Share

Kabanata 4

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-04-02 23:30:35

“T-Tumigil ka nga,” tinampal ko ang mukha niya. “Kung anuman ‘yang matitikman sa’yo, iyo na lang. I’m not interested.”

“Masabi mo pa kaya ‘yan kapag mag-asawa na tayo?” wika niya pagkatapos ibaba ang kamay ko. “I’m just kidding, Lyl, pero mukhang gusto ko ‘yang nasa isip mo.”

“Ang bastôs mo!” singhal ko sa kanya.

Humalakhak siya. “So, bastós nga ang nasa isip mo?”

Natigilan ako. I was caught, oh my God! “Hindi!” depensa ko habang nanlalaki ang mga mata. “Umalis ka na nga dyan! Hindi ako makahinga ng maayos!”

“Fine, fine… stop pushing me,” natatawa siyang lumayo sa akin. “I didn’t know na may alam ka tungkol sa bagay na ‘yon. You’re not that innocent. Pwede na.”

Pinanlakihan ko siya ng mata. “Anong pwede na? Gusto mong makatikim?”

“Nag-alok na nga ako kanina, ayaw mo naman.” Nakangisi nitong sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Isa pa talaga Raze. May atraso ka pa sa akin.”

“Na hindi ako bumalik kagabi? Gaya ng sabi ko, inaasikaso ko ang kasal natin.”

“Nagmamadali ka ba?”

“Oo, baka makawala ka pa, eh.”

Sandaling katahimikan ang namayani.

“A-Ano ako isda? N-Na pwedeng makawala?”

Nagka-iwasan kami ng tingin at maya-maya pa ay narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Sorry, nadulas.”

“Huh?”

“Wala,” nagkibit-balikat siya. May saltik talaga ‘tong si Kapitan. “Baka gusto mong itiklop ang hita mo? Nakabukaka ka.” Pagkasabi niya no’n, isinara niya ang pintuan ng kotse habang ako nakatulala sa nakabukaka kong hita.

“Raze!” Napahilamos ako ng mukha.

Ngayon ko lang napansin na nakabukaka ako! Nakakahiya! Ba’t ngayon lang niya sinabi?! Bwisit siya!

Pag-upo niya sa may driver’s seat, nakabaluktot akong tumalikod sa kanya.

“What are you doing? Masakit ba ang tyan mo? Or iniiwasan mo lang ako?” I could hear the playfulness in his voice. He’s teasing me! Kairita!

“Tuwang-tuwa ka naman?” Humarap ako sa kanya at umupo ng maayos. “Kailan ba ang kasal? Ba’t parang nagmamadali ka?”

“You’ll know,” saad niya at nagsimulang magmaneho. “Malalaman mo rin naman dahil magiging asawa kita.”

“Kapag ba nagpakasal na tayo, bayad na ako sa utang?”

Tinapunan niya ako ng tingin. “Nope. You still have one million debts.”

Bwisit! Akala ko bayad na, hindi pa pala. “Klaruhin mo kasi.” Reklamo ko.

“We’ll get there soon.”

“Mainipin ako.”

“Alam ko.”

“Raze naman!”

Naiinis na ako sa kanya ha!

“Kapag nakasal na tayo, bayad ka na ng isang milyon. Hindi ko na rin ipapa-demolish ang bahay at karinderya niyo.” Pagkklaro niya.

“Iyong isang milyon na natitira?”

“Pag-iisipan ko—don’t pressure me, Lyl.”

“Alam ko na!”

He glanced at me. “What are you thinking?”

“Maging katulong mo,” suggestion ko. Napasigaw ako nang biglang siya pumreno. “Raze! Gusto mo bang mabangga tayo?!”

“Sorry, ano ulit sabi mo?”

“Sabi ko magiging katulong mo’ko para paunti-unti ay mabayaran kita! Umayos ka nga!”

“Akala ko magiging katulong sa paggawa ng bata,” bumubulong nitong sabi kaya hindi ko narinig.

“May sinasabi ka?” Taas-kilay kong tanong sa kanya.

“Nothing. Sabi ko, pag-iisipan ko.” Ngiti-ngiti niyang sabi.

