Share

Chapter >> 3 - Meet Again

Penulis: Airam Anelé
last update Tanggal publikasi: 2026-08-05 01:10:50

"Ser Randolf!" tumakbo ang katulong papunta sa amo niyang lalaki. "Ser, gusto po akong paalisin ni Ma'am Kiera," sumbong nito.

Kitang-kita ni Kiera ang pagkunot ng noo ng asawa niya sa kanya, bagaman tagusan ang kanyang mga tingin. Tila nakagawa siya ng malaking kasalanan.

"Totoo ba 'yun, Kiera? Bakit naman gusto mong paalisin si Rona?" sinenyasan ni Randolf ang katulong na umalis na.

Nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Kiera. Siya ang asawa ni Randolf, pero mas kinakampihan pa nito ang katulong nang hindi man lang tinatanong kung ano ba ang nangyari. Idagdag pa ang paglingkis ni Nerissa dito na parang sawa, habang nakangisi pa sa kanya. "Sinisisi mo ako, ganun ba? Randolf, bakit ibang tao ang kinakampihan mo kaysa sa sarili mong asawa? Hindi kaya, may something na kayo ni Rona? O, baka naman..." humarap siya sa direksyon ni Nerissa. "May UMAAHAS na pala sa 'yo nang hindi ko nalalaman?"

Biglang naitulak ni Randolf ang kanyang sekretarya, na ikinasimangot nito. Lumapit siya kay Kiera at hinapit ito sa bewang. "Mahal, huwag ka namang mag-isip nang ganyan. Sorry na, hindi ko naman intensyong kampihan si Rona, eh. Ang sa akin lang ay tatlong taon na siya dito at wala namang problema sa serbisyo niya, hindi ba? Bakit, may ginawa na ba siya na hindi mo nagustuhan?"

Napangisi si Kiera sa kanyang loob. 'Kung sasabihin kong nakita ko lang naman na dinuraan niya ang gatas na ipapainom niya sa akin, edi nabisto ninyo na ako.' Inalis niya ang kamay ni Randolf sa kanya. Ngayon-ngayon lang ay nakita niya ang kalikutan nito sa katawan ni Nerissa, kaya nakaramdam siya ng pandidiri nang hawakan siya nito.

Nagtaka si Randolf sa ikinikilos ng asawa. Bakit pakiramdam niya ay bigla itong nagbago? Bakit pakiramdam ay parang may nalalaman na ito? 'Hindi. Imposible.' umiling-iling siya para iwaksi ang kanyang pagdududa. "Galit ka ba sa akin? Nagtatampo ka ba dahil bigla kitang iniwanan sa kotse?" inabot niya ang kamay ni Kiera, at kahit nag-iiwas ito ay hindi niya ito binitiwan.

"Sorry na. Di ba sinabi ko naman na nagkaroon kami bigla ng emergency meeting kaya kinailangan kong umalis? Pinuntahan ka naman ng driver pag-alis ko, di ba?"

Halos matawa si Kiera. Bago makarating ang driver ay nadisgrasya na siya, at ang driver na ito ang nagdala sa kanya sa ospital. "Sinabi ba sa 'yo ni Mang Gibo kung ano ang nangyari sa akin pag-alis mo?"

Nag-iba ng tingin si Randolf. "H-hindi." Nang sabihin ni Kiera ang nangyari sa kanya, ay kunwa'y gulat na gulat siya, at kunwa'y nag-aalala. "A-ayos ka lang ba, mahal? May masakit ba sa 'yo? P-pasensya na, hindi ko alam."

Kunwa'y galit niyang ipinatawag ang driver na si Mang Gibo. "Bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin na naaksidente pala ang asawa ko?"

"Ser?" nagtaka ang may-edad na lalaki, dahil malinaw pa sa kanyang alaala na tinawagan niya ito kahapon. Ngunit matapos niyang sabihin na nadisgrasya si Kiera, ay sinabi nitong dalhin na lang niya ito sa ospital at huwag na siyang abalahin pa.

"Mahal, sorry na, ha? Huwag ka nang magalit. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagagalit ka sa akin, eh." Sa kabila ng pagpupumiglas ni Kiera, ay mahigpit pa rin itong niyakap ni Randolf. "Bati na tayo, okay? I love you."

Nakaramdam ng pait sa kanyang puso si Kiera. Paano nito nagagawang mag-`I love you` sa kanya gayong pinagtataksilan siya nito?

Umirap si Nerissa. Hindi ito gumagawa ng ingay kanina pa dahil hindi puwedeng malaman ni Kiera na naroon siya.

Matapos makapananghalian, ay naupo si Kiera sa sala. Nag-gagantilyo ito katulad ng dati niyang ginagawa, noong hindi pa siya nakakakita. Gustuhin man niyang magkulong sa kanilang kuwarto, ay hindi niya magawa dahil baka makahalata si Randolf. Naroon pa rin kasi si Nerissa, at naaalibabaran siya sa presensya nito.

"Siya nga pala, mahal. Pinag-day off ko muna ang mga maids natin, para makapag-relax sila, lalo na si Rona. Kung si Rona lang kasi ang papayagan kong mag-day-off, baka isipin naman ng iba na unfair ako."

"Um. Walang problema," sagot ni Kiera. Nagpatuloy siya sa pag-gagantilyo, ngunit hindi niya inaalis ang direksyon ng kanyang ulo kila Randolf at Nerissa, na ngayon ay magkayakap na sa sofa.

Maya-maya, ay bigla na lang naupo si Nerissa sa kandungan ng asawa niya. Sinimulan nitong halik-halikan si Randolf sa mukha at leeg, habang gumigiling-giling pa sa pagkalalaki nito.

"Ahh~"

Biglang tinakpan ni Nerissa ang bibig ni Randolf at inilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang labi para senyasan ito na huwag gagawa ng ingay.

Naikuyom ni Kiera ang kamay niya sa kanyang ginagawa. 'Mga hayop kayo! Ito pala ang talagang dahilan kung bakit mo pinaalis ang mga katulong – para walang makakakita ng mga kababuyan ninyo!'

Nagpatuloy ang dalawa na kalauna'y humantong na sa pagtatanggal ng kanilang mga pang-ibaba at panloob.

Bigla silang napayakap sa isa't isa nang bigla na lang tumayo si Kiera at lumapit pa sa harapan nila, lalo na nang makita nila ang galit sa mukha nito. Tila bigla na lang napunta sa kanilang lalamunan ang mga puso nila sa kaba.

"M-mahal?" Biglang pinawisan nang malamig si Randolf. Nabisto na kaya sila? Ngunit paano, gayong alam naman niyang bulag ang asawa? Nagtatalo ang isip niya at halos gusto na niyang ihagis si Nerissa na noo'y nakaupo pa sa kandungan niya.

Hindi na kayang manood pa ni Kiera. Sapat na ang mga nakita niya para makumbinsi na katulad ng mga katulong, ay winawalanghiya din siya ng kanyang asawa. Doon niya napagtantong, mukhang hindi na nga siya mahal nito.

Huminga nang malalim si Kiera, at bahagyang ngumiti. "Nalimutan ko palang ipaalala, malapit na ang fourth wedding anniversary natin. May plano ka na ba?"

Nagkatinginan ang magkadikit pa ring sila Randolf at Nerissa, hanggang sa udyukan ni Nerissa na sumagot ang lalaki. "Uh, o-oo. Oo! Siyempre naman, m-may plano na ako."

"Okay. Maiwan ko muna kay– maiwan muna kita. Magpapahangin lang ako sa labas."

Paglabas ng villa, ay hindi na naitago pa ni Kiera ang nararamdaman niya. Nagtungo siya sa isang tabi at sumuka. Bigla siyang naiyak. 'Mga hayop! Mga baboy! Sa pamamahay ko pa talaga...' Galit niyang hinawi ang kanyang mga luha. 'Bakit ba ako umiiyak para sa isang walang kwentang lalaki? Ang turo sa akin ni Daddy ay maging matapang ako, pero ano itong ginagawa ko ngayon?' Bigla na lang siyang napahagulgol nang maalala ang mga yumao niyang magulang. Sa katauhan ni Randolf, inisip niya na hindi na siya mag-iisa pa sa buhay at makakabuo na rin siya ng pamilya, ngunit hindi pala.

Bigla siyang nagulantang at muntik pang mapaupo sa lupa nang bigla na lang may bumusina sa likuran niya. Tumayo siya at galit na hinarap ang isang magarang sasakyan. "Hoy! Anong problema mo, ha?!" nilapitan ni Kiera ang p***o ng kotse. Tila sa driver nito niya gustong ibuhos ang lahat ng galit at sama ng loob niya.

Nagbukas ang bintana sa driver seat, at mula doon ay bumungad ang nakangiting mukha ng isang guwapong lalaki.

Napaatras si Kiera nang makita ito. "I-ikaw?"

"Hello, babe... We meet again."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 47 - Blatant Boldness

    "Alam n'yo na ba na nakabalik na raw si Vanessa?" wika ng isang empleyadong lalaki sa mga kasama niyang kumakain sa mesa. "Narinig ko nga. At ang sabi nila, parang hindi daw siya nanganak. Ganun pa rin daw siya, at ang seksi pa rin daw niya." Tila tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa kumpanya dahil nagbalik na ang kanilang 'diyosa'. Ngunit hindi si Wendell, dahil alam nito kung ano ang karakas ng naturang babae. Pumalatak ito. Matapos kumain, hindi na tumambay pa si Wendell sa canteen, kagaya ng ginagawa ng iba para makipag-tsismisan. Dumiretso na siya sa itaas para magtrabaho kahit break pa. Pagpasok niya sa opisina ni Leon, dinatnan niya sa sofa si Gideon. Mag-isa itong umiinom ng red wine. "Ang aga-aga naman niyan, Gid." sita niya. "2 glasses a day lang naman. For heart health lang." sagot nito. Nang mailapag na ni Wendell ang mga files sa mesa ng kanyang boss, naupo siya sa katapat na sofa ni Gideon. "Alam mo na siguro 'yung umiikot na balita dito sa kumpanya natin

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 46 - Frustrated Mr. Hawthorne

    "S-sir?" Napagmamasdan ni Wendell ang amo niya nang dumating ito sa kumpanya. Ika-ika kasi itong maglakad. "Ano po ang nangyari sa inyo, Sir?" "Huwag ka nang magtanong. Help me." Nagpaalalay si Leon kay Wendell. Naging usap-usapan tuloy ito sa mga empleyado, lalo na sa mga kababaihan na palaging nakamasid sa bawat galaw ng kanilang CEO. "Ano kayang nangyari kay Boss? Bakit kaya ganun siya maglakad? Injured kaya siya?" "Itanong kaya natin kay Wendell mamaya?" Sa office, tinulungan ni Wendell sa paglalagay ng ointment sa balakang si Leon. "Sir, hindi po ba kayo nagpahilot kay Miss Kiera?" "Hindi." Sagot ng nakadapang si Leon sa sofa. Nagkaroon siya ng inis nang maisip niya ang iba pang naging pinsala sa kanya. Nang madulas siya kagabi, siya ang bumagsak sa sahig. At dahil buhat niya si Kiera, nadaganan siya nito kaya siya ang napuruhan. Kaya bukod sa balakang, iniinda din niya ngayon ang ginagam

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 45 - Exposed Contracts and Hidden Desires (SSPG)

    Nag-ipon lang ng lakas ng loob si Belle kaya nito nagawang magpasaring ng pagbabanta kay Leon. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao para patatagin ang kanyang kalooban. "Alam ko na ang tungkol sa contract marriage niyong dalawa. Nakita ko sa drawer mo yung contract." Kumitid ang mga mata ni Leon. "Pinakialaman mo ang gamit ko? Paano at sino ang nagpapasok sa'yo sa opisina ko?" "Hindi na mahalaga yun... So, all this time, naglalaro lang pala kayong dalawa, at napaniwala niyo ako." Bigla siyang ngumisi. "Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ito ng pamilya mo, lalo na ni Lolo Leon?" Leonardo ang buong pangalan ng matandang Hawthorne at dito isinunod ang pangalan ni Leon dahil siya ang tagapagmana nito. Kumitid ang mga mata ni Leon. "About our marriage contract, that's none of your business. Belle, binabalaan kita, wala kang pagsasabihan ng tungkol sa nalaman mo, maging sa mommy mo, o sa kahit na sino." "At bakit naman kita susundin, eh, sa nakikita ko ngayon, mukhang gusto mo na

