AMERY HEART POV "Saan ka natulog kagabi? Hindi ka man lang tumawag sa akin? Sobrang nag-aalala ako sa iyo." muling tanong ko kay Elias pagkalabas niya ng banyo. Kahit na masama ang loob ko sa kanya, talagang inabangan ko ang paglabas niya ng banyo para tanungin. Gusto ko pa rin maramdaman na nag-aalala din siya sa akin lalo na at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. "Amery, sorry! I'm tired. Wala ako sa mood ngayung para makipag-usap! Ang daming trabaho na dapat tapusin sa opisina at wala akong time para sa interogasyon mong iyan." seryoso niyang sagot sa akin sabay higa sa kama. Patalikod siyang nahiga sa akin at ilang saglit lang, narinig ko na lang ang mahina niyang hilik. Impit naman akong napahikbi. Ang kaninang luha sa aking mga mata na gusto kong pgilan ay kusa nang naglandas patungo sa aking pisngi. Napatitig ako kay Elias na noon ay natutulog na, Ramdam ko ang sakit ng kalooban. Hindi ko makapaniwala na sa isang iglap, magiging ganito ang katamlay at kalam
AMERY HEART POV PAGKATAPOS kong kumain ng dinner, isang pasya ang nabuo sa isipan ko. Pupunta ako ng hospital. Hindi ko na kaya! Alam kong mahirap itong gagawin ko pero gusto ko nang katotohanan. Dali-dali akong nagbihis pagkatapos kumain. Naglakad palabas ng bahay at sumakay ng kotse. Dumaan muna ako sa bahay namin ni Kuya Luis para magpalit ng sasakyan. Alam kong katangahan itong naiisip ko at posibleng makasama sa pagbubuntis ko ang gagawin kong ito pero wala eh. Hindi talaga ako matahimik. Hindi ko din kaya na basta na lang maupo at maghintay sa kung ano pa man ang mangyayari. Pagdating ko sa bahay naming dalawa ni Kuya Luis, lumipat ako sa kabilang sasakyan. Pinili ko talaga ang may heavy tinted sa sasakyan para madali lang sa akin ang mag-imibisitiga. Wala eh, gusto ko na din kasing lubos-lubusin ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun. Mabilis naman akong nakarating ng hospital. Tama ako, nandito pa nga si Elias sa hospital na ito dahil nakita ko pa ang kanyang kot
AMERY HEART POV MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Kahit na nasasaktan sa bawat araw na nagdaan sa kakaisip na hindi naman talaga out of town ang dahilan kaya wala si Elias. Alam kong iyung babae na iyun ang kasama niya at masaya siya samantalang ako naman ay masyadong nasasaktan. Stress na stress ako at ang laki na din ang binagsak ng aking katawan. Mabuti nalang talaga at palagi akong dinadalaw ni Mommy MIracle kaya kahit papaano, nalilibang ako. Mukhang wala din siyang kamalay-malay sa kung ano ang ginagawa ng anak niya. Palagi niya pa rin kasing nababangit sa akin na pagkapanganak ko daw, dapat daw magpaksal na kami ni Elias. Ang dalawang linggo na pangako ni Elias na uuwi siya ay hindi naman nangyari. Kahit si Mommy Miracle ay tinatawagan niya din ito pero bihira lang daw niyang ma-contact. Kung hindi naka off ang cellphone, hindi din naman ito sumasagot sa tawag. Kasalukuyan kaming nasa garden ni Mommy Miracle nang bigla na lang dumating sila Charlotte at Jeann. I
AMERY HEART POV AKALA ko madali lang ang mag-handle ng ganitong problema pero mahirap pala. Now I know! Mas naiintindihan ko na si Kuya kung bakit halos mabaliw siya noong namatay si Ate Mia. Masakit pala talaga! Sobrang sakit ang harapin ang matinding kabiguan sa pag-ibig. Sa nakalipas na mga araw, feeling ko lalo akong nalulubog. Oo, tumatawag naman minsan si Elias sa akin para kumustahin ang kalagayan ko. Ang pinagbubuntis ko Nababaliw na nga din yata ako dahil feeling ko hindi naman talaga siya concern sa akin eh. Sa baby lang yata siya concern. Feeling ko nga may depression na ako eh. Para na akong mababaliw sa matinding pag-iisip. Ni ang pag-inom ng mga vitamins ay nakakaligtaan ko na nga din. "Kailan ka ba talaga uuwi?" hindi ko na mapigilan pang tanong sa kanya. Kagaya na lang ngayun kausap ko siya sa cellphone. Sa loob ng halos isang linggo na bigla na naman siyang hindi umuuwi ng bahay, pangalawang beses pa lang ngayun na tumawag siya sa akin. Alam ko din naman k
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero nang muli kong imulat ang aking mga mata nasa isang pribadong silid na ako. Nang kapain ko ang aking tiyan ay wala na ang umbok doon kaya biglang dagsa ang takot sa puso ko "Ang anak ko. Kumusta ang anak ko?" mahinang tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ng kung sino sa akin at nang ibaling ko ang aking tingin ang seryosong mukha ni Charlotte ang sumalubong sa akin. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Amery. Napaanak ka ng wala sa oras pero nasa incubator si Baby. Although mino-monitor ng mga Doctor ang kalagaya niya pero siguro naman na magiging maayos siya." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ang akala ko talaga masama nang nangyari sa anak ko. "Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit pati ang anak ko ay nahihirapan ngayun." mahina kong sambit. "Amery, ano ba? Ano ba iyang pinagsasabi mo? Kahit kailan huwag
AMERY HEART POV "Hindi! May ginawa ka bang kasalanan para magalit ako sa iyo?" seryosong tanong ko sa kanya! Natigilan naman siya sabay iwas ng tingin sa akin. "Pakiayos na lang ng mga papeles. Gusto ko nang umuwi ng bahay." seryoso kong wika sa kanya! "Amery...hindi ka pa okay! Wala pang go signal mula sa Doctor mo na pwede ka nang lumabas ng hospital.'" seryoso nyang sagot sa akin "Doctor din ako at alam ko ang nararamdaman ko. Gusto ko nang makauwi dahil feeling ko magkakasakit lang ako lalo dito sa hospital." seryoso kong sagot sa kanya. "How about our baby? Kaya mo ba siyang iwan dito sa hospital? Ayaw mo bang hintayin siya ng ilang lingo para sabay na kayong umuwi ng bahay?" seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakaimik "Balita ko, ni minsan hindi mo pa nasilip ang anak natin sa loob ng NICU. Kumain ka muna pagkatapos labas tayo. Puntahan natin siya. Silipin natin siya. Alam mo bang sobrang cute niya?" nakangiti niyang muling bigkas. Hindi naman ako nakaimik "An
AMERY HEART POV PINANINDIGAN ko talaga ang malamig na pakikitungo ko kay Elias sa nakalipas na mga araw. Alam kong nahahalata niya din iyun pero wala naman akong narinig na kahit na anong negative na salita mula sa kanya na mas lalo pang nagpadagdag sa kagustuhan ng puso ko na tuluyan na siyang talikuran Ngayung araw ang labas ko sa hospital na hindi ko man lang sinisilip ang anak ko sa NICU. Alam kong pati mga pinsan niya ay nahahalata na din ang pagbabago ng kilos ko sa tuwing dinadalaw nila ako dito sa hospital. Kapansin-pansin kasi talaga ang kawalan ko ng gana na makipag-usap kahit na sa kanila. Ewan ko ba! Biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Iniisip ko na lang na baka epekto lang ito ng panganganak ko kaya ganito. May mga oras na wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak. Baka nga may postpartum depression na ako eh. Hindi ko alam or baka naman ayaw ko lang aminin sa sarili
AMERY HEART POV PAGKATAPOS kong padedehin ang anak ko, muli na akong lumabas ng NICU. Naabutan ko dito sa labas si Elias na halatang hinihintay ang paglabas ko. May ngiti sa labi na kaagad niya akong sinalubong "Kumusta? Hindi ba't ang cute ng baby natin?" nakangiti niyang tanong sa akin. Ilang saglit ko din siyang tinitigan bago tumango "Oo..ang cute niya." mahinang sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, muli kong inihakbang ang aking paa pero muli ding napahinto at hinarap siya. "I changed my mind. Dito na lang muna ako sa hospital. Hiintayin ko na lang muna si Baby para sabay na kaming umuwi." seryosong wika ko sa kanya. Nakangiti naman siyang kaagad na tumango. "Alam kong umay na umay ka na sa atmosphera dito sa hospital. May condo ako malapit dito at pwede tayong mag stay doon. Anytime naman pwede tayong pumunta dito para dalawin si Baby." nakangiti niyang suhistiyon sa akin. Seryoso ko siyang tinitigan bago tumango. "Anywhere. Basta malapit kay Baby at mabilis siyang ma
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang