko. Mas lalo akong nataranta nang lumabas na si Nanay at sinabing sumunod na lang ako.

Gusto kong matulala pero nasasapawan ako ng halo-halong nararamdaman. Parang kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay narito na siya sa bahay! At bakit naman siya pumunta? Does he even know me? Hindi kaya pinapunta siya rito ng mom niya o ni Sir Ridley? But for what?

Makailang-beses akong huminga nang malalim bago suklayin ang magulo kong buhok. Hindi gaya ng nakasanayan ko'y hindi ko magawang ngumiti sa salamin. Bahagya ring nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan! Bakit? Bakit ngayon pa? Hindi ako handa!

Natabig ko ang pulbos dahil sa kabang nararamdaman. Nalaglag iyon sa sahig ngunit hindi ko na iyon nagawang pulutin pa. Nang masigurong maayos na ang hitsura ko ay nagtungo na ako sa pintuan. Hindi ko kaagad naihakbang ang mga paa ko palabas dahil para akong maduduwal sa kaba. Minasahe ko ang aking mga kamay para pakalmahin iyon saka tuluyang lumabas ng silid.

Nakayuko akong naglalakad patungo sa sala. Hindi ko yata siya kayang makita.

“Ano iyang ginagawa mo, Alliyah?” sita ni Nanay nang mabunggo ko siya.

Nakayuko lang ako't pinag-iisipan kung anong sasabihin ko. Ano nga ba? At dahil nakikita ko na yung pula naming carpet ay alam kong nasa sala na nga ako and worse... baka nasa harapan ko lang siya.

“Tss. What took you so long?” Ang boses na iyon ang tuluyang nagpahurumentado sa puso ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Sa galaw kong iyon ay nagtagpo ang aming mga mata. Iyong mga matang itim na itim na minsan ko na ring nakita ay hindi ko kailanman inasahang masisilayan kong muli at ganito pa kalapit ngayon.

Napalunok ako. Para bang naipon ang hangin sa dibdib ko at hindi ko na alam kung paano hihinga nang maayos. Naghalo-halo na yung mga iniisip ko.

Hindi na siya nagtagal sa kinauupuan. Tumayo siya dahilan para mapatingala ako. Napagtanto kong ganoon din pala siya katangkad.

“I just came here to give you this.” Kinuha niya iyong pulang kahong nakapatong sa upuang kahoy at diretsong iniabot sa akin. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. Ganito pala talaga siya kaguwapo!

Nang walang nakuhang sagot sa akin ay tumaas-baba ang Adam's apple niya. “Just... accept it already. I still have load of things to do,” bakas ang inip na sabi niya.

Tila nahimasmasan ako. “S-sorry. Pasensya na po sa abala.” Iniwasan kong maglapat ang aming mga kamay. Dali-dali ko iyong kinuha sa kaniya.

“I'm going,” suplado niyang paalam.

“Naku, hindi ka man lang ba kakain, hijo?” pigil ni Nanay.

“I'm fine, Tita. Thanks.” Tipid siyang ngumiti, hindi sa akin kundi kay Nanay.

Palihim akong napanguso. Bakit sa akin ay nagsusungit siya?

“Kung ganoon ay mag-iingat ka,” habilin ni Nanay.

Tumango lang siya bilang sagot. Nakalabas na siya ng pinto pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

What? Ganoon lang iyon? Ni hindi man lang niya ako tiningnan nang matagal!

“At ano namang hinihintay mo, Alliyah? Ihatid mo siya sa gate,” mariing utos ni Nanay habang tinutulak ang balikat ko.

“Inay naman, ano naman ang sasabihin ko?”

“Naku! Hindi puwede ang ganiyang asta, Alliyah! Dapat lang na maging maasikaso tayo sa bisita. Sige na, sundan mo na nang makapagpasalamat ka nang maayos!”

Wala na akong nagawa nang dalhin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Saktong papasok na siya sa kaniyang sasakyan nang mapansin niya ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status