“H-Ha?” napakurap ako. Tama ba ‘yong dinig ko? He looked at me while twirling his pen around his finger. "You didn’t hear it? Want me to say it louder?" he challenged, and I noticed the corner of his lips twitch into a smirk. “Hindi ka ba mahihiya kapag narinig nila?” Napalunok ako. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ito oh. Kainin mo.” Alok ko ulit sa kanya sabay abot ng saging. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi pa rin niya inaalis ang paninitig sa akin. Nakaka-ilang. Nangangalay na rin ang kamay ko. Ang arte arte ng kapitan na ‘to. Ako na nga ‘yong nagmamagandang loob para pakainin siya nito. Dapat kasi hindi ko na lang sinunod si Keano, eh. Pahamak. Parang ako pa ‘yong nag-iinitiate na magpapansin sa kanya na siyang dapat gumagawa dahil siya itong may kasalanan sa amin. “Ayaw mo ba? Eh ‘di—” napatitig ako sa kanya nang makita kong kagatin niya ‘yon. Kakainin din pala. “U-Ubusin mo.” “Inuutusan mo ba ako?” salubong ang kilay nitong tanong. “Ayoko na nga—” sinamaan niya
LYLIA'S POV Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya. Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to? Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito? “Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin. “Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?” “Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya. “Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray. “Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan. “Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na
Pinanliitan ko siya ng mata bago lumayo. “Nahihibang ka na ba?” Seryoso siyang timitig sa akin at maya-maya pa ay umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti. “Kapag ba sinabi kong oo, maniniwala ka?” “Baliw na nga,” bulong ko. “I heard that, miss.” Tumawa ito ng mahina. Nahuli ko siyang nakatitig sa namamawis kong dibdib kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim. Maski ako ay nakaramdam ng hiya kasi ngayon ko lang napansin na nakikita pala ang cleavàge ko. “Look, I'm offering you a deal. Dapat kanina pa nasimulan ang demolition pero dahil mabait ako—” Natawa ako. “Wow! Mabait? Mabait ka na niyan, Kapitan?” puno ng sarkasmo kong tanong. Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip na nakipagsukatan ng tingin sa akin. “Hindi ba? So dapat pala hindi na ako nagpaalam sa 'yo?” naglaro ang ngisi niya sa labi na mas nagpainis sa akin. “Very well…” Dinukot niya ang selpon sa bulsa ng slacks nito ngunit mabilis kong naagaw ‘yon nang akmang
“Payag na ako." Hanggang ngayon ay nag-e-echo pa rin sa utak ko ang pagpayag ko sa deal niya tapos wala sa sariling nakipaghawak kamay ako sa kanya habang naglalakad papuntang pharmacy. Pinagbubulungan tuloy kami ng mga nakakakilala sa amin. “H-Hindi ka ba naiilang?” nahihiyang tanong ko. Gusto kong magtago sa likod niya dahil sa mga matang nakasunod sa amin na para bang napakalaking kasalanan na makita kaming magkahawak kamay. Bumaba ang tingin ko sa magkadaop naming palad at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon nang akmang bibitawan ko. Pakiramdam ko nangangamatis na ang mukha ko sa hiya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Nakayuko lang ako the whole time na magkasama kami. Hindi ko alam kung parte ito ng gusto niyang mangyari—iyong deal na sinasabi niya kaya hinayaan ko lang din kesa naman sa pilitin ko. “Hayaan mo silang mag-overthink,” nahimigan ko ang tuwa sa boses niya. “Mga marites lang ‘yan." Palihim akong natawa. Hindi ko inexpect na alam ni
“Yie! Kumekerengkeng na si Lylia! Parang kanina nag-aaway pa kayo tapos ngayon may pakiss na? Anong pakulo niyo?” pang-aasar pa ni Love. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila ang tungkol doon. “Wag kang issue, wala lang ‘yon!” singhal ko sa kanya. “Anong pinag-uusapan niyo kanina? Ba’t napatigil kayo?” Nagkatinginan sila ni Lira at nagpalitan ng magkahulugang tingin. “Intriga kasi kami kung anong score niyo ni Kapitan. Eh ‘di ba naka-VIP room tayo ngayon tapos narinig ko pa kanina kay doc na siya ang nagbayad no’ng bills at gamot ni Lira and now siya pa ang bibili ng pagkain natin. Spill the tea.” Tukso pa ni Love at nagkilitian pa sila ni Lira. Napabuntong hininga lamang ako. Sabihin ko na lang nang matapos na. Kinuwento ko sa kanila ang deal namin ni Raze at ito pareho silang nakanganga, hindi makapaniwala. “Shocks!” bulalas ni Love. “Pumayag ka?” “Kailangan, eh.” Napakamot ako ng buhok. Wala rin namang mangyayari kung ililihim ko sa kanila. Malalaman at malalaman din n
