Tahimik siyang sumunod papasok ng Villa. Ang ganda talaga ng buong paligid. Pati loob ng villa ay napakaganda. Halatang alaga sa linis. Puro mamahaling gamit din ang nakikita niya. Nagyayaya si tita Arabella patungo sa dining area kung saan pinagsaluhan nila ang mga masasarap ng pagkain na nakahain na sa mesa. Masaya sliang kumain habang nagki-kwentuhan. Ngyaun niya lang din tuluyang napansin na napakadaldal pala talaga ni Tita Arabella. Hindi ito nauubusan ng kwento kaya naman halos dalawang oras din sila sa hapag kainan bago natapos kumain. Pagkatapos kumain, nagpasya silang magpahinga na muna. Gusto niya sanang bumalik ng hotel kaya lang, nahihiya siyang magpaalam kay Tita Arabella. Todo kasi talaga ang pag-aasikaso nito sa kanya eh. Tinawagan niya na din sila Sheena at napag-alaman niyang naliligo ang mga ito sa dagat. Oh diba..katanghaliang tapat mukhang nag-eenjoy ang mga staff niya sa pagtampisaw sa dagat ah “Iha…dito ka na din matulog mamaya ha? Bukas pa naman ang s
JULLIANNE Naging maayos naman ang biyahe nila patungo sa beach resort. Pagkalapag pa lang ng private jet na sinakyan nila, hindi maiwasan ni Katrina/Jullianne na humanga sa kanyang mga nakita. Sobrang ganda ng buong paligid na akala niya nasa isa siyang paraiso Mala-kristal ang linaw ng tubig. Literal na nasa gitna talaga ng Isla ang nasabing resort dahil habang nasa himpapawid sila kanina, nakita niyang walang kahit na isang mga kabahayan ang nakatayo sa buong paligid ng Isla. May mga kabahayan siyang natanaw kanina pero sa kabilang Isla pa iyun. So ibig sabihin, ang buong Isla na ito ay pag-aari ng Villarama-Santillan Resort? Ang galing! Sobrang yaman talaga ang angkan nila. Ang angkan kung saan kasapi ang lalaking iniibig niya. Walang iba kundi si Christopher Villarama “Iha, we're here! Ano ang masasabi mo?” nakangiting tanong sa kanya ni Tita Arabella. “Grabe, super ganda po, Tita! Ang lawak ng paligid at ang mga buhangin, grabe sobrang puti dagdagan pa na sobrang linaw
“Tsk, deadma lang? Hindi man lang nagreply kahit na isang mensahe lang?” mahinang bulong ni Christohper sa kanyang sarili habang nakatutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone. Hindi niya na mabilang pa kung ilang mensahe na ang naipadala niya na kay Katrina pero wala eh. Deadma ang dalaga sa kanya na para bang wala na talaga itong pakialam Sabagay, hindi nga pala nito alam na siya ang nagpapadala ng mga mensahe dito. Tama! Baka iyun ang dahilan! Hindi pinapansin ni Katrina ang mga ipinapadala niyang mensahe dahil hindi naman nito alam na siya ang nagpapadala eh. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla na namang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Walang iba kundi ang kapatid niyang si Charles na todo ngiti na sa nakalipas na mga buwan, parang naging anino niya na ang kapatid niyang ito. Nakabuntot kahit saan siya magpunta at bigla na lang sumusulpot sa harapan niya. “What? Hindi ka ba marunong kumatok?” paangil niyang taong nito “I have a good news for you.” Seryosong
KATRINA Dahil kinabukasan pa ng gabi ulit ang shooting niya, nagpasya siyang sa bahay na muna umuwi. Namimiss niya na ang triplets at gusto niya mayakap ang mga ito kahit saglit lang. Minsan, nakakaramdam na siya ng guilt. Sa sobrang abala niya nitong nakaraang araw, feeling niya hindi niya na masyadong nabibigyan ng tamang time ang mga bata. Haysst, siguro kapag matapos ang shooting sa ginagawa niyang unang pelikula, hihingi siya ng isang linggo na bakasyon. Iyung wala siyang ibang gagawin kundi ang magpahinga lang sa bahay at alagaan ang mga anak niya. Namimiss niya na ang mga itong makatabi sa pagtulog. Namimiss niya na din na paliguan nag mga ito. Yes, noong nasa Japan pa sila, kahit naman may mga kasama siyang nag-aalaga sa mga bata, talagang ginagawa niya din ang gawain ng isang Ina. Kagaya na lang sa pagpapaligo at pagpapatulog sa mga ito. Pero simula noong nagbalik na siya dito sa Pinas, hindi niya na ginagawa iyun dahil sa sobrang abala niya. Next week, nakatakda
“So, what do you think? Pipirmahan ba natin? Remember, isang malaking kumpanya ang nasa likod ng Villarama-Santillan beach resort kaya kahit na alam kong sobrang busy ka, talagang pinuntahan kita dito para isingit na maidiscuss ang offer nila. Once kasi na pumayag tayo, hindi ilang ito ang maging project mo sa kanila eh. Baka marami pa!” “Ate, pwede kaya? I mean…busy pa ako ngayun. Paano ko isisingit ang shooting sa company nila?” seryosong tanong niya dito. “Alam nilang busy ka sa pagso-shoot ng first movie mo pero makakapaghintay naman daw sila. Tatanungin ko din si Philip sa mga natitira mong mga eksena. Mabilisang shoot lang naman ito. Siguro matagal na ang one week kaya naman, kaya naman siguro ng schedule mo.” Nakangiting sagot ng Ate niya. Well, halata sa boses nito ang excitement kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango na lang. Sinabihan niya ang Ate niya na willing siyan pumirma ng kontrata kaya masaya itong umalis ng set. Mabilis lang din naman gawan ng paraan
“Maghunos dili ka nga, Christopher! Ano iyan, willing kang maging criminal dahil sa isang babae na hindi mo nga kayang lapitan?” May halong pagkadismaya sa boses ni Carmela na wika sa anak nito. Samantalang ang amang si Christian naman ay tahimik lang. Nakatitig sa anak habang tikom ang bibig nito. Kung ano man ang iniisip, siya lang ang nakakaalam. Nababaliw na nga siguro ang anak nilang si Christopher. Kung anu-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig nito eh. “Mom, ano ba ang dapat gawin! i love her! I really love her at ayaw kong makita na may ibang lalaking aali-aligid sa kanya! Hindi ko siguro kakayanin na makita siyang pagmamay-ari na ng iba!” Giit ni Christopher. “I know na you love her! Pero for God sake Christopher, gusto mo bang patayin ako sa nerbiyos? Kung mahal mo ang tao, lapitan mo! Suyuin mo! Hindi iyung kung anu-ano ang umaandar diyan sa kukute mo!” seryosong sagot ni Carmela sa anak! “Mom! What to do! Hindi ko po kaya!.” seryosong sagot naman ni Chrisotph