Share

kabanata 5: Poisoned

 

 

Shiro

The loud sound of crickets in the middle of the night while rain is falling from the clouds, cold weather equals a cup of hot chocolate made by my mother is one of the best memories I have from my previous room and house. We have an old cassette and my mother always uses it every morning with her favorite songs. 

The sounds of raindrops are like a lullaby in my ears that can make me fall asleep in an instant, with a thick blanket covering my body and listening to my mother’s favorite music. I am always left in awe when I see water droplets on my windows. However, this place is different. I didn’t experience rain, but the weather was always cold.  

Even if it’s sunny, the weather doesn’t change. It is colder at night. Maybe, in this kind of place, it is possible to rain snow. 

I get my favorite books and also a ton of clothes that can be used inside the academy.  

I feel so excited yet a bit nervous. Hindi ko naman akalain na makakapag-aral ako sa ganoong paaralan. Kailangan ko rin galingan at makapasok sa top 10 para naman makapag patuloy ako. I will never let this chance slip through my finger. I will grab this as long as I can. 

But sometimes I doubt myself. I mean, I don't possess any kind of abilities like them. I'm not Liam, who can read minds, nor Tres, who sees past. I'm just nothing... A normal girl. 

Pakiramdam sa lugar na ito naramdaman ko ang pagiging normal at the same time, kakaiba parin. Sa lumang tirahan namin kakaiba ako dahil sa itsura ko, ngayon naman ay kakaiba pa rin ako dahil wala akong abilidad na gaya nila. Patuloy na lang ba ako magiging kaka-iba sa paningin ng mga tao? Where do I really belong? In a place with normal people or here where me and my family are the only normal? 

But... atleast I have my family. But I am all alone in the academy.

 

Matapos namin mag-usap kahapon nila Liam at Tres ay mas dumami ang nalalaman ko. Kung sa unang tingin ay maliit lang ang Academy, sa loob nito ay napaka-laki pala. Kaso nga lang hindi nawawala ang mga rules. Upang mapanatili ang ayos at ganda ng akademya, kailangan magpatupad ng batas. 

Isang taon na hindi lalabas ng academy. Though may mga semester break, it only took 5 to 7 days before balik na ulit sa school. Medyo mahigpit din daw doon at iba ang mga ginagawa kumpara sa ibang school. 

Dala-dala ang bag ko ay lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko ang magulang ko na nasa sala at nag-aantay sa akin. Ngumiti ako sa kanila upang maibsan ang kabang nararamdaman. 

"Aalis na po ako..." pagpapaalam ko.

Lumapit sa akin si mama at inakap ako ng mahigpit.  I will surely miss her embrace.

"Mag iingat ka doon, lagi kitang kakamustahin pag may pagkakataon." She slipped her hands into her pocket and got something. Nanlaki ang mata ko ng may inilabas siyang bracelet. "Suotin mo ito para pag namimiss mo ako ay makikita mo ito." 

Naka awang ang labi ko sa gulat at saya na nararamdaman. Napaka-ganda nito.

"Salamat po, mama." I sincerely thank her. 

Kapagkuwan ay si Papa Maman ang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.  

"Mag aral ka ng mabuti." Aniya at kinuha ang bag ko. "Ihahatid na kita sa bus." Tumango ako at yumakap ulit kay mama bago lumabas. 

Naabutan ko ang kulay asul na bus sa labas na nag hihintay sa akin. Sumakay ako dito habang ang papa ko naman ay inilagay sa compartment ang bag ko.  I looked at my father for the last time, when he caught me looking at him he smiled and waved his hand. I smiled and waved hands, too. We were not that close but I loved my father and I appreciate all his sacrifice just to make me and my mother happy.

The first time I stepped inside the bus, a lot of pairs of eyes automatically landed on me. Ang iba ay kitang kita sa pagmumukha ang pagtataka, ang iba ay walang paki-alam at ang iba naman ay tila kakainin ako ng buhay. Naramdaman ko ang pananayo ng aking balahibo dahil sa mga tingin nila. 

Dumiretso ang paningin ko sa dulong upuan at doon ko nakita si Uno na nag-iisa. Nakaharap siya sa bintana at hinahayaan niya na tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha.  

He is also wearing gloves, just like the first time we met. 

Mukhang nag-e-enjoy siya maramdaman ang init na nagmumula sa araw. 

But the moment he turned his head and he averted his eyes, I saw how the sunlight hit his half of his face, including his right eye, and the color of his eyes changed. I see. 

Dahan-dahan akong naglakad.  

It wasn't brown, nor the color of dry leaves, neither black. The color of his eyes is amber. Kulay tuyong dahon kapag hindi nasisinagan ng araw, pero sa oras na masinagan ito ay magiging amber na ang kulay. Para akong nakakita ng diyamante sa kaniyang mata. Napaka-ganda. 

Malapit na ako sa kaniyang upuan ng biglang may humatak sa akin paupo. 