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 44 - The Line Is Drawn (SSPG)

    "Sh"t!" Napamura na lang si Leon. Dahil nagulat siya sa biglaang pagtawag ng room attendant sa labas, naantala din ang paglabas ng t*mod niya. Sumakit tuloy ang t*ti, it**g, at puson niya. Umupo si Kiera at siya ang sumagot. "Thank you. We'll reach out if we need anything." Magalang niyang tugon. "Oh, alright. Just call me if you need anything, okay?" "Get lost!" Singhal ni Leon sa pinto habang nakasapo ito sa pagkalalaki niya. Natawa na lang si Kiera sa hitsura niya habang inaawat niya ito. Pinandilatan siya ni Leon. "You think this is funny?" Tinakpan ni Kiera ang kanyang bibig para impitin ang kanyang pagtawa. "Sorry na... H-hindi na ako tatawa." "Help me!" "Oh, okay, Mr. Hawthorne. Ano po ba ang maitutulong ko, Mr. Hawthorne?" Panunuya ni Kiera. "Lie down and let me f**k you once again para mawala na itong pesteng pakiramdam na ito. It's so uncomfortable." "Alright, Mr. Hawthorne." Nahiga siya at bukas-bisig niyang inanyayahan ang lalaki. Ibinukaka nang husto ni Leon

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 43 - Flying To The Tropics

    Dahil naglalakad sila sa madilim na pasilyo ng villa, inaninaw pa ni Kiera kung sino ang may bitbit sa kanya. "L-leon?""Yes, babe.""Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako! Saan mo ako balak dalhin?""It's a surprise. Malalaman mo rin mamaya kaya matulog ka muna. Ako na ang bahala sa 'yo.""Ibaba mo ako! Sinong may sabing sasama ako sa 'yo?""Kiera, please. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon. Gusto kong bumawi sa 'yo."Natigilan si Kiera. Hindi na siya nagprotesta pa; hinayaan na lang niya na tangayin siya ng lalaki.Sa sasakyan ay iniupo siya ni Leon sa kanyang kandungan at isinuot sa kanya ang coat nito. Manipis na pantulog lang kasi ang suot niya."Saan mo ba talaga ako dadalhin? Saan tayo pupunta at bakit ganitong oras pa?""Basta," sagot ni Leon habang nagbabasa ng mga dokumento. "Huwag kang mag-alala, hindi kita ibebenta.""Tsk..." Pinagmasdan ni Kiera ang lalaki sa kanyang tabi. Seryoso itong nagtatrabaho.Makalipas lamang ang ilang sandali ay nasa kumpanya na sila ni Leon."B

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 42 - The Sudden Move

    "Ano ba talaga ang gusto mo, Leon, at sinundan mo pa talaga ako dito? Gusto mo bang maeskandalo tayo? Lumabas ka na bago pa may pumasok," ani Kiera habang naglalagay ng lipstick. Lumapit si Leon at inagaw ang lipstick. "We need to talk," aniya habang nilalagyan ng lipstick si Kiera. "Ayusin na natin ito bago pa lumala." Matapos niyang lagyan si Kiera ng lipstick ay pinunasan niya ang kaunting lagpas sa gilid ng labi nito. Pinagdikit muna ni Kiera ang kanyang mga labi bago sumagot. "Ano ba ang aayusin natin na sinasabi mo? Bakit, may kasalanan ka ba?" Bumuga ng hangin si Leon. "Kiera, please. Hanggang kailan mo ba ako balak balewalain? Pinagmukha mo na nga akong tanga nang paghintayin mo ako sa kumpanya mo, hindi pa ba sapat 'yun? Hindi mo ba naisip na maaapektuhan ang imahe ko dahil sa ginawa mo?" Tumawa si Kiera. "Eh 'di naranasan mo rin kung ano ang pakiramdam ng binabalewala. Nakita ko nga ang ayos mo sa CCTV. Para ka ngang basang sisiw doon na naghihintay sa ka-date mo na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status