“Ngiti-ngiti mo dyan? May binabalak ka ‘no?” sinundot-sundot ko ang pisngi niya. “May pinaplano ka sa akin ‘no?”

“Stop it, Lyl, I’m driving.” Pagpapatigil niya sa akin habang nakangiti na parang ewan.

“May binabalak ka ‘no? Sabihin mo…” natigil ako sa pangungulit sa kanya nang mahuli niya ang magkabila kong kamay.

“Kulit. Wala pa akong balak. Baka sa susunod na araw, meron na.”

“Sabi na nga ba, eh! Ayoko nang magpakasal!” Binawi ko sa kanya ang kamay ko na siyang tinawanan niya.

“Sure na ba ‘yan?”

Hindi ako umimik. Bahala siya dyan.

“Lyl, isa.”

Sige magbilang ka lang dyan, wala akong pake.

“Dalawa—”

“Sa simbahan ba tayo magpapakasal? Hindi ba pwede private na lang?”

Siya naman ngayon ang natahimik. Pakiramdam ko tuloy nagkasala ako sa kanya. Wala namang masama sa tanong ko, ah.

“Hindi sila maniniwala.” Malamig niyang sagot.

“Dadalo ba lahat sa kasal?”

“Lahat.”

“Alam ba nila na—”

“Stop questioning me.”

Ang moody niya promise. Minsan sweet, minsan masungit, minsan—ang hirap niyang i-spelling-in. Paano pa kaya kapag mag-asawa na kami? Baka hindi ako magtagal. Sabagay, deal lang naman ‘to.

Pagdating namin ng palengke, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto at naunang bumaba dala ang bayong na lagayan ko ng mga gulay at isda.

Namataan kong nagpark siya ng kotse at hahabulin sana ako kaso may humarang sa kanya na tingin ko ay mga kasamahan niya sa barangay. He is a barangay chairman after all.

Pumasok na ako sa pinakaloob ng palengke at namili ng mga preskong gulay, isda at sangkap na ibebenta para mamaya. Bumili na rin ako ng karne pero ‘di ko dinamihan dahil mahal—

“Akin na,” napatingala ako sa lalaking umagaw ng mga bitbit ko. “Pakidagdagan po ‘yong karne.”

“Kayo po pala Kapitan,” sandaling napatingin sa akin ang ali bago dinagdagan ang karne na nakasala sa timbangan. “Okay na ba ‘to, Kapitan?”

“Add more.” Utos nito kaya dinagdagan ulit ng ali. “That’s enough. Magkano lahat?”

“Limang daang piso lang, Kapitan.”

Binigay sa kanya ni Raze ang isang libo. “Keep the change.”

“Pero—”

“Tara na, Lyl.”

Hindi na ako nakapagprotesta pa nang hawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin. Tuloy pinagtitinginan kami at pinagbubulungan.

“Ano pang kulang?” tanong niya habang dire-diretsong naglalakad. “Lyl?”

“Ha?” napakurap ako. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. “W-Wala na.” Nagbaba ako ng tingin.

“Bigas?”

“H-Hindi na—”

Tumigil siya sa bilihan ng bigas. “Dalawang sako ng bigas. Pakihatid na lang po sa kotse ko.”

“K-Kapitan!” mukhang ngayon lang nakabawi si tatay dahil napakuskos pa ito ng mata. Ngayon na lang siguro ulit niya nakita si Raze. “Aba’y oo naman! Nakabalik na pala kayo, Kapitan.”

Nakangiting tinanguan siya ni Raze. “Opo, no’ng nakaraang araw lang. Magkano po lahat?”

Hindi pa nakakasagot si tatay nang ipahawak sa kanya ni Raze ang limang libo. “Kapitan, sobra—”

“Ayos lang po, kunin niyo na.”

Akala ko ba kuripot siya? Ba't namimigay?

“Salamat, Kapitan. Kasintahan mo ba itong kasama mo?”

Sasagot na sana ako nang maunahan niya ako. “Magiging asawa ko po,” nakangiting sagot ni Raze.