“T-Tumigil ka nga,” tinampal ko ang mukha niya. “Kung anuman ‘yang matitikman sa’yo, iyo na lang. I’m not interested.” “Masabi mo pa kaya ‘yan kapag mag-asawa na tayo?” wika niya pagkatapos ibaba ang kamay ko. “I’m just kidding, Lyl, pero mukhang gusto ko ‘yang nasa isip mo.” “Ang bastôs mo!” singhal ko sa kanya. Humalakhak siya. “So, bastós nga ang nasa isip mo?” Natigilan ako. I was caught, oh my God! “Hindi!” depensa ko habang nanlalaki ang mga mata. “Umalis ka na nga dyan! Hindi ako makahinga ng maayos!” “Fine, fine… stop pushing me,” natatawa siyang lumayo sa akin. “I didn’t know na may alam ka tungkol sa bagay na ‘yon. You’re not that innocent. Pwede na.” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Anong pwede na? Gusto mong makatikim?” “Nag-alok na nga ako kanina, ayaw mo naman.” Nakangisi nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Isa pa talaga Raze. May atraso ka pa sa akin.” “Na hindi ako bumalik kagabi? Gaya ng sabi ko, inaasikaso ko ang kasal natin.” “Nagmamadali ka
“What are you doing here? I thought you're in Canada? Kailan ka pa nakauwi?” sunod-sunod na tanong ni Raze na tila hindi makapaniwala na nandito ang babae. “Why didn't you call me? Ako sana ang sumundo sa ‘yo sa airport.” The woman chuckled. “Iyon na nga, eh. Ikaw na naman ang susundo sa akin. Maiba naman.” Pumisil ang kamay ni Raze na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae. “Kung gano'n, sinong sumundo sa ‘yo? Si Ashel?” Umiling ang babae. “No. Iyong pinsan mong babae, si Nicole. Kasama ko siya actually—oh, ayan na pala siya.” Sabay naming nilingon ni Raze ang kinakawayan niya. “Girl, here!” “Surprise, coz!” Nabitawan ni Raze ang kamay ko nang yakapin siya ng babae mula sa likod. “Do you like my suprise?” nakangiting wika ng babae at pinisil-pisil pa ang pisngi ni Raze. “Pwede niyo nang ituloy ang naudlot na kasal.” Natigilan ako. K-Kasal? Kung gano'n, ang babaeng nasa harapan namin ngayon ay siyang dapat pakakasalan niya? Bahagya akong napaatras nang muntik na a
Hindi ako umimik at nag-iwas ng tingin nang kabitan niya ako ng seatbelt. “Babalik ako mamaya sa palengke—” “Bakit? Dahil sa pinsan at ex mo?” harapang sabi ko sa kanya at mariin itong tinitigan. “Bakit ba kasi kinuha mo pa ako doon? Unahin mo ang dapat mong unahin. Babalik na ako kay Raf.” Bababa na sana ako nang bigla niya akong isandal sa sandalan ng kinauupuan ko. Nakaramdaman ako ng takot sa paraan ng paninitig niya sa akin pero hindi ko pinahalata bagkus nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya. “Why? Do you like that man?” Napalunok ako. Ang lamig ng boses niya. Wala na rin akong makitang emosyon sa mga mata niya. The aura he's giving screamed danger. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? “A-Ano bang pakialam mo?” nilipat ko ang tingin sa ibang direksyon dahil hindi ko na kayang tagalan ang malamig niyang mga mata. Pakiramdam ko hinihigop niya ang enerhiya ko. Nakakapanghina. “Wala namang kaso sa akin kung unahin mo sila. I'm just nobody, Raze. Nakipagdeal
“H-Ha?” napakurap ako. Tama ba ‘yong dinig ko? He looked at me while twirling his pen around his finger. "You didn’t hear it? Want me to say it louder?" he challenged, and I noticed the corner of his lips twitch into a smirk. “Hindi ka ba mahihiya kapag narinig nila?” Napalunok ako. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ito oh. Kainin mo.” Alok ko ulit sa kanya sabay abot ng saging. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi pa rin niya inaalis ang paninitig sa akin. Nakaka-ilang. Nangangalay na rin ang kamay ko. Ang arte arte ng kapitan na ‘to. Ako na nga ‘yong nagmamagandang loob para pakainin siya nito. Dapat kasi hindi ko na lang sinunod si Keano, eh. Pahamak. Parang ako pa ‘yong nag-iinitiate na magpapansin sa kanya na siyang dapat gumagawa dahil siya itong may kasalanan sa amin. “Ayaw mo ba? Eh ‘di—” napatitig ako sa kanya nang makita kong kagatin niya ‘yon. Kakainin din pala. “U-Ubusin mo.” “Inuutusan mo ba ako?” salubong ang kilay nitong tanong. “Ayoko na nga—” sinamaan niya