"Ang tagal mo mag lakad, saan kaba naka tingin at hindi mo kami makita?" Ani ni liam. Nasa may bintana si Tres at pinapagitnaan namin si Liam. 

Ngumiti ako. "Hindi ko kayo napansin, may tinitignan kasi ako." 

"Nagdala kaba ng jacket? Mas malamig sa loob ng akademya kaysa dito kaya mag ready ka. " Kinuha niya ang tumbler na hawak ni Tres at pinapahawak dito ang mga kamay ko. "Mag painit ka muna... ah! Excited na naman ako pumasok! " 

I heard Tres' tsked 'and tried to warm his hand by rubbing it together. Mukhang inaantok pa siya. Nakaramdam ako bigla ng hiya. 

"Uh, okay lang ako, Liam, hindi ako nilalamig." Ani ko at binitawan ang tumbler. 

Bahagya akong lumingon sa likuran upang silipin sana si Uno, but hindi nalang si Uno ang nandoon. May kasama siyang isang babae at nagka tingginan pa sila sa isat-isa. 

Balingkinitan ang pangangatawan nito, itim ang buhok at tanned ang kulay ng kaniyang balat. Bahagya pa silang naglayo na dalawa marahil ay dahil sa ilangan. Nang mapabaling si uno sa akin ay agad akong umiwas at nag-ayos ng upo.  

Ang ganda ng babae. Itim na itim ang kaniyang buhok. Napahawak ako sa buhok ko bigla. Nakaka-ingit ang buhok niya, diretsong-diretso pa at hindi sabog. Bumagay pa sa kaniya ang kulay abo na sweater at black pants na suot niya. 

"Everly girl! You look so pretty na naman! " Tili ng isang babae at nag sunod sunod na ang ingayan. Bumaling ako sa harapan dahil sa pamilyar na pangalan. 

Ang kakapasok na babae na tumawag na everly ay nagflip ng buhok niya. Kung hindi ako nag kakamali, siya ang sinabi ni Liam na nasa kaniya ang title na pinaka maganda.  Why did they make such as this like that? What’s the purpose?  

I roamed my eyes over her whole features. She truly possessed beauty. perfect body, pointed nose, round almond eyes, and long eye lashes. Even her smile is beautiful. She looks like an angel. 

But, I saw a girl with the same beauty as her. I think she's more beautiful than Everly. 'Yong katabi ni Uno. She has a beauty to die for. more beautiful than her—in my humbly opinion.  

"I know, right?" Tumigil ito sa isang upuan na may naka-upo at nag taas ng kilay. "Hey bitch, that's my seat get lost."  

Napa-taas ang kilay ko. Seriously?  I wanted to laugh because of her attitude. 

What is beauty if you have an ugly personality?  

"Ah, Everly, kasi first come, first served ito... wala ng—"napa-tayo ako ng bigla niyang hatakin ang babae at binitawan ito dahilan para mapa-upo sa sahig. 

What the heck? Tama nga ang sabi ni Liam, napaka-sama ng ugali nito. Aanhin nga naman ang ganiyan na kagandahan kung napaka pangit naman ng ugali? naka-kunot ang aking noo at naka-kuyom ang kamao at nagpipigil ng inis.  

Galit talaga ako sa mga taong masama ang ugali. Galit ako sa mga bully at nangmamaliit ng mga kapwa dahil lang hindi nila ito ka-lebel o iba ang estado. 

Akmang lalapitan ko ngunit may pumigil sa akin. "Shiro, hayaan mo na sila..." ani Liam ni mas ikina-inis ko. 

Si Tres ay tahimik lang at matiim na pinagmamasdan sila. Bakit wala silang ginagawa? I thought they were the President and Vice President. 

"Liam, nakikita mo naman diba? Hindi tama ang ginawa niya! Vice President ka diba? Bakit hindi mo ginagamit—" natigil ang pagsasalita ko ng biglang mag-ingayan. 

Ang lumingon ako sa gawi ni Everly ay nakita ko ang babaeng katabi kanina ni Uno na nakikipag sukatan ng tinggin.  

I was stunned and looked at her with amazement. I wish I was that brave like her. 

"Who are you? Bago kaba dito? Wag kang makialam dahil wala ka namang alam—" 

"Wala nga akong alam pagdating sa pesteng lugar na ito, but alam ko na hindi tama ang ginagawa mo. My god, how old are you? A ten? Ang immature mo, para kang walang pinag-aralan. " Aniya.

 

Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao dito. Some boys are side with the girls, while some girls are with Everly.  

Napataas ang kilay ni Everly. "Hindi mo ba ako nakikilala? I'm Everly Amadeo the most—" 

"The most stupid person in this town, ei? Am I right? " kahit na likuran niya lang ang nakikita ko, I could feel that there was a smile on her lips that made Everly irritated. 

Bumaling ako kay Liam at Tres