Share

Kabanata VII: Si Hanna at ang Barkada

Magkasama kami ni Hanna sa pamamalengke. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito ngayon at tila ba na parang nananaginip pa rin ako. Nakahawak sa kaliwang balikat ko si Hanna habang sinusuri niya nang maigi ang mga isda kung presko pa ba ito o hindi. Sabi niya kasi kanina ay balak niya sanang magluto ng escabeche. Bahagyang nagningning ang mga mata ko kanina nang banggitin niya iyon kaya't tinanong niya ako kung paborito ko ba ito at tumango naman ako.

"Sigurado po ba kayong sariwa 'yan?" tanong ni Hanna sa tindera.

"Aba't oo naman, hija. Hindi kami nagtitinda ng hindi sariwa." Sabi ng tindera.

"Sigurado po kayo, ah?" bungisngis na tanong ni Hanna at tumango naman ang tindera.

Binayaran na ni Hanna ang nabiling isda. Akmang kukunin niya na sana ito sa tindera ngunit inunahan ko na ito.

"Ako na," pagboboluntaryo ko at mahigpit na hinawakan ang plastic bag na may laman na isda.

"Sigurado ka, Iris? Dadalawa na ang dala mo." Alalang tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako.

"A
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status