Share

Chapter 145

Nagising si Francine pagkatapos ng malakas na pagsabog ng building. Napahawak siya sa ulo niya nang may nakita siyang tumutulong dugo. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit dahil sa lakas ng pagkabunggo ng ulo niya sa puno. Dali-dali siyang bumangon at hinanap sina Max at Liam.

“Max, Liam! Nasaan kayo?” sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya.

“Mommy!”

Hinanap niya ang kinaroroonan ng boses ng bata. Napapadaing siya sa tuwing may naaapakan siyang matutulis na bato. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang anak niyang umiiyak. Tumakbo siya para puntahan si Max. May sugat ito sa paa at galos sa kamay.

“W-Where’s your Dad?” tanong niya habang pinupunasan ang mukha nito.

Napalingon siya sa likuran niya nang ituro ni Max ang kinaroroonan ni Liam. Nakahiga ito sa lupa at walang malay. Binuhat niya si Max saka nila pinuntahan si Liam. Maingat niyang pinaupo si Max sa malaking bato. Hinawakan niya ang dibdib ni Liam. Nakahinga siya ng maluwang nang may narinig niya ang malakas na pagtibok n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status