Share

Chapter 6

Kabanata 6

 

 

Lumapag[as lang si Liam at ang mga kaibigan niya sa kinauupuan ko at halos matawa ako sa sarili ko dahil ano bang karapatan kong batiin siya pagkatapos ko silang iwan nang walang paalam? Pagkatapos ng lahat ng pagtatago at hindi pagpapaalam sa kanila, sigurado akong marami silang hinanakit at sama ng loob sa akin. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko, dahil kapatid sila ng asawa ko at natakot ako na baka kung ipaalam ko sa kanila kung nasaan ako ay baka mahanap ako ng asawa ko. 

 

Lucas and Liam are my best friends. Simula bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama dahil magkaibigan din ang mga magulang namin. Si Cristiano lang ang hindi ko nakilala bilang kapatid nila dahil madalas siyang wala lalo na at mas matanda pa siya sa aming tatlo. 

 

Napatingin ako muli sa gawi nila Liam hindi kalayuan sa akin at nakita kong nag-uusap pa rin sila ng mga kaibigan niya. Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong umiwas. Aaminin kong masakit makita na halos hindi na ako kilala ng best friend ko. Gusto kong magpaliwanag sa kanila pero 'wag na lang dahil alam kong lalala pa ang sitwasyon. Mas mabuti pa siguro na kalimutan ko na lang ang lahat. 

 

 

Humugot ako ng malalim na hininga at sinimulang iligpit ang mga gamit ko sa lamesa. Hindi na ako makakatagal roon lalo na at sigurado akong hindi rin ako makakapagtrabaho ng maayos roon. May mas importante pa akong gagawin. 

 

"Hindi ka man lang niya nilapitan?" tanong sa akin ni Stella. 

 

Nandito siya ngayon sa opisina ko dahil bumisita ulit siya at kinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari kanina sa restaurant. 

 

"Yeah and what do you want him to do? Malamang hindi niya ako papansinin dahil iniwan ko sila dati," tuloy-tuloy kong sabi. 

 

"Kahit na! Bakit alam niya ba ang otoong nangyari? Kung bakit ka umalis at hindi na nagpakita sa kanila? Hindi mo naman kasalanan at kailangan nilang maintindihan iyon!" Sunod-sunod na reklamo ni Stella. 

 

Umiling ako dahil wala naman kaming magagawa roon. Isa pa, noong umalis ako noong mga panahon na 'yon ay tinanggap ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ang lahat at tinanggap ko rin na ang mga bagay na mayroon ako noon ay handa kong kalimutan.

 

"Alam man nila ang totoong nangyari o hindi, may karapatan pa rin silang magalit sa akin," sagot ko pagkatapos ay nagkibit-balikat. 

 

"No. Don't tell me gan'yan din si Lucas?" tanong niya. 

 

Umiling ako dahil hindi ko alam. 

 

"I don't know. Hindi ko pa siya nakikita at baka hindi sila magkasama rito ni Liam," sagot ko ulit. 

 

"Isa pa, Stella. Ang gusto kong makita ay si Cristiano. I want our papers to progress," dagdag ko. 

 

"I'll try to talk Andrew. Kapag kinausap ko siya tungkol dito sigurado akong makakarating iyon sa asawa mo," sabi niya sa akin. 

 

Tumango ako at natulala na naman. Nakaramdam na naman ako ng inis dahil hindi nila pinapansin at hindi sineseryoso ang ginagawa ko kaya gusto ko talagang makausap ang lalaking 'yon. Ano ang mapapala niya sa pagtanggi sa annulment ng kasal namin? Wala! 

 

"Kung gusto mo, subukan mong kausapin si Liam at ipaalam mo sa kanya ang lahat. Baka sakaling matulungan ka niyang makausap ang magaling na asawa mo," suhestiyon sa akin ni Stella. 

 

Napahinto ako sandali dahil magandang ideya rin 'yon pero alam kong hindi ganoon kadali. Paano ko kakausapin ang isang taong alam ko sa sarili kong hindi na gustong makipag-usap sa akin ulit?

 

"Alam kong hindi madaling gawin pero wala namang mawawala kung susubukan mo hindi ba?" sabi ni Stella. 

 

"Alam ko pero paano ko siya kakausapin? Hindi ko alam kung nasaan siya at baka umuwi na rin siya kaagad sa Pilipinas," sabi ko. 

 

"I'll ask Andrew. May kasama daw siyang iba at baka si Liam yun,"

 

Tumango ako at kinagat ang labi ko para itago ang ngisi ko. Natatawa ako sa kanya dahil kanina pa niya binabanggit sa akin si Andrew at napagtanto ko na parang mas madalas silang mag-usap ngayong updated siya. Gusto ko siyang asarin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi pa niya ako tulungan.

 

Ganoon lang ang nangyari sa araw na 'yon at tinulungan nga ako ni Stella. Kinausap daw niya si Andrew at nasa club sila mamayang gabi kaya agad kong tinapos ang dapat kong gawin para makapunta ako sa club kung saan sila naroon mamaya. Kinakabahan pa nga ako dahil baka ipagtulakan ako ni Liam pero iyon lang ang naiisip kong paraan at walang makakapigil sa akin. Kung kailangan kong kapalan ng mukha ko ay gagawin ko. 

 

Habang abala ako sa mga pinipirmahan ko ay may kumatok sa pinto ng opisina ko kaya napatingin ako roon at hinintay itong bumukas. Agad namang napataas ang kilay ko nang nagmamadaling pumasok si Janeth, ang secretary ko. 

 

"Architect, nasa labas po si Sir Mike. Hindi ko po siya mapapasok kasi wala po siyang appointment," paliwanag agad sa akin ni Janeth. 

 

"Tell him that I'm busy and I can't see him right now. Go!" sabi ko at halos mapailing doon.

 

Agad namang nagmadaling lumabas si Janeth pero ilang segundo lang ang lumipas ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at nakita kong pumasok doon kaagad si Mike. s

 

"Sir! Sir! Bawal po kayong pumasok!" sigaw ni Janeth para patigilin ito.

 

Wala naman na kaming ibang nagawa dahil nakapasok si Mike sa opisina ko. May dala siyang bulaklak at dalawang paper bag. Napabuntonghininga na lang ako at itinigil ang ginagawa ko. 

 

"What are you doing?" tanong ko sa kaniya gamit ang naiinis na boses.

 

"Sorry, Lily pero gusto kitang makita-"

 

"I'm busy, Mike. Can't you see it? My secretary must have told you," sabi ko sa kanya habang nakasimangot. 

 

"I know and I'm sorry. I just want to apologize for what happened last week. Here," sunod-sunod niyang sabi. 

 

Inabot niya sakin yung bulaklak at ang iba pang dala niya pero tinignan ko lang 'yon. Nilagay niya lang naman 'yon sa table ko kaya humugot muna ako nang malalim na hininga bago muling magsalita.

 

"Apologize accepted. You can go now so I can continue what I'm doing," sabi ko sa kaniya. 

 

 

Pasimple kong tinuro ang pinto kung nasaan si Janeth. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Mike na para bang hindi makapaniwala na pinapaalis ko na siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

 

"Sir," tawag ni Janeth para paalisin si Mike. 

 

"Seriously, Lily?" tanong ni Mike dahilan para mapatingin akong muli sa kanya. 

 

"What?" tanong ko habang nakakunot ang noo. 

 

"Are you doing this to me because you're actually dating that boy?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pagkainis.

 

"I'm not dating someone right now. Ours is over Mike, and I already told you before that there's not gonna have an attachment between us. Iyon din naman ang gusto mo, so anong ginagawa mo ngayon? Paano ngayon kung nakikipag-date ako sa iba?" sunod-sunod kong sabi sa kanya. 

 

"Because I love you, Lily!" mariin niyang sabi. 

 

Natawa ako at umiling bago muling nagsalita. 

 

"Well I don't love you, Mike! We just dated for fun! Itigil mo na 'yang nararamdaman mo," sabi ko pagkatapos ay muling natawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status