Home / Romance / Blinded By Love, Claimed By The Billionaire / Chapter >> 5 - Marriage Contract

Share

Chapter >> 5 - Marriage Contract

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-08-05 01:12:08

Natuwa si Kiera sa pagsulpot ni Leon. Nagtataka man kung bakit ito naroon, ay wala na siyang pakialam. "Mr—" ngunit ngayon lang niya naisip; hindi pa pala niya naitanong ang pangalan nito kahit may dalawang beses na silang nagkita.

Agad binitiwan ng gulat na gulat na si Randolf ang asawa. "M-Mr. Hawthorne?" Kilalang-kilala niya ito, kabaligtaran ni Kiera. Sa mga business gatherings na napuntahan na niya ay bibihira lang niya itong makita, dahil isa itong elite na may malaking impluwensya, at hindi ito basta-basta isang bilyonaryo lang. Ngunit sapat na iyon para maunawaan niya ang malaking pagkakaiba ng estado nila ni Leon. "M-Mr. Hawthorne... Napasyal kayo?"

"Napasyal? Mukha ba akong namamasyal?" malamig na sagot ni Leon. Bumaling siya kay Kiera. "Anong nangyayari dito?"

"Mr. Hawthorne, tulungan mo ako... Pinipilit niya akong papirmahin ng divorce agreement," sumbong ni Kiera. Pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng kakampi, dahil kung mag-isa nga naman siya ay hindi niya kakayanin si Randolf.

"D-divorce?" Kumunot ang noo ni Leon at binalingan si Randolf.

Nanigas si Randolf. Bakit pakiramdam niya ay parang pamilyar ang bilyonaryong elite na ito sa kanyang asawa? Anong meron sa mga ito, at bakit pakiramdam niya ay parang pananagutin siya nito?

"Totoo ba 'yun?"

"Um... M-Mr. Hawthorne, issue po naming mag-asawa ito..."

"Kaya huwag akong makikialam, ganun ba?" Kunwa'y nag-isip muna si Leon habang hinihimas-himas pa ang kanyang baba. "Okay."

"T-teka, hindi ba't naparito ka para tulungan ako?" pagtataka ni Kiera.

Nagkibit-balikat lang si Leon. "I'm sorry, babe. Tama ang soon-to-be-ex-husband mo; pumasyal lang ako dito."

Lumakas ang loob ni Randolf. Hindi man niya maunawaan ang mga nangyayari ngunit pabor na pabor ito sa kanya, dahil oras na mapapirma niya si Kiera ng divorce agreement ay tuluyan nang mapapasakanya ang lahat ng ari-arian nito.

Nang muling sunggaban ni randolf si Kiera ay kumitid ang mga mata ni Leon. Hinawi niya si Randolf para palitan ito. Siya na rin ang pumuwersa sa kamay ni Kiera sa pagpirma.

Nang mapirmahan na ang divorce agreement ay inihagis iyon ni Leon sa mukha ni Randolf. "Now, get lost. I want to talk to her alone."

Natulala na lang si Kiera; pakiramdam niya ay nawala ang lahat sa kanya, habang masaya at kuntento naman si Randolf. Ngunit ang pinakamasaya sa lahat ay si Leon.

Lubos munang nagpasalamat si Randolf bago mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas ng meeting room.

"Kiera, let's talk. I have something important to—"

PAK!

Isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Leon.

Natigilan din ang noo'y papalabas na si Gideon. Lalapit sana ito para gampanan ang kanyang tungkulin, ngunit pinigilan siya ng kaibigan.

"Iwan mo kami."

Paglabas ni Gideon ay doon na sumabog si Kiera; galit niyang pinaghahampas si Leon. "Bakit mo ginawa 'yun?! Ang akala ko pa naman ay pumunta ka dito para tulungan ako!" At pumalahaw ito ng iyak. "Wala na... Ang kumpanyang pinaglaanan ng dugo at pawis ng Daddy ko, pati ang lahat ng mga ari-arian ko, ang tahanang kinalakihan ko, wala na! At dahil 'yun sa 'yo!"

