NAPATIGIL SI PETER NANG may humarang sa kanya na isang batang lalaki na sa tingin niya ay nasa apat o limang taon ang edad. Nakadipa ang mga kamay nito at seryoso ang mukha na nakatingin sa kanya. His eyebrows raised. What the heck is this kid doing? "Daddy, I finally found you," the little kid said when he stopped in front of him. But what makes him stunned is the words that came up from his little mouth. Did he call him dad? Mas lalong tumaas ang kilay niya. Is someone behind this? Kahit ilang babae pa ang ikinama niya ay sigurado siyang gumagamit siya ng proteksyon. Tanging nag-iisang babae lang ang hindi niya ginamitan. But, that's impossible. Limang taon nang wala siyang balita rito. Imbes na pansinin ay nilagpasan niya ang bata. Baka napagkamalan lang siya nito o naglalaro lang. Nasaan ba kasi ang mga magulang nito at hinahayaan na pakalat-kalat ang paslit. Tapos kapag nawala, iiyak-iyak. "Stop, daddy!" Sigaw nito.Huminto naman siya saka dahan-dahan na muling humarap sa bata.
HANGGANG SA MAKATULOG ang anak ay hindi pa rin mawala sa isip ni Khaira ang nangyari kanina sa airport. Coincidence lang ba talaga? Pero bakit naman ang aga? Hindi pa niya nasasabi sa anak ang totoo. Bigla siyang napalingon sa anak na mahimbing ng natutulog. Maging siya ay hindi makapaniwala na mayroon siyang isang Nyra Zhen sa buhay niya. …Nang makasakay sila sa kotse ay tinanong niya ang anak. "Who told you that he's your father?" "But he is," sagot ng anak. "I'm asking you, Nyra Zhen," pinatigas na niya ang boses para malaman ng anak na seryoso na siya. Yumuko ito. "I saw it on your laptop when I opened it. I don't know what it is but I saw his picture. And that moment I know he's my daddy," paliwanag ng anak. Habang si Khaira naman ay napakunot ang noo at inaalala ang sinabi ng anak. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Bakit ba kasi in-stalk niya pa ang lalaking 'yun? Naalala na niya ang araw na 'yun. Gusto lang naman niya malaman kung may pamilya na ba ito. O, kay
"DO YOU LIKE HERE?" nakangiting tanong ni Khaira sa anak. Nasa Dream Paradise sila at kasalukuyang inaabangan ang paglubog ng araw. "Yes, mommy! So relaxing." Natawa siya sa sinagot ng anak na itinaas pa ang mga kamay sa ere. Para kasing ang dami-dami na nitong problema at kailangan talaga magpahinga. Ginulo niya ang buhok nito. "Mommy, not my hair," nakangusong reklamo nito."And why?" kunwari ay curious niyang tanong."I'm a big boy—mommy! s-stop messing my hair, mommy. No, mom!" Ang bilis tumayo ng anak matapos niya muling guluhin ang buhok nito saka balak na kilitiin pero mabilis ngang tumakas. Malakas kasi ang kiliti nito sa tagiliran. "Come back here, Nyra. I want to tickle you," natatawa niyang tawag rito. Nakatayo ito hindi kalayuan sa harap niya. Inayos ng anak ang buhok saka namaywang na ikinataas niya ng kilay. "Mommy. I don't like it. I don't want to dance like a worm." Mas lalo siyang natawa sa sinagot ng anak. Dahan-dahan siyang tumayo at kitang-kita niya ang paglaki
"REALLY?" Natawa lang si Khaira sa reaksyon ng bff nang ikwento niya rito ang ginawa ni Cyrius kanina. "Ang o.a mo, Kholeen.""Sino ba hindi? Ano naman kasi pumasok sa utak ni Cyrius? Panira talaga ng moment, e. Nandoon na oh. In the middle of sunset, will you be mine again—ouch!" daing nito nang ibato niya ang hawak na tuwalya. "Hindi na tayo best friend nanakit ka na porket—oo na, behave na ako, masakit 'yan bff. Bawal ako magasgasan at kasal ko maawa ka naman." Ibinaba ni Khaira ang tsinelas. Binibiro lang naman niya ito pero takot na takot. Kungsabagay baka nga naman mapingasan ang kagandahan. Today is her best friend's wedding. At dito gaganapin sa kanilang resort. Beach wedding kasi ang drama ng bff niya na hindi niya nga inaasahan na tatamaan ni kupido. Mas matapang pa kaya sa mga kalahi ni Adan ang bff. "Mommy, I'm done!" Boses ng anak ang nagpabalik sa kanya sa sarili. Nasa banyo kasi ito at nagbabanlaw. Tumayo siya at lumapit kay Kholeen para kunin ang tuwalyang ibinato
