Share

Chapter Six

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2024-10-15 11:27:58

Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya.

Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon.

“Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki.

Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.

Inirolyo ni Georgina ang mata. “Nagtatanong lang. Masama ba?”

Imbes na sagutin ay binuhat siya ng lalaki na parang pasan ang isang sakong bigas at dire-diretsong pumasok ng bahay. Bumaliktad ang tingin ni Georgina sa paligid at hindi niya makita nang maayos ang daang tinatahak ni Rhett. Ibinaba lamang siya nito hanggang makarating sila sa elevator.

“Bakit kailangan mo pa akong buhatin? Kaya ko namang maglakad!” she pouted.

“Sa liit ng binti mong ‘yan, sigurado akong hindi mo mahahabol ang hakbang ko. Nag-aalala lang ako baka maligaw ka sa pamamahay ko. Sayang ang oras para hanapin ka.” Sumandal ito sa dingding ng elevator matapos pindutin ang number five button.

Nakapameywang na hinarap ito ni Georgina. Nang makita ang nakakaloko nitong ngisi ay alam niyang pinaglalaruan na naman siya nito. Bago pa siya makapagsalita ay hinawakan siya sa pulsuhan ng lalaki at hinila palabas dahil bumukas na ang elevator at nakarating na sila sa fifth floor.

Nakahilirang kababaihan na nakauniporme ang naghihintay sa kanila paglabas ng elevator.

“Bihisan niyo at ayusan ang babaeng ito. Kailangan ko siya sa loob ng isang oras,” utos nito at agad namang tumalima ang mga kababaihan. Mukhang hindi lang basta kasambahay ang mga ito.

Muli na namang sunod-sunuran si Georgina habang binihisan at inayusan siya ng halos limang kababaihan. Bago matapos ang isang oras na palugit na binigay ni Rhett ay tapos ng ayusan si Georgina at pababa na muli siya ng elevator.

Pagkalabas niya ay sinalubong siya ng naghihintay na si Rhett. Nakasuot ito ng puting polo na lalong nagpatingkad ng kaguwapuhan nito. His hair was styled back, revealing his fair forehead. Nakatingala si Georgina habang nakatingin sa lalaki at halos matulala sa kaguwapuhan nito.

Bumalik lamang siya sa kasalukuyan nang bigla itong yumuko at bumulong sa kanyang tainga. “Makipagtulungan ka sa akin at siguradong wala akong gagawin sa ‘yo.”

Mababa ang boses nito at ang mainit na hininga ay bumuga sa loob ng kanyang tainga. Georgina shuddered and she felt goosebumps all over. Sa pagkakataong ito ay alam ni Georgina na wala na siyang takas. Kung kaya nitong hanapin ang bahay niya, kaya rin siya nitong hanapin kahit saan man siya magtago.

Nangangalit ang ngipin na sinagot niya ito. “Okay, sige, papayag ako. Alam kong pareho tayong may kailangan sa isa’t isa. Pero kailangan ko ng panahon. Gaano katagal na gusto mong maging mag-asawa tayo? At sinasabi ko sa ‘yo, kapag dumating ang araw na iyon, wala na tayong pakialaman sa isa’t-isa.”

Walang interes na sumagot ang lalaki sa malamig na boses. “Tatlong buwan.”

“Okay, agree. Tayo na.” Inilahad ni Georgina ang palad.

Hindi gusto ni Rhet na makipaghawakan ng pisikal kaninuman kung ito ang nag-i-initiate at nag-aalangan siya kung tatanggapin ang palad ng dalaga o hindi. Pero sa huli ay tinanggap niya iyon. Isang judge ang magkakasal sa kanila at inimbitahan iyon ni Rhett na pumunta sa mansyon nila. Dahil madalian ang kasal na ito ay walang magarbong dekorasyon at ang seremonya ay ginawa lamang sa malaking study ng mansyon. Ang witness sa kasal ay ang mismong judge at ang dalawang kaibigan ni Rhett na umalis din kaagad matapos nilang pumirma.

“Bumalik ka muna sa kuwarto. Magpasama ka sa kasambahay na naghihintay sa labas.”

Tango lang ang isinagot ni Georgina at lumabas ng study. Tulad ng sinabi ni Rhett ay may kasambahay na naghihintay sa kanya sa labas at sinamahan siya nito hanggang sa makarating siya sa kuwarto. Ang buong akala niya ay babalik siya sa guestroom na pinagdalhan sa kanya kanina ni Rhett pero namangha siya nang dinala siya ng kasambahay sa kuwarto mismo ni Rhett!

Habang naghihintay sa lalaki, na ngayon ay asawa na niya, ininspeksyon ni Georgina ang buong kuwarto. When she felt satisfied, then she only remembered that she was still wearing her long white dress. At wala siyang pampalit dahil hindi na niya makita kung saan ang pinagbihisan niya. Patamad na humiga siya sa kama at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Mabilis siyang dinalaw ng antok dahil halos wala siyang tulog kagabi dahil sa may tinapos siyang trabaho.

Nang maramdaman ni Georgina na bahagyang lumubog ang kama ay bigla siyang nagising at ang unang bumungad sa kanya ay ang guwapong mukha ng asawa na nakatungo sa kanya. Halos gahibla lang ang lapit ng mukha nila at ang magkabilang braso nito ay nakatukod sa tabi niya dahilan upang makulog siya at maging limitado ang kilos.

“Ano’ng ginagawa mo, Rhett? Mag-asawa lang tayo sa papel pero wala sa usapan natin ang ganito.” Nakaangat ang isang kilay na kastigo niya.

Mahinang napatawa si Rhett. Lalong lumabas ang kaguwapuhan nito dahil sa tawang iyon at bahagyang kumabog ang dibdib ni Georgina.

“Sino ang nagsabi sa ‘yo na mag-asawa lang tayo sa papel?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Rima Catalan Alombro
nice story ...️
goodnovel comment avatar
SQQ27
Yes pooo, just keep reading
goodnovel comment avatar
Avian Perez Diaz
anong susunod
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 410: Thief

    Next:May munting ngiti na kumalas sa labi ni YLena at ang tila pagod na ekspresyon ng mukha nito ay hindi nito kayang itago na siyang nagpalambot sa puso ni Griffin. Umiwas siya ng tingin dahil tila nangangati ang kanyang puso sa malamlam na ekspresyon na iyon ng kaharap. Ngunit aaminin niya. Lalong lumilitaw ang kagandahan ng babae kapag ngumingiti ito. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay nasa kanya na ang pinakamahal na diamond sa buong mundo. It was Ylena. Kaya hindi niya rin maikakaila na sino man ang makakita sa ngiti nito ay mabibighani at hindi agad ito basta-basta makakalimutan. “Are you offended?” mahinang tanong niya. Tama lang para marinig siya ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya kay YLena kaya hindi siya makatingin dito nang diretso kahit pa sinasabi niya lang kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Mahinang tawa ang isinagot sa kanya ni YLena. “Nah…bago ako pumunta rito ay sinabihan din ako ng ganyang eksaktong salita ng kaibiga

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 409: Burned

    Next:Nasorpresa si YLena sa sinabi ni Griffin. Hindi niya akalain na kahit hindi maganda ang naging engkwentro nilang dalawa ay nagawa pa rin nitong bigyan siya ng advice. Tumikhim siya bago sumagot. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano makipag-usap dito. “Ahem…s-salamat. Hindi ko akalain na willing kang makipag-usap sa akin at magbigay ng advice kahit pa alam mong hindi maganda ang unang pagkikita natin.” Iniwas niya ang tingin saka tumingin sa malayo. “Nakita mo kung ano ang nangyari kanina. Ibang-iba ito sa pamilyang nakagisnan ko noong bata pa ako. Sa maraming pagkakataon ay nararamdaman ko na wala akong lakas para lumaban sa ganitong sitwasyon ngunit wala akong mapagsabihan o mapagkuhaan ng lakas ng loob. Siguro ay tama ka nga. Ang apelyidong dala ko ay maraming maidudulot na negatibo o positibo. I could even use that to make more money?” pabirong turan niya sa huling sinabi. Kumurba ang kilay ni Griffin at mahinang napatawa. “Well, you seem to be in a good mood now? You ca

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 408: Talking In The Garden

    Next:“Nasa ibaba ang banquet, bakit hindi na lang tayo doon mag-usap?” biglang saad ni Griffin at nagpatiunang maglakad. He looked away from YLena and walked towards the stairs. Ayaw nang magtagal dito ni Griffin at hindi naman siya comfortable sa pakikipaghalubilo rito lalo na at iilan lang ang kakilala niya. At ang kooperasyon na sinasabi sa kanya ni Mr. Carnegel, kahit gaano man ito kagaling at kayaman na negosyante, ay ikokonsidira niya. He doesn’t like the way he treats his daughter. Ang hindi alam ni Mr. Carnegel ay na-offend na niya si Griffin dahil sa pagtitipong ito. Basta ipinagmalaki nito sa kaibigan na naimbitahan nito ang isang katulad niya. Bago ito sumunod kay Griffin pababa ng hagdan ay kinausap nito nang masinsinan si YLena na nasa isang sulok. “Huwag ka nang gumawa ng bagay na ikakagalit ko. Sumama ka sa akin mamaya dahil marami pa akong ipapakilala sa ‘yo.”YLena could only grit her teeth. Maraming ipapakilala? Napaismid siya sa sarili. Bakit sa tingin niya ay ib

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 407: Staring Contest

    Next:Pagod na si YLena sa paulit-ulit na pang-iinsulto ng hilaw niyang kapatid at ina nito. Simula nang tumira ang mga ito sa bahay nila at ipinakita ang masamang ugali ng mga ito ay paulit-ulit na niyang narinig ang masasakit na salita at talagang naririndi na siya. Noong una ay hinayaan at tiniis niya ang mga ito dahil alam naman niyang walang katotohanan ang pinagsasabi ng dalawa pero habang lumalaki siya ay natuto na siyang lumaban.“Yeah, alam ko na ang trabaho ko ay magbilat sa araw hanggang maging alikabok. Pero bakit naman mapapahiya ang—iyong ama? Kailan mo pa naging daddy ang tatay ko? Amanda, palitan mo man ng apelyido ko ang apelyido mo, kahit kailan ay hindi ka magiging Carnegel.” Naglakad siya at pinaikutan ito. “Well, kungsabagay, maraming tao nga naman ang makakapal ang mukha sa mundo. Katulad na lang ninyong mag-ina na kinalimutan ang tunay na ama at asawa para lang mang-angkin ng tatay ng iba dahil sa pera. Talagang binuksan mo ang mata ko sa mga bagay na ito, Amand

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 406: Work discrimination

    Next:Umangat ang isang kilay ni Griffin nang makita ang babae. Aaminin niya, hindi lang maganda ang babae. She was the beauty that men would drool over. Lutang na lutang ang kagandahan nito sa suot na simpleng makeup dagdagan pa ng suot na dress na bumagay rito. Was it a coincidence that they met here tonight?Hindi akalain ni Griffin na ang magandang babaeng ito ay mas pinili pang maging journalist sa isang magazine. Mas maraming mararating ang kagandahan nito na magbibigay ng magandang buhay dito…pero, sino siya para gumawa ng desisyon para sa buhay nito?“Bakit ka nandito?” mataray na tanong ng babae habang nakakrus ang braso sa harap ng dibdib. Biglang bumalik ang diwa ni Griffin sa tanong na iyon ng dalaga pero hindi pa siya nakakasagot ay naunahan na siya ulit nitong magsalita.“Did you trick someone into giving you their invitation again? Sinasabi ko sa ‘yo, mister. Wala rito ang babaeng tinatangi mo kaya’t walang sino man ang basta na lang magbibigay ng imbitasyon sa ‘yo.”

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 405: Meet Again

    Next:“Naku, mabuti naman at dumating ka na!” Mahinang napatawa si YLena nang makita ang halos hindi maipintang mukha ng make-up artist na si Kierra. Kaibigan niya ito at ito rin ang madalas na nag-aayos sa kanya sa tuwing may okasyon siyang pupuntahan. Dahil nga wala siyang gana na um-attend ng party ng kanyang ama ay late na siya pumunta sa studio nito at napagalitan na naman siya. Kaninang umaga pa niya ito sinabihan na magpapaayos siya kaya ito narito ngayon. Ang totoo ay ekslusibong kliyente lamang ang tinatanggap nito at kung tatamarin ito ay tatanggi pa ito. Siya lang yata ang hindi nito kayang tanggihan. “May trabaho ako, okay?” nakangiwing aniya nang mahigpit siya nitong niyakap. “Hindi naman ako katulad ng iba na nagpapalaki lang ng katawan sa bahay.” Sinadya niyang lakasan ang boses dahil sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya ang mag-inang Palma at Amanda. Ang kanyang madrasta at kapatid na hilaw. Umangat lang ang isa niyang kilay nang makita ang dalawa pero hindi niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status