AMERY HEART POV "ELIAS, Look! Tingnan mo ang ginawa ng babeng iyan sa akin!" parang nagsusumbong ang tono ng boses ni Rebecca na wika kay Elias.. Pulang-pula ang mukha nito habang may iilang butil ng luha ang tumutulo sa mga mata nito. Well, medyo mainit pa iyung Ramen at para siyang basang sisiw ngayun. Ang plakado niyang make -up ay unti-unti nang nahuhulas mula sa kanyang pisngi. Napansin ko din ang kaaagad na paglapit ng dalawang waitress at inabutan ito ng malinis na towel. Pamunas marahil sa basang basa nitong buhok. "You deserved it!" narinig kong baliwala namang sagot ni Elias dito. HIndi ko tuloy mapigilan ang mapatingin dito. Prente pa rin itong nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa nangyari kay Rebecca. Actually, ang inaasahan ko kanina ay magagalit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa babaeng binigyan niya ng singsing pero kabaliktaran naman ang ipinapakitang reaction ni Elias sa akin ngayun. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na kauting pagkadismaya sa kay
AMERY HEART POV PAGKATAPOS bayaran ni Elias ang bills namin sa restaurant, mabilis na din kaming umalis para puntahan sa NICU ang anak namin. Sakto lang naman ang dating namin sa NICU dahil oras na para padedehin si Baby. "Pwede ba akong manood habang pinapadede mo siya?" nakikiusap na wika ni Elias nang akmang papasok na ako sa loob. Natigilan naman ako. KUng totoosin, pwde naman talaga siya pumasok anytime na gustuhin niya sa loob ng NICU. Lalo na at isa siyang Doctor at pag-aari niya din ang hospital na ito. Sa loob ng NICU, walang ibang bata ang naririto. Solo ng anak namin ang buong unit. Sinadya ito ni Elias lalo na at wala siyang ibang hangad kundi ang ibigay ang pinaka the best para sa anak namin. "Pwede naman! Hindi kita pagbabawalan kung guso mong manood." balewala kong sagot. Iyun nga lang, pagpasok namin sa loob, parang gusto ko tuloy pagisisihan kung bakit ako pumayag. Magpapadede ako at nakakailang pala. Makikita niya kasi ang boobs ko eh. Kahit naman may a
ELIAS POV KANINA pa ako hindi mapalagay. Hindi ako makatulog. Feeling ko talaga may kulang sa akin kaya balisa ako. Wala sa sariling mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Lumabas ng kwarto at direcho sa kusina para uminom ng malamig tubig. Todo na ang temperature ng aircon sa aking silid pero nakakaramdam pa rin ako ng pagkaalinsangan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Bitbit ang bottled water naglakad ako patungo sa salas. Naupo sa mahabang sofa sabay sandal. Nasa kabilang silid lang si Amery at gusto ko na siyang puntahan doon. Makikiusap lang naman sana ako na pwede bang tabi na kaming matulog. Tatabi lang naman eh. Wala naman akong ibang gagawin lalo na at kakapanganak niya lang Kaya lang sa ipinapkitang pakikitungo sa akin ni Amery ngayun mukhang malabo talaga sigurong mangyari. Mukhang kailangan ko munang suungin ang mahabang pasensya at pagta-tiyaga para mapatawad niya ako. Hayssst, hirap ng ganitong buhay. Kung bakit n
ELIAS POV EKSAKDO alas kwarto ng madaling araw nang nagpasya akong bumalik ng aking silid. Nahiga sa kama at sa wakas, ang inaasam kong pagtulog ay nangyari din. Muli akong nagising eksakto alas nueba ng ng umaga. Medyo masakit ang ulo ko dahil alam kong hindi enough ang naging tulog ko pero kailangan ko pa ring bumangon. Lalo na at may schedule pala si Amery ngayun na magpadede sa anak namin. Alas diyes iyun kaya kailangan kong mag doble kilos. Nagmamadali akong pumasok ng banyo at naligo Alas diyes ang schedule ng pagdede ni baby at alam kong naghihintay na sa akin si Amery. Nakatulog nga ako pero parang gusto kong sisisihin ang sarili ko kung bakit hindi ako nag-set ng alarm. Kung saan gusto kong magpakitang gilas sa kanya tsaka naman umatake itong sakit kong hirap sa pagtulog Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko. Nagbihis ng kumportableng damit at dali-daling lumabas ng silid. Iyun nga lang, pagkalabas ko ng silid. katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin. N
AMERY HEART POV MAAGA talaga akong gumising kanina para magluto ng breakfast. Pagkatapos kong magluto, kumain akong mag-isa dahil mukhang tulog pa yata si Elias. Sabagay, naabutan ko pala siya kaninang madaling araw sa salas na mukhang bangag. Halatang walang tulog at hindi ko alam kung bakit Iniisip ko na lang na baka galing siya ng labas at kakarating lang. Baka nakipagkita kay Rebecca at kakauwi niya lang noong time na iyun. Kung ano man ang reason niya kung ano ang ginagawa niya sa sala ng oras na iyun, bahala na siya. Masyado nang masakit sa ulo kung iisiipin ko pa iyun. Nagpasya na rin akong pumunta dito sa hospital nang mag-isa lang. Nilakad ko na lang tutal malapit lang naman. Exercise na din para sa akin iyun lalo na at nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang ginawa kundi ang maupo at ma-stress sa mga bagay -bagay na nangyari sa buhay ko. Kailangan ko din bigyang ng time ang sarili ko simula ngayung araw. Ibalik ang dating ako at walang ibang isiipin kundi
AMERY HEART POV "KANINA pa kita hinahanap. Sinundan kita sa hospital, pero wala ka na. Tinatawagan kita sa iyung phone pero hindi ka sumasagot. " ramdam ko ang galit sa boses ni Elias habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi naman ako nakaimik. Inilabas ko ang aking cellphone mula sa aking bag para i-kumpirma ang sinabi nya at nang makita ko nga ang napakaraming misscalls mula sa kanya, hindi ko mapigilan ang mapangiwi. "Sorry, naka-silent mode ang phone ko kaya hindi ko narinig ang tawag mo." sagot ko naman kaagad sa kanya. Narinig ko pa nga ang marahas na pagbuntong hininga niya bago siya tumigim kay Anthony. "Hindi mo narinig ang tawag ko dahil may date kang ibang lalaki?" serysong bigkas niya. Wala sa sariing napatitig tuloy ako kay Anthony na noon ay wala pa yatang balak na umalis sa harapan namin. "Hindi ako nakikipag-date! Nagkataon na lang na nagkita kami ni Anthony dito sa coffee shop." sagot ko din naman kaagad. Hindi naman talaga eh kaya huwag niya akong kwestiy
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV ANG unfair ni Amery. Kung saan-saan ako nakarating kanina para hanapin siya tapos malalaman ko na nandito lang pala siya sa mall habang may kausap na isang lalaki? Ni hindi niya man lang sinagot ang makailang beses kong pagtawag gamit ang phone. Pagkadating ko ng hospital kanina, dumirecho ako ng NICU para lang madismaya noong nalaman ko na na wala na siya. Na nakaalis na siya bago pa ako dumating. Siyempre, hinanap ko siya sa paligid. Halos halughugin ko ang buong paligid pero bigo ako. Wala siya at mukhang tuluyan na siyang nakaalis ng hospital. Nagpasya akong bumalik ng condo unit sa pag-aakalang baka nakauwi na siya. Pero kagaya sa hospital, wala din siya. Naghintay pa nga ako ng ilang minuto at baka parating na din siya pero walang nangyari. Walang Amery na dumating ng condo kaya kaagad akong nakaramdam ng pagpapanic. Saan kaya siya nagpunta? Makailang ulit ko ding siyang sinubukan na tawagan pero hindi niya ako sinasagot. No choice ako kundi
ELIAS VIILLARAMA VALDEZ POV KAHIT na todo tanggi si Amery na samahan siya sa isang shop para bumili ng mga damit na kakailanganin niya, wala pa rin naman siyang nagawa. Talagang sasamahan ko sya sa ayaw at gusto niya dahil hindi ko na hahayaan pa na muli siyang malapitan ng mistisong bangus na kausap niya kanina. Mahirap na! Hindi ako papayag na may ibang lalaki na aali-aligid sa kanya. Akin lang siya. Kahit na may kasalanan akong nagawa sa kanya, dapat sa akin lang ang bagsak niya. Hindi sya pwedeng tumingin at magkagusto sa ibang lalaki. Pagdating ng shop, hinayaan ko si Amery na mag fit ng mga damit na gusto niya. May nag-aassist naman sa kanya na dalawang staff kaya naman nagpasya akong naupo sa waiting area. Kinuntsaba ko na din ang mga staff na nag-aasssit kay Amery na lahat ng kasya na mga damit dito ay bibilihin ko. Naging smooth naman ang sumunod na sandali. Babae pa rin si Amery at kahit na ayaw niiyang aminin alam kong nag-eenjoy siya sa pagsa-shopping niya habang
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang