Next:“Hindi ka lang maganda, iha. Maganda rin ang figure ng katawan mo. Bakit hindi ka na lang mag-artista? Ako ang bahala sa ‘yo, sigurado akong mabilis kang sisikat.”Habang patagal nang patagal ay hindi na nagiging komportable si Everest sa klase ng titig ni Mr. Tang lalo na at nagtagal iyon sa malulusog niyang dibdib. Maluwang ang suot niyang t-shirt at pinaresan niya iyon ng maong na pantalon kaya hindi niya mawari kung paano nasabi ni Mr. Tang na maganda ang hubog ng katawan niya. “Mr. Tang, paparating na sina Stella. Doon ko na lang sila hihintayin sa labas,” mahina ang boses na paalam niya at mabilis na tumayo. Ang akala niya ay hahayaan siya nito pero nagkakamali siya dahil bago pa man niya mahawakan ang seradura ng pinto ay agad rin itong tumayo at idinikit ang katawan sa katawan niya. Everest was startled as her body was plastered against the wall by Mr. Tang pressing her from behind. “Ano’ng problema, iha? Bakit hindi mo na lang muna ako samahan dito at uminom habang na
Next:Alam ni Everest na nagdadrama na naman ang kanyang ina pero pinapangako niya sa sarili na ito na ang huling beses na magpapagamit siya rito. Bilang anak ay iniisip niya rin ang kasiyahan ng ina at ang hindi pag-divorce ng ama rito ang tanging huling maibibigay niya. Ito na ang huling beses at hindi na ang mga ito makakahingi ng pabor sa kanya. Kahit isipin pa ng mga itong wala siyang utang na loob hindi na siya masasaktan lalo na kung iisipin niya lahat ng pasakit na naranasan niya sa mga ito. Si Stella ang nag-set ng lugar at oras kung saan siya katagpuin ng mga ito at mukhang hindi na makapaghintay ang kanyang ina at kapatid dahil gusto ng mga ito ay bukas na bukas din sila magkita. Kinagabihan, matapos hatiran ng baso ng gatas ang dalawang matanda sa kuwarto ng mga ito ay agad rin siyang bumalik sa kuwarto ni Fredrick. Eksaktong naabutan siya ni Fredrick na papasok sa kuwarto kaya agad itong sumunod sa kanya papasok. When the two of them were inside, the surroundings becam
Next:“Fredrick!?” Sa labis na gulat ay hindi na alintana ni Everest kung tinawag niya si Fredrick sa pangalan nito. Muli niyang isinuot ang t-shirt na akma sanang huhubarin at agad itong hinarap.“Hindi ka ba marunong kumatok? Bakit bigla-bigla ka na lang pumasok?” akusa pa niya na tila ba pagmamay-ari niya ang kuwarto. Ang buong akala niya ay sa study ito didiretso tulad ng lagi nitong ginagawa kaya hindi niya inakalang susunod agad ito sa kanya.“This seems to be my room? Kailangan ko ba ng permisyon para pumasok?” Nakataas ang isang sulok ng labi na tanong nito habang ang mata ay halos pumikit sa pagkakangisi. Nakagat ni Everest ang pang-ibabang labi at napakamot sa batok nang maalala kung sino ang tunay na may-ari ng kuwarto. “Ah… pasensya na. Bigla kong nakalimutan na nandito na nga pala ang lolo at lola mo at kailangan nating umakto bilang tunay na mag-asawa.”Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ni Fredrick nang isinara nito ang pinto at sumandal doon. “Huwag kang mag-alala
Next:Mahinang napatawa si Fredrick nang makita kung paano siya napasandal at nawalan ng sasabihin. “Just kidding.” Tumayo ito nang tuwid saka matiim pa rin siyang tinitigan. “I’m sorry. Katulad ka ng kapatid ko. Hindi basta paaapi at kailangan lagi may ebidensya para hindi maakusahan ng mali.” lumabas ito ng kusina upang tumungo sa itaas. Palihim na bumuga ng buntong-hininga si Everest nang wala na ang lalaki sa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pero halos hindi siya makahinga dahil sa pagkakalapit ng katawan nila ni Fredrick. Pero nagpapasalamat siya dahil marunong itong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng tawad sa kanya kahit hindi naman kailangan dahil nagbibiro lang naman siya. Dahil parehong hindi pa sila nakapagtanghalian ni Fredrick ay nagpasya si Everest na maghanda ng makakain at pagkatapos ay kinatok niya ang lalaki sa study nito at inayang kumain na pinaunlakan naman nito at sumunod sa kanya sa hapagkainan. “Hindi mo na kailangang maghanda ng ganito
Next:Ang hindi alam ni Carmela ay naunahan siya nina Fredrick at Everest. Sinadya ni Nolan na bagalan ang pagmamaneho upang una sila makarating kaya naman naghihintay na sila sa pagdating ng babae. Lahat ng ito ay plano ni Everest dahil ayaw niyang mapahiya kay Fredrick at sa lolo’t lola nito. Nang makababa si Carmela mula sa sasakyan na minamaneho ni Nolan ay dali-dali itong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina kahit pa ang paalam nito sa lalaki ay kukuha ng damit sa kuwarto ng matandang amo. Hinayaan naman ito ni Nolan dahil alam niyang naghihintay na rito ang kanyang amo. Nang makarating sa kusina ay agad niyang kinuha ang kaldero na ginamit kanina ni Everest, mabuti na lang dahil hindi pa naisalin ang natitirang laman niyon dahil nagkagulo na kanina sa biglang pag-atake ng sakit ng tiyan ng dalawang matanda. Kaagad niyang sinandok ang laman niyon para itapon at akmang itatapon nang biglang may nagsalita sa likuran niya kasunod niyon ang biglang pag-agaw ng kaldero sa kamay ni
Next:Mabilis na sumunod si Everest sa ospital kasama ang isa pang driver na naiwan. Habang nasa daan ay agad niyang pinadalhan ng mensahe si Fredrick na nakuha niya ang numero mula kay Nolan. Ipinaliwanag niya rito ang nangyari sa dalawang matanda at ang tanging reply nito ay magkita sila sa ospital. Puno pa rin ng pag-aalala si Everest hanggang makarating sila ng mayordoma sa ospital at maabutan sa emergency room ang mag-asawa na may nakakabit na suwero. Namumutla pa rin ang mukha ng mga ito sa labis na pagsusuka at pagtatae at halos mawalan na rin ng lakas. Mabuti na lamang at agad na dinala ang mga ito sa ospital at nabigyan ng infusion, kung hindi ay hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili dahil siya lang naman ang nag-prepare ng pagkain ng mga ito.Pero hindi maintindihan ni Everest kung paano nagkaroon ng food poisoning ang mga ito. Maayos ang naging luto niya at malinis siya magluto. Isa pa, walang ibang humawak… sa isiping iyon ay agad na bumaling ang kanyang tingin ka