AMERY HEART POV "WALA na akong pakialam pa kay Elias kaya hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan." seryoso kong bigkas. "Siguraduhin mo lang! Noon, binigyan kita ng chance na makasama ang lalaking mahal ko pero ngayun, hindi na ako papayag pa na muli mo siyang maagaw sa akin. Kusa ka nang umalis at huwag ka nang bumalik pa kahit kailan kung ayaw mong may isa sa atin ang maagang mamaalam sa mundo.:" seryoso niyang sambit. Hindi ko naman mapigilan pa ang mapakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Halata naman kasi talaga ang pagbabanta sa boses niya habang sinasabi niya ang katagang iyun. "Pinagbabantaan mo ba ako? Rebecca, huwag na huwag mo akong idaan sa pagbabanta mong iyan dahil hindi ako natatakot sa iyo." seryosong sagot ko. Isang malakas na tawa naman ang narinig ko mula sa kanya! Lalo namang nagngitngit ang kalooban ko dahil sa matinding inis. "Hindi ito pagbabanta, Amery. Kung ano ang sinasabi ko ngayn, gagawin ko ma-solo ko lang si
REBECCA POV KANINA pa hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap mabilis kong maisakatuparan ang plano ko. Iyun ay muling mahulog sa mga kamay ko si Elias. Ilang buwan din akong na nanahimik habang maiging pinagpa-planuhan ang susunod na hakbang na gagawin ko. Sa bawat masasayang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Amery at Elias, tahimik akong nakamasid. Pinili kong manahimik para walang masabi si Elias. Pero ngayung nandito na ako sa pamamahay niya sisiguraduhin kong hindi na makakabalik pa ang Amery na iyun sa buhay niya. Akin lang si Elias at hindi ko na papakawalan pa ang pagkakataon na mawala siya sa akin. "Babaeng muchacha, Nasaan si Elias?" nakataas ang kilay na tanong ko sa isang katulong na bigla na lang dumaan sa harapan ko. Nandito ako sa living room ng bahay at prenting nakaupo. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Elias. Bigla kasing umalis ng bahay kanina at alam nkong sinundan nito si Amery sa kung saan mang impiyerno na nagpunta.
REBECCA POV KANINA pa hindi maipinta ang aking mukha. Paano ba naman kasi, no choice ako kundi ang sundin ang nais ni Elias na lumipat ng tirahan. Letse talaga! Kasalanan ni Amery ito eh. Kung hindi sana sa babaeng iyun, wala sanang naging hadlang sa muling pagbabalik ko kay Elias. Sabagay, hindi ko naman akalain na mahuhulog ang loob ni Elias sa babaeng iyun. Ang akala ko kasi noon laro-laro lang ang lahat pero hindi ko naman akalain na balak niya pa lang totoohanin ang babaeng iyun. "Pasensya ka na Becca ha? Gagawin ko naman ang lahat para maging kumportable ka habang dito ka nakatira. Darating din bukas ang mga kasambahay na mag-aalaga sa iyo." seryosong wika ni Elias sa akin. Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses siyang nanghingi ng pasensya sa akin. Kahit na masama ang loob ko, kailangan kong magkunwari sa harapan niya na ayos lang gayung ang totoo, halos pumutok na ang ugat no dahil sa matinding inis. "Ayos lang, Elias. Naiinitindihan ko. Ako itong sumiksik sa relas
AMERY POV Isang linggo ang mabilis na lumipas. Simula noong umalis ako sa poder ni Elias, wala itong ginawa kundi ang magpabalik-balik ng bahay para suyuin ako na muling bumalik sa bahay niya. Pero wala akong balak na magpatinag. Wala na akong balak pang magpadala sa mga salita niya. Sawang sawa na akong makinig sa mga pangako niya na alam ko naman na hindi matutupad. Oo, nabalitaan ko na umalis na si Rebecca sa bahay nita pero nandoon pa rin ang takot sa puso ko. Hindi porket wala na si Rebecca magiging tahimik na kami ni Elias. Knowing sa babaeng iyun alam kong hindi talaga siya titigil hangat hindi niya makuha ang gusto niya. Nagawa niya ngang guluhin ang kasal namin ni Elias so ibig sabihin wala itong planong sumuko. Ang tangang Elias, patuloy pa rin sa pakikipagbati sa Rebecca na iyun which ayaw ko sana. Hindi porket nabuntis niya ang babaeng iyun, ibibigay niya na ang buong tiwala niya dito. "Mam, nasa labas na naman po pala si Sir Elias. Gusto daw po kayong makausap."