“Aba’y panalo!” palihim akong natawa nang pumalakpak pa si tatay. “Bagay na bagay! Parehong magagandang tao!”

Naramdaman kong nakatitig sa akin si Raze kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Bakit?”

“Are you still mad at me?”

“Do I look mad?” pinilig ko ang ulo na nagpangiti sa kanya. “Mukha ba akong galit, Kapitan?”

“Ang sarap mong halikan.”

Nahampas ko siya ng wala sa oras. “Bastos!”

Kadaming tao rito tapos kung makapagsabi ng halikan.

“Ano na naman ba ang iniisip mo?” ngumisi siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala akong iniisip! Umuwi na tayo. Magsisimula ka na namang mang-asar, eh.”

Nagpaalam na kami kay tatay saka ko siya hinila palabas ng palengke.

“Kapitan?” nabaling ang tingin namin sa babaeng tumawag kay Raze.

“S-Sheila?”

Magkakilala sila?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 211

    Kanina ko pa napapansin si Razen na panay sulyap sa akin habang nagmamaneho. Nang hindi na ako nakatiis, hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Problema mo? Ayos nga lang ako," sabi ko at tinapunan siya ng tingin. "Kung nag-aalala ka, silipin mo." "Sige nga, bukaka ka," biro niya kaya natawa kami pareho. "Seryoso, love, mahapdi? Masakit? Dumiretso na lang kaya tayo sa ospital? Ipa-check natin. Nag-aalala ako, eh. Baka nagkaroon ng laceration. Aminado akong malaki 'to kaya hindi ako makampante." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ewan ko sa'yo, Razen. Huwag na. Diretso na tayo sa barangay at baka nangangailangan na sila ng tao doon." "Maiintindihan naman ni bro kung ma-late tayo ng dating doon," aniya saka humawak sa hita ko. "Sige na please?" Humugot ako ng malalim na paghinga. "Sige pero pagkatapos natin sa barangay." Ngumuso siya. "Love naman, eh. Nag-aalala na talaga ako. Ang init mo pa. Nilalagnat ka pa yata." This time tumingin na ako sa kanya at pinukol ito ng masamang

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 210

    Habang nakasandal ako sa dibdib niya, ramdam ko ang pagpintîg ng pagkalalakî niya sa loob ko na para bang gusto pa niya. Mukhang mapapagod muna kami bago makapunta ng barangay. Sana hindi ako mahalata mamaya at paniguradong aasarin na naman ako. “Love,” bulong niya, sabay halik sa tenga ko nang i-angat niya ako kapantay sa kanya, “I want another round.” Sunod-sunod ang paglunok ko. “Ha? Pero katatapos lang natin—” Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla niya akong pinatihaya. Nakapatong na agad siya sa ibabaw ko, puno ng pananabik. “I want you in every way this morning.” Mainit ang halik niyang dumapo muli sa labi ko. Habang nilalaro ng dila niya ang bibig ko, bumaba ang isa niyang kamay at hinawakan ang hita ko, itinulak paitaas para mas bumuka ako sa kanya. Sa isang mabilis at madiin na ulôs, pumasok ulit siya. Napakapit ako sa unan, napakagat-labi para pigilan ang impit na ungól. “Razen…” “Shhh… quiet, love,” bulong niya, pero mas diniinan pa ang bawat galaw n

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 209

    Napakagat ako ng labi nang maramdaman kong dumulas na ang palad niya sa hita ko, marahang hinihimas pataas hanggang sa salatin niya ang pagkababaè ko dahilan upang mas maibuka ko lalo ang mga hita. "Ah..." Napapikit ako nang sunggaban niya ako ng halik, mas mapusok, mas gutom habang patuloy na kinakalikot ang namamasa kong pvke. He stretched my legs more as he kept exploring my clît, parang wala siyang ibang gustong gawin kundi paligayahin ako sa sarap. Dahan-dahan sa una, paikot-ikot ang daliri niya sa lagusan ng pagkababáe ko, habang nakatitig siya sa mga mata ko na parang binabasa ang bawat reaksyon ko. “Razen…” napapaliyad ako, halos hindi na makontrol ang paghinga ko. “Shh… just feel fingers, love,” he whispered. Dumulas na papasok ang isang daliri niya. Mainit, masikip, at ramdam kong unti-unting namumuo ang kakaibang bagay sa puson ko sa bawat paglabas-masok niya. Napakapit ako sa braso niya nang dagdagan pa niya ng isa. “Ahhh, hmm ohh, Razen…” halos mapakagat ako

