Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas.
Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at bumakas ang pagkailang. Nang biglang inalis ng lalaki ang suot na salamin ay nagtama ang mata nila ng lalaki. Hindi niya alam kung namumukhaan siya nito dahil sa disguise niya noong una nilang pagkikita pero biglang kinabahan si Georgina dahil sa klase ng titig sa kanya ni Rhett. Dali-dali siyang pumasok sa loob at alam niyang wala siyang takas kung hindi siya aalis ng bahay kaya imbes na humilata ay lumabas siya ng kuwarto at pasekreto siyang tumakas mula sa kusina. “Naghihintay po sa kotse si Mr. Castaneda. Puwede po bang pakitawag si Ms. Lucindo?” Narinig ni Georgina ang isa sa mga tauhan ni Rhett na kausap ang madrasta. Dahil parehong babad na babad ang mga ito sa pag-uusap ay walang may nakapansin sa kanya. Kahit ang mga kasambahay nila ay wala rin sa kusina kaya malaya siyang nakalabas. Malawak ang ngiti niya habang nagtatatakbong umalis ng bahay habang walang tigil na inaasar sa isip si Pia at ang madrasta dahil sa katangahan ng mga ito, pati na rin si Rhett na ang buong akala niya ay maiisahan niya. Dahil ang sumunod na nangyari ay siyang magpapabago nang tuluyan sa buhay niya. Bigla siyang nabangga sa isang matigas na bisig at kung hindi siya nito nahawakan sa braso ay napasubsob siya sa semento. “At saan sa tingin mo ang punta mo, Georgina? Tatakas ka?” Ang pamilyar at malamig na boses na may halong panunudyo ang sumalubong kay Georgina nang umangat siya ng tingin. Lihim siyang napamura. Nakilala siya nito kahit ibang-iba ang hitsura na nakita nito? Nakasuot ang lalaki ng itim na suit, simple pero malakas pa rin ang dating. “Hindi ako si Georgina. May kailangan ba kayo sa kanya, sir? ” pagmamaangan niya. Nagkunwari siyang hindi ito kilala bagama’t alam niya sa sarili niya na kilala na siya nito. “Huwag ka nang mag-deny. Hindi ikaw si Georgina? Kaya pala suot mo ang singsing na bigay ko,” nakaangat ang isang kilay at nang-aasar tanong nito. Sa pagkakataong ito ay hindi na kayang magsinungaling ni Georgina. “Hindi mo ba talaga ako titigilan? Sinabi ko nang hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Bakit nandito ka pa rin?” “Hindi pa ba halata na hindi ako sang-ayon sa ‘yo na tanggihan mo ang alok kong kasal?” Gustuhin man ni Georgina na mainis dito nang matagal ay hindi niya magawa dahil ang tono ng lalaki kapag nagsasalita ng tagalog ay nakakatawa. Marahil ay kakauwi lang nito ng Pilipinas at hindi pa gaanong sanay na magsalita ng sariling lengguwahe. “May karapatan akong tumanggi dahil hindi naman kita kilala. Isa pa, iyon.” Itinuro niya ang garahe kung saan nakatayo ang kapatid niyang hilaw habang nakasuot ng puting gown na animoy bonggang-bonggang kasal ang pupuntahan. “Nakita mo ‘yon. Siya ang willing na willing magpakasal sa ‘yo. Bakit hindi siya ang piliin mo?” “You are prettier than her,” mahinang sabi nito pero dinig na dinig ni Georgina. Nang tingnan niya ito ay sa kanya lang ito nakatingin at hindi man lang tinapunan ng tingin si Pia. Nakahawak pa rin ito sa braso niya kaya’t magkalapit ang katawan nila. Nang marinig iyon ni Georgina ay bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi agad makapagsalita. Ilang segundo ang lumipas saka lang siya nakabawi at hinawakan ang kamay ng lalaki saka isa-isang inalis ang daliri nito sa pagkakahawak sa kanya. “Mas maganda siya. Sa katunayan ay isa siyang modelo ng perfume mo. Kaya siya ang pakasalan mo,” giit pa niya. Unti-unti siyang humakbang paatras upang magkaroon ng agwat ang katawan nila dahil pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya sa sobrang lapit ng katawan nila. “No. Kung sino ang may suot ng singsing ay siya ang pakakasalan ko,” matigas ang boses na tugon nito. “Ibabalik ko ang singsing mo at ibigay mo sa kanya. Nababagay sa nagpipilantik niyang daliri ang singsing mo.” Sinubukan niyang tanggalin ang singsing pero ni kaunti ay ayaw iyong gumalaw sa daliri niya. “Ano ba itong singsing mo at bakit hindi matanggal?” Ngumisi nang nakakaloko ang lalaki saka ibinulsa ang dalawang palad sa suot nitong pantalon habang nakatingin sa kanya. “Huwag ka nang mag-abala dahil ang espesyal kong langis lang ang makakapagtanggal niyan. At kapag kasal na tayo saka lang iyon lalabas.” Napahinto