Share

192 (Unedited)

Kaya nang makuntento ako sa ayos ko, kinuha ko ang sling bag ko at lumapit sa kanya. Nang makatayo ako sa harapan niya, tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Kaagad naman siyang napaangat ng tingin saakin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, "T-tara na."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Dala nang sobrang pagkailang sa titig niya, tumalikod na ako. Pero hindi pa man ako nakakahakbang, halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Gulat ko siyang nilingon. I gulped hard when he stared at me, "B-bakit?"

"Let's go together."

Naramdaman ko ang paghumirintado ng puso ko sa sinabi niya.

"Baka magtaka ang kapatid mo kapag hindi tayo magkasabay."

Pero kaagad ding naglaho ang pagka-flutter ng puso ko sa dinagdag niya.

Oo nga pala. We need to pretend that we're okay. Kaya niya ako hinintay dahil ganun siya noon. Sabay kaming lumalabas ng kwarto. Kaya hindi na rin ako nagulat nang tumayo siya at pinagsakilop ang mga daliri namin.

"Let's go."

Para akong papel na s
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status