“What are you doing here? I thought you're in Canada? Kailan ka pa nakauwi?” sunod-sunod na tanong ni Raze na tila hindi makapaniwala na nandito ang babae. “Why didn't you call me? Ako sana ang sumundo sa ‘yo sa airport.”
The woman chuckled. “Iyon na nga, eh. Ikaw na naman ang susundo sa akin. Maiba naman.” Pumisil ang kamay ni Raze na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae. “Kung gano'n, sinong sumundo sa ‘yo? Si Ashel?” Umiling ang babae. “No. Iyong pinsan mong babae, si Nicole. Kasama ko siya actually—oh, ayan na pala siya.” Sabay naming nilingon ni Raze ang kinakawayan niya. “Girl, here!” “Surprise, coz!” Nabitawan ni Raze ang kamay ko nang yakapin siya ng babae mula sa likod. “Do you like my suprise?” nakangiting wika ng babae at pinisil-pisil pa ang pisngi ni Raze. “Pwede niyo nang ituloy ang naudlot na kasal.” Natigilan ako. K-Kasal? Kung gano'n, ang babaeng nasa harapan namin ngayon ay siyang dapat pakakasalan niya? Bahagya akong napaatras nang muntik na akong masagi ng pinsan niya kaya lumayo na lang ako. Gusto ko sanang umalis dahil bukod sa nakaka-out place, baka magsidatingan na rin ang mga customer ko. May iilan kasi na doon nag-aagahan sa karinderya. Hindi naman siguro magagalit si Raze kung umalis ako? “Hey! Sinong kasama mong pumunta rito?” tanong no'ng Nicole na pinsan niya. Napatingin sa akin si Sheila. Bigla akong nanliit nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kumpara sa akin na nakapamalengke ng suot, siya naman ay kabaliktaran. Malalaman mo talagang mayaman sa damit pa lang. “Nandito lang ‘yon ah…” rinig kong bulong ni Raze kaya lumapit na ako. Napatingin sila sa akin at gaya ni Sheila, pinasadahan ako ng tingin ni Nicole. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi niya na ikinakulo ng dugo ko. Magpapalam na lang ako kay Raze at baka hindi ko matansya ang pinsan at ex niya. “You already hired a kasambahay?” Humigpit ang pagakakahawak ko sa cellophane at kinalma ang sarili. “Uuwi na ako, Raze.” Paalam ko rito at bumaling ng tingin sa pinsan niya. “Mas mukha kang kasambahay.” Tinalikuran ko sila at nagtungo sa terminal ng mga traysikel. Ngunit bago pa man ako makasakay, may humila sa kanang kamay ko. Sisigaw na sana ako nang makilala ko kung sino ‘yon. “Raf?” Hinayaan kong bitbitin niya ang mga dala ko. “Huwag ka na dyan, sa akin ka na sumabay.” Kinuha niya ang kamay ko at hinila sa parke ng mga kotse. “Masikip sa traysikel.” “Anong ginagawa mo dito? Namalengke ka rin?” Kaibigan ko si Raf simula college pero dahil tumigil ako sa pag-aaral, madalang na lang kami nagkakasama. Minsan pumupunta siya sa amin pero hindi rin nagtatagal kasi busy sa school. “Yeah. I miss the veggies in palengke tapos nakita kita. Mukhang gusto mo pang awayin iyong mga babae na kasama ni Kapitan. Are you close with Raze?” tanong niya pagkatapos akong pagbuksan ng pintuan ng kotse. Sumakay na ako at nagsuot ng seatbelt. “Hindi.” Tipid kong sagot. Tumango siya. “Anyway, I have something to tell you.” Namilog ang mata ko nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. “H-Hoy, anong ginagawa mo? B-Baka may makakita sa atin.” Marahan ko siyang itinulak na siyang tinawanan niya. “A-Ano bang itatanong mo?” nag-iwas ako ng tingin. “Hindi mo naman kailangan ilapit ang mukha mo.” “Hindi ka naghilamos ‘no? May muta ka kasi!” sabay tawa niya ng lakas. Napamura ako sa isip at napahilamos ng mukha. Punyemas! Iyon pa talaga ang napansin niya! “Bwisit ka!” hinampas ko siya sa dibdib. “Ayan kasi, hindi naghihilamos kapag namamalengke.” Tumatawang sabi pa niya. “Malay ko bang mapapansin mo!” singhal ko sa kanya. “Reason, Lylia.” Ibinaba ko ang kamay at sinamaan siya ng tingin. “Masaya ka? Hala sige, bababa na lang ako—” “Ito naman, hindi na mabiro. Seryoso