AMERY HEART POV PAGDATING ko sa kwarto ni Baby Elizabeth, kaagad ko siyang kinarga kahit na natutulog na siya. Pagkatapos noon, walang lingon-likod na naglakad na lumabas ng silid nito at direcho sa hagdan. Buo na na ang desisyon ko, aalis na kami sa bahay na ito at kahit na ano pa ang mangyari, hindi na kami babalik pa. Tama na! Sa sobrang galing ni Elias magsalita at sumuyo ng babae baka bigla na naman akong bumigay which is ayaw ko nang mangyari pa iyun "Amery...please, pag-usapan natin ito. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit sa puso mo para magdesisyon ng mga bagay-bagay na hindi dapat.'" seryosong bigkas niya. "Ito ang tamang desisyon Elias! Kung gusto mo ng dalawang babae sa bahay na ito, hanapin mo ang babaeng papayag. Huwag ako, dahil kahit papaano, may respito pa namang natitira sa puso ko." seryosong bigkas ko. Pagkatapos nito, mabilis na akong naglakad palabas ng bahay. Direcho ako sa aking kotse kung saan bigla kong nareliazed ang isang bagay. Paano ko n
AMERY HEART POV "IHA, tatagan mo ang kalooban mo. Kahit na anak ko si Elias, hindi ko siya kukunsentihin sa ginawa niya. Kung ano man ang magiging desisyon mo, igagalang ko iyun ng buong puso basta ipangako mo lang sa akin na hindi mo pababayaan ang apo ko." narinig kong sambit ni Mommy MIracle. Nakatutok pa rin ang paningin ko sa harapang bahagi ng sasakyan. Pinilit kong maging mahinahon pero kusa talagang pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. "Mom...hindi ko alam kung ano ang nagawa kong pagkakamali. Pinilit ko siyang intindihin sa abot ng aking makakaya pero hindi niya siguro talaga kayang panindigan kami. Siguro nga, hindi naman talaga kami para sa isat isa." mahinang sambit ko. "I understand. Babae din ako at ramdam ko din ang kung ano man ang nararamdaman mo ngayun." seryosong sagot niya sa akin. Hindi na ako nakaimik pa. Nagdrive ako direcho sa bahay namin ni Kuya Luis samantalang si Mommy Miracle naman ay nagpasundo na din sa driver niya. Nagpasalamat pa rin a
AMERY HEART POV "WALA na akong pakialam pa kay Elias kaya hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan." seryoso kong bigkas. "Siguraduhin mo lang! Noon, binigyan kita ng chance na makasama ang lalaking mahal ko pero ngayun, hindi na ako papayag pa na muli mo siyang maagaw sa akin. Kusa ka nang umalis at huwag ka nang bumalik pa kahit kailan kung ayaw mong may isa sa atin ang maagang mamaalam sa mundo.:" seryoso niyang sambit. Hindi ko naman mapigilan pa ang mapakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Halata naman kasi talaga ang pagbabanta sa boses niya habang sinasabi niya ang katagang iyun. "Pinagbabantaan mo ba ako? Rebecca, huwag na huwag mo akong idaan sa pagbabanta mong iyan dahil hindi ako natatakot sa iyo." seryosong sagot ko. Isang malakas na tawa naman ang narinig ko mula sa kanya! Lalo namang nagngitngit ang kalooban ko dahil sa matinding inis. "Hindi ito pagbabanta, Amery. Kung ano ang sinasabi ko ngayn, gagawin ko ma-solo ko lang si
REBECCA POV KANINA pa hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap mabilis kong maisakatuparan ang plano ko. Iyun ay muling mahulog sa mga kamay ko si Elias. Ilang buwan din akong na nanahimik habang maiging pinagpa-planuhan ang susunod na hakbang na gagawin ko. Sa bawat masasayang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Amery at Elias, tahimik akong nakamasid. Pinili kong manahimik para walang masabi si Elias. Pero ngayung nandito na ako sa pamamahay niya sisiguraduhin kong hindi na makakabalik pa ang Amery na iyun sa buhay niya. Akin lang si Elias at hindi ko na papakawalan pa ang pagkakataon na mawala siya sa akin. "Babaeng muchacha, Nasaan si Elias?" nakataas ang kilay na tanong ko sa isang katulong na bigla na lang dumaan sa harapan ko. Nandito ako sa living room ng bahay at prenting nakaupo. Hinihintay ko ang pagbabalik ni Elias. Bigla kasing umalis ng bahay kanina at alam nkong sinundan nito si Amery sa kung saan mang impiyerno na nagpunta.
