"Hoy, ba't tulala ka dyan? Okay na kayo ni Kuya Raze? Nakangiti no'ng pumasok, eh." Ani Razen sabay akbay sa akin. "H-Hindi ko alam," utal kong sagot at mahinang umiling upang iwaglit sa isip ko ang sinabi ni Raze. "Ah-huh?" Nag-iwas ako ng tingin nang silipin niya ang mukha ko. "Sus, namumula ka eh. Ano bang pinag-usapan niyo? Intriga tuloy ako." "W-Wala naman. Magtatrabaho na ako." Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinanap ang walis tingting sa kung saan hinagis ni Raze kanina. "Sinabi na ba niya?" Natigilan ako at nilingon siya. "Na ano?" Ito 'yong gusto kong malaman na bumagabag sa akin. Hindi ko naman magawang tanungin si Raze dahil nahihiya ako. Hindi pa naman kami gano'n ka-okay. "Oh, wala pa? Hm, siya na lang siguro ang magsasabi sa'yo. Ayokong pangunahan. Kapag siguro stable na ulit ang relasyon niyo." Ani Razen na nakapamulsang lumapit sa akin at pinagsisipa-sipa ang tuyong dahon. "Hoy, huwag mong ikalat. Hirap kaya niyan ipunin. Kung tumulong ka
"Hey, Lyl, habang buhay ka na lang ba dyan magwawalis? Baka gusto mong kumain ng saging ni Raze—aww! I was just kidding, bro! Makapingot ka ng tenga, ha. Binibiro ko lang naman ang asawa mo, so chill." Pilyong saad ni Razen at lumapit sa akin. "Here, have some. May panulak sa loob. Stop what you're doing and eat with us." "K-Kumain ka," segunda naman ni Raze na hindi makatingin ng diretso sa akin sabay kuha nito ng hawak kong walis tingting. "B-Baka nagugutom ka." "Nag-almusal na ako sa bahay bago pumunta rito," malumanay kong sabi at kukunin na sana 'yong walis tingting nang ihagis niya kung saan. "Raze naman." "Dumulas ang kamay ko kaya kumain ka. Ako bumili niyan." "Command ba 'yan, bro? Talagang hinagis pa para matikman ang saging. Naku naku, iba. Saka sige na Lyl, kumain ka. Masarap 'yan. Huwag mo lang ibaon." "Tang-na mo talaga, Razen. Dapat hindi na lang kita sinama pabalik eh. Sakit mo sa ulo. Kung anu-anong kalokohan pinagsasabi mo sa kanya." "Sus, vibes naman nat
LYLIA'S POV Humigpit ang pagkakahawak ko sa walis tingting at halos makalimutan nang huminga nang idiin niya ang sarili sa akin. Ni hindi ko magawang kumurap kakatitig niya. Nakaka-ilang na tuloy. Sinubukan kong humakbang palayo sa kanya ngunit mabilis niyang nahuli ang baywang ko. “Just answer me, Lyl. Anong meron sa ‘pero’ na hindi mo masagot?” I couldn't help but gulp at his question. Paano ako makakasagot ng maayos kung ang lapit niya? Naco-conscious tuloy ako sa amoy ng hininga ko. Also, he's intimidating me—his whole presence. “L-Lumaya ka muna, pwede? H-Hindi ako makahinga ng maayos,” wala sa sariling sabi ko dahilan para maningkit ang mga mata niya at maya-maya pa ay tumawa ng mahina. “B-Bakit?” Pumungay ang mga mata niya sabay haplos sa aking pisngi. “Naiilang ka?” Nag-iwas ako ng tingin. “Nagtanong ka pa.” Pabalang kong sagot. "Why, Lyl? Is my stare making you weak?” he asked huskily. “Napatigil ko ba ang pagpintig ng puso mo?” nahimigan kong parang inaasar n
Takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Lylia nang biglang may tumakip sa bibig nito. She was so sure it was a man's hand, given its large size and the protruding veins that almost covered her nose. Halos magwala ang dibdib niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman kaya kahit nangangatog na ang mga tuhod niya sa takot ay pinipilit pa rin niyang kumawala rito. Nilulukob na siya ng lamig at nanghihina na rin ngunit hindi siya tumigil kakapiglas. "Don't move, Lyl, or we'll both end up in the hospital... or dead." Tila tumigil ang mundo niya pagkarinig sa mahina at baritonong boses ng lalaki. It was as if her heart stopped beating, and all she heard was his heavy breathing. Pakiramdam niya dinala siya sa alapaap sa sobrang tuwa nang masigurong nakabalik na ang asawa niya. Gustuhin man niyang lingunin at kabigin ng mahigpit na yakap ang lalaki ay pinili niyang sumunod dito nang mahagip ng mata niya ang ahas sa entrada ng mansyon. Tuloy ay mas lalo siyang nilukob ng takot na
Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang putulin ni Raze ang komunikasyon niya sa pamilya ni Lylia. Pakiramdam ni Lylia tapos na lahat sa kanila kaya kahit sobrang hirap, sinubukan niyang mag-move on at pilit na ibinabaon sa limot ang nararamdaman sa lalaki. Araw-araw siyang binabangungot, umiiyak at naninikip ang dibdib sa tuwing nagigising, umaasang bumalik na si Raze pero bigo siya. Kahit anong pilit niyang iwaglit sa isip niya na wala na si Raze na may asawa na itong iba at iniwan siya ay hindi niya magawa. She still loves him despite everything. She's still waiting for him to come back. Bumabalik sa kanya ang mga alalalang pinagsamahan at pinagsaluhan nila—those sweet nights of cuddling, talking and all the things that made them so lovey-dovey now shatter her heart into pieces. Sa tuwing tinatanaw niya ang mansyon mula sa maliit nilang bahay, hindi niya maiwasang maging emosyonal. Kahit tila naging 'haunted mansion' ito dahil wala na ang mga tao roon at nangangalaga,
THIRD PERSON POV Napasugod sa ospital si Love at Lira nang makatanggap ng tawag mula kay Ashel na nasa ospital si Lylia. Dahil sa takot at kaba, muntik pang atakihin ng asthma si Lira, buti at may dala itong inhaler na palaging pinapaalala sa kanya ng kaibigan na dalhin. Nang makarating sa ospital, humahagos silang nagtanong-tanong sa isa sa mga nurse at napag-alamang nasa third floor ang kwartong kinalalagyan ni Lylia. "Lira? Love? Anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni Doc. Carlos nang makasalubong ang dalawa sa hallway. "May nangyari ba?" agad itong lumapit sa kanila at hinagod ang likod ni Lira na mukhang aatakihin pa ng sakit niya dahil sa pagtakbo. "I told you not to run. Nasaan ang inhaler mo?" "I-Ito po," habol hiningang wika ni Lira at pinump ang inhaler sa bibig. "S-Sorry po, doc. Nag-alala lang po ako kay Ate Lylia." Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang takot at pag-aalala sa kung anong nangyari kay Lylia. Hindi nila alam kung bakit at paano siya naisugod sa