Share

66

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-05-21 15:29:27

Pagdating nila sa hotel, sabay silang bumaba ng sasakyan. Agad silang sinalubong ni Principal Mahumas na may mainit na ngiti. Kasama niya si Felix na agad itinuon ang atensyon kay Vaiana.

Napansin ni Vaiana na hawak ni Felix ang coat niya, at sa isang iglap, isinampay nito iyon sa balikat niya. “Medyo malamig na ngayong gabi. Baka ginawin ka,” sabay ngiti nito.

Nabigla si Vaiana sa kilos ni Felix. Napatingin siya sa coat, tapos kay Felix, at mahinahong tumanggi, “Okay lang ako, hindi naman ako giniginaw.”

Pero ngumiti lang si Felix at banayad na sinabi, “Babae ka pa rin, Vaiana. You should keep yourself warm.”

Pagkasabi nito, maayos na siyang lumayo, iniwan ang tamang distansya sa pagitan nila.

Napansin ni Principal Mahumas ang lahat at napangisi. Napalingon ito kay Kyro at pabirong sabi, “Mukhang may balak yata ang estudyante ko sa secretary mo, Mr. de Vera.”

Nanatiling tahimik si Kyro. Pursigidong sinundan ng tingin ang interaksyon nina Felix at Vaiana. Nanlamig ang mga mata niya ha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   68

    Parang tinamaan ng kidlat si Vaiana sa nasaksihan.Nanlamig ang kanyang mukha, nanigas ang buong katawan, at tila hindi siya makagalaw. Nakatayo lang siya sa may pintuan ng banyo, nakatitig sa dalawa—parang napako ang kanyang mga paa sa sahig. Gusto niyang tumakbo palayo, gusto niyang umiwas, pero hindi niya magawang alisin ang tingin sa eksena sa kanyang harapan.Hindi niya inakalang sa paglabas lang niya ng banyo, aabutan niya ang ganitong tagpo. Ganito na ba sila ka-close? Ka-intimate? Hanggang sa punto na naghalikan na?Ngunit sa kasunod na segundo, bigla na lang inilayo ni Kyro ang kamay ni Ariana na nakayakap sa leeg niya.Saktong paglingon niya, nagtagpo ang paningin nila ni Vaiana. Sandaling natigilan si Kyro, at ang tingin nilang dalawa sa isa’t isa ay puno ng tanong at lungkot. May halong paninisi, may halong panghihinayang.Wala nang oras si Kyro para magpaliwanag. Agad niyang iniatras ang katawan palayo kay Ariana at malamig ang boses na sinabi, “Miss Ariana, please respec

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   67

    Bihirang bihira niyang isinasama si Ariana sa mga pagtitipon, maliban na lang kung talagang interesado ito. At kahit kailan, hindi pa niya ito ipinakilala kay Kyro.Alam kasi ni Principal Mahumas na si Kyro ay hindi basta-bastang lalaki—may sariling mundo, may sariling panuntunan. Isa itong lalaking hindi madaling paamuin. At bilang ama, natatakot siyang baka masaktan o hindi kayanin ni Ariana ang ugali nito.Noong una, nais sana niyang ipares ang kanyang anak kay Felix. Maganda ang ugali ni Felix—mahinahon, marespeto, at siguradong aalagaan si Ariana. Naniniwala siyang kung si Felix ang mapapangasawa ng anak niya, tiyak na magiging magaan ang buhay nito.Pero ngayon, tila may pagbabago sa ihip ng hangin. Lantaran na ang pagtingin ni Felix kay Vaiana, at iyon ay halatang-halata ng lahat ng naroon.Samantalang si Ariana naman, ay mas pinapansin si Kyro—isang bagay na hindi nakakaligtas sa mata ng ama. Kaya’t kahit may pangamba, wala na siyang magawa kundi hayaan ang anak. Bahala na, an

