LOGINSa pool party ay hindi ang misteryosong birthday celebrant ang pinagkainteresan ni Kiera, kung hindi, ang pagpunta roon ni Leon.Dahil pool party ang kanyang pinuntahan ay naka-swimwear din si Kiera. Hindi naman masyadong revealing ang kanyang suot ngunit sapat na iyon para umani siya ng atensyon sa mga kalalakihan doon.Sa kanyang paglalakad ay may mga lalaking nakahubad at naka-swimming trunks lang ang sadyang nagpapakita sa kanya ng motibo, ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi niya binigyan ng pansin. Ang buong atensyon kasi niya ay nasa paghahanap sa isang lalaking ilang buwan na niyang hindi nakikita.Dahil sa atensyong natatanggap ni Kiera ay kina-insecure-an tuloy ito ng ilang kababaihang naghanda para sa pool party na iyon. Magaganda naman ang katawan ng mga ito ngunit wala silang naging panama sa alindog ni Kiera."Kilala n'yo 'yan?" tanong ng isang babae na kanina pa hindi maganda ang tingin kay Kiera."Hindi. Itatanong ko nga rin sana sa inyo kung alam niyo kung sinong
Walang ginawa sina Leon at Kiera sa probinsyang kinaroroonan nila kung hindi ang magsaya, kumain, gumala. Kahit mainit at tirik ang araw sa tanghaling tapat ay wala silang pakialam, magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad sa mga kalsada. Sinasamahan lang sila ng isang local na tagaroon na nagsilbing guide nila.Kinahapunan ay tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy sa ilog."Sige, relax ka lang. Huminga ka lang nang normal at huwag mong ikuyom ang mga kamay mo. Hayaan mong kumalma ang katawan mo sa tubig.""Ganito ba?""Um. That's right."Dahil wala naman silang malay gawin ay nagtagal sila sa ilog, maghapong tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy. Hindi nga lang sila makagawa ng milagro doon dahil meron na silang guide na palaging nakasubaybay sa kanila, at hindi nila masabi kung hindi ba sila sinusundan nito nang palihim.Dahil iba ang buhay sa probinsya ay maagang pumipirmi sa mga bahay-bahay ang mga tao, kaya maaga ring nakakatulog sina Leon at Kiera. Sa mga sandaling yun ay d
"Umph! Umph!"Nagpapalag si Kiera sa taong humihila sa kanya. Walang duda, lalaki ito dahil malakas ito. Nang makita n'yang palayo na siya nang palayo sa lugar na iyon ay lalong lumaki ang takot na nararamdaman n'ya. Paano kung dalhin siya ng taong ito sa isang liblib na lugar, sino ang tutulong sa kanya?Ginawa n'ya ang lahat ng makakaya niya para man lang maabot niya ang bag na dala niya, hawak kasi nito ang mga kamay n'ya. Nang mabawi niya ang isa niyang kamay, handa na sana siyang kunin ang kanyang stun gun sa bag nang bigla itong magsalita."Huwag kang gumawa ng ingay, baka mabisto tayo!"Pabulong man ang pagsasalita ng lalaki ngunit agad nyang nakilala ito. 'L-Leon!'Hindi na siya nagpapalag pa, nang matutunan niya kung sino ang lalaki ay nagpatangay na s'ya dito.Sa isang tahimik at tagong lugar dinala si Kiera. Pagkabitaw na pagkabitaw sa kanya ay agad niya itong dinamba ng yakap. "Leon!"Natigilan ang lalaki at bahagya pang nagulat ngunit agad din nitong niyakap si Kiera.
Bumuntong-hininga si Kiera. Naisip niyang kailangan na niyang kumilos nang maaga para masolusyunan na agad ang kanyang problema. Umalis siya roon at bumalik na sa kumpanya."Ma'am, about the bank..." bungad ni Troy. Sinenyasan ito ni Kiera na tumigil muna. "About that, may solusyon na ako. Hindi ko nga lang alam kung gagana, pero susubukan ko muna." Naupo siya sa kanyang swivel chair at tinawagan ang numero sa calling card. "Hello, good morning. My name is Kiera Claire Castillo. Ms. Montecillo gave me her business card and told me to contact her if I ever needed assistance. May I speak with her representative, please?"Agad inasikaso ang request niya nung araw na iyon mismo. Sa pamamagitan ng paghingi niya ng tulong sa kumpanya ni Catherine ay nasolusyunan ang problema nila sa bangko. Napabuntong-hininga siya, tila nabunot din ang tinik na nakatarak sa kanyang dibdib. 'Catherine, I owe you this one.'Sa paglipas ng mga araw ay patuloy niyang tinatawagan si Leon, ngunit hindi ito
Kumuha ng ballpen si Kiera at hinawakan nang mahigpit. Hindi niya magawang pumirma at nag-aalangan siya. Ayaw niya ng gulo, ngunit malaking parte ng kanyang puso ang ayaw namang pakawalan si Leon. Biglang pumasok si Troy. "Ma'am Kiera, about the shipment..." Nahimas ni Kiera ang kanyang sentido. Ito ang magiging kapalit ng pagmamatigas niya—ang pagkakaroon ng aberya at ang pananabotahe sa negosyo niya. Alam niyang malaking responsibilidad ito dahil umaasa sa kanya ang kanyang mga empleyado, kaya alam niyang kailangan niyang isalba ang kumpanya. Hindi siya puwedeng magbalewala dahil kung hindi ay pare-pareho silang mawawalan ng kabuhayan. 'Leon...' Ayaw niyang sumuko kaya idinalangin na lang niya na sana ay makagawa na ng paraan si Leon. Matapos ang huling pagkikita nila ni Leon sa engagement banquet nito ay hindi na ito muling nakita pa ni Kiera. Sa mga panahong iyon ay naging target ng mga paninikil at pag-uusig ang negosyo niya. "Ma'am Kiera, hindi po puwedeng magpatuloy it
Kumunot ang noo ni Leon. "Anong ginagawa mo dito?" Itinago niya si Kiera sa kanyang likuran at sinikap na matakpan ito."Ikaw ang dapat kong tanungin nang ganyan, anong ginagawa mo dito? Hindi pa tapos ang banquet, ah?" Sinipat-sipat ng babae ang likuran ni Leon. "Bakit itinatago mo pa 'yang kasama mo, e nakita ko naman na siya?""Leave her alone, and don't you dare try to provoke her!"Bumakas ang pagkagulat sa magandang mukha ng babae. "Hala siya. At bakit mo naman nasabi 'yan? Do you think I'm some kind of b*tch? Masyado ka naman atang judgmental, Leon.""Bakit, ganoon naman talaga ang gagawin mo, hindi ba? I warn you, leave her alone!"Hinimas ng babae ang kanyang noo. "You really don't know me, Leon. Kung kikilalanin mo lang sana a—""I'm not interested in anything you say," putol ni Leon. "Get lost!... Tandaan mo, wala kang nakita. Naintindihan mo?""Ano?!" Pumamewang ang babae at sumimangot. "Hindi pwedeng basta mo na lang akong uutusan at paaalisin, ano?" Muli siyang sumip







