Madaling araw na nang magising ako.Tahimik ang buong silid. Naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paghinga ni Lira sa tabi ko. Balot siya ng kumot, nakatagilid at tila ba malalim na ang tulog. Napansin ko, wala si Lylia. Siguro nalaman ni Kapitan na nandito siya kaya kinuha na. Ako naman, biglang nagising dahil sa matinding uhaw. Parang natuyo ang lalamunan ko, hirap na hirap lumunok.Huminga ako nang malalim, bumangon nang dahan-dahan para hindi magising ang katabi, at marahang lumabas ng kwarto. Tahimik ang pasilyo ng mansion. Ang malalaking painting na nakasabit sa dingding ay nagmistulang mga matang nakamasid sa bawat hakbang ko. Lalong lumamig ang balat ko nang maramdaman kong wala akong kasama, walang maingay, maliban sa sariling yabag ko sa marmol na sahig.Dire-deretso na ako sa kusina, hagdan lang ang nilagpasan ko. Madilim pero may mahinang ilaw na nanggagaling mula sa labas ng mga bintana. Hawak-hawak ko ang laylayan ng suot kong manipis na
Tahimik na ang paligid matapos makaalis ang mga bisita mula sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko mula kay Lira na hindi na raw sila rito magpapalipas ng gabi. Sa mansion daw sila ni Raze pinatulog dahil mas maluwag at mas maaliwalas roon. Bukod doon, hindi rin sila kasya rito. Pero at least dito, mas tahimik. Pinulot ko ang ilan pang nakakalat na plato sa kusina, nilagay sa planggana, saka ko binuhos sa lababo ang natirang sabaw. "Love, tapos na ako rito," sabi ni Lira, nakayuko habang inaayos ang mga baso at tiniklop ang mga natirang pamunas. "Ayusin na natin ang higaan? Naglaro pa naman doon sina Dalgona." Tumango ako at pinunasan ang lamesa bago kami sabay na lumakad papasok ng kuwarto. Huminga ako nang malalim. Ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko kahit ilang oras na ang lumipas mula nang magtalo kami ni Razen sa kusina. Hindi ko pa rin malimutan kung paano siya umalis kanina habang duguan ang kamay niya. Hindi ko alam kung saan siya pumunta o kung sinong
"Uy, saan ka pupunta?" tawag ni Lira nang pumihit ako para bumalik sa loob. Magpapainit ulit ako ng tubig since may bisitang dumating. "Hindi mo 'ko sasamahan i-entertain sila?" Nilingon ko siya. "Hindi na. Walang mag-aasikaso sa kusina. Samahan mo na lang si Lylia. Baka nap-pressure na 'yan dahil sa mga bisita." "Hoy, ako rin naman. Ni hindi ko 'yan nakausap sa personal. Sa pangalan ko lang kilala—sa picture rin pala." Napakamot siya ng batok at sumimsim sa kape pagkatapos. "Eh ayan naman pala, eh. Bahala na kayo dyan. Papasok na ako sa loob." Pinal kong sabi at nagmartsa na pabalik sa bahay bago pa niya ako mapigilan. Dumiretso ako sa kusina at dinamihan na ng tubig ang takure saka ko isinalang sa kalan. Pinainit ko na rin ang mga ulam at baka may kumain sa kanila. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, binuksan ko ang gripo sa tabi at itinapat ang kamay ko kung saan ako napaso. Hindi ko maiwasan mapangiwi sa hapdi pero tiniis ko na lang. Tulala akong napatitig sa kawalan, sin
Mapakla akong tumawa. "Ako? Magseselos? Tanungin mo muna kung gusto kita. Alam mo, Razen, umuwi ka na lang. Nababanas na ako sa'yo. Sundan mo na lang sina Cassy at sabihin mo na walang katotohanan ang mga pinagsasabi natin kanina." Sapilitan kong binawi sa kanya ang kamay ko."Fine! Alam mo Love, minsan ang hirap mong intindihin! Kung bakit ba kasi sa'yo pa!"Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundo akong nakatulala, hinihimay-himay ang bawat salitang binitiwan niya. Sa’yo pa. Ibig bang sabihin… pero bago pa ako makabawi, narinig ko na lang ang mabibigat niyang yabag palabas.Nakuyom ko ang kamao at mariin kong ipinikit ang mga mata. Ang init na kanina pa nagbabadya sa aking talukap, tuluyan nang bumigay.Pagdilat ko, doon na ako humagulgol. "Bakit nga ba sa akin pa, Razen?" Napatakip ako ng bibig gamit ang likod ng kamay ko, pilit pinipigil ang mga hikbi pero mas lalo lang akong napasubsob sa upuan.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili roon, pinipigilan ang sarili pero sa
Nanigas ako nang maramdaman kong dumaosods pababa ang kamay ni Razen, mula sa pagkaka-akbay sa akin hanggang sa beywang ko. Napalunok ako, pinilit panatilihin ang postura at baka mahalata nila na nagpapanggap lang kami. Sa loob-loob ko, halos magwala na ang puso ko sa halo-halong emosyon. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? "Nito lang siya nagpropose sa akin," kalmadong sagot ko at naramdaman ang pagdiin ng hawak ni Razen. "Gusto niya ako, gusto ko rin siya. Tama naman siguro na um-oo ako sa proposal niya?" Tinitigan ako ng malalim ni Nicole na para bang sinusukat kung nagsisinungaling lang ba ako o ano. Kahit sa gilid ng mata ko, nakikita kong inoobserbahan din ako ni Cassy. Pero mukhang kumagat sila sa acting-an ko. "Then congratulations! When ang kasal?" Napalunok ako. Kasal agad? Hindi pa nga kinakasal sina Raze at Lylia, kami pa kaya na peke lang? "Next month." Napatingin ako kay Razen sa isinagot niya saka siya nagbaba ng tingin sa akin. "I mean, we're still pre
Ako pa yata ang nasaktan nang hampasin ko siya. “That hurts, Love. Parang 'di babae eh, bigat ng kamay,” reklamo ni Razen habang hinahaplos ang braso niya kung saan ko siya tinamaan. "Batak na batak?" “‘Yan kasi!” iritadong sagot ko. “Anong klase kasing biro ‘yon?!" Ngumisi lang siya, tila nang-aasar pa rin. Black eye yata ang gusto nito, hindi na hampas. “Eh ikaw ‘tong agad na namula. Hm, ano kayang tahong—" “Razen, isa pa!” Inangat ko ang kamay ko pero mabilis siyang umatras, tawang-tawa pa. “Okay, okay! Stop na, Love,” sabi niya habang palayo nang palayo. “Baka maubos energy mo, may babalikan pa tayong gawain sa palengke.” Gawain? Kakain lang 'to, eh! Umiling ako at nauna nang maglakad sa kanya, hindi na siya pinansin kahit naririnig ko pa rin ang mahina niyang tawa sa likod ko. Pagdating namin sa karinderya, kumunot ang noo ko nang makita kong may dalawang babaeng nakaupo sa mesa sa may labas. Maayos ang bihis, pang mayaman, halatang hindi taga rito. “Uy…” bulong ko kay