LOGINJACQUELINE POV Kaagad din naman akong tumalima. Pagharap ko sa salamin, sandali akong natigilan. Para bang ibang tao ang nakikita ko, mas elegante, mas… confident. Lumapit si Russell sa likod ko at tumingin din sa salamin. "See? Perfect." Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kaya tumawa na lang ako ng mahina. "Maganda siya, kaya lang, mahal yata ito." sagot ko din kahit na hindi ako sigurado kung magkano ba talaga ang jacket na ito. Hindi ko alam kung paano mag convert ng pera ng Japan eh. "Kaya natin itong bayaran. Kung gusto mo, dagdagan mo pa." nakangiting sagot naman niya sa akin "Naku, huwag na...sayang naman kung bibili pa tapos pag-uwi natin ng Pinas, hindi ko naman magagamit eh." sagot ko din kaagad "I think, mas okay kung bumili pa tayo. Sa mga susunod na araw, baka mas lalo pang bumaba ang temperature at maganda na iyung ready ka." nakangiting wika niya At dahil ayaw talagang paawat ni Russell, wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siya sa gusto niya
JACQUELINE POV Wala akong balak matulog pero nagulat na lang ako nang maramdaman ko na para bang may mainit na kamay na bigla na lang sumayad sa pisngi ko Wala sa sariling nagmulat ako ng mga mata at ganoon na lang ang matindi kong pagkagulat nang sumalubong sa paningin ko ang walang iba kundi si Russell. "Nandito na tayo." nakangiting wika niya "Huhh?" lutang ko pang bigkas . Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid at nang mapagtanto ko na nandito pala kami sa loob ng eroplano, doon ko narealized na nagtatravel pala kami patungo sa Japan. "Huhh? Ahhmm, naku, nakatulog pala ako." nahihiya kong bigkas. Mabilis akong napaayos ng upo. Nakakahiya nga naman kasi eh. Imagine, talagang ginising pa ako nitong si Russell. SAbagay, mukhang napasarap pala ang tulog ko ""Ayos lang iyan. Here, isuot mo ang mga ito. Medyo makapal ang snow sa labas kaya kailangan din natin ng makapal na kasuotan." nakangiti niyang wika Napatitig ako sa mga kasuotan na tinutukoy niya. Isang makapal
JACQUELINE POV Masasanay? Parang hindi yata. Malabong mangyari iyun lalo at ang kasal na ito ay hindi ko naman inaasahan na magtatagal. Maghihiwalay din kami sa takdang oras kaya naman dapat hindi ako nasanay sa ganitong buhay. Oo, pwede kong i-enjoy for experience na din pero hindi ko pwedeng asahan na palagi itong mangyayari sa buhay ko. Dahil naniniwala pa rin ako na ang lahat ay may katapusan. Muli akong napatitig kay Russell at nang mapansin ko ang kakaibang pagkakatitig niya sa akin kaagad din akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mas nakakabigla, ang yaman niya, o ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Ramdam ko din tuloy ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na titigan niya ako ng ganito na para bang may something sa akin? Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa nang lumapit ang isang flight attendant at magalang kaming tinanong kung may gusto ba kaming inumin. Hindi ko na alam kung paano
JACQUELINE POV NAGPAHINGA lang ako ng halos isang oras at muli akong kinatok ni Manang Esther sa kwarto. Nasa ibaba na daw si Russell, hinihintay daw ako. Oras na kasi para bumiyahe patungo sa airport kaya kahit na nag-aalangan kaagad na din akong nag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos, kaagad na din akong bumaba. Awkward kasi ngayun ko lang din tuluyang naisip na wala pala akong gamit na dala. Ni cellphone, wala at kung ano lang ang damit na suot ko ngayun, iyun lang talaga Imagine, ako lang yata ang magta-travel sa ibang bansa na walang bitbit na kahit ano. At ngayun ko lang din naisip na kapag magtravel, kailangan din ng passport. "Hayssst, ano ba iyan, Jackie. Paano ka makakaalis ng airport niyan?" mahina kong usal sa aking sarili Hindi ko alam kung aware din ba si Russell sa problemang kinakaharap ko ngayun. Pero, sana aware siya. Sayang naman ang ticket. Nauna ang excitement ko tapos wala naman pala akong passpart na hawak At habang pababa ako ng hagdan, natanaw ko
