MasukJILLIAN POV MASAKIT ang ginawa ni Russell pero kakayanin ba ng konsensya ko na makitang tuluyang masira ang kinabukasan niya? Kaya ko ba siyang makitang mabulok sa kulungan? Na magiging kagaya ni Mama Maureen ang kanyang buhay? Kaya ko bang makita sa araw-araw ang lungkot sa mga mata ni Ate Jeann at Kuya Drake? Hindi man sila nakikiusap sa amin ni Ralph na huwag nang ipakulong si Russell, pero alam kong sa kaloob-looban ng puso nila, umaasa sila na sana ay patawarin namin si Russell At ang kapatawaran na ibibigay namin sa kanya ay posibleng magpapabago ng buhay niya. "Unfair naman siguro sa anak ko kung patatawarin natin ang taong naging dahilan ng pagkawala ng inaasahan nilang unang anak. Look, alam kong mahalaga ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya pero kung sakaling makalabas iyang Russell na iyan, gaano kayo nakakasiguro na hindi ulit niya guguluhin ang buhay ng anak ko?" sabat naman ni Mama Maureen. Lahat ay napatingin sa kanya. Ako naman, tahimik lang pero may isa
JILLIAN POV PAGKATAPOS ng madamdaming pag-uusap namin ni Daddy Peanut kasama ng buong pamilya niya, mas lalo kong naramdaman ang pagaan ng kalooban ko. Naramdaman ko na din ang feeling na okay na ako. Na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ko nitong nakaraang buwan, pwede ko nang masabi na ayos na ako Mas masarap sa pakiramdam na wala kang galit na nararamdaman sa puso mo. At ang kasal naming dalawa ni Ralph ay alam kong umpisa na ng isang maaliwalas na umaga na dapat naming harapin "Jillian----" wala sa sariling napalingon ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi ang dalawa kong Mommy. Si Mommy Veronica na mother in law ko at si Mommy Arabella na adopted mother ko Grabe, ang dami ko na palang Ina. Nanidyan si Mama Maureen, si Mommy Arabella, Si Mommy Veronica at may dumagdag na isa pa. Si Mommy Charlotte. "Mom-----" nakangiting sambit ko. Nang tuluyan na silang nakalapit sa akin isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit at umusal nang taos pusong
JILLIAN POV "CONGRATULATIONS, SIS!" nandito na kami sa reception party at hindi ko akalain na bigla na lang akong lapitan nila Charmaine at Penelope para i-congratulate. At ngayun, hindi na Jillian ang tawag nila sa akin kundi 'Sis' na. "Thank you." nakangiting sambit ko. Kaagad din namang hinawakan ni Penelope ang kamay ko "SAbi ko kay Charamine, dapat Ate na din ang itawag niya sa iyo. Sa akin naman, Sis na lang tutal, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad eh." nakangiting wika niya sa akin "Ha, naku, kayo talaga! Kahit ano, pwede niyong itawag sa akin. Kahit Jillian na nga lang, ayos lang eh." sambit ko "Hindi pwede iyan. Magkapatid tayo at dapat lang naman siguro na may tawagan tayo para malaman kung sino ang panganay at bunso." nakangiting sambit naman ni Charmaine. Hinawakan din ako nito sa isa ko pang kamay at muling nagsalita "Ate Jillian, congratulations. Alam mo, noon ko pa nahahalata na may gusto talaga iyang si Uncle Ralph sa iyo eh. Kaya lang, ayaw lang ami
JILLIAN POV Nag-umpisa nang tumugtog ang wedding march habang unti-unting bumukas ang malalaking pintuan ng simbahan. Napatigil ang lahat. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ko ang bouquet. Parang akong lumulutang sa alapaap, pero kasabay noon ay ang kabog ng puso kong hindi ko mapigilan, hindi sa takot… kundi sa labis na saya at pananabik. “Ang ganda mo, anak…” mahina ngunit malinaw kong narinig ang bulong ni Mama sa tabi ko Napangiti ako kahit nangingilid ang luha ko. Nag give way ang mga adopted parents ko at hinayaan nila na si Mama Maureen ang maghahatid sa akin sa altar. At hindi lang siya dahil sa kabilang side ko ay nakatayo ang walang iba kundi ang biological father ko na si Kuya Peanut. Hindi ko alam kung pinayagan ba ito ni Ate Charlotte pero bahala na sila. Basta ang importante, masaya ako ngayun habang nakatutok ang paningin ko sa aking groom. Si Ralph---- Sa dulo ng altar, nakita ko si Ralph.