AMERY HEART POV '"ANO ang kailangan mo sa amin? Saan mo kami dadalhin? Ang anak ko. Maawa kayo sa anak ko! Huwag niyo siyang saktan." umiiyak na sambit ni Amery habang may piring na ang kanyang mga mata. Kanina pa tumatakbo ang sasakyan kung saan sila nakasakay at kanina niya pa rin naririnig ang pagpalahaw sa pag-iyak ang kanyang anak. Hindi na din mabilang kung ilang beses na siyang nagmakaawa sa mga taong dumukot sa kanila na ibigay na sa kanya ang bata. Baka kasi gutom na ito kaya ayaw nang tumigil sa pag-iyak "Tumahimik kang babae ka kung ayaw mong malintikan sa amin!" galit naman na sigaw ng isa sa mga kalalakihan. Hindi ko naman mapigilan ang mapahikbi. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalahin. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin lalong lalo na sa anak ko. Halos tumagal pa ng ilang minuto ang naging biyahe namin bago ko naramdaman ang paghito ng sasakyan. Kasabay ng paghinto ng saksayan ay ang pagtangal nila sa piring ng aking mga mata at hindi ko pa nga maiw
THIRD PERSON POV '"Ano ang ginagawa niyo? Bakit niyo pa tinangay ang babaeng iyan gayung pwede niyo naman patayin iyan sa loob mismo ng pamamahay niya!'' galit na sigaw ni Rebecca habang nakikipag-usap siya kay Julio sa cellphone. Kanina pa siya nanggalaiti sa galit. Ang taong utusan niya para patayin si Amery at ang anak nito ay may sariling desisyon sa buhay. Imbes kasi na tudasin na nila mismo sa loob ng pamamahay nito, kinidnap pa ng mga gago at balak na manghingi ng ransom kay Elias "Tumahimik kang babae ka! Hindi mo naman kasi nilinaw sa amin na ang babaeng gusto mong ipapapatay sa amin ay pwede pala naming pagkaperahan." mataas din ang boses na sagot ni Julio dito. Ang ibinayad sa kanila ni Rebecca para ipapatay si Amery ay posibleng maging triple once na maibigay ng mga Valdez ang ransom na hinihingi nila. Pwede nang ma-sustain ang pagpapagamot ng anak niya sa kahit saang hospital nila gusto. "Tumahimik ka Julio! Kinuha ko ang serbisyon mo at babayaran naman kita kay
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Ano na ba ang nangyayari sa mag-ina ko? Bakit hindi pa rin tumatawag ang mga kidnappers?" puno ng pagkadismaya sa boses na tanong ko sa mga kaharap ko. Nandito na sa bahay ang mga pinsan kong sila Christopher at Charles at ang kakambal kong si Elijah. Nagsanib pwersa na sila para mahanap si Amery since pangalawang araw na ngayun pero wala pa ring mga kidnappers ang tumatawag sa amin. Pati si Uncle Rafael ay tinawagan na din ang kakilala niyang magaling na imbistigador para hanapin si Amery pero wala pa ring naging balita. Halos mabaliw na ako sa matinding pag-aalala. HIndi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa bawat oras na nagdaan alam kong nagiging mas delikado ang buhay ni Amery pati na din ng anak namin. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Elias. Pasasaan ba at mahahanap din natin sila." seryosong sagot naman ni Chrsitopher. "Hindi ko na kaya pang maghintay. Mababaliw na ako. Pupunta ako sa police station at personal ko silang tatanungin
AMERY HEART POV PANGATLONG araw na namin dito sa maliit na kubo at hindi ko na mapigilan ang makaramdam ng kaba. Natatakot na ako sa posibleng magiging kapalaran namin ni Baby Elizabeth. Kahapon ko pa napapansin ang kakaibang kilos ng mga taong kumidnap sa amin. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Kahapon pa ng tanghali ang huli kong kain. Kagabi at kaninang umaga, hindi nila ako binigyan pa ng pagkain kaya alam kong may mali. Alam kong may hindi sila magandang plano sa akin at sa anak ko. "Babae....sumama ka sa amin. Ito na iyung oras para ibigay namin sa iyo ang sentensya mo!'" takot akong napatingin sa may pintuan ng kubo ng biglang nagsalita ang isa sa mga lalaking kasama na kumidnap sa amin. "A-ano ang ibig mong sabihin? Nagbigay na ba ng ransom si Elias? Pakakawalan mo na kami?" seryoso kong tanong. Napansin ko ang isang ngisi na kaagad na gumuhit sa bibig nito "Ransom? Eh gago ang lalaking iyun eh. Wala na yatang pakialam sa inyo dahil kahapon pa namin tinataw
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay