Chapter forty-six
Pagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.
Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.
Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.
Nalulungkot ako para sa kanila.
Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
PROLOGUEMadalang lang sa mga kontrabida ang nagkakaroon ng happy ending. Parang ako, pinanganak akong kontrabida kaya inaasahan ko nang walang happy sa ending ko. Kilala ako ng lahat bilang isang spoiled brat, maldita, bastos, walang galang. Ang nag-iisang Imperial na masama ang ugali. Lahat ng tao, takot sa presensya ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakaka- depress naman talaga ang ganda ko. Nag-iisa na lang akong nabubuhay at sawa na akong palaging kumu-kontra. Ang akala ko, dahil mayaman ako, mabibili ko lahat. Ang mga damit, pagkain, kotse, bahay, nabibili ko. Maliban sa tao. Maliban sa feelings ng tao. Gusto kong maramdaman kung paano mahalin din, 'yong totoong pagmamahal, 'yong hindi ako niloloko. Kailangan ko ng taong handa akong tulungan sa pagbabago ko dahil ang isang kontrabida, hindi mananatiling kontrabida, nagre-resign din kami, 'no!
CHAPTER ONE"'Di ba kagabi ko pa kayo pinalayas dito sa bahay ko? Ba't nandito pa kayo?"Kasalukuyan akong nagbe-breakfast habang sila naman, sinisira ang araw ko. Nasa harap ko ngayon ang stepmother at ang mga stepsisters ko. Kagabi ko pa sila pinaalis kaya umiinit na naman ang ulo ko."Pero Amber, wala na kaming mapuntahan ng mga kapatid mo."Nabitawan ko ang kutsara dahil sa sinabi niya at dahan-dahang napalingon sakanila."Nagpapatawa ka ba? Walang mapuntahan? Eh, nasaan na pala 'yong mga perang nahuthot mo sa Papa ko? At please, kapatid? Hindi kasing kinis ko 'yang mga anak mo."Humahangos na napatayo ang stepmother ko habang nasa gilid naman ang mga anak niyang pinaglihi sa uling, nakayuko lang ang mga ito. Dapat lang na manahimik sila."'Wag kang magsalita sa'min ng ganyan. Asawa pa rin ako ng Papa mo. May karapatan pa rin ako sa bahay na 't
Chapter twoNapadaing ako sa sakit ng siko, tuhod at balakang. May mga malalaking kalmot pa'ko sa braso na lalong nagpagalit sa'kin. Mga walang kwenta! Kapag nagka-peklat ako sa braso, mamatay na sila."'Wag niyo akong hawakan! Mga bwesit!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako para maitayo.Nagsipag-atrasan agad ang mga ito sa takot. Kung kanina, para kaming nasa palengke dahil sa ingay ngayon, para kaming nasa game show, ang mag-iingay, matatanggal. Halos pati paghinga, tinatago nila sa'kin. Mga siraulo.Dahil sa gulo kanina, nagkalayo kami ni Farrah. 'Di ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas! Bakit ba kasi ang gulo nila? May pumunta bang artista kaya para silang mga kiti-kiti kanina?Walang nagtangkang lumapit sa'kin. Lahat sila nakayuko na at ang iba, pasimple nang umaalis."Miss, dalhin na kita sa Clinic."Tinignan ko ng masama ang taong lumapit at yumukod sa harap ko."'Di kita kailang
Chapter threeWalang ganang nilakad ko papasok ang mansion. Lalagpasan ko na sana ang garden nang may makita akong nakakainis. Huminto ako."Odette," sambit ko sa pangalan ng katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.Agad naman itong tumigil sa ginagawa at nilingon ako."Good afternoon, Mam Amber. Ano po 'yon?" tanong niya.Bumuntong-hininga ako. "Nakikita mo sila?" Nguso ko sa tatlong babaeng nasa garden, prenteng naka-upo at nagtsa-tsaa habang tumatawa. Nagmumukha silang mga tanga sa ginagawa.Sinulyapan ito ni Odette at tumango. "Opo.""Siguradong may masayang nangyari sa kanila ngayong araw," Bumaling ako kay Odette. "May iuutos ako sa'yo.""A-ano po 'yon?" mahina at nauutal na tanong niya."Nagdidilig ka 'di ba? Basain mo sila." Seryoso ang mukhang humarap ulit ako sa mag-iina. Mga walang kwenta.Nag-iinit ang tenga ko kapag naririnig ko silang tumatawa. Naiinis ako.Nang hindi gumalaw si Odette,
Chapter fourHindi na'ko nagtanong kung bakit kilala ni Farrah si Cin. Halata namang sikat ang lalaking 'yon. Nadumog na nga, eh. Sa itsura pa lang, alam ko nang marami ang naghahabol.Kasalukuyan akong nakahilata at nakatulala sa kisame nang biglang may kumatok. Pumasok si Odette na may dalang gatas."Inumin mo niyo na po 'to. Gusto niyo po bang kumain ng cookies?" Tanong niya na nagpabangon sa'kin.Mahilig mag bake noon si mama ng cookies at alam 'yon ng mga dating katulong na matagal na sa mansion, tulad ni Odette. Bumangon ako at tinignan si Odette na inilalapag ang gatas sa mesa. Walang imik akong tumayo at bumaba. Ako na lang kukuha para sa sarili ko.Paliko na sana ako sa kusina nang may marinig akong nabasag na sa tingin ko ay nanggaling sa sala. Nakita ko ang dali-daling pagbaba ni Odette ng hagdan at ng iba pang mga katulong para tingnan ang nangyari. Ano naman kayang nangyari?Kalmado akong naglakad para sundan sila.
Chapter fiveKinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh."O, Guerrero! You're early for the next subject!"Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan.Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan.