Share

Kabanata 91

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-07-05 17:23:55

Mabigat ang mga paa ko habang naglalakad palayo sa kasiyahan, hawak pa rin ang tray na parang wala na itong laman kahit puno pa rin ng assorted desserts.

Huminto ako sa pinakadulong bahagi ng hallway, sa likod ng malalambot na pink curtain na nagsisilbing divider sa bintana. Doon ako sumiksik, para hindi makita ng ibang staff, ng ibang bisita, ng kahit sino.

At doon ko pinakawalan ang lahat.

Hindi na ako nag-abala pang alisin ang mask ko. Tumulo na lang ng kusa ang luha ko sa ilalim nito, habang mahigpit kong yakap ang sarili. Para akong batang nawawala.

Hanggang ngayon nag-e-echo pa rin sa akin ang mga sinabi ng mommy ni Raze. Tumatak na sa akin. Hindi ko makalimutan.

Humikbi ako, pilit na sinasakal ang bawat iyak para walang makarinig. Pero hindi ko na rin napigilan ang impit na tunog mula sa lalamunan ko. Mababaw ang hininga. Masakit sa dibdib. Parang hindi na ako makahinga.

Ang sakit. Ang hirap.

Pakiramdam ko ang haba ng araw na 'to at hindi na matapos para lang iparamdam s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 159

    Maaga pa lang, nagbukas na ng talyer si Raze para ayusin ang sirang motor tapos isusunod pa niya ang sirang kotse. Sa talyer na rin siya nag-agahan habang sinisipat ang mga sira sa mga sasakyang kailangan niyang ayusin. Habang iniikot niya ang wrench sa isang bolt sa ilalim ng motor, bigla siyang napatigil. Sa gilid ng kanyang paningin, may napansin siyang dalawang pares ng sapatos, isang panlalaki at isang pangbabae. "Finally, nahanap ka rin namin," nakangusong sabi ni Nicole habang nakapamewang. Raze wiped the sweat from his forehead and stood up slowly. "Balak mo bang magtago rito habang buhay, bro?" seryosong tanong ni Razen sa kapatid. "You have a life in Barangay Abueña. Iyong mansyon, hacienda, ang mga tao roon na umaasang babalik ka. I have the money to help them, pero hindi sapat. Kailangan nila ng lider." "And besides," dagdag ni Nicole, "nandoon ang pamilya mo. Ang anak mo. May chance ka nang mabuo ulit 'yon. Don’t you want that, Raze?" Napayuko si Raze. His jaw

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 158

    Mula nang tuluyang mawala sa mata ng publiko, pinili ni Raze ang katahimikan, isang buhay na malayo sa nakagisnan niya, sa ingay ng syudad, at sa lahat. Tinalikuran niya maski ang pagiging prinsipe. Ngayon, kilala siya sa isang baryo bilang Kapitan Radleigh. Sa tuwing may kargamento mula sa bayan, siya mismo ang umaalalay sa pagbubuhat. May munting talyer sa gilid ng kalsada kung saan siya mismo ang nag-aayos ng mga sirang motorsiklo at tricycle. Kapag may kailangang ayusin sa barangay, poste ng kuryente, sirang bubong ng barangay hall, drainage, nandoon siya, walang reklamo. Nakatutok lang siya sa lahat. Minsan, nagpapatulong siya sa mga binatilyong tambay. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may lihim siyang itinatago. Isang parte ng buhay niya na hindi kailanman nawala sa puso niya, si Dalgona, ang anak nila ni Lylia. Sa tuwing sasapit ang ikalawang linggo ng buwan, gumigising siya ng alas-tres ng madaling araw. Tahimik siyang umaalis, nagsusuot ng maskara, sumasakay sa luma at