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   66

    Pagdating nila sa hotel, sabay silang bumaba ng sasakyan. Agad silang sinalubong ni Principal Mahumas na may mainit na ngiti. Kasama niya si Felix na agad itinuon ang atensyon kay Vaiana.Napansin ni Vaiana na hawak ni Felix ang coat niya, at sa isang iglap, isinampay nito iyon sa balikat niya. “Medyo malamig na ngayong gabi. Baka ginawin ka,” sabay ngiti nito.Nabigla si Vaiana sa kilos ni Felix. Napatingin siya sa coat, tapos kay Felix, at mahinahong tumanggi, “Okay lang ako, hindi naman ako giniginaw.”Pero ngumiti lang si Felix at banayad na sinabi, “Babae ka pa rin, Vaiana. You should keep yourself warm.”Pagkasabi nito, maayos na siyang lumayo, iniwan ang tamang distansya sa pagitan nila.Napansin ni Principal Mahumas ang lahat at napangisi. Napalingon ito kay Kyro at pabirong sabi, “Mukhang may balak yata ang estudyante ko sa secretary mo, Mr. de Vera.”Nanatiling tahimik si Kyro. Pursigidong sinundan ng tingin ang interaksyon nina Felix at Vaiana. Nanlamig ang mga mata niya ha

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   65

    Natapos na silang mag-usap at naglalakad na rin silang dalawa. Tahimik lang na sumunod si Vaiana. Magkatabi ang mga hakbang nila, at para kay Felix, isa itong simpleng sandaling gusto niyang namnamin. Tahimik ang paligid, at sa bawat hakbang, unti-unting sumilay ang isang payapang ngiti sa kanyang mga labi.Ngunit nasira ang katahimikan nang biglang dumaan ang isang sasakyan sa tapat nila.Mabilis na lumapit ang kotse, at agad na kinabahan si Felix. Sa gulat at instinct, itinulak niya si Vaiana papalayo sa kalsada, pinuwesto ang sarili sa bandang gilid—sa panig na mas malapit sa sasakyan—upang masiguradong ligtas ang babae.Kitang-kita ang eksenang iyon mula sa rearview mirror ng sasakyan na malapit lang sa kanila.Nasa loob ng kotse si Kyro. Nanlaki ang mga mata niya habang nakamasid. Kumunot ang kanyang noo, at ang kanyang mukha ay nanatiling walang emosyon, pero ang mahigpit na pag-ipit ng kanyang mga labi ay hindi nakatakas sa pansin ng kanyang driver.Napansin niya kung paano til

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   64

    "Wala iyon, Miss. It’s my honor to come home. After all, this is my alma mater," sagot ni Felix na may ngiti sa labi.Masayang-masaya si Principal Mahumas. Bilang isang guro, walang hihigit pang kaligayahan kundi ang makita ang dating estudyante na matagumpay at hindi nakalimot sa pinanggalingan. Ang pagbabalik ni Felix at ang kanyang malaking donasyon ay tila nagbibigay ng bagong dangal sa paaralan.Samantala, si Vaiana naman ay tahimik lamang sa isang tabi, pinagmamasdan ang lahat. Ngayong muling nakita ang dati niyang guro at kaklase, parang ang hirap biglang lumayo. Kaya’t nakinig na lamang siya nang tahimik sa kanilang usapan.Humanga siya nang marinig na si Felix ay nag-donate ng ₱50 million sa kanilang alma mater. Ibang klase talaga siya. Kung ibang tao iyon, baka hindi na bumalik—lalo na kung maganda na ang buhay sa abroad.Biglang bumaling si Principal Mahumas kay Vaiana. "Vaiana, narinig ko na nasa de Vera Clan ka na raw ngayon."Napamaang si Vaiana, bahagyang napatigil. Hin

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   63

    May meeting pa si Liddy kaya matapos ang maikling kwentuhan, naghiwalay rin sila ni Vaiana.Pero hindi umuwi si Vaiana.Wala siya sa sarili habang naglalakad, tila ba autopilot ang katawan niya habang blanko ang isip. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hanggang sa napagtanto niyang nasa tapat na siya ng isang pamilyar na lugar—ang dati nilang paaralan sa junior high school.Mahigit sampung taon na rin ang lumipas mula noong nag-aral siya roon.Dahil sa mabilis na pag-unlad ng siyudad, marami na ang nagbago sa eskwelahan—renovated na ang mga gusali, may mga bagong building na itinayo, at mas moderno na ang paligid.Pero may isang bagay na nanatiling pareho.Ang lumang bato sa may gate na may nakaukit na “Minglang Middle School” ay nandoon pa rin—tila ba matatag pa rin sa kabila ng paglipas ng panahon.Ito ang eskwelahan nila ni Kyro.Dito nagsimula ang lahat.Hindi kailanman malilimutan ni Vaiana ang petsang iyon—Agosto 13. Isang araw na muntik na siyang mawala sa mundo.Tandang-t

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   62

    Mahaba ang buhok ni Kyla, at sa unang tingin pa lang ay makikita mong siya’y mahinhin, mahiyain, at tila madaling mabali ng kahit anong hampas ng mundo. Payat siya at may itsura ng isang batang takot sa buhay, tahimik at hindi sanay sa mataong lugar.Magkasingtangkad sila ni Vaiana, pero ang mas kapansin-pansin ay ang kaamuan ng mukha nito—malinis tingnan, inosente, at may kahawig kay Althea. Uri ng ganda na mahirap tanggihan ng sinumang lalaki. Walang bahid ng kapilyahan, walang bakas ng kalaswaan. Isa siyang dalagang tiyak na mag-uudyok ng protective instinct sa kahit sinong lalaki.Nagpakilala ang may-ari ng nightclub habang nakatayo sa tabi ni Vaiana. “Ito ang bago namin, hindi pa talaga nagtatrabaho. Baguhan pa lang, inoo-orient pa lang namin. Maganda siya, maamo, taga-probinsiya. May sakit daw ang nanay niya sa probinsya kaya napilitang pumunta rito para maghanap ng pera. Malinis ang background, wala pang kahit anong history.”Tahimik na tumango si Vaiana. Nararamdaman niya sa s

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   61

    Naalala ni Vaiana ang araw na iyon—ang gabing si Althea ay tumakbong umiiyak palabas ng opisina.Ngayon, heto na naman siya, nakangiti at parang walang nangyari. Kung nakakangiti na ulit siya, ibig sabihin, may masayang nangyari sa kanya.Napakunot ang noo ni Vaiana. Hindi siya sigurado kung ano ang dapat isipin. Hindi rin naman niya gustong ipahiya ang sarili, kaya pinili na lang niyang balewalain si Althea.Ngunit si Althea, imbes na mainis, ay ngumiti pa at malambing na nagsalita bago pumasok ng elevator. “Vaiana, I know... hindi ka na rin magtatagal dito. Let me give you a few days to shine. It’s not a big deal, kasi at the end of the day, ako pa rin ang pipiliin ni Kyro.”Bago pa man makasagot si Vaiana, nagsara na ang elevator. Naiwang nakatitig si Vaiana sa ngiting tagumpay ni Althea—isang ngiting parang alam na nito ang katotohanan: na si Vaiana ay isa lamang pansamantalang asawa. Isang biktima ng kasal na hindi kailanman totoo.Nanginginig ang kamay ni Vaiana habang pinipigil

  • Billionaire's Secret Wife is His Secretary   60

    Hindi dapat umasa si Vaiana ng higit pa. Kung may hihilingin man siya, sapat na sigurong maibalik sa dati ang relasyon nila—yung parang wala lang nangyari, balik sa simula.Sa tingin niya, iyon ang dapat niyang gawin.Sa paningin ni Kyro, normal lang ang lahat. Pero habang pinagmamasdan niya ang maputla at lupaypay na mukha ni Vaiana, alam niyang may mali. Ayaw na niyang ungkatin pa ang kung anu-anong isyu, kaya ang nasabi na lang niya ay, “Next time, don’t go out on your own like that. At least bring your phone, or someone with you. Para madali kitang mahanap.”Mapait ang ngiting ibinalik ni Vaiana. Na parang sinasabing ‘Ano pa bang pinagkukunwari mo, Kyro?’Nagpapanggap lang ba siyang nag-aalala? Para saan? Para lang mapawi ang guilt niya?Dapat ba siyang makisali sa palabas?Maamo ang sagot ni Vaiana, parang sunud-sunuran. “Oo, susundin ko.”Tahimik na umupo si Kyro sa harap niya, at mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Tila sinisigurado niyang wala na talagang ibang p

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status