Keano’s POV “What’s with the long face, Raze?” tanong ko nang makalapit sa kinatatayuan ni Kapitan na halos patayîn na sa tingin ang kapatid niyang si Razen kasama si Lylia. “Hindi ka ba masaya na tinutulungan ka ng asawa at kapatid mo?” asar ko at napadaing nang apakan niya ang paa ko. “Ba’t ba? Nagtatanong lang ‘yong tao, eh.” Napangisi ako. Sa ekspresyon pa lang, alam kong mamamatáy na ‘to sa selos. Nandito kami ngayon sa barangay hall. Kaka-deliver lang ng mga tarp at dahil walang tao at gabi na rin, kami na lang ang nag-volunteer na mag-ayos no’n sa opisina niya. Kahapon pa sana dapat na-deliver kaso na-delayed dahil sa mga kandidatong nangangampanya sa syudad. “Asim ng mukha mo, Raze. Ikalma mo. Ano ba kasing nangyari? Nag-away ba kayo ni Lylia? Bakit halos hindi ka na pansinin? Kung hindi ko lang kilala si Razen, aakalain ko talagang siya ang asawa at hindi ikaw.” Pangre-realtalk ko sa kanya. As a dakilang chismoso na kaibigan niya, syempre nakaka-intriga ang nangyaya
THIRD PERSON POV Lylia was left alone at the granary. Hindi niya magawang umuwi dahil pakiramdam niya bibigay siya kapag nakita niya ulit na magkasama si Sheila at Raze. She felt alone, broken, weak and unwanted. Hindi niya lubos maisip na mapupunta siya sa gano’ng posisyon when all she wanted was to fix their misunderstanding. Akala niya maaayos pa nila pero mas lumalala pa. She felt betrayed, seeing how Sheila cared for Raze. Siya dapat ang gumagawa no’n dahil siya ang asawa ngunit sa nakita niya kanina, parang siya pa ang kabit. Nakiki-agaw. Nakagat nito ang ibabang upang pigilan ang paghikbi nito ngunit sa huli, hindi niya napigilan ang sarili at napahagulgol sa sakit at bigat na nararamdaman. She never wanted to be in that position. Akala niya magiging maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil alam niya na pareho sila ng nararamdaman pero nagkamali siya. Siya lang pala ang hulog na hulog na. Bumuhos ang luha niya habang nakatanaw sa papalubog na araw. Minabuti
Kinuha niya ang kamay ko at nagpatangay sa kanya kung saan man niya ako balak dalhin, kung sa kamalig ba o saang lupalop ng hacienda. Nakangiti lang ako the whole time na nakasunod ako ng tingin sa kanya. It was nice to be with him, exploring his family’s hacienda and feeling the peacefulness of nature. Nilagay ko ang ilang takas ng aking buhok sa likod ng tenga habang tahimik na binabagtas ang daan. Dinaanan namin ang ekta-ektaryang lupain mula palayan, maisan, tuboan, at marami pang iba. Ngayon lang ako nakapunta rito kaya hindi ko maiwasang malula sa lawak. Maaliwalas ang paligid, napakatahimik na kapaligiran na tanging huni ng mga ibon ang naririnig, preskong hangin na gugustuhin mo na lang na dito tumira. Kung siguro mapupunta ako sa syudad, dito pa rin ako uuwi sa probinsya. Masyadong magulo ang pamumuhay sa Maynila. Dito kahit wala kang pera, pwede kang mamitas ng mga gulay-gulay. May makakain ka kahit walang-wala ka na. “What are you thinking?” biglang tanong ni Raze
“Oh, ba’t ka galit? Pinapabalik mo’ko kay Maximo ‘di ba? Ito na.” Lalampasan ko na sana siya nang mahawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. “Bakit? May kailangan ka pa?” He gritted his teeth. “Iniinis mo ba ako, Lyl?” Nagkibit balikat ako. “Hindi naman,” inosenteng sagot ko. “Iniis ba kita?” kunwari’y nag-isip ako. “Hindi naman. Sige ah? Balik na ako kay Maximo. Sakyan ko na lang siya.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan at mariing tumitig sa akin. “Imbes na ako ang sakyan mo, mas uunahin mo pa ngayon si Maximo?” Kumunot ang noo ko. “Huh?” bulalas ko. “Pinagsasabi mo? Sasakyan ko lang ‘yong kabayo. Bakit napunta sa’yo? Pwede ka bang sakyan?” Nakita kong natigilan siya at napamûra. “Bumibigay na naman ako, bwisit!” he murmured. “Bahala ka nga.” Binitawan niya ako. “Shiit! Shiit!” sunod-sunod niyang murá nang tumalikod siya sa akin. “Ano bang sinasabi…” natikom ko ang bibig nang marealize ko kung anong ibig niyang sabihin sa sasakyan. “Ah, gusto mong sakya
