Share

#232

Author: Cathy
last update Last Updated: 2026-01-13 22:22:51

CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV

"Kawawa naman siya! Sa palagay mo ba, naging harsh ako sa kanya noong hinila ko siya at itinulak palayo sa iyo?" wala sa sariling tanong ko kay Neilson habang nakatanaw ako sa palayong si Catalina

Sa totoo lang, habang pinagmamasdan ko ito kanina, nakakaramdam din naman ako ng awa sa babaeng iyun. Hindi lang pasa sa pisngi at black eye ang napansin ko dito kanina kundi may iba pa itong pasa sa braso at binti. Mukhang nabugbog nga talaga siguro ang babaeng iyun at disperado na kaya tumakbo dito kay Neilson para magmakaawa.

"Naaawa ka sa kanya? Ginusto niya ang buhay na ganiyan kaya dapat lang na harapin niya." seryosong sagot din naman ni Nielson sa akin

"Pero, paano kung palagi siyang binubugbog ng asawa niya? Kawawa naman siya." seryosong sagot ko din dito. Narinig ko naman ang mahina nitong buntong hininga bago ako nito nakangiting hinarap

"Alam mo, kahit na medyo maldita ka, hindi ko din naman akalain na ganito ka maawain. Ano ang gusto mon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Joselita Garcia
sana nga Wala Ng 3rd party para masaya baka nman ilang chapter tapos maghiwalay nman c casandra at Nielson dahil my babae na nman
goodnovel comment avatar
Dani Kuys Flores
More update po at sinonkaya next? Si jillian si raplh or ava ba yun
goodnovel comment avatar
Gong Xi Fa Cai
Thanks author more update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #232

    CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Kawawa naman siya! Sa palagay mo ba, naging harsh ako sa kanya noong hinila ko siya at itinulak palayo sa iyo?" wala sa sariling tanong ko kay Neilson habang nakatanaw ako sa palayong si Catalina Sa totoo lang, habang pinagmamasdan ko ito kanina, nakakaramdam din naman ako ng awa sa babaeng iyun. Hindi lang pasa sa pisngi at black eye ang napansin ko dito kanina kundi may iba pa itong pasa sa braso at binti. Mukhang nabugbog nga talaga siguro ang babaeng iyun at disperado na kaya tumakbo dito kay Neilson para magmakaawa. "Naaawa ka sa kanya? Ginusto niya ang buhay na ganiyan kaya dapat lang na harapin niya." seryosong sagot din naman ni Nielson sa akin "Pero, paano kung palagi siyang binubugbog ng asawa niya? Kawawa naman siya." seryosong sagot ko din dito. Narinig ko naman ang mahina nitong buntong hininga bago ako nito nakangiting hinarap "Alam mo, kahit na medyo maldita ka, hindi ko din naman akalain na ganito ka maawain. Ano ang gusto mon

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #231

    CASSANDRA VILLARAMA POV KAKATAPOS lang namin kumain at kasalukuyan kaming nagpapahinga dito sa living area nang sabihin ng isa sa mga kasambahay namin na may bisita daw na naghahanap dito kay Neilson sa labas ng bahay. "Bisita? Sino po, manang?" nagtatakang tanong naman ni Neilson dito. Natigilan naman ako. Napaangat ng tingin at direktang tumitig kay Manang "Eh, si Mam Catalina po, Sir! Nasa labas po siya. Maraming pasa po at umiiyak at hinahanap po kayo." sagot din naman kaagad ni Manang dito Mas lalo akong nagtaka. Pasa? May pasa si Catalina? Kanino galing ang pasa? "Sige po, Manang. Sabihin nyo pong maghintay sa garden. Susunod po ako." seryosong sagot naman ni Neilson at pagkatapos noon, nakangiti naman ako nitong hinarap "Gusto mo bang sumama sa akin sa labas? Kakausapin ko lang si Catalina para alamin kung ano ang problema." masuyo nitong wika sa akin. Walang pagdadalawang isip na kaagad din naman akong umiling "Ayos lang. Bisita mo siya at hindi naman yata magand

