LOGIN
“Sagutin mo nga ako, Vanessa. Bakit ko naman papakasalan ang katulad ni Elara na kumakanta lang para sa pera? Ginagamit ko lang siya para umangat pa lalo ang Gadiola Group. Kung hindi siya isang sikat na singer at hindi ko mapapakinabangan, bakit ako mag-aaksaya ng oras kasama siya? Mas madaling pasunurin at kontrolin ang babaeng akala niya ay siya lang ang aking mundo."
Napatigil si Elara sa kalagitnaan ng madilim na hallway. Ang malamig at kalkuladong boses ng kaniyang fiancé na si Lazaro ay parang patalim na dumeretso sa kaniyang dibdib.
"Seryoso, Lazaro?" Narinig niya ang mahinang tawa ng kasama nitong babae sa loob ng kuwarto. "Paano kung malaman niyang ginag*go mo lang pala siya at itong beachfront resthouse ninyo ang paborito mong tambayan kapag naiirita ka sa kaniya? Paano kung umiyak 'yang Queen of Heartbreak mo kapag nalaman niyang habang busy siya sa paghahanda para sa kasal ninyo bukas, nandito ka ngayon kasama ko?”
"Let her cry. Magaling naman siyang umiyak, 'di ba? Doon siya sumikat," malamig na sagot ni Lazaro. "Business is business at para sa akin, si Elara ay isang magandang investment lang. Wala siyang halaga sa akin kapag wala na siyang pakinabang sa mga kumpanya ko."
"Napakasama mo talaga, Lazaro. Pero sabagay, iyan ang gusto ko sa 'yo. Wala ka talagang puso." Tumawa si Vanessa habang nakahawak sa dibdib ni Lazaro.
"Puso? Sa mundong ginagalawan ko, ang puso ay para lamang sa mga taong mahihina. At si Elara? Napakahina niya. Napakadaling utuin,” tugon ni Lazaro.
‘Inakala kong ako ang himig na bumubuo sa buhay mo, 'yon pala, isa lang akong numero sa mga kontrata mo. Ang sakit malaman na ang lalakeng inakala kong magtatanggol sa akin, ay itinuturing lang ako bilang kasangkapan para sa negosyo. Hindi ako isang bagay na ginagamit lang ng kung sino-sino. Tao rin ako, nagmamahal, nasasaktan.’
Napahawak si Elara sa saradong p***o sa kaniyang harap habang pilit na pinipigil ang pagpatak ng mga luha at ang panginginig ng sariling katawan.
‘Hindi ako isang bagay na ginagamit lang ng kung sino-sino. Tao rin ako, nagmamahal, nasasaktan.’
"Ah… Lazaro… ang tigas naman niyan…" Biglang nabalot ang silid ng mga malalalim na paghinga ni Vanessa, kasabay ng paulit-ulit na lagutok ng kama. "Ang sarap mo, Lazaro… sige pa. Ganiyan din ba ang ginagawa mo… ah… sa Queen of Heartbreak mo kapag nandito siya?"
"Don't mention her name," malamig at tila paos na utos ni Lazaro kasunod ng nagmamadaling paghinga at ang tunog ng halik. "Wala siya rito… at hindi ka dapat nag-aaksaya ng panahon sa kaniya."
"Sabagay... ah... sige pa, bilisan mo pa, Lazaro..." maarteng daing ni Vanessa.
"F*ck you, Vanessa! Lal*b*san na ako... F*ck!" tugon ni Lazaro sa kaniya.
‘Ang boses na 'yan... 'yan ang parehong boses na bumubulong sa akin gabi-gabi kung gaano niya ako kailangan. Ibinigay ko ang lahat para maramdaman mong espesyal ka, pero mas pipiliin mo palang magpakasasa sa kama kasama ang ibang babae kaysa sa tapat na pagmamahal na ipinaparamdam ko sa 'yo.’
"Napakasarap mo talaga, Lazaro..." muling daing ni Vanessa sa gitna ng mabilis na ingay ng kama. "Sana bukas, bago ka humarap sa altar, dumaan ka muna sa akin..."
"Baka hindi na ako umabot sa altar kapag ipinagpatuloy mo 'yan," sagot ni Lazaro kasabay ng isang bahagyang tawa at ang mas lalong pagbilis ng kanilang pag-ungol.
Mabilis na napapikit si Elara at tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang dalawang kamay. Nanlamig ang kaniyang buong katawan. Hindi na niya kailangang buksan ang p***o, bawat salita at ingay sa loob ay sapat na para durugin ang apat na buwang ilusyon ng kaniyang pagmamahal.
‘Ginawa mong entablado ng kasinungalingan ang kama kung saan ako nangangarap na makasama ka habangbuhay.’
Mabilis siyang bumaba ng hagdan at patakbong lumabas patungo sa madilim na dalampasigan. Sa gitna ng ugong ng mga alon at ng malamig na hangin, doon pa lamang tuluyang sumabog at pumatak ang kaniyang mga luha.
‘Sabi nila, ang totoong pag-ibig daw ay parang musika. Hindi mo kailangang makita ang bawat nota, kailangan mo lang maramdaman ang himig para malaman mong iyon na. Pero mali ako… hindi pala pag-ibig ang naramdaman ko, kundi isang napakalaking kasinungalingan.’
Tinitigan niya ang gintong singsing sa kaniyang daliri na kumikislap sa ilalim ng buwan habang umaagos ang luha at bumabalik sa kaniyang isip ang mga huwad na alaala nila ni Lazaro.
‘Hindi lahat ng kumikislap, pag-asa. Minsan, ang bagay na pinakamaganda sa tingin mo, iyon pa ang mag-iiwan ng pinakamalalim na sugat.’
"Mali ako ng minahal," pabulong na daing ni Elara sa gitna ng hangin. "Inakala kong ikaw ang himig na bubuo sa akin, Lazaro. Pero hindi… hindi mo lang ako ginamit, sinaktan mo rin ako nang sobra-sobra!”
Inalis niya ang gintong simbolo ng kasinungalingan mula sa kaniyang daliri at nakipagtitigan sa resthouse sa malayo. Buong lakas niyang ibinato ang gintong singsing sa gitna ng nagngangalit na alon.
Tinalikuran niya ang nakaraan at nagsimulang maglakad sa gilid ng dalampasigan habang namumula ang mga mata at tuyo na ang luha sa kaniyang pisngi.
"Ibinigay ko sa 'yo ang pinakamagandang himig ng buhay ko, Lazaro. Pero simula ngayong gabi, tapos na ang kanta," wika ni Elara sa gitna ng dilim. "Tandaan mo ang gabing ito. Dahil ang bawat patak ng luhang itinapon ko sa buhangin na 'to… ang magiging huling notang aawitin ko na wawasak sa kumpanya at sa buong buhay mo."
“Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k
May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang
"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is
Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng
‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie."Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya."Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara."Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya."Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elar







