Share

Chapter 7

Marami pang sinabi sa akin si Mike pero hindi ko na lang pinakinggan pa. Pasok sa isang tenga at labas sa kabila. Natatawa na lang ako dahil hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nararamdaman niya sa akin. Bago pa man kami mag-date, nilinaw na namin sa isa't isa na hindi kami pwedeng ma-attach at ma-inlove. Hindi ko alam na sa tatlong buwan na pag-hangout namin, nahuhulog na pala siya. Well, hindi ko naman kasalanan 'yon at wala akong obligasyon sa kanya na ibalik ang nararamdaman niya para sa akin.

Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi ako ng maaga para magpahinga. Doon na lang ako nagluto ng hapunan ko dahil hindi naman ako pupunta sa club nang hindi kumakain kung nasaan si Liam mamaya. Niyaya ko rin si Marcus na sumama sa akin at agad naman silang pumayag. Hindi ko rin naman sila aayain kung alam kong hindi sila sasama sa akin.

Habang nagluluto ako ng hapunan ko, naglinis muna ako ng bahay. Walang masyadong kalat doon pero kailangan ko pa ring linisin dahil once a week lang ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status