Share

Kabanata VIII: Binata

"Uy, may tsismis ako!" anunsyo ni Mary Anne nang makarating ito sa tambayan namin. Umarko naman ang kilay ni Jolo at umupo sa may ugat ng puno.

"Ang aga-aga may tsismis ka na naman," inis na sabat nito.

"Eh, huwag kang makinig." Pagtataray ni Mary Anne.

Nagkamot ng ulo si Jolo. Wala siya sa mood. Nakabusangot ang mukha.

"Kung nando'n lang si Ate Hanna sa bahay nila eh, 'di sana nando'n tayo ngayon." Nanghihinayang na wika nito.

Tinabihan ko naman siya sa pag-upo. "Uy, huwag naman nating araw-arawin. Nakakahiya," sabi ko.

"Sus, baka gusto mo lang siya masolo." Singit ni Jimboy.

Napapalatak si Rhea. "Ang mahirap kasi sa inyo, magkakagusto na nga lang kayo sa iisang babae pa."

"Gaya-gaya kasi," bulong ni Jimboy.

"Gaya-gaya mo ang mukha mo," si Jolo na ang nagsabi.

Nakakabagot nga. Wala sina Hanna at Ninang Carmen nang magpunta kami sa bahay nila. Ang sabi sa amin ay mukhang nagpunta raw sila sa lungsod. Hindi nga lang nasabi kung anong oras sila uuwi.

"Siya nga pala, kasama ka ba sa saga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status