Share

Chapter 144

Nakahinga nang maluwag si Liam pagkatapos niyang maalis ang nakakandadong kadena sa mga paa niya. Napaupo siya sa sahig nang naramdaman ang pamamanhid ng buong paa niya. Inalalayan siya nina Francine at ng mga bata sa paglalakad exit dahil hindi siya makalakad ng maayos. Napadapa sila nang bigla na namang may sumabog. Mabilis na hinila ni Liam ang mag-ina nang biglang may nahulog na kahoy galing sa kisame.

"Mommy!" Hinawakan ni Liam ang kamay ni Selena nang bigla itong umiyak. "I'm scared..."

"Don't be scared. Nandito lang si Daddy. Ililigtas kita," bulong ni Liam para pakalmahin ang bata.

Kahit namamanhid ang mga paa niya at mahapdi ang kaniyang mga sugat, ginamit niya ang natitirang lakas niya para buhatin si Selena. Alam niyang hindi ito titigil sa pag-iyak kung hindi niya ito bubuhatin o hindi makita ang ina ng bata.

Napaatras sila nang biglang may nahulog na namang kahoy at kumalat sa dingding ang apoy. Luminga-linga sila sa paligid habang naghahanap ng daan palabas.

"We're
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status