Hinuli ni Leon ang mga kamay ni Kiera at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. "I'm sorry. Ginawa ko lang naman 'yun para mapawalang-bisa na ang kasal n'yo ng Randolf na 'yun." Bumuntung-hininga siya nang hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. "Akala mo ba ay hindi mo na mababawi ang lahat ng nawala sa 'yo?"

Tumigil din sa pag-iyak si Kiera. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Pumayag ka lang sa kondisyon ko, tutulungan kita," sagot niya habang pinupunasan ang mga luha nito.

"K-kondisyon?"

"Come with me to my office, doon natin pag-usapan."

Pagbaba ng kotse sa tapat ng kumpanya ay may sumalubong sa kanilang bodyguard na may hawak na payong dahil umaambon noon.

"Good afternoon, Sir, good afternoon, Ms. Lilibeth," bati nito.

Natigilan si Kiera habang bigla namang sumama ang mukha ni Leon; pinandilatan nito ang bodyguard.

"Anong itinawag mo sa akin?"

"M-Ms. Lilibeth?" Pag-aalangan ng lalaki.

Nagtawa si Kiera. "Kiera ang pangalan ko. Anyway, sino si Lilibeth?"

Sasagot na sana ang bodyguard nang biglang sumingit si Leon: "That's enough. Don't talk casually to someone na hindi mo kilala." At iginiya niya si Kiera papasok. Ngunit bago pa tuluyang makaalis ay sinabihan muna niya ang bodyguard na wala itong makukuhang bonus para sa buwang iyon.

Sa loob ng lobby ay naaalangan si Kiera dahil sa mga tingin ng mga empleyado sa kanya. 'Bakit kaya? Ngayon lang ba nila nakitang may kasamang babae ang amo nila?' Doon lang niya namalayan na halos nakayakap na pala sa kanya si Leon habang naglalakad sila. Tinulak niya ito at agad dumistansya.

Maya-maya lang ay lumapit si Wendell. Sinulyapan lang nito si Kiera. "Sir, nasa telepono po ang Daddy n'yo at gusto raw po kayong makausap."

"Dito ka muna, sandali lang ito," paalam ni Leon.

"Okay."

Muling nailang si Kiera dahil naman sa mga tingin ni Wendell sa kanya, tila ba tinatantya siya nito. Kasabay niyon ay ang pagbubulung-bulungan ng mga empleyadong babae sa paligid.

"Sino na naman 'yan?"

"Malamang, baka bagong kaulayaw ni Mr. Hawthorne."

"E, di ba may girlfriend na siya, yung Lilibeth na mukhang boldstar?"

"Ano ka ba, hindi mo alam kung ano ang nangyari kahapon?"

'Lilibeth?' Napukaw ang atensyon ni Kiera. 'Siya rin ata 'yung tinutukoy ng bodyguard sa labas kanina.'

Makikinig pa sana siya sa pagtsitsismisan ng dalawa nang bumalik si Leon.

Pagpasok ng opisina ay namangha si Kiera. Pareho silang nagmamay-ari ng kumpanya ni Leon, ngunit ngayon niya napagtanto ang malaking kaibahan nila. Mula sa laki ng espasyo maging ang mga bagay na naroon sa loob, alam niyang pinagkagastusan ng malaki.

"Here." Inilapag ni Leon ang isang papel sa mesa.

"Ano ito?"

"Marriage contract."

Halos mabitawan ni Kiera ang kontrata sa pagkagitla. "M-marriage contract?!"

"Yes... Bakit, are you unwilling?"

"H-hindi naman sa ganun." Mapait na napangiti si Kiera. "Katatapos lang kasi ng tatlong taong pagsasama namin ni Randolf. Pero sinong mag-aakalang pagka-divorce na pagka-divorce namin, ikakasal agad ako sa iba?"

"Don't mention that guy again. He doesn't deserve you."

"Um, tama ka naman..." Dinampot ni Kiera ang isang ballpoint pen sa pen holder at pumirma sa marriage contract. "Hindi na nga 'yun mahalaga; ang importante na lang sa akin ngayon ay ang mabawi ko ang lahat ng kinuha niya sa akin." Itinulak niya papunta kay Leon ang kontrata. "Meron lang akong dalawang kondisyon; una, hindi dapat malaman ng ibang tao ang tungkol dito sa kasunduan natin."

