Share

Chapter >> 4 - By Force

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-08-05 01:11:24

Kasalukuyang nagmamaneho sa isang subdivision si Leon. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang mahanap na rin niya ang pakay niya doon. "Found you..."

Hinintuan niya ito at walang sabi-sabing binusinaan. Nagtawa siya nang makita ang kamuntikan na nitong pagkabuwal sa lupa. Nang ibaba niya ang kanyang bintana ay may ngiti niya itong binati, ngunit nawala iyon nang makita niya ang luha sa mukha nito.

Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at agad bumaba. "What happened? Why are you crying?"

"Ano ba ang pakialam mo?" At tinalikuran siya ni Kiera.

"Wait! Whatever your problem is, I can help you."

"Tutulungan mo ako? Talaga? Kaya mo bang patinuin ang asawa ko? Kaya mo ba siyang ibalik sa dati, nung nagsisimula pa lang kaming magsama?"

Natigilan si Leon. Sa isang iglap, tila bigla na lang hindi nagproseso nang maayos ang utak niya. "A-asawa? May asawa ka na?"

Nagtawa si Kiera. "Bakit, nagulat ka? Akala mo siguro ay single pa ako, ano?"

"No... You're just trying to shake me off, so you made this up."

"May pera ka, hindi ba? Bakit hindi mo ako paimbestigahan para malaman mo kung nagsasabi ako ng totoo?... Kiera Claire Castillo ang buong pangalan ko, 25 years old. Former CEO ng Castillo Corporation, na ngayon ay Arlington Cooperation na, dahil nauto ako ng magaling kong asawa sa pagpapalit ng pangalan. Randolf Arlington ang pangalan niya."

Tila wala sa loob na iniwanan ni Leon si Kiera. Sumakay ito sa kanyang sasakyan at nagmaneho palabas ng subdivision.

Bumuntung-hininga si Kiera at pinagmasdan ang papalayong Bugatti. 'Siguro naman, kapag nagkaroon na siya ng resulta ay hindi na siya magpapakita pa sa akin. Tama nang naugnay ako sa kanya ng isang beses, at hindi na dapat pang masundan iyon.'

Seryoso at walang bakas ng ngiti ang mukha ni Leon nang bumalik ito sa kumpanya. Nangingilag tuloy ang mga empleyadong nadadaanan niya.

Pagbukas niya ng kanyang office ay nagdagdagan ang pagkunot ng kanyang noo nang abutan niya roon ang isang maganda at seksing babae na nakasuot lang ng lingerie.

"Hi, baby~ I've been waiting for you for so long." Lumapit ito at sumandig sa matipuno niyang dibdib habang hinihimas-himas iyon. "Saan ka ba nanggaling?"

"How did you get in here? Get out!" Itinulak ito ni Leon palabas ng kanyang opisina.

Napasigaw na lang ang babae, at dahil sa suot nitong high heels ay natapilok ito at hindi na makatayo.

"Ms. Lilibeth!" Agad lumapit si Wendell, ang assistant ni Leon, para itayo ito.

"Ikaw ba ang nagpapasok sa kanya dito?"

Dahil sa takot ay halos hindi magawang umamin ni Wendell. "S-sir... Diba po... G-girlfriend n'yo siya? K-kaya ko po siya hinayaang pumasok."

"Heh, girlfriend?... And when did I ever say that she's my girlfriend?"

"I'm sorry, sir... H-hindi ko po a–"

"Your bonus this month will be cut in half." At pabalibag na isinarado ni Leon ang p***o ng kanyang office.

Hiniklat niya ang kanyang necktie at naupo sa kanyang swivel chair. Bumuga siya ng hangin at nag-isip-isip. Maya-maya ay kinuha niya ang cellphone sa kanyang drawer at tinawagan ang private investigator niya. Sinabi niya ang lahat ng impormasyong sinabi ni Kiera at pinaiimbestigahan ito.