REBECCA POV KANINA pa hindi maipinta ang aking mukha. Paano ba naman kasi, no choice ako kundi ang sundin ang nais ni Elias na lumipat ng tirahan. Letse talaga! Kasalanan ni Amery ito eh. Kung hindi sana sa babaeng iyun, wala sanang naging hadlang sa muling pagbabalik ko kay Elias. Sabagay, hindi ko naman akalain na mahuhulog ang loob ni Elias sa babaeng iyun. Ang akala ko kasi noon laro-laro lang ang lahat pero hindi ko naman akalain na balak niya pa lang totoohanin ang babaeng iyun. "Pasensya ka na Becca ha? Gagawin ko naman ang lahat para maging kumportable ka habang dito ka nakatira. Darating din bukas ang mga kasambahay na mag-aalaga sa iyo." seryosong wika ni Elias sa akin. Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses siyang nanghingi ng pasensya sa akin. Kahit na masama ang loob ko, kailangan kong magkunwari sa harapan niya na ayos lang gayung ang totoo, halos pumutok na ang ugat no dahil sa matinding inis. "Ayos lang, Elias. Naiinitindihan ko. Ako itong sumiksik sa relas
AMERY POV Isang linggo ang mabilis na lumipas. Simula noong umalis ako sa poder ni Elias, wala itong ginawa kundi ang magpabalik-balik ng bahay para suyuin ako na muling bumalik sa bahay niya. Pero wala akong balak na magpatinag. Wala na akong balak pang magpadala sa mga salita niya. Sawang sawa na akong makinig sa mga pangako niya na alam ko naman na hindi matutupad. Oo, nabalitaan ko na umalis na si Rebecca sa bahay nita pero nandoon pa rin ang takot sa puso ko. Hindi porket wala na si Rebecca magiging tahimik na kami ni Elias. Knowing sa babaeng iyun alam kong hindi talaga siya titigil hangat hindi niya makuha ang gusto niya. Nagawa niya ngang guluhin ang kasal namin ni Elias so ibig sabihin wala itong planong sumuko. Ang tangang Elias, patuloy pa rin sa pakikipagbati sa Rebecca na iyun which ayaw ko sana. Hindi porket nabuntis niya ang babaeng iyun, ibibigay niya na ang buong tiwala niya dito. "Mam, nasa labas na naman po pala si Sir Elias. Gusto daw po kayong makausap."
AMERY HEART POV '"ANO ang kailangan mo sa amin? Saan mo kami dadalhin? Ang anak ko. Maawa kayo sa anak ko! Huwag niyo siyang saktan." umiiyak na sambit ni Amery habang may piring na ang kanyang mga mata. Kanina pa tumatakbo ang sasakyan kung saan sila nakasakay at kanina niya pa rin naririnig ang pagpalahaw sa pag-iyak ang kanyang anak. Hindi na din mabilang kung ilang beses na siyang nagmakaawa sa mga taong dumukot sa kanila na ibigay na sa kanya ang bata. Baka kasi gutom na ito kaya ayaw nang tumigil sa pag-iyak "Tumahimik kang babae ka kung ayaw mong malintikan sa amin!" galit naman na sigaw ng isa sa mga kalalakihan. Hindi ko naman mapigilan ang mapahikbi. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalahin. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin lalong lalo na sa anak ko. Halos tumagal pa ng ilang minuto ang naging biyahe namin bago ko naramdaman ang paghito ng sasakyan. Kasabay ng paghinto ng saksayan ay ang pagtangal nila sa piring ng aking mga mata at hindi ko pa nga maiw
THIRD PERSON POV '"Ano ang ginagawa niyo? Bakit niyo pa tinangay ang babaeng iyan gayung pwede niyo naman patayin iyan sa loob mismo ng pamamahay niya!'' galit na sigaw ni Rebecca habang nakikipag-usap siya kay Julio sa cellphone. Kanina pa siya nanggalaiti sa galit. Ang taong utusan niya para patayin si Amery at ang anak nito ay may sariling desisyon sa buhay. Imbes kasi na tudasin na nila mismo sa loob ng pamamahay nito, kinidnap pa ng mga gago at balak na manghingi ng ransom kay Elias "Tumahimik kang babae ka! Hindi mo naman kasi nilinaw sa amin na ang babaeng gusto mong ipapapatay sa amin ay pwede pala naming pagkaperahan." mataas din ang boses na sagot ni Julio dito. Ang ibinayad sa kanila ni Rebecca para ipapatay si Amery ay posibleng maging triple once na maibigay ng mga Valdez ang ransom na hinihingi nila. Pwede nang ma-sustain ang pagpapagamot ng anak niya sa kahit saang hospital nila gusto. "Tumahimik ka Julio! Kinuha ko ang serbisyon mo at babayaran naman kita kay