Natawa ako sa reaction niya. Hindi maipinta ang mukha. “Narinig mo naman siguro ng klaro? Gusto mo ulitin ko pa?” He gave me a sideway glance. “Tch. Di na lang sabihin ng maayos—” “Sino bang may ari kay Maximo?” tumingin ako sa kanya at ngumiti. I saw a ghost smile on his lips but faded when he looked at me. He’s trying to suppress it. Cute. “I want a name, Lyl.” Suplado niyang sabi. Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Ang sungit. “Like what? Raze?” pinilig ko ang ulo at landakang na ngumiti sa kanya. "My husband?" I said playfully. “S-Stop it. H-Hindi ka cute.” Nag-iwas siya ng tingin at napatakip ng bibig animo’y itinatago ang pagngiti nito gano’n din ang pamumula ng mukha niya. “Ayos lang kung hindi ako cute. Cute naman ang asawa ko.” Napatingin siya sa akin na tila nagulat. “A-Anong sabi mo?” Ngiti-ngiti akong humarap kay Maximo. “You heard me, Raze. Stop pretending.” “U-Ulitin mo.” Utos niya kaya natawa ako. “Huwag mo’kong pina
Ilang araw na ang nakalipas simula ng ikasal kami ni Raze at hanggang ngayon hindi pa rin naaayos ang away nilang magkapatid. It was clearly that I’m the root cause of their fight. Pero hindi ko maintindihan si Raze. May mali ba akong nagawa? Dahil nakita niya kaming magkasama ni Razen? Nagselos ba siya? Pwede naman niyang sabihin sa akin, hindi ‘yong bigla na lang manlalamig. The closeness, the silent treatment and tension speaks volume. It's slowly breaking me. Since that day, Raze became cold to everyone, especially sa akin. I tried to explain my side pero tinitigan lang niya ako ng malamig na para bang walang katuturan ang pinagsasabi ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang pakialam sa sinasabi ko. The way he looked at me, it felt like he lost interest in me, and it hurts. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula bilang asawa niya. Pakiramdam ko naiwan ako sa isang gubat at hindi alam ang gagawin. “Hey, why aren’t you eating?” napatingin ako kay Raz
“A-Anong ginagawa mo rito?” kinakabahang tanong ko nang makalapit sa kinaroroonan niya. Hindi siya kumibo at nanatili sa kanyang posisyon na tila walang narinig. “H-Hinahanap na ba ako? T-Tapos na ba ‘yong party?” sunod-sunod kong tanong pero denedma lang niya ako. “Razen—” “Now, you're asking?” biglang sabi niya kaya bahagya akong napaatras. “Kuya is looking for you pero wala ka.” Napayuko ako. “S-Sorry.” “You're causing trouble in our family, Lylia. But I like that. You know why? Hindi ka katulad ni Sheila na bida-bida. Nakakainis ‘di ba? Na parang siya pa ang kinasal.” Natahimik ako. I don't know if he's being sarcastic pero gusto kong sangayunan ang sinabi niya. “Pero maging matapang ka naman. I don't like weak people. Ano hahayaan mo na lang na kunin niya sa'yo ang pagiging asawa kay kuya? Pathetic.” Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. Hindi ako nakailag sa pangre-real talk niya. I know he's just being real and honest, at isinasampàl niya ‘yon sa akin para m
“A-Ate? Anong ginagawa mo dito?” salubong sa akin ng kapatid ko pagkapasok ko ng bahay. “Tapos na agad ang after party ng kasal niyo?” Napayuko ako. “H-Hindi ko kayang makipagsalamuha sa mga taong nandoon. Puro mayayaman. Iba-iba ang gamit na salita. Hindi ko sila maintindihan.” Bigla akong nanliit sa sinabi ko. I was not confident enough to face them. Hindi ako makasabay sa kanila lalo na kapag nag-uusap sila. Sobra akong nap-pressure. Sinubukan ko naman pero sa huli na-a-out of place pa rin ako. Ako nga ‘yong bride pero parang si Sheila ang kinasal dahil halos lahat ng tao doon ay siya ang kumakausap lalo na ‘yong mga may dugong maharlika. I felt so small and vulnerable. Kung hindi pa lumapit sa akin sina Keano, Razen, Mang Isko at Aling Lena ay baka naging tuod ako kakapanood sa mga bisita. I felt invisible in the crowds. Walang pumapansin. Walang nakakakita. Walang may paki kung nag-e-exist ako. Sabi ko sa sarili ko, kasal ko ba talaga ‘to? O kay Sheila? Pumunta nama