sa ginagawa si Georgina at naniningkit ang matang tumingin kay Rhett. Isang segundo ang lumipas bago niya nakuha kung ano ang ibig sabihin nito. “Bastos!” Malakas na napahalakhak ang lalaki saka malaki ang hakbang na lumapit sa kanya at mabilis siyang pinangko na parang isang sako ng bigas. Dumaan ito sa backgate upang walang makakita sa kanila saka dumiretso sa nakaabang nitong kotse. Samantala, sa loob ng mansyon ay nag-umpisa nang magtaka ang pamilya Lucindo nang isang oras na ang lumipas ay wala pa rin ang groom. “Pasensya na, Mr. Lucindo. Kasama na po ni Mr. Castaneda si Ms. Lucindo. Kailangan na po naming umalis,” ang paliwanag ni Archer sa ama ni Georgina nang tumawag dito si Rhett. “Ano? Ano’ng kasama? Eh, nandito pa ang anak ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Mitz. “Pasensya na po pero wala na kaming magagawa. Basta ang sabi sa amin ni Mr. Castañeda ay kasama na niya ang magiging asawa niya," giit ni Archer. Parang binagsakan ng langit ang mukha ni Pia at ng ina nito, habang si Mr. Lucindo ay hindi alam kung ano ang ire-react, nang marinig ang sinabi ni Archer. Hindi makapaniwala ang mag-ina na naloko sila ng ganito. Umasa pa naman sila na magpapakasal ang anak nila. Pero bakit nag-aya ng kasal si Mr. Castañeda kung hindi naman pala matutuloy? Hanggang sa makaalis ito ay tila tuod ang tatlo na hindi makakilos, lalo na si Pia na nag-resign pa sa trabaho nito para lang magampanan ang pagiging asawa ni Rhett. “Ano na lang ang mangyayari sa akin, ma?”Next:“May napili ka na ba, anak?” Nangingiting nilingon si Georgina ni Gaele habang hawak ang napili nitong transformers na laruan. Hindi na tiningnan ni Georgina kung ano ang presyo niyon basta alam niyang gusto ng anak niya ay bibilhin niya. Limang taon ang kailangan niyang bawiin kay Gaele. “Georgina? What a coincidence!”Hindi nawala ang maaliwalas na ngiti ni Georgina nang marinig ang boses ni Olivia. “It is really a coincidence, Olivia. It's a fancy meeting you here.” Hinawi ni Georgina ang anak niya sa kanyang likuran upang itago ito sa mapanuring mata ni Olivia lalo na at naramdaman niya ang takot na bumalot sa mukha ng bata. “Hindi ko akalain na kahit wala kang asawa ay napapalaki mo nang maayos ang mga anak mo.” Georgina picked up the mocking tone of Olivia, but she wasn’t affected. Nakangiti lang siyang nakipaglaban ng titigan dito. “Hmm…thank you for the compliments. Pero natural lang na mapalaki ko nang maayos ang mga anak ko dahil ibig sabihin lang niyon ay mabuti a
Next:It had been three days since Georgina went to the hotel, but she still didn’t hear anything from Rhett. Ang mga araw na naghihintay siya sa komunikasyon ni Rhett ay iginugol niya sa pag-oobserba kay ‘Griffin’. At tulad ng hinala nila ni Rizza ay hindi ito si Griffin na pinalaki niya. Instead, this could be Gaele Ross, ang panganay sa triplets. They have been swapped since the day they played at a family park. Kahit nag-aalala para sa kalagayan ni Griffin na nasa kamay ngayon ni Olivia ay natutuwa pa rin si Georgina dahil magkasama na ang mag-ama at alam niyang hindi ito pababayaan ni Rhett. Samantalang si Gaele… “Hindi ikaw si Griffin, hindi ba?” malumanay na tanong niya sa bata. Nasa labas sila ngayon at naglalakad-lakad dahil gusto niya itong kausapin nang masinsinan. Yumuko ang bata na ngayon ay hindi alam ni Georgina kung ano ang itatawag kaya naman inaya niya itong umupo sa isang bench para makapag-usap sila nang maayos. Dinala niya ang bata sa parke kung saan sila unang
Next:“Damn it! The target is awake. Should we proceed?” mahinang tanong ni Georgina kay Rick na kausap sa kabilang linya.“Proceed as planned, G. We got your back in case there is some resistance.”Hindi na niya sinagot ang kaibigan matapos marinig ang sagot nito dahil muling nagsalita si Rhett.“Pakisarado ng bintana,” ulit na utos nito.Nang marinig ang malamig pero kalmadong boses ni Rhett ay napahinto sa paglalakad si Georgina at nagtagpo ang mata nila ng lalaki pero siya ang unang umiwas. Sinunod niya ang sinabi nito at lumapit sa bintana na pinanggalingan saka isinara iyon matapos tanggalin sa pagkakakabit ang hook. Pagkatapos ay kinuha niya ang upuan na malapit sa kama at bumalik sa bintana saka doon umupo at hinarap si Rhett.Dahil nahihirapang bumangon ay nanatili sa pagkakahiga si Rhett at hinayaan ito ni Georgina pero kahit sa hindi maliwanag na paligid ay alam niyang nakikita nito ang galit sa kanyang mata. “Kahit nawala ang memorya mo ay kalmado ka pa rin. Tulad ng dati
