Inalis ko ang kamay niya nang huminto kami sa traffic light. Kahit saang lugar niya dinadala ang kapilyohan niya. “Liam, may meeting ka pa,” sabi ko. Binuksan ko ang bintana upang makalanghap ng sariwang hangin.“I can cancel the meeting if you want to –” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang tingnan ko siya ng masama. Ngumisi siya. I rolled my eyes. Buong biyahe akong tahimik.Pagdating namin sa tapat ng kompanya niya agad kong nakita ang mga media. Alam kong siya ang pakay nila dahil bigla silang nagkagulo at nagtatakbohan nang nakita nila ang sasakyan ni Liam. “Damn it!” malakas na mura ni Liam nang muntik niyang masagasaan ang isang reporter. Binigyan niya ako ng facemask. May dinial siyang numero.“Paalisin niyo ang mga media sa labas ng kompanya ko!” maawtoridad na utos niya at agad na binaba ang tawag. “Bakit sila nandito?” Curious kong tanong. Sinilip ko ang mga reporters. Hindi nila kami makikita rito dahil tinted ang sasakyan niya. “Gusto nilang marinig ang stateme
Celine rolled her eyes. Kinuha niya ang remote ng TV at binuksan ito.“Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?” tanong ko. “Ako pa talaga ang tinanong mo, Francine? Ikaw dapat ang tinatanong ko kung bakit ka nandito,” pagtataray niya sa akin.Umupo ako ng maayos. Nilingon ko ang anak niya. Nakaupo ito sa swivel chair ni Liam. “Mommy, matagal pa bo ba si Daddy?” tanong ng bata. Tumango si Celine. “Yes, Selena. May meeting pa kasi siya.”“Celine, hindi niya ama si Liam. Bakit ba palagi mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa kaniya? Ginagamit mo pa talaga ang bata.” “I’m not using her, Francine. Anak siya ni Liam. Hindi pa nga lumalabas ang result tapos ganiyan ka na makapagsalita. Ano ba ang ipinagmamalaki mo?” She rolled her eyes again. “Bakit ba ayaw mong tanggapin na si Greg ang ama ni Selena?” Tumayo ako saka nilapitan ang anak niya. “Maawa ka sa bata, Celine. Pinapaasa mo siya. Alam mong sa simula pa lang hindi siya anak ni Liam. Anak siya ni Greg.”“Sa tingin mo madad
Mabilis na naglakad si Liam patungo sa amin. Hinila niya ako palapit sa kaniya. Napalunok ako nang tiningnan niya ang pisngi ko.“Sino ang sumampal sa kaniya?” tanong ni Liam sa kanila. “Daddy!” Nabitawan ni Liam ang pisngi ko nang biglang yumakap sa mga binti niya ang anak ni Celine. Nasilayan ko ang ngiti sa labi ni Celine nang buhatin ni Liam ang bata. Wala namang problema sa akin kung iniisip ng bata na si Liam ang totoong ama niya. Hindi ko siya kailangang idamay kung ano man ang namamagitan sa amin ni Celine. Labas siya sa problema ng mga magulang niya. Nag-angat ako ng tingin kay Liam nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Bumaba ang mga paningin nila sa kamay namin ni Liam. Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat. Agad napalitan ng galit ang ekspresiyon sa mukha ni Celine.“Sino ang sumampal kay Francine?” tanong niya ulit. “Wait, wait. She’s Francine?” hindi makapaniwalang tanong ng babae. “Bakit magkahawak kamay kayo?”“She’s my fiancé, Vivian
Padabog na lumabas ng opisina sina Celine at Vivian. Nagtutulakan pa silang dalawa kung sino ang mauunang lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang tuloyan na silang nakaalis. Sinulyapan ko si Liam, nakapikit ang mga mata niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa noo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “I thought si Celine lang ang babaeng baliw na baliw sa ‘yo,” panimula ko. Umupo ako sa couch. “Sino ang babaeng ‘yon?” “She’s Vivian Lacsamana. Magkapatid silang dalawa ni Vanessa sa ina,” sagot niya. Tumabi siya sa akin. Umusog ako palayo sa kaniya. “Are you mad?” Kinuha niya ang mga kamay ko. “I’m not mad. Lumayo ka nga sa akin. Ang init-init tapos dikit ka nang dikit sa akin!” bulyaw ko. He let out a heavy sighed. “Walang namamagitan sa amin. Hindi ko alam na pupunta pala siya ngayon pagkatapos ko siyang i-reject bilang investor ng kompanya.”“Ang lakas talaga ng karisma mo. Magkakapatid pa talaga ang nagkakagusto sa ‘yo.” I rolled my eyes
