LOGINCEMETERYBella’s Point of ViewUmuulan nang bahagya.The sky looked dead.Parang pati langit ay napagod na ring lumaban matapos ang lahat ng dugong dumanak sa mundong minsang nilamon kaming lahat.Tahimik akong nakatayo sa harap ng dalawang puntod habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa basa kong balat.Selena Brown.Dash Montero.Dalawang pangalan na minsang naging tahanan ng tiwala namin ni Jarvis. Dalawang taong itinuring naming pamilya sa mundong puno ng kasinungalingan. At dalawang taong parehong namatay para protektahan kami.Nanginginig ang mga daliri ko habang marahan kong hinaplos ang basang lapida ni Selena.“They’re really gone…” halos pabulong kong sabi.Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang tanggapin ng puso ko.Na wala na si Selena... Ang babaeng palaging matapang sa harap ng lahat kahit unti-unti nang nadudurog sa loob.Na wala na si Dash... ang lalaking palaging nakangisi at palaging handang mamatay para sa mga taong mahal niya kahit hindi niya k
Dash’s Point of ViewMahigit anim na taon na ang lumipas simula nang saksakin ko ang sarili ko gamit ang kamay ni Bella. Alam kong iyon lang ang paraan para mapatunayan ko ang loyalty ko sa Queens na kahit kapalit nito ang pagkawasak ng lahat.Para mabuhay kaming dalawa ni Selena, nakipagkasundo ako kay Uno. Hindi iyon naging madali. Pinatay ko ang dating ako. Pinalabas nilang patay na ako at ginawa akong isang anino na isang assassin na walang ibang pangalan kundi Ash Montero.Isinakripisyo ko ang lahat, lalo na ang pagmamahal ko kay Selena. Mahal na mahal ko siya. At kahit hindi niya alam na palihim ko siyang binantayan. Nakita ko kung paano niya tinupad ang pangako niyang baguhin ang buhay niya. Nakita ko kung paano siya bumangon at kung paano siya muling umibig.Masakit. Damn! Sobrang sakit pero wala akong magawa kundi mahalin siya mula sa malayo.Dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Hindi pa ako pwedeng magpakita.Hanggang sa dumating ang araw na ito…Patay na si Selena.Humigp
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV"What do you mean?" kinakabahan na tanong ko."Dumalaw ka sa kanya noong isang araw," kaswal na sabi niya."Tama ka," mahinang usal ko. "Kumusta kayong dalawa?" pag uulit niya sa akin."Sa tingin ko ay okay naman kaming dalawa, Taki," sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.Hindi ko ala
Bella’s POVMarahan akong ngumiti at tumingin sa mga mata ni Jarvis. “I always love you, Freak.”Tinititigan niya ako tila kinakabisado ang aking mukha. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabalat ng apple kaya lang nagulat ako sa ginawa niya.Naramdaman ko na lamang na yumuko siya sa akin at sabay hinawak
Bella's POV Araw ng linggo ngayon at nakatanggap ako ng tawag mula kay Attira na mamayang gabi gaganapin ang meeting ng Queens. Ang location ay malapit sa airport. Isa itong resort & casino na kilala sa area na iyon. Hindi ko lang inaasahan na pag aari ito ng Queens. Napapahanga na lamang ako. Sa ka
Bella's POV Nagising ako na makarinig ako nang malakas na pagbasag. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Nasaan ako? Kahit na medyo nahihilo pa ay tumayo ako para alamin kung saan ako dinala ng lalaking iyon. “Gising kana pala," sabi ng lalaki na kumidnap sa akin. Dahil nga sa pagka