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 208

    Nakahiga pa rin kami sa kama habang si Dalgona nakatalikod sa amin, mahimbing pa rin ang tulog, ganun din ang bunso. Umikot ako at ipinatong ang ulo sa dibdib ni Razen, dama ang pagtibôk ng puso niya. “Love…” tawag niya sa malambing na boses, pinaglalaruan ang buhok ko. “Hm?” sagot ko, inaantok-antok na. Ewan ba pero ang sarap sa pakiramdam iyong ganito. Payapa. “Alam mo bang ang ganda mo kapag tumatawa ka?” bulong niya sabay haplos sa pisngi ko. “Kanina habang nagtatawanan kayo ni Dalgona, hindi ko mapigilan na titigan ka.” Napangiti ako, bahagyang tinakpan ang mukha ko. “Ano ba ‘yan, huwag na nga. Sige ka, kikiligin ako," biro ko but deep inside, I was really blushing. “Nah, I'm serious, love.” Dahan-dahan niyang hinila ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. Nang magtama ang mga mata namin, nakita kong seryoso nga siya. “Sometimes I feel like I can’t possibly love you more than I already do… but every day I realize I actually can.” Napalunok ako sa sinabi niya. “Ang cor

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 207

    Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto nila Lylia at Raze, nadatnan namin si Dalgona na gising pa at masiglang naglalaro ng maliliit na manika. Nakahiga naman sa tabi ang bunsong kapatid na mahimbing na natutulog, walang kamuwang-muwang sa ingay ng kapatid niya. Palihim akong napangiti at napatingin kay Razen nang akbayan niya ako. "Babysitter for today, love," aniya. "Tapos mamaya naman ikaw ang ibe-babysit ko." Saka siya kumindat. "Sus, baka nga ikaw pa ang ibe-babysit ko. Ikaw 'tong pababy sa atin," pagsusungit ko at umingos. Umiling siya. "Ibang babysit kasi iyong akin, mapapa-ungôl ka sa—" mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinandilatan siya ng mata. "Bibig mo, ah? May bata rito, sasamain ka sa akin," banta ko na tinanguan niya ng mabilis. Titiklop din naman pala. Sisikmuraan ko 'to pag hindi tumigil. Naku. “Tita! Tito!” natutuwang sigaw agad ni Dalgona nang makita kami, kumaripas pa ng takbo papunta sa amin. “Shhh, baby, baka magising si bunso,” bulong ko

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 206

    Napatingin ako kay Razen nang ibaba niya ako sabay kalabit sa akin. "May something ba sa kanila, love?" bulong niya. Nagmukha tuloy marites habang naka-side eye na nakatingin sa dalawa sa may sink. "Hindi ko na pala siya karibal kung ganun." Natawa ako. "Anong karibal?" Pinisil ko ang pisngi niya at hinatak siya papunta sa hapagkainan. "Kain na tayo. Huwag ka nang maki-chismoso sa love life ng iba." "Pero si Lira pwede?" Napailing na lang ako. "Lalaki ka, babae 'yon." "Ganun ba 'yon? Bakit may nakikita akong nagchi-chismoso na lalaki?" inosenteng tanong niya. "Mas malala pa kung minsan sa babae kung maki-marites." Kahit si Nicole natawa nang marinig niya itong banggitin ang marites. "Maritos ka naman. Kumain na kayo. Hayaan niyo na 'yang dalawa. May sariling mundo." "Wala, ah! Nagtimpla lang ng juice, napag-usapan pa. Issue kayo," si Lira na mukhang nakatunog na siya ang pinag-uusapan namin. Ang lapit ba naman namin sa kanila. Tumabi siya kay Nicole pagkatapos mailapag a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status