Next:“Rhett!?” Gulat na sambit ni Georgina nang akita ang mukha ng lalaking nakaupo sa wheelchair. Ang kalmadong mukha niya ay biglang nabasag at natulala siya sa kinatatayuan at hindi makakilos. Nakaawang lang ang kanyang labi at kahit may gustong sabihin ay walang salitang lumabas sa kanyang bibig. It was then that Fredrick pulled her inside with movement as fast as lightning, hiding her from Rhett’s sight. Pagkapasok sa loob ay mabilis na isinara ni Fredrick ang pinto na kahit si Jerome ay nagulat sa ginawa nito. “Let me go, Mr. Farrington! I saw him! It was Rhett!” Hysterikal na sigaw ni Georgina at nagpumiglas para makawala sa pagkakahawak ni Fredrick pero mahigpit siya nitong hawak. Habang si Jerome ay nakabantay sa pinto baka sakaling makalabas siya. “No. Calm down, Georgie. Calm down!” Fredrick tightened his hold against her as he led Georgina to sit on the sofa. “Calm down? Paano ako kakalma, kuya?” Hindi na pansin ni Georgina kung ano ang salitang lumabas sa bibig niya
“You are so wet, Vaia ,” ulit pa ni Jerome sabay pasok ng isa pang daliri at dinamdam ang mainit at mamasa-masa niyang looban.Vaia wanted to retort. Gusto niya itong itulak dahil hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nito na wala itong girlfriend pero darang na darang na siya sa mga labi nito na walang tigil sa kakahalik sa kanya. Lalo pa at siasabayan nito ng ulos ng daliri ang bawat hagod nito ng labi. Vaia was wearing a fitted above-the-knee maroon dress and Jerome had easy access to her insides. Naibaba na rin nito ang strap ng suot niyang damit at dahil nipple pads lang ang suot niya ay nakalantad na rin sa harapan nito ang malusog niyang dibdib. “Vaia, wala akong ibang babae sa ibang bansa at lalong wala akong ibang babae dito. I lied and said mean things to you. I know I am an idiot for saying that, but I really miss you.” Walang masabi si Vaia kundi hawakan ng dalawang palad ang ulo ni Jerome at siya na mismo ang humalik dito. Ang klase ng halik na puno ng pananabik. Je
“Incredible. The little puppy has grown up into a big, bad wolf.”Nang marinig ang sinabi ni Tony ay napaismid si Vaia at iniwas ang tingin kay Jerome. “Tsk!” kaagad na kontra niya. Ipinatong niya ang cognac glass sa mataas na round table saka muling nagsalita. “It’s not cute at all. Kinuha niya ang clutch saka nagpaalam rito. “I’m going to the bathroom.”May banyo sa loob ng banquet room sa pinakalikod kung saan malayo sa mesa at ilang metro pa ang lalakbayin ni Vaia para makarating. Sa dami ng taong nakakilala sa kanya bilang presidente ng Geo’s Group ay ilang tao rin ang humarang sa kanya para makipag-usap kaya lalo siyang nahilo. Pinagbigyan lang niya sandali ang mga ito saka lang nakahinga nang maluwag nang makapasok nang tuluyan sa banyo. Naghuhugas na siya ng kamay nang biglang may pumasok sa loob pero hindi niya ito pinansin. But when she heard the click that the door was being locked, she finally raised her head and looked at the person in the reflection of the mirror. It wa
“Hindi ganun si mommy. Kahit mag-isa lang siya sa pagpapalaki sa amin ay mabait siyang tao.” Lihim na napangiti si Felix. Napakabibo ng batang kaharap niya. “Mukhang mabait nga ang mommy mo ayon sa pagkaka-describe mo. She also looks like a strong woman. What is your mommy’s work?” Sa pangalawang beses na nakita ni Felix ang babae ay lalo siyang humahanga rito lalo na sa personalidad nito na kahit isang batang limang taong gulang lang ang mag-de-describe ay magugustuhan mo na. “My mom? She is the CEO of my dad's company. She helps my dad run it while he is not there.” Napamata si Felix sa bata. Sino ang mag-aakala na ang babaeng iyon, sa bata nitong edad ay isa nang CEO ng kumpanya? Pero… “Hindi ba ang sabi mo ay wala kang daddy?” Napanguso ang bata sa sinabi niya. “Uncle, the way you said that you are saying that my dad is gone? No. He has been missing since the day I was born. But I don’t resent him though. Ang sabi ni mommy ay may dahilan kung bakit siya wala.” Napaili
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k