Madilim at tahimik ang buong paligid nang magising ako. Wala akong naririnig na kahit anong kaluskos. Iginalaw ko ang aking mga paa at kamay nang maalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. "Max? Liam?" Luminga-linga ako sa buong paligid. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nila habang naglalakad ako sa hall way. "Mommy, I'm here!" "Max!" sigaw ko. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng boses niya. Gusto kong umiyak sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. May nakita akong ilaw na nakabukas sa isang kwarto. Tumakbo ako patungo roon upang i-check kung nandoon ba ang anak ko. Nang hawakan ko ang doorknob, nakabukas ito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto isa-isang bumukas ang mga ilaw ng buong paligid. Napaigtad ako nang biglang may yumakap sa likod ko. Para akong nakunan ng tinik sa dibdib nang makita ko sina Max at Liam. "Tumingin ka sa loob ng kwarto," nakangiting utos ni Liam sa akin. Binuhat niya si Max at ipinagsiklop ang mga kamay namin. "Nanay Belinda?" sambit ko
Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nangingilid na rin ang mga luha ni Liam habang hinihintay ang sagot ko. "Kahit mag-propose pa siya ng ilang beses, papakasalan at papakasalan ko ang Daddy mo, Max," sagot ko. "Is that a yes, Mommy?" Max asked me. Tumango ako. "Yes, Max. I'll marry him." Tumayo si Max at lumapit sa akin. Siya mismo ang nagsuot ng singsing sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako lumapit kay Liam. "Gusto kong mag-propose na nandiyan ang mga pamilya at kaibigan natin. Gusto kong iparanas at iparamdam sa 'yo na hinding-hindi ka na mag-iisa," sabi ni Liam habang hinahawakan ang kamay ko. Dalawang engagement ring na ang naibigay niya sa akin. "Thank you for loving me kahit sobrang gulo ng mga nangyayari sa buhay natin. Maraming salamat dahil binalikan mo ako." "I love you," bulong ko bago siya hinalikan sa labi. Napangiti kaming dalawa nang naramdaman namin ang mahigpit na pagyakap ni Max sa mga binti namin. Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
WELCOME BACK, HONEY! Isang malaking tarpaulin ang sumalubong sa akin pagdating ko sa airport. Abot tenga ang ngiti ng aking mag-ama habang tumatakbo si Max patungo sa akin habang naglalakad naman si Liam. May bitbit siyang bulaklak. "Mommy!" masayang sambit ni Max. Muntik na siyang masubsob sa sahig nang bigla siyang tumalon patungo sa akin. "I missed you!" "Namimiss din kita!" Hinalikan ko si Max sa noo. Mahigit tatlong buwan akong nanatili sa America. Hindi ko siya isinama dahil dito na siya nag-aaral sa Pilipinas. Mahirap ang mawalay sa kaniya ng matagal lalo na't nasanay ako na araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama. Pero ngayon, hindi masyadong naging mahirap sa akin nang nasa America ako dahil araw-araw ko silang kausap pagkatapos ng mga ginagawa kong trabaho. Ayaw rin ni Liam na hindi niya ako nakikita. Natatakot siya na baka raw isang araw hindi na nila ako makontak. "How's your flight?" Ibinigay ni Liam sa akin ang bulaklak. "I miss you so much," bulong niya saka ako
Third Person's POV Nagmulat ng mata si Liam nang naramdaman niya ang malamig na kamay na humahaplos sa pisngi niya. Umigting ang panga niya nang nakita niya si Celine, nakasuot ito ng wedding gown. "Good evening, Scoth Liam Smith!" masayang bati ni Celine gamit ang malambing niyang boses. Sinubokang igalaw ni Liam ang kaniyang mga kamay at paa ngunit hindi niya ito maigalaw dahil naka-kadena ang mga ito. Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap niya ang kaniyang mag-ina. "Nasaan ako? Nasaan ang mag-ina ko? Saan mo sila dinala?!" pasigaw na tanong ni Liam kay Celine. Pinasadahan niya ng tingin ang madilim at tahimik na paligid. "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" sarkastikong tanong ni Celine. Umupo siya sa isang bakanteng silya para maka-level si Liam. Muli niyang hinawakan ang mukha nito ngunit mabilis na iniwas ni Liam ang mukha niya. "Ang taray. Ayaw magpahawak," nakangising komento ni Celine. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan ito. "Pakawalan mo ako rito! Ilabas mo ang pa