Kinabukasan na nagkaroon ng resulta, at doon ay nakumpirma ni Leon na totoong kasal na nga si Kiera. Bigla siyang nawalan ng gana. Totoong mahilig siyang tumikim ng iba't ibang babae, lalo na 'yung talagang interesado siya, ngunit hindi naman siya 'yung tipong nanunulot ng asawa ng may asawa. Ngayon, ititigil na nga ba niya ang paghabol kay Kiera?

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay namataan niya ang isa pang dokumento na hindi pa niya nababasa. Matapos niya iyon basahin ay umangat ang gilid ng kanyang labi. "Heh, interesting..." Ang nakalagay doon ay ang pagtataksil ni Randolf kay Kiera sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama.

Tumayo siya at ipinakansela kay Wendell ang isang importanteng meeting. "Call Gideon. Sabihin mo may pupuntahan kami."

Samantala, matapos nilang mag-usap ni Leon kahapon, naisip ni Kiera: Bakit pa niya sasayangin ang panahon niya kay Randolf, e kung nakahanap na ito ng iba at kung balak nitong panindigan ang kabit niya? Sa kanilang dalawa ay hindi naman siya ang mawawalan, kung hindi ito, kaya bakit hindi pa niya ito hiwalayan?

Kinolekta niya ang video footage sa sala kung saan naglampungan ang dalawa sa harapan niya bilang ebidensya. Inakala niyang magiging ganun kadali ang pagpapatalsik niya kay Randolf, hanggang sa matuklasan niya ang isang nakatagong confidential document sa drawer nito.

Nang tingnan niya kung ano ang mga iyon ay bumulaga sa kanya ang mga papeles ng pagsasalin niya ng lahat niyang ari-arian sa pangalan ng asawa. At lahat ng iyon ay may mga pirma niya! "P-paanong..." Ang masakit pa, ang lahat ng iyon ay xerox copy na lang na may mga stamp na.

Napasugod siya nang wala sa oras sa kumpanya dala ang mga dokumento. Habang nagmi-meeting sila Randolf at ang board ay bigla siyang pumasok. Walang nakapigil kay Kiera. Kasunod niya ang mga nag-uusyosong empleyado dahil nalaman nilang nakakita na ang dati nilang CEO.

"Randolf! Anong ibig sabihin nito?!" Galit niyang inihagis ang mga dokumento sa mesa.

Napatayo ang lalaki. "K-kiera? Anong ginagawa mo dito?... N-nakakita ka na?"

"Hayop ka, Randolf! Paano ako nakapirma sa mga iyan?!"

Pinalabas muna ni Randolf ang lahat ng nasa meeting room. Nang sila na lang ni Kiera ang natira, ay nawala na ang pagtataka at pagkabigla sa kanyang mukha. "Alam mo na pala. Pero, nakapagtataka naman... Kailan pa nagbalik ang paningin mo?"

"Two days ago pa! And guess what, alam na alam ko na rin ang mga kababuyan n'yong dalawa ni Nerissa!"

Natigilan si Randolf. "So, yung ginawa namin sa sala, nakita mo ngang lahat yun?" Bigla itong nagtawa. "Alam mo, mahal, wala namang magbabago, e. Ikaw pa rin naman ang asawa ko. Ang gusto ko lang ay magsawalang-kibo ka na lang sa amin ni Nerissa kagaya ng dati, nung bulag ka pa. Buntis na kasi siya at kailangan ng bata ang ama."

"Edi, magpakaama ka sa bata! Wala akong pakielam kahit magsama pa kayo ni Nerissa, basta ibalik mo lang sa akin ang lahat ng ari-arian ko, at lumayas ka na rin sa buhay ko!" Galit na singhal ni Kiera.

Lumamig ang mga mata ni Randolf. "Gusto mo akong paalisin nang walang madadala kahit na isang kusing? Dream on!" Kinuha niya ang divorce agreement at ipinrisinta kay Kiera. "Gusto mo akong umalis sa buhay mo? Fine, pero pirmahan mo muna ito."

