Chapter forty-three
Two weeks. Two weeks na akong araw -araw na may bulaklak. Nagdududa na talaga ako sa mga bulaklak na 'to. Walang palya. Araw-araw meron.
Para sa akin ba talaga ang mga bulaklak na 'to?! Hindi ata nagkakamali ang nagpapadala nito.
Iba't ibang bulaklak ang natatanggap ko, puro magaganda at hindi lang 'yon. 'Yong note, ang lalaking nasa drawing, mas lalong lumalapit sa puso. Sa araw-araw na pagpapadala ng flowers sa akin, palapit naman nang palapit sa puso ang lalaking nasa drawing.
Nagiging creepy na ang mga nangyayari. Agad kong pinunit ang note at tinapon sa basurahan dahil sa takot. Nasabi ko na kay Josephine ang bagay na 'to pero hindi ko sinabi sakanya 'yong mga note. Kilig na kilig siya samantalang ako, nag-aalala.
"Naku! Naaalala ko tuloy 'yong mga ginagawa ng asawa ko noon. Hays. Namimiss ko na siya! Excited na talaga akong umuwi bukas!" Tili ni Josephine na sinimangutan ng anak.
Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "U
Chapter forty-fourNatulog kami ng gabing 'yon nang magkatabi. Paggising namin, magkatabi pa rin. Parang ayaw naming malayo sa isa't isa, gusto naming parating nakadikit. Pababa kami ng hagdan habang nakayakap siya sa bewang ko."Bitaw na. Magluluto ako para breakfast natin." Saad ko.Pumunta kaming kitchen pero hindi niya ako hinayaang gumalaw. Nagulat ako nang pina-upo niya ako sa stool at siya ang nagsuot ng apron. Kumindat pa siya sa akin at ngumisi."Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling na asawa. Siguradong 'di mo na ako iiwan kapag natikman mo ang pag-aalaga ko."Ngumiti ako ng matamis sakanya. "'Di na ako aalis. Promise, kahit nasaan ka, sasama ako."Inisang hakbang niya ang pagitan namin at gigil na hinalikan ako sa labi. "Talaga. Kasi kapag aalis ka ulit, itatali na kita."Siya nga ang nagluto habang nanonood lang ako. 'Buti na lang nakapag-grocery ako ngayon kundi, sa labas kami kakain. Naiimagine ko na ang
Chapter forty-five"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako."Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod."Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip
Chapter forty-sixPagkatapos naming maikasal ni Cin, napuno kami ng mura galing kay Tito, Farrah at sa iba pang mga kaibigan. Nagtatampo ang mga ito pero sinabi kong may church wedding pa naman. Siguradong silang lahat invited. Walang maiiwan.Noong gabi ring 'yon, may nangyari sa amin. Ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Natakot akong gawin 'yon pero pinaramdam niya sa akin ang labis na pag-iingat kaya kalaunan ay nawala ang takot at napalitan ng saya.Nagkaroon na rin ako ng interes sa business. Ako na ngayon ang nagma-manage ng business na naiwan nila Mama at Papa. Sa tulong ni Tito at Cin, maayos ko namang napapatakbo 'yon.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong plano ng Mommy ni Cin. Dahil matanda na ang Daddy ni Cin, siya ang pinalit na CEO at wala namang naging reaksyon ang Mommy niya doon. Pero hindi pa rin siya nito kinakausap.Nalulungkot ako para sa kanila.Hinalikan ko ang nakanguso kong asawa
Chapter forty-sevenNapakapit ako sa sink nang biglang umikot ang paningin ko. Pinikit ko ng mariin ang mata at nang kumalma, dumilat na.Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto sa takot na mahilo ulit. Gosh, ano bang nangyayari sa'kin? Sa pag-aalala nga ni Cin, hindi siya nakapasok kahapon. Buong araw akong hilo at masama ang pakiramdam. 'Buti na lang naging maayos na ngayon kaya nakapag-trabaho na ulit si Cin.Kung ano-ano pang pinadala nila Tito at Mommy sa akin na sila Jeya at Farrah lang naman ang kumakain.Kasalukuyan akong nagbe-breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot nang makitang ang asawa ko ang tumatawag."Hello." Malambing kong bati."Ayos ka na? May masakit sa'yo? Gusto mo bang umuwi ako?"Natawa ako. "Ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala.""Hindi ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sa'yo. Kapag may masakit, tumawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang Odette para alalayan ka." May
Epilogue"Ang hot mong tingnan dyan. Naka-suit habang nagtitimpla ng gatas. Hot daddy!" Pang-aasar ng asawa ko habang papalapit.Napanguso ako at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako sa tuwing umiiyak ang anak ko.Bumaba ang tingin ko sa asawa ko nang lumusot siya sa harap ko at inayos ang suit ko. Mas lalong humaba ang nguso ko nang makalimutan kong magsuot ng necktie. Siya na ang nagdala no'n at sinuot sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-suot ng sapatos dahil sa pagmamadali.May baby sitter naman kami pero kapag nasa bahay kaming mag-asawa, kaming dalawa ang nag-aalaga sa anak namin. Madalas kaming walang tulog pero masaya naman. Sobrang saya.Niyakap ko ang bewang ni Amber at hinalik-halikan ang leeg niya habang busy siya sa pagsuot ng necktie sa akin."'Wag mo nga akong nilalandi. Akyatin mo na ang anak mo do'n para maka-alis ka na."Tumawa ako at humalik ng mariin sa la
PROLOGUEMadalang lang sa mga kontrabida ang nagkakaroon ng happy ending. Parang ako, pinanganak akong kontrabida kaya inaasahan ko nang walang happy sa ending ko. Kilala ako ng lahat bilang isang spoiled brat, maldita, bastos, walang galang. Ang nag-iisang Imperial na masama ang ugali. Lahat ng tao, takot sa presensya ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakaka- depress naman talaga ang ganda ko. Nag-iisa na lang akong nabubuhay at sawa na akong palaging kumu-kontra. Ang akala ko, dahil mayaman ako, mabibili ko lahat. Ang mga damit, pagkain, kotse, bahay, nabibili ko. Maliban sa tao. Maliban sa feelings ng tao. Gusto kong maramdaman kung paano mahalin din, 'yong totoong pagmamahal, 'yong hindi ako niloloko. Kailangan ko ng taong handa akong tulungan sa pagbabago ko dahil ang isang kontrabida, hindi mananatiling kontrabida, nagre-resign din kami, 'no!
CHAPTER ONE"'Di ba kagabi ko pa kayo pinalayas dito sa bahay ko? Ba't nandito pa kayo?"Kasalukuyan akong nagbe-breakfast habang sila naman, sinisira ang araw ko. Nasa harap ko ngayon ang stepmother at ang mga stepsisters ko. Kagabi ko pa sila pinaalis kaya umiinit na naman ang ulo ko."Pero Amber, wala na kaming mapuntahan ng mga kapatid mo."Nabitawan ko ang kutsara dahil sa sinabi niya at dahan-dahang napalingon sakanila."Nagpapatawa ka ba? Walang mapuntahan? Eh, nasaan na pala 'yong mga perang nahuthot mo sa Papa ko? At please, kapatid? Hindi kasing kinis ko 'yang mga anak mo."Humahangos na napatayo ang stepmother ko habang nasa gilid naman ang mga anak niyang pinaglihi sa uling, nakayuko lang ang mga ito. Dapat lang na manahimik sila."'Wag kang magsalita sa'min ng ganyan. Asawa pa rin ako ng Papa mo. May karapatan pa rin ako sa bahay na 't
Chapter twoNapadaing ako sa sakit ng siko, tuhod at balakang. May mga malalaking kalmot pa'ko sa braso na lalong nagpagalit sa'kin. Mga walang kwenta! Kapag nagka-peklat ako sa braso, mamatay na sila."'Wag niyo akong hawakan! Mga bwesit!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako para maitayo.Nagsipag-atrasan agad ang mga ito sa takot. Kung kanina, para kaming nasa palengke dahil sa ingay ngayon, para kaming nasa game show, ang mag-iingay, matatanggal. Halos pati paghinga, tinatago nila sa'kin. Mga siraulo.Dahil sa gulo kanina, nagkalayo kami ni Farrah. 'Di ko na siya nakita at hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas! Bakit ba kasi ang gulo nila? May pumunta bang artista kaya para silang mga kiti-kiti kanina?Walang nagtangkang lumapit sa'kin. Lahat sila nakayuko na at ang iba, pasimple nang umaalis."Miss, dalhin na kita sa Clinic."Tinignan ko ng masama ang taong lumapit at yumukod sa harap ko."'Di kita kailang