JILLIAN POV Mabilisang ligo lang naman ang ginawa ko. Suot ang bathrobe, lumabas ako ng banyo, at napahinto ako sa kinatatayuan nang hindi lang si Mommy ang nadatnan ko sa silid. May iba pang mga taong hindi ko kilala, abalang-abala sa kung anu-anong dala nila. “Ma, ano ito?” nagtataka kong tanong. Napalingon ako sa pinto. Nasaan na ba si Ralph? Bakit may mga estranghero sa loob ng silid na ito? “Mga staff ko sila. Si Clara, hairstylist ko, si----” “Ma----” putol ko agad. Hindi na kailangang ipakilala pa. Halata namang mga staff niya ang mga ito. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nandito sila. “Nasaan po ba si Ralph?” tanong ko, bahagyang naiirita na. Hindi pa kasi talaga ako ready na humarap sa kahit kani-kanino eh. Wala akong gana. Ang gusto lang naman sana ay mapag-isa at wala akong ibang gustong makita at makasama kundi si Ralph lang. Pero nasaan nga ba ang lalaking iyun? “Nasa labas. At kung ayaw mong ma-late sa pupuntahan natin, maupo ka na diyan para mas
JILLIAN POV Hindi ko inaasahan na mabubusog ako sa simpleng dinner na pinagsaluhan naming dalawa ni Ralph. Hindi ko din akalain na sa simpleng pag-uusap namin, kahit papaano, gumaan ang puso ko Mas masarap pala ang ganito at ngayun ko lang tuluyang napatunayan na mas okay pala na huwag magkulong sa silid kapag masama ang loob. Mas lalong nakaka-depress iyun "What do you want for your dessert, Sweetheart?" malambing na tanong nitong si Ralph sa akin. Kunwari, saglit akong nag-isip bago tumingin sa dessert counter "Strawberry cheesecake." sambit ko. "Alright, dito ka lang at ikukuha kita.." sambit nito at mabilis na itong naglakad patungo doon Nang mag-isa na lang ako sa table hindi ko maiwasan na magulat nang mula sa pintuan ng restaurant, napansin kong naglalakad papasok ang walang iba kundi si Donnabelle Davis. Anak siya nila Ate Jeann at Kuya Drake. Kapatid ni Russell Davis. Naglalakad ito palapit sa akin kaya naman, wala sa sariling napatayo ako., "Donna." mahina ko
BARBARA “Sir, ano ang ginagawa mo?” mahinang tanong ni Barbara nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ng palad ni Sir Charles sa kanyang pisngi. Kasabay ng matinding pagkailang na nararamdaman niya ay ang kakaibang kabog ng dibdib niya na palagi niyang nararamdaman sa simula pa kagabi noong m
BARBARA POV “Dito na ako sa sofa matutulog. Yeah, I need kumot ang unan kaya thank you.” Nakangiting wika ni Charles sa akin habang hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha. Para namang napapaso na mabilis akong napatalikod at direchong naglakad patungo sa aking silid. Pagdating ng si
BARBARA POV Anak natin? Kay sarap pakingan. Nakakataba ng puso. Sana lang talaga at tunay na itong ipinakitang pag-aalaga ni Charles sa akin. Masakit kasi talaga ang umasa eh. Natupad ang nais ni Charles na pumunta kami sa pang infant section para tumingin-tingin ng mga gamit ni Baby. Bilang ma
BARBARA POV Pagkagising ko, wala pa rin akong lusot kay Mona. Nag-insist kasi talaga ito na kailangan ko daw magpatingin ng doctor kaya pinagbigyan ko na dahil alam kong hindi talaga ako nito titigilan eh. Sa isang private hospital naman ako nito dinala kaya naman mabilis akong naasikaso. Kaya







