Share

CHAPTER TWENTY-SEVEN

PUMASOK AKO SA building ng office ng Luke nang may ngiti sa labi. Wala syang kaalam-alam na nandito ako ngayon dahil balak ko syang sorpresahin.

Tinawagan ko kahapon si Tita Patricia para tanungin kung anong paborito ni Luke na kainin, sabi naman sa akin ni Tita Patricia ay sinigang na baboy daw.

Nagluto ako kanina ng sinigang na baboy na dala-dala ko ngayon. Tumigil ako sa may front desk kaya napa-angat nang tingin ang dalawang babae na busy sa harap ng computer.

Natigilan pa sila nang makita ako.

Ngumiti ako, "Hi, balak ko sanang bisitahin si Luke Harrington... Anong floor ang office nya?" tanong ko.

"Ma'am may appointment po ba kayo kay Sir Luke?" tanong no'ng isang babae.

Umiling ako, "Wala eh"

Napangiwi ang babae sa narinig nyang sagot mula sa akin, "Ma'am, hindi po kasi pwedeng bisitahin si Sir Luke kapag walang appointment--"

Napatigil ang babaeng kausap ko sa pagsasalita nang may ibinulong ang isang babae na kasama nya, kumunot pa ang noo ng babae pero nakita ko kung paano unt
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status