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #230

    CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV Kung gaano kasarap ang naranasan ko sa piling nitong si Neilson kagabi pero sa unang pagmulat ng aking mga mata kinaumagahan, nandoon na naman ang feeling na para bang hinahalukay na naman ang aking sikmura Direcho na naman ako ng banyo at walang ibang ginawa kundi ang sumuka nang sumuka habang si Neilson naman ay todo alalay sa akin. Nandoon na hihimasin ang likod ko, pupunasan ang pawis sa aking noo at kung anu-ano pa para daw kahit papaano, maibsan man lang ang paghihirap ko ng sandaling ito "Ahhh God, ano ba ito. Neilson, mamamatay na ba ako?" mahina kong sambit Pangalawang araw ng morning sickness at hindi ko alam kong kakayanin ko pa ba ang mga kasunod pang mga araw. Feeling ko kasi pati bituka ko gusto nang lumabas sa bibig ko eh "I am sorry, wifey pero kaya mo iyan. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo palagi. Kakayanin nating dalawa ito." narinig ko namang bigkas ni Neilson. Patuloy ito sa paghagod sa likuran ko hab

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #229

    NEILSON BRACKEN POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero talagang hinihila ang buong diwa ko dahil sa matinding antok WAla akong ibang gustong gawin ngayun kundi ang mahiga sa kama habang nakayakap si Cassandra sa akin. Oras ng pagkain ng dinner, niyaya pa ako nito pero hindi ko talaga kayang bumangon kaya no choice yata si Cassandra kundi ang kumain na mag-isa. "Neislon, are you sure na ayaw mong kumain? Gusto mo dalhan kita ng pagkain dito sa kwarto? Gusto mo subuan kita?" nakangiting wika pa ni Cassandra sa akin Wala sa sarilling napatitig ako dito. Mabuti na lang talaga at liban sa cravings nitong ihaw-ihaw kanina, hindi na ito naghanap ng iba pang pagkain. Tsaka, parang hindi naman ito apektado sa pagdadalang tao. Hindi na din nahihilo at hindi pa nga yata ito nakatulog simula noong dumating kami kanina eh "No, okay lang ako, wifey. Ikaw na lang muna ang kumain. Pasensya ka na ha...medyo masama kasi talaga ang templa ng katawan ko ngayun eh." pilit ang ngi

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #228

    CASSANDRA VILLARAMA POV MAAYOS naman kaming nakarating ng mansion. Pagkadating namin ng mansion, parang namang biglang nagbiro ang tadhana. Kung kanina habang nasa biyahe kami, antok na antok ako, iba naman ngayun. Buhay na buhay ang dugo ko kaya naman imbes na matulog, nagpasya akong lumabas ng mansion at tumambay sa garden Si Neilson naman ay hinayaan kong matulog. Kanina kasi pagkadating namin, naglinis lang ito ng katawan at nahiga na sa kama. Naawa naman ako kaya naman hinayaan ko na. Habang nasa garden ako, nagpasya akong tawagan si Mommy para ibalita dito ang isang napakagandang balita tungkol sa pagdadalang tao ko. Siyempre nagpahayag ito ng matinding tuwa. Natupad na din daw ang matagal nitong ipinagdarasal na sana magkaanak na din kaming dalawa ni Neilson para mas lalong tumibay ang pagsasama namin. "Ingatan mo ang sarili mo ha? Siya nga pala, sa susunod na araw, bibisitahin namin kayo diyan ng Daddy mo sa Cebu. Pakibangit na lang kay Neilson." seryosong wika ni Momm

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   #227

    NEILSON BRACKEN POV START na ba ang tinatawag ng food cravings ng asawa ko? Start na nga yata dahil kahit na gaano pa kasarap ang mga pagkain na inorder nito kanina sa restaurant talagang naghanap pa ito ng street foods and now, tingnan mo nga naman, sarap na sarap ito sa mga kakaibang pagkain. Mga exotic na pagkain na sa tanang buhay ko, hindi ko pa natitikman at wala sana akong balak na tikman Sino ba naman kasi ang nag-aakala na ang anak ng isang kilalang tao sa larangan ng pagnenegosyo ay sarap na sarap ngayun sa kinakaing laman loob ng manok at ang matindi pa ay gusto pa akong idamay nito "Neilson, sige na, help na ubusin ito. Ikaw din, hindi tayo uuwi ngayun hangang hindi natin ito mauubos." muling wika nitong si Cassandra sa akin sabay abot na naman nito sa akin ng inihaw daw ng dugo ng manok Hindi ko pa nga nauubos ang isaw na ibinigay nito sa akin kanina tapos heto na naman. Binigyan na naman ako ng isa pa. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang tikman at iisipin ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status