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Walang hiya ka! Ano ang ginagawa mo dito sa loob ng opisina ng asawa ko! Nilalandi mo siya? Ha?" galing ako sa conference room nang marinig ko ang kumosyon na nagmumula sa aking opisina. Hindi ko naman maiwasan na magtaka at dali-dali akong naglakad patungo sa aking opisina..May gulo na naman yata dahil naririnig ko ang galit na boses ni Rebecca at ang tili ng kung sinong babae mula sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng opisina, hindi nga ako maaaring nagkamali. Nasa loob si Rebecca habang sabunot nito ang isa pang babae. "Rebecca?" dumadagundong ang boses ko sa buong paligid. Dali-dali niyang binitiwan ang naturang babae at mabilis na humarap sa akin. "Elias..akala ko ba nagbago ka na? Akala ko ba kami na lang ng anak mo ang priority mo? Ano ito? Ano ang ibig sabihin nito?" galit na tanong niya sa akin. Wala sa sariling napatingin ako sa babaeng sinabunutan niya at ganoon na lang ang gulat ko nang makilala siya.. Secretary ito ng isa pang Doctor dito s
AMERY HEART POV PAGKATAPOS ng kumustahan na may kasamang iyakan nagkaroon din kami ng time ni Mommy Miracle na magkausap ng masinsinan. Ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari at mga pinagdaanan namin bago kami nakabalik. Walang dahilan para ilihim ko ang tungkol dito lalo na at deserve niya din naman na malaman ang lahat. “Ni hindi man lang nakatulong si Elias na mahanap kayo. Sorry kung bakit nangyayari ito, iha. Kung hindi lang sana nawalan ng memorya ang anak kong si Elias baka hindi mangyayari ito. Baka noon ka pa nakabalik na sa amin." Narinig kong sambit nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako. Ano ang ibig niyang sabihin? “Aware ka ba na naaksidente si Elias pagkatapos niyang nalaman na nakidnap kayo ni Elizabeth?" seryosong tanong niya.Wala sa sariling kaagad akong umiling. "Kinuhang pagkakataon iyun ni Rebecca para bilugin ang ulo niya. Na kahit sa akin ayaw niya nang makinig dahil feeling niya, pinag iinitan lang namin
AMERY HEART POV “Amery, iha, ikaw ba iyan? Thanks God! Sa wakas bumalik ka din! Salamat dahil nakabalilk kang ligtas!”naluluhang wika ni Mommy Miracle! Pagkakita niya pa lang sa akin kanina, mahigpit niya na akong niyakap. Ni sa hinagap, hindi ko pa rin akalain na ganito ang magiging reaction niya pagkakita sa akin. Hindi ko akalain na ganito pa rin kainit ang pagtangap niya sa akin. Kagaya ng dati. Walang ipinagbago at kitang kita ko pa rin ang masayang expression ng mukha niya nang makita niya ako. “I am sorry Mom! I am sorry kung ngayun lang ako nakabalik. Patawad kung ngayung lang ako nagpakita.” Naiiyak ko ding sambit. Alam kong hinanap din talaga niya kami. Of course, maliban lang kay Elias na mukhang wala na yatang pakialam sa amin. It’s okay Iha! Hindi mo kailangan na humingi ng tawad sa akin. Kung ano man ang mga nangyari noon, naiintindihan ko. Walang mas mahalaga sa ngayun kundi ang nakabalik ka na sa amin. Na nandito ka na at nakabalik kang ligtas. Kayong dalawa ng
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,