na nga. Makinig ka ha?” Inirapan ko siya. “Siguraduhin mong maganda ‘yang sasabihin mo kung hindi tatamaan ka sa akin.” “Yeah, yeah. Listen and give advice, okay? So, the thing is, I'm planning to run for barangay chairman for the next election. Next month na ‘yon ‘di ba? Tingin mo ba mananalo ako?” Napanganga ako sa sinabi niya. “Seryoso? Akala ko ba ayaw mo kasi madumi ang politiko?” Bumuntong hininga siya. “Well, I changed my mind. Suportahan mo ‘ko, ah?” Naiwan akong nakatulala nang isara niya ang pintuan ng kotse ngunit nagulat ako nang bumukas ulit ‘yon at napalunok dahil sa taong nakatayo sa harap ko. “A-Anong ginagawa mo dito?” Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Tinitigan lang niya ako gamit ang malamig niyang mga mata. “K-Kapitan? Anong ginagawa mo—” “Raze!” sigaw ko nang kalasin niya ang seatbelt ko at walang sere-seremonyang binuhat ako na parang isang sako ng bigas. “Hoy! Ibaba mo ako!” “Shut up!” Nanigas ako nang pisilin niya ang hita ko. “Kapitan! Ibaba mo ‘ko sabi, eh!” nagpumiglas ako kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. “Ano ba!?” Ngunit huli na nang maipasok niya ako sa loob ng kotse. “Nababaliw ka na ba ha?! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao—” Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Pakiramdam ko tumigil ang pagtibôk ng puso ko nang dumampi ang malambot niyang labi sa akin. “Eh ‘di tumahimik ka rin,” paanas niyang sabi. “May sasabihin ka pa?” Napakurap ako ng ilang beses. Did he really just kiss me?Napalunok ako nang maramdaman kong humilig siya sa akin. "M-Maligo? Naligo na ako bago pumunta dito. I-Ikaw na lang." Halos magwala ang puso ko nang halikan niya ako sa buhok. "Sasamahan mo 'ko?" malambing niyang tanong. Hindi ako nakasagot agad. Bukod kasi sa hindi ko alam pabalik, hindi ko rin alam ang daan papuntang palayan kaya wala akong choice kundi samahahan siya. Nakakatakot din 'yong dinaanan naming matalahib na lugar. Paano kung may ahas doon? Eh 'di mapapadali pa ang buhay ko. Huminga ako ng malalim at sinubukan pakalmahin ang sarili kahit ang hirap. "Saan? Sa baba? Pwede naman pero hindi ako maliligo," matigas kong tugon sa kanya at halos mapigil ko ang hininga nang humaplos ang kamay niya sa tyan ko. Sa ginagawa niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang init. "Bumaba na tayo kung gusto mo talagang maligo. Bilisan mo lang at baka mainip sina Mang Nikolas at Razen kakahintay sa atin." "Nah, they won't, Lyl. And besides, Razen know the drill." Kumunot ang
"Hoy, ba't tulala ka dyan? Okay na kayo ni Kuya Raze? Nakangiti no'ng pumasok, eh." Ani Razen sabay akbay sa akin. "H-Hindi ko alam," utal kong sagot at mahinang umiling upang iwaglit sa isip ko ang sinabi ni Raze. "Ah-huh?" Nag-iwas ako ng tingin nang silipin niya ang mukha ko. "Sus, namumula ka eh. Ano bang pinag-usapan niyo? Intriga tuloy ako." "W-Wala naman. Magtatrabaho na ako." Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinanap ang walis tingting sa kung saan hinagis ni Raze kanina. "Sinabi na ba niya?" Natigilan ako at nilingon siya. "Na ano?" Ito 'yong gusto kong malaman na bumagabag sa akin. Hindi ko naman magawang tanungin si Raze dahil nahihiya ako. Hindi pa naman kami gano'n ka-okay. "Oh, wala pa? Hm, siya na lang siguro ang magsasabi sa'yo. Ayokong pangunahan. Kapag siguro stable na ulit ang relasyon niyo." Ani Razen na nakapamulsang lumapit sa akin at pinagsisipa-sipa ang tuyong dahon. "Hoy, huwag mong ikalat. Hirap kaya niyan ipunin. Kung tumulong ka