"Alright."

"Ikalawa, alam ko naman kung ano ang talagang habol mo sa akin. Ayos lang naman sa akin 'yun, dahil ganyan naman talaga kayong mga lalaki, hindi ba? Ang gusto ko lang ay magtalaga tayo ng schedule; two times a week lang. Ang gusto ko ay Monday and Saturday lang."

"Ano?" Biglang nagbago ang mukha ni Leon. Kumunot nang husto ang noo nito na akala mo'y nalugi ito ng isang bilyon. "Hindi puwede! Masyado naman atang madalang ang two times a week?"

"E, ilang beses naman ba ang gusto mo, aber?"

Dinampot ni Leon ang kontrata at may itinurong clause. "Wala akong pakialam sa schedule na 'yan, but as the contract says, it should be 'unli bembang'."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 51 - An Empty Threat?

    Nagulat at natigilan ang babae sa kabilang linya. "S-sino ito?" "Heh, sino ako? Ako lang naman ang babeng piniperwisyo mo! Hoy, makinig ka–" natigilan si Kiera nang biglang maputol ang linya. "Buwisit, pinagbabaan ako! Fine. Ayaw mong makipag-cooperate, ha." Isinama niya ang inupahang babae sa kanyang opisina. Doon ay ipinakuha niya kay Troy ang bawat impormasyon ng transaction at contact nito sa cellphone niya. Doon din ay nalaman ni Kiera kung sino ang nag-utos at nagbayad dito. "Um, m-ma'am, madam... ayos na po ba? H-hindi n'yo po ba ako ipakukulong?" kakaba-kabang tanong ng babae. "Hindi na. Sige na, puwede ka nang umalis." "Salamat po! Maraming salamat po!" Makailang beses itong yumukod bago ito nagmamadaling umalis. Magmula nun ay tumigil na rin ang pang-ha-harass kay Kiera."Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang nangyari?" tanong ni Leon. Hinawakan ni Kiera ang kamay ng lalaki.

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 50 - Karma And Consequence

    "Leon, alam kong hindi makakatulong kung sasabihin kong hindi ko naman alam na kagagaling lang pala sa panganganak ni Vanessa. Ang kailangan ko ay kung paano ko malulusutan ang kasong isinampa niya." May pag-aalalang pahayag ni Kiera. Nagtungo ito sa kumpanya ni Leon nung araw na iyon matapos maipadala sa kanya ang isang demand letter. "Kiera, you don't have to worry..." Hinila ito ni Leon at niyakap. "With me around, hindi ka makukulong." "Hmp! Karma niya na 'yun. Sino ba kasing may sabi sa kanya na landiin niya si boss? E 'di nakahanap siya ng katapat niya." ani Wendell. "Matagal na rin akong inis sa babaeng 'yun kasi palagi niyang ginagamit ang posisyon niya para magawa niya ang mga gusto niya." Bumaling siya kay Kiera. "Kaya huwag kang mag-alala, Miss Kiera. Tama lang ang ginawa mo. Sigurado namang kaya-kaya ni Sir Leon gawan ng paraan 'yan." Pinandilatan siya ng kanyang boss. "Bakit wala ang pangalan ni Kiera sa guest list ko?" Napakamot sa kanyang ulo si Wendell. "E, Sir

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 49 - The Lawsuit

    "Good afternoon. I'm Kiera and I'm here at the invitation of Mr. Hawthorne." Nang marinig ito ay agad siyang inasikaso ng receptionist. Kilalang bigating elite businessman si Leon kaya ang alam ng babae ay hindi din basta-basta ang mga nagiging guest nito. Ngunit nang iaabot na niya ang key card ay pinigilan siya ng kasama niya. "Sandali, kailangan muna nating i-check kung guest nga siya ni Mr. Hawthorne."Awkward na humingi ng paumanhin ang naunang receptionist."Ayos lang. Ginagawa niyo lang naman ang trabaho niyo. Sige lang, maghihintay ako," sagot ni Kiera.Makalipas lang ang ilang sandali ay humingi ng dispensa ang dalawa nang hindi nila makita ang pangalan niya sa computer. Nagtaka si Kiera. "Sigurado ba kayo? Kasi dito sa hotel na ito niya ako pinapunta, at ganitong oras din, eh."Muling ni-check ng isa sa computer ang pangalan niya. "Ma'am, pasensya na po. Wala po talaga, eh. Ibang pangalan po ang narito.""Tama! May nauna na palang dumating kanina, babae. Mas nauna pa

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 48 - Torture Game

    Biglang nawalan ng ganang makipag-usap si Kiera. Tinawagan niya si Wendell para ipakuha dito ang ipinadeliver niyang mga citrus fruits. Nakita kasi niya sa internet na makakatulong daw ang mga iyon para mapabilis ang paggaling ng pagkalalaki ni Leon.Pinandilatan ni Wendell ang babae. "What the h*ll, Vanessa? Anong sinasabi mo diyan?" Tumikhim siya. "Hello, Miss Kiera? Huwag mo na lang sanang pansinin 'yung narinig mo. May nakapasok kasing inahing hunyango dito sa kumpanya, eh.""W-what? A-anong inahing hunyango?" Sumama ang mukha ni Vanessa. "Wendell, I dare you to say that again right in front of my face!""Inahing hunyango!" ulit ni Wendell. "Kapag hindi ka pa umalis, irereport ko kay Boss Leon itong ginawa mo. Tingnan ko lang kung matuloy pa ang pagbalik mo dito."Napapadyak sa inis ang babae. "Fine! You won this time. But next time, I won't let you off!" At nag-walk out ito."Ehem, Miss Kiera. Huwag ka sanang

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 47 - Blatant Boldness

    "Alam n'yo na ba na nakabalik na raw si Vanessa?" wika ng isang empleyadong lalaki sa mga kasama niyang kumakain sa mesa. "Narinig ko nga. At ang sabi nila, parang hindi daw siya nanganak. Ganun pa rin daw siya, at ang seksi pa rin daw niya." Tila tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa kumpanya dahil nagbalik na ang kanilang 'diyosa'. Ngunit hindi si Wendell, dahil alam nito kung ano ang karakas ng naturang babae. Pumalatak ito. Matapos kumain, hindi na tumambay pa si Wendell sa canteen, kagaya ng ginagawa ng iba para makipag-tsismisan. Dumiretso na siya sa itaas para magtrabaho kahit break pa. Pagpasok niya sa opisina ni Leon, dinatnan niya sa sofa si Gideon. Mag-isa itong umiinom ng red wine. "Ang aga-aga naman niyan, Gid." sita niya. "2 glasses a day lang naman. For heart health lang." sagot nito. Nang mailapag na ni Wendell ang mga files sa mesa ng kanyang boss, naupo siya sa katapat na sofa ni Gideon. "Alam mo na siguro 'yung umiikot na balita dito sa kumpanya natin? 'Yu

  • Blinded By Love, Claimed By The Billionaire    Chapter >> 46 - Frustrated Mr. Hawthorne

    "S-sir?" Napagmamasdan ni Wendell ang amo niya nang dumating ito sa kumpanya. Ika-ika kasi itong maglakad. "Ano po ang nangyari sa inyo, Sir?" "Huwag ka nang magtanong. Help me." Nagpaalalay si Leon kay Wendell. Naging usap-usapan tuloy ito sa mga empleyado, lalo na sa mga kababaihan na palaging nakamasid sa bawat galaw ng kanilang CEO. "Ano kayang nangyari kay Boss? Bakit kaya ganun siya maglakad? Injured kaya siya?" "Itanong kaya natin kay Wendell mamaya?" Sa office, tinulungan ni Wendell sa paglalagay ng ointment sa balakang si Leon. "Sir, hindi po ba kayo nagpahilot kay Miss Kiera?" "Hindi." Sagot ng nakadapang si Leon sa sofa. Nagkaroon siya ng inis nang maisip niya ang iba pang naging pinsala sa kanya. Nang madulas siya kagabi, siya ang bumagsak sa sahig. At dahil buhat niya si Kiera, nadaganan siya nito kaya siya ang napuruhan. Kaya bukod sa balakang, iniinda din niya ngayon ang ginagam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status