"Pipirma ako, pero ibalik mo muna ang lahat ng mga kinuha mo sa akin!" Nalalaman ni Kiera na oras na pumirma siya nang hindi muna nakukuha ang mga ari-arian niya, ay imposible na niyang mabawi ang mga iyon kay Randolf.

"Hindi ikaw ang masusunod dito, kaya pumirma ka na lang!" Sinunggaban ni Randolf si Kiera, mahigpit niya itong ikinulong sa kanyang mga bisig at sapilitan itong pinahawak ng ballpen.

"Ayoko! Bitiwan mo ko!" Ngunit sa lakas ni Randolf, ano ang laban ni Kiera?

Sa kalagitnaan ng kanilang pagbubuno ay biglang nagbukas ang p***o. "Let her go!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 51 - An Empty Threat?

    Nagulat at natigilan ang babae sa kabilang linya. "S-sino ito?" "Heh, sino ako? Ako lang naman ang babeng piniperwisyo mo! Hoy, makinig ka–" natigilan si Kiera nang biglang maputol ang linya. "Buwisit, pinagbabaan ako! Fine. Ayaw mong makipag-cooperate, ha." Isinama niya ang inupahang babae sa kanyang opisina. Doon ay ipinakuha niya kay Troy ang bawat impormasyon ng transaction at contact nito sa cellphone niya. Doon din ay nalaman ni Kiera kung sino ang nag-utos at nagbayad dito. "Um, m-ma'am, madam... ayos na po ba? H-hindi n'yo po ba ako ipakukulong?" kakaba-kabang tanong ng babae. "Hindi na. Sige na, puwede ka nang umalis." "Salamat po! Maraming salamat po!" Makailang beses itong yumukod bago ito nagmamadaling umalis. Magmula nun ay tumigil na rin ang pang-ha-harass kay Kiera."Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang nangyari?" tanong ni Leon. Hinawakan ni Kiera ang kamay ng lalaki.

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 50 - Karma And Consequence

    "Leon, alam kong hindi makakatulong kung sasabihin kong hindi ko naman alam na kagagaling lang pala sa panganganak ni Vanessa. Ang kailangan ko ay kung paano ko malulusutan ang kasong isinampa niya." May pag-aalalang pahayag ni Kiera. Nagtungo ito sa kumpanya ni Leon nung araw na iyon matapos maipadala sa kanya ang isang demand letter. "Kiera, you don't have to worry..." Hinila ito ni Leon at niyakap. "With me around, hindi ka makukulong." "Hmp! Karma niya na 'yun. Sino ba kasing may sabi sa kanya na landiin niya si boss? E 'di nakahanap siya ng katapat niya." ani Wendell. "Matagal na rin akong inis sa babaeng 'yun kasi palagi niyang ginagamit ang posisyon niya para magawa niya ang mga gusto niya." Bumaling siya kay Kiera. "Kaya huwag kang mag-alala, Miss Kiera. Tama lang ang ginawa mo. Sigurado namang kaya-kaya ni Sir Leon gawan ng paraan 'yan." Pinandilatan siya ng kanyang boss. "Bakit wala ang pangalan ni Kiera sa guest list ko?" Napakamot sa kanyang ulo si Wendell. "E, Sir

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 49 - The Lawsuit

    "Good afternoon. I'm Kiera and I'm here at the invitation of Mr. Hawthorne." Nang marinig ito ay agad siyang inasikaso ng receptionist. Kilalang bigating elite businessman si Leon kaya ang alam ng babae ay hindi din basta-basta ang mga nagiging guest nito. Ngunit nang iaabot na niya ang key card ay pinigilan siya ng kasama niya. "Sandali, kailangan muna nating i-check kung guest nga siya ni Mr. Hawthorne."Awkward na humingi ng paumanhin ang naunang receptionist."Ayos lang. Ginagawa niyo lang naman ang trabaho niyo. Sige lang, maghihintay ako," sagot ni Kiera.Makalipas lang ang ilang sandali ay humingi ng dispensa ang dalawa nang hindi nila makita ang pangalan niya sa computer. Nagtaka si Kiera. "Sigurado ba kayo? Kasi dito sa hotel na ito niya ako pinapunta, at ganitong oras din, eh."Muling ni-check ng isa sa computer ang pangalan niya. "Ma'am, pasensya na po. Wala po talaga, eh. Ibang pangalan po ang narito.""Tama! May nauna na palang dumating kanina, babae. Mas nauna pa

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 48 - Torture Game

    Biglang nawalan ng ganang makipag-usap si Kiera. Tinawagan niya si Wendell para ipakuha dito ang ipinadeliver niyang mga citrus fruits. Nakita kasi niya sa internet na makakatulong daw ang mga iyon para mapabilis ang paggaling ng pagkalalaki ni Leon.Pinandilatan ni Wendell ang babae. "What the h*ll, Vanessa? Anong sinasabi mo diyan?" Tumikhim siya. "Hello, Miss Kiera? Huwag mo na lang sanang pansinin 'yung narinig mo. May nakapasok kasing inahing hunyango dito sa kumpanya, eh.""W-what? A-anong inahing hunyango?" Sumama ang mukha ni Vanessa. "Wendell, I dare you to say that again right in front of my face!""Inahing hunyango!" ulit ni Wendell. "Kapag hindi ka pa umalis, irereport ko kay Boss Leon itong ginawa mo. Tingnan ko lang kung matuloy pa ang pagbalik mo dito."Napapadyak sa inis ang babae. "Fine! You won this time. But next time, I won't let you off!" At nag-walk out ito."Ehem, Miss Kiera. Huwag ka sanang

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 47 - Blatant Boldness

    "Alam n'yo na ba na nakabalik na raw si Vanessa?" wika ng isang empleyadong lalaki sa mga kasama niyang kumakain sa mesa. "Narinig ko nga. At ang sabi nila, parang hindi daw siya nanganak. Ganun pa rin daw siya, at ang seksi pa rin daw niya." Tila tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa kumpanya dahil nagbalik na ang kanilang 'diyosa'. Ngunit hindi si Wendell, dahil alam nito kung ano ang karakas ng naturang babae. Pumalatak ito. Matapos kumain, hindi na tumambay pa si Wendell sa canteen, kagaya ng ginagawa ng iba para makipag-tsismisan. Dumiretso na siya sa itaas para magtrabaho kahit break pa. Pagpasok niya sa opisina ni Leon, dinatnan niya sa sofa si Gideon. Mag-isa itong umiinom ng red wine. "Ang aga-aga naman niyan, Gid." sita niya. "2 glasses a day lang naman. For heart health lang." sagot nito. Nang mailapag na ni Wendell ang mga files sa mesa ng kanyang boss, naupo siya sa katapat na sofa ni Gideon. "Alam mo na siguro 'yung umiikot na balita dito sa kumpanya natin? 'Yu

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 46 - Frustrated Mr. Hawthorne

    "S-sir?" Napagmamasdan ni Wendell ang amo niya nang dumating ito sa kumpanya. Ika-ika kasi itong maglakad. "Ano po ang nangyari sa inyo, Sir?" "Huwag ka nang magtanong. Help me." Nagpaalalay si Leon kay Wendell. Naging usap-usapan tuloy ito sa mga empleyado, lalo na sa mga kababaihan na palaging nakamasid sa bawat galaw ng kanilang CEO. "Ano kayang nangyari kay Boss? Bakit kaya ganun siya maglakad? Injured kaya siya?" "Itanong kaya natin kay Wendell mamaya?" Sa office, tinulungan ni Wendell sa paglalagay ng ointment sa balakang si Leon. "Sir, hindi po ba kayo nagpahilot kay Miss Kiera?" "Hindi." Sagot ng nakadapang si Leon sa sofa. Nagkaroon siya ng inis nang maisip niya ang iba pang naging pinsala sa kanya. Nang madulas siya kagabi, siya ang bumagsak sa sahig. At dahil buhat niya si Kiera, nadaganan siya nito kaya siya ang napuruhan. Kaya bukod sa balakang, iniinda din niya ngayon ang ginagam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status