"Hey, Lyl, habang buhay ka na lang ba dyan magwawalis? Baka gusto mong kumain ng saging ni Raze—aww! I was just kidding, bro! Makapingot ka ng tenga, ha. Binibiro ko lang naman ang asawa mo, so chill." Pilyong saad ni Razen at lumapit sa akin. "Here, have some. May panulak sa loob. Stop what you're doing and eat with us." "K-Kumain ka," segunda naman ni Raze na hindi makatingin ng diretso sa akin sabay kuha nito ng hawak kong walis tingting. "B-Baka nagugutom ka." "Nag-almusal na ako sa bahay bago pumunta rito," malumanay kong sabi at kukunin na sana 'yong walis tingting nang ihagis niya kung saan. "Raze naman." "Dumulas ang kamay ko kaya kumain ka. Ako bumili niyan." "Command ba 'yan, bro? Talagang hinagis pa para matikman ang saging. Naku naku, iba. Saka sige na Lyl, kumain ka. Masarap 'yan. Huwag mo lang ibaon." "Tang-na mo talaga, Razen. Dapat hindi na lang kita sinama pabalik eh. Sakit mo sa ulo. Kung anu-anong kalokohan pinagsasabi mo sa kanya." "Sus, vibes naman nat
LYLIA'S POV Humigpit ang pagkakahawak ko sa walis tingting at halos makalimutan nang huminga nang idiin niya ang sarili sa akin. Ni hindi ko magawang kumurap kakatitig niya. Nakaka-ilang na tuloy. Sinubukan kong humakbang palayo sa kanya ngunit mabilis niyang nahuli ang baywang ko. “Just answer me, Lyl. Anong meron sa ‘pero’ na hindi mo masagot?” I couldn't help but gulp at his question. Paano ako makakasagot ng maayos kung ang lapit niya? Naco-conscious tuloy ako sa amoy ng hininga ko. Also, he's intimidating me—his whole presence. “L-Lumaya ka muna, pwede? H-Hindi ako makahinga ng maayos,” wala sa sariling sabi ko dahilan para maningkit ang mga mata niya at maya-maya pa ay tumawa ng mahina. “B-Bakit?” Pumungay ang mga mata niya sabay haplos sa aking pisngi. “Naiilang ka?” Nag-iwas ako ng tingin. “Nagtanong ka pa.” Pabalang kong sagot. "Why, Lyl? Is my stare making you weak?” he asked huskily. “Napatigil ko ba ang pagpintig ng puso mo?” nahimigan kong parang inaasar n
Takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Lylia nang biglang may tumakip sa bibig nito. She was so sure it was a man's hand, given its large size and the protruding veins that almost covered her nose. Halos magwala ang dibdib niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman kaya kahit nangangatog na ang mga tuhod niya sa takot ay pinipilit pa rin niyang kumawala rito. Nilulukob na siya ng lamig at nanghihina na rin ngunit hindi siya tumigil kakapiglas. "Don't move, Lyl, or we'll both end up in the hospital... or dead." Tila tumigil ang mundo niya pagkarinig sa mahina at baritonong boses ng lalaki. It was as if her heart stopped beating, and all she heard was his heavy breathing. Pakiramdam niya dinala siya sa alapaap sa sobrang tuwa nang masigurong nakabalik na ang asawa niya. Gustuhin man niyang lingunin at kabigin ng mahigpit na yakap ang lalaki ay pinili niyang sumunod dito nang mahagip ng mata niya ang ahas sa entrada ng mansyon. Tuloy ay mas lalo siyang nilukob ng takot na
Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang putulin ni Raze ang komunikasyon niya sa pamilya ni Lylia. Pakiramdam ni Lylia tapos na lahat sa kanila kaya kahit sobrang hirap, sinubukan niyang mag-move on at pilit na ibinabaon sa limot ang nararamdaman sa lalaki. Araw-araw siyang binabangungot, umiiyak at naninikip ang dibdib sa tuwing nagigising, umaasang bumalik na si Raze pero bigo siya. Kahit anong pilit niyang iwaglit sa isip niya na wala na si Raze na may asawa na itong iba at iniwan siya ay hindi niya magawa. She still loves him despite everything. She's still waiting for him to come back. Bumabalik sa kanya ang mga alalalang pinagsamahan at pinagsaluhan nila—those sweet nights of cuddling, talking and all the things that made them so lovey-dovey now shatter her heart into pieces. Sa tuwing tinatanaw niya ang mansyon mula sa maliit nilang bahay, hindi niya maiwasang maging emosyonal. Kahit tila naging 'haunted mansion' ito dahil wala na ang mga tao roon at nangangalaga,