تسجيل الدخولMagtatanong sana si Kiera kung sino ang baby girl na iyon nang kunin ni Leon sa kanyang kamay ang cellphone. Bahagya siyang tinulak nito upang ialis siya sa kanyang kandungan, saka nito sinagot ang tawag. "Hello, Belle?"
'Belle?' Pakiramdam ni Kiera ay biglang namatay ang apoy sa pagitan nila ni Leon. Ang passion na kanilang pinagsaluhan kanina lang ay tila biglang nawala. Kumuha siya ng tissue sa kanyang bag at nagpunas. "Leon..." Aabutan sana niya ito ng malinis na tissue, ngunitMagtatanong sana si Kiera kung sino ang baby girl na iyon nang kunin ni Leon sa kanyang kamay ang cellphone. Bahagya siyang tinulak nito upang ialis siya sa kanyang kandungan, saka nito sinagot ang tawag. "Hello, Belle?" 'Belle?' Pakiramdam ni Kiera ay biglang namatay ang apoy sa pagitan nila ni Leon. Ang passion na kanilang pinagsaluhan kanina lang ay tila biglang nawala. Kumuha siya ng tissue sa kanyang bag at nagpunas. "Leon..." Aabutan sana niya ito ng malinis na tissue, ngunit tila libang na libang ito sa pakikipag-usap. Natigilan s'ya nang makita ang magandang ngiti nito. Naibaba na lamang niya ang nakaunat niyang kamay na may tissue. 'Sino kaya ang Belle na iyon, mukhang espesyal siya para kay Leon, ah?' Nagtungo si Kiera sa pinto matapos niyang ayusin ang kanyang sarili, hinintay niyang matapos si Leon. "Heto." Inabutan niya ito ng tissue nang itabi na nito ang kanyang cellphone. "Um... Leon, sino si Belle?" Pag-aalangan niya. "Kababat
"A-ano?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Nerissa. Nanlalaki ang mga mata nito. Kumunot ang noo ni Leon at halos kalikutin niya ang kanyang tenga. Natulilig siya sa malinis na boses ng babae. Isa ring hindi makapaniwala si Randolf. "Kiera, a-anong ibig sabihin nito?" "Hindi ba't sinabi ko na? Bingi ka ba?" "Let's go, let's not waste our time here." Iginiya ni Leon si Kiera sa loob ng courthouse, at iniwanan ang dalawa na nakatulala na lang sa direksyon nila. "Randolf, t-totoo ba ito? Si Leon Hawthorne ang backer ng ex-wife mo? P-paano na 'yan?" Biglang namroblema si Nerissa. "Hindi ko rin alam. Hindi ko akalaing magkakaganito." Sa loob ng courtroom ay hindi mapakali si Randolf, patingin-tingin ito sa kinaroroonan ng dalawa sa kabila. Dahil sa presensya ni Leon, ay parang gusto na niyang umatras sa kaso, ngunit alam din niya na kapag ginawa niya iyon ay mawawala ang lahat sa kanya. Naramdaman ni Nerissa
"Bakit hindi ka makasagot? Totoo ba o hindi?""Grandpa, paano n'yo po nalaman ang tungkol doon?"Bumakas ang iritasyon sa mukha ng matanda. "Importante pa bang malaman mo kung saan namin nalaman 'yun? Sagutin mo na lang ang tanong ko, totoo ba o hindi?""Hindi po," walang pagdadalawang-isip na sagot ni Leon. "Now, can you tell me kung paano n'yo nalaman, o kung sino ang nagsabi?""Merong tumawag sa amin, babae..."Kumitid ang mga mata ni Leon. Mukhang tama nga ang hinala ni Kiera na si Faye nga ang nagsabi."Ang sabi n'ya ay may ibinabahay ka raw na isang babaeng may mababang pinanggalingan.""So, 'yun ang concern n'yo?"Itinuktok ng matanda ang kanyang tungkod. "Leon, alam mo kung ano ang identity mo. Hindi ka basta isang negosyante lang na namamahala ng kumpanya natin. Isang elite ang pamilya natin at ikaw din ang tagapagmana ko. Naintindihan mo ba? Kaya hindi mo puwedeng gawing laro lang ang pagpapakasal, at
"F-found out? Anong ibig mong sabihin?""Ang ibig kong sabihin ay maaaring alam na ng pamilya ko ang tungkol sa atin.""A-ano?! Teka... Seryoso ba 'yun? I mean, may seryoso bang consequences 'yun?""Oo." Pasalampak na naupo sa sofa si Leon. "Kahit wala silang sinasabi, o kahit hindi nila ako pinupuna sa mga ginagawa ko rito, nalalaman kong alam nila ang mga kilos ko. Kaya nga nag-ingat talaga ako para itago ang tungkol sa atin. Pero ngayon, paano nila nalaman ang tungkol doon?"Naikuyom ni Kiera ang mga kamay niya sa kanyang damit. "Um, Leon... Kasi, ako ang may kasalanan, eh." Bumakas ang pagsisisi sa kanyang magandang mukha."Ikaw ang may kasalanan?"Tumango-tango si Kiera. "Kasi... Para inggitin at inisin si Faye, sinabi ko sa kanya na kasal na tayo, doon sa restroom ng bar. Leon, I'm sorry, naging immature ako. Tingin ko ay si Faye nga ang nagsabi."Doon napagtanto ni Leon kung paanong nalaman ni Faye ang tungkol doo
"Hi, Kiera~" may tono ng pang-aasar na pagbati ni Nerissa. Nakakapit ito sa bisig ni Randolf na para bang ipinapakita niya na pag-aari niya ito. "Kumusta ka na? What a coincidence, hindi namin akalaing makikita ka namin dito." Bigla siyang napaisip. "Pero... anong ginagawa mo dito?"Hindi pinansin ni Kiera ang dalawa. Tinapunan lang niya ng tingin ang mga ito saglit, pagkatapos ay tinalikuran na niya."Sandali lang!" Sinunggaban ni Nerissa si Kiera sa braso para pigilan ito."Puwede ba, huwag mo nga akong hahawakan? Naaalibabaran ako." Bumakas ang pagkasuya sa mukha ni Kiera.Natahimik si Nerissa habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng kaharap, dahil hindi niya makita ang kanyang inaasahan at ang gusto niyang makita rito. Dahil nalalaman niyang itinapon na ito ni Randolf na parang isang basahan—at dahil alam niyang nasanay ito sa marangyang buhay—ay dapat lang na haggard na haggard ang hitsura nito, may malalalim na eyebags at wrinkles, at d
Sumama ang mukha ni Leon sa kanyang assistant. "Get out!"Dali-daling lumabas si Wendell, batid niyang nakagawa na naman siya ng kasalanan ngunit hindi niya alam kung ano."So, nanggaling nga dito si Faye?""Kiera, don't think anything. Wala kaming ginawa. She..." Itinuro niya ang pagkain sa mesa. "She just brought this trash and tried to blackmail me.""Trash?"Nagkaroon ng kabalisahan si Leon. "Kiera, believe me. Kung gusto mo, i-review mo ang CCTV footage dito sa loob ng office."Nang hindi ito umimik ay lalong lumala ang kabalisahan ni Leon. "You don't believe me?""Naniniwala na ako, lalo na't hindi ka guilty na ipakita sa akin ang CCTV footage nitong office mo."Napabuntunghininga na lang si Leon. "Then why aren't you saying anything?""Pasensya na. Nandito kasi sa pagkain ang focus ko, eh. Saka bakit mo tinatawag na trash ito, alam mo bang masama 'yun?" Isa-isa niyang inilabas ang mga pagkain sa