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 157

    Pagkatapos ng gabing ‘yon tuluyan nang binitawan ni Lylia ang lahat. The next day, she secretly placed her resignation letter on Raze's table. Kael was the first to know. And he didn’t try to stop her. In fact, siya pa ang nag-book ng ticket ni Lylia patungong Paris kung saan nandoon ang isang baking institute na ni-refer ng mommy niya. “If you’re going to dream, Lylia… dream in the capital of patisserie,” he said with a proud smile. Doon nagsimula ang lahat. The transition wasn’t easy. She struggled with the language. Minsan umiiyak siya habang nagme-memorize ng French terms para lang maintindihan ang mga chef instructors niya. Pero tuwing gusto na niyang sumuko, inaalala niya ang lahat ng pinagdadaanan niya noon. Ang pagtrato sa kanya ni Ylona, ng pamilya ni Raze, ang pagtitiis para lang sa mahal niya. Lahat ng 'yon, naging motivation niya para magpatuloy. At ang mga pangarap na ilang taon niyang kinimkim para lang unahin ang ibang tao. Ngayon, ang sarili naman niya ang uunahi

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 156

    Mabigat ang mga hakbang ni Lylia pabalik sa hallway ng event. Nagtatalo ang loob niya, galit, sakit, lungkot, at pagod. Hindi niya akalaing ang simpleng paglabas lang para makahinga ay magiging simula ng isa na namang pasakit. Nanatiling sariwa sa isip niya ang mga huling sinabi ni Raze: “I’m trying to protect you.” Pero anong klaseng proteksyon ‘yon kung pakiramdam niya, siya palagi ang kailangang mag-adjust? Magtago? Manahimik? Nakatitig lang siya sa tiles ng hallway, pilit kinakalma ang sarili. Pero kahit anong pigil niya, ramdam niyang unti-unti siyang nanghihina. Naninikip ang dibdib niya. Parang wala siyang ibang gustong gawin kundi maglaho sa lugar na ‘to. Hindi ko na kaya... Isang hakbang pa at tuluyang nanghina ang mga tuhod niya. “Lylia?” Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Bumungad si Kael mula sa madilim na parte. Nakasuot ito ng dark brown na suit, halatang hinahanap siya. Pero nang makita nito ang itsura ni Lylia, maputla, magulo ang buhok, at namamasa ang

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 155

    Dahil anniversary ng kumpanya, nagkaroon ng party. Naghalo ang mga empleyado at royalties sa malaking hall. Lumabas muna si Lylia dahil pakiramdam niya nahihilo na siya. Hindi na siya makahinga. Siksikan, maingay, at punung-puno ng mga matang sumusunod sa bawat kilos niya. Kanina pa siya pinapakiramdaman ng mga bisita, lalo na ng ilang royalties na naroon dahil sa koneksyon ni Rafaela. She needed air. She needed space. And most of all, she needed clarity. Dumiretso siya sa isang side ng corridor kung saan madalang ang tao. Suot pa rin niya ang cream-colored midi dress na binagay niya ng emerald earrings na regalo ni Rafaela noong gala. Habang naglalakad, napaisip siya ng malalim, tama pa ba 'tong ginagawa ko? Hindi pa siya nakakalayo nang may humablot sa braso niya. “Lylia,” tawag ng pamilyar na boses. “Raze?” Nagulat siya, napaigtad at agad na pumalag. Pero mabilis ang lalaki, hinatak siya nito papasok sa isang emergency stairwell at hindi na siya binitiwan. “Anong ginagawa

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 154

    Lumipas ang ilang araw… May malaking event ang kumpanya. Isang Royal Partnership Gala kung saan iimbitahan ang mga kasosyong pamilya mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, pati mga foreign representatives. At dahil dito, abala ang buong staff sa paghahanda, mula sa dekorasyon, catering, media coverage, logistics, at siyempre, mga pastry creations. Lylia barely had time to breathe. Pero dahil gusto niya ang ginagawa, halos hindi niya maramdaman ang pagod. Mas nag-e-enjoy siya. She was in the kitchen fifteen hours a day. Umiikot sa ingredients, nagpapatest ng flavors, nagbabalanse ng fondant, at naghahabol sa delivery schedules. Pero kahit pagod, hindi siya nawalan ng determinasyon. May mga pagkakataong napapaisip siya sa katahimikan ng gabi kung tama bang tinanggap niya ang spotlight, pero lagi’t laging bumabalik sa kanya ang goal na, "Make something of herself. Para sa sarili ko naman." Dumating ang araw ng event. Queen Rafaela, in a dazzling gold gown, personally introduced her to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status