JACQUELINE POV “Huh?” “Let’s go. Nasa second floor ang kwarto mo,” muli niyang wika sabay talikod sa akin. Naglakad siya papunta sa hagdan nang hindi na lumilingon. Saglit akong natigilan bago sumunod. Habang paakyat kami, wala akong ibang naririnig kundi ang mahina naming yapak. Tahimik kaming dalawa pero hindi ko mapigilan ang pakatitigan siya mula sa kanyang likod. Malaking tao si Russell, matangkad, malapad ang balikat at higit sa lahat gwapo. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong-hininga. Sa pagkakataon na ito, ayaw ko nang humiling pa pero parang gusto kong tanungin ang sarili ko kung ano kaya ang feeling kapag mahalin ng isang lalaking kagaya ni Russell Nagkaroon na ako ng nobyo sa katauhan ni Romnick Martin na hiniwalayan ako dahil ipinagpalit ako kay Aimee. Pero, hindi masakit ang paghihiwalay namin. Oo, nanghihinayang ako sa halos dalawang taon na din naming relasyon pero dapat ko nang ibaon sa limot ang lahat. Lalo na at ayaw ko sa lalaking manluluko.
JACQUELINE POV "So, dito na tayo titira? Totoo ba?" wala sa sariing tanong ko. Hindi ako materialistic na tao pero ang tumira sa ganito kagandang bahay ay parang dream come true para sa akin. Feeling ko tuloy, nang sandaling ito, nasa loob ako ng isang fairy tale. Na si Russell ang aking prince charming na kaya niyang ibigay lahat ng nais ko Hindi ko na nga namalayan ang tuluyang paghinto ng sasakyan at pagbaba ni Russell. eh. Nakatitig pa rin ako sa napakagandang bahay na nakikita ko sa may unahan ko lang "Hey, don't tell me na uupo ka na lang diyan? Let's go?" nakangiti niyang wika. Napakurap ako ng makailang ulit bago dahan-dahan na tumango. Pagkababa ko ng kotse, magkaagapay kaming dalawa ni Russell na naglakad papasok sa bahay.. Pagkapasok namin sa loob, mas lalo akong humanga sa aking mga nakikita. ****** “Wow… grabe, ang ganda,” hindi ko mapigilang bulong habang nakatingala sa napakalaking chandelier na nakasabit sa kisame. Kumikinang iyon sa bawat galaw ng il
BARBARA POV " HINDI ka nakasagot noh? Kasi totoo ang sinabi ko. Kawawa ka naman. Darating at darating talaga ang araw na alam kong kusa kang palalayasin ni Charles at ako ang ipapalit sa iyo. Huwag kang mag-alala, kapag wala ka na dito, aalagaan ko ng maayos ang mga anak mo. Magiging mabait at map
CHARLES VILLARAMA POV “Ano? Umalis si Barbara nang hindi nagpapaalam? Paano nangyari iyun? Ano ang nangyari? Nag-away ba kayo?” seryosong tanong ni Mommy sa akin. Pagkatapos kong makausap kanina ang gwardiya, tinatawagan ko si Mommy para tanungin dito kung pinasundo ba nito sila Barbara at mga bat
BARBARA POV “Charles, ano ang ginagawa mo?” bigkas ko at parang napapaso na mabilis kong hinila ang kamay kong hawak nito. Piste, bakit may pahalik-halik pa? Feeling ko tuloy, biglang pumitik ang perlas ko. Tsaka, feeling ko din may para bang bultahe ng kuryente ang biglang dumaloy sa bawat h
Charles Villarama POV “Ano ang nangyari?” seryosong tanong ko kay Candy. Kakatapos lang nitong gamutin ang mga pasa nito sa mukha dulot ng matinding bugbog na si Barbara ang may gawa. Hindi ko alam na may pagka-amazona pala ang asawa ko dahil sa tindi ng bugbog na natamo ni Candy mula sa mga kama