"KHAIRA…I want you back." Nagsalubong ang mga mata nina Peter at Khaira. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito na para bang sinisigurado ang narinig. Kahit naman siya, hindi niya inaasahan ang lalabas sa bibig. Simula nang muli makita ang babae ay nagkaroon na rin yata ng sariling isip ang katawan at ngayon pati ang bibig.Bumuka ang bibig nito ngunit walang lumabas na salita. Nanatili lang ang tingin sa kanya. Habang siya ay hindi malaman kung uulitin ba ang sinabi. Dahil hindi niya rin alam kung tama bang hilingin niya 'yun. Hanggang sa muling bumalik ang mga kasama nila. Kaya naman sabay nilang iniwas ang tingin sa isa't isa."Ang lagkit ng tinginan, ah," bulong sa kanya ni Arsen na bakas ang panunudyo sa boses. Nang samaan niya ito ng tingin ay tatawa-tawa lang itong naupo muli sa tabi niya. Nakagitna si Arsen sa pagitan nila ni Kholeen. Habang sa kaharap nila ay katapat niya naman si Khaira at nasa gitna ang bata katabi si Cyrius. Nang sulyapan niya si Cyrius ay halos gusto niya
THE WEDDING WENT well. Isa ang kasal nina Kholeen at Arsen na talagang tumagos sa puso ni Khaira. Ramdam na ramdam niya ang totoong pagmamahal sa bawat bigkas ng bawat isa ng mga salita. The love in their eyes that makes the moment dazzling. At hindi niya makakalimutan ang pagtatagpo ng mga mata nila ni Peter while the two was saying their bow.Huminga nang malalim si Khaira saka nilingon ang anak na kalalabas lang ng banyo. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. Dinala niya ang anak sa may gilid saka niya pinagpantay ang kanilang mukha."Are you alright, baby?" Masuyo niyang tanong sa anak."Yes, mommy. Why are you asking?" Sa edad na maglimang taon ay talagang matatas na magsalita ang anak at english pa. Marunong naman ito magtagalog pero dahil lumaki sa Australia ay mas sanay sa wikang english."About your daddy. I know how much you wanted to call him daddy and hug him. I'm sorry baby if mommy becomes selfish. Mommy just wanted to protect you from people who will surely say bad
ISANG LINGGO NA ang lumipas pero hindi pa rin mawala sa isip ni Khaira ang huling binitawan na mga salita ni Peter.'You are mine'"Ang kapal talaga ng mukha niya," nanggigilgil na kausap niya sa sarili. Nasa loob siya ng opisina ngayon. Isa sa dahilan kung bakit napagpasyahan niya na rin na umuwi sa bansang sinilangan ay dahil sa hindi na kaya ng mga magulang na patakbuhin ang resort. At dahil nag-iisang anak ay siya talaga ang mamamahala no'n. Na buong puso naman niyang tatanggapin. She loves the beach. Gayunpaman, alam niya talagang nilalandi siya ng kurimaw na doctor na 'yun. Matapos ang eksena na 'yun ay hindi na niya ito nakita. Nalaman na lang niya na kinailangan ni Peter na bumalik ng Manila dahil sa isang emergency—the life of a genius doctor.Nagawa rin siya kausapin ng mag-asawang Bustamante at itinanong ang tungkol kay Nyra. Hindi raw kumbinsido ang mag-asawa na si Cyrius ang tatay ng anak niya. Buti pa ang mga ito naisip 'yun samantala ang tatay mismo ay hindi. Sinabi niy
PETER WAS MAD. Kanina lang lumabas ang resulta ng DNA test. At talagang nagulat siya. Pinanalangin niya na sana siya nga ang ama ng bata pero ang makita pa rin ang katibayan na siya nga ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. Question after question was running in his mind. Kaya hindi na rin siya nagdalawang-isip na magbiyahe papunta sa Zambales. Peter is trying to control himself by bursting out. Nasa harap niya ngayon si Khaira na halatang nagulat sa ibinigay niya. He wanted to know the reason why she hides his son. Ganoon na ba siya kasama para ipagkait na makilala ang anak?"Talk now, Khaira Monique! Don't test my patience," napakalamig ng boses niya. Umayos siya nang tayo and cross his arms over his broad chest. Still giving a cold glance at her. Khaira is still in shock but manages to calm herself. Sinalubong nito ang kanyang tingin. "Yes. It's true…you're the father." Nagtagis ang bagang niya sa kalmado nitong pagsasalita. Ganon lang 'yun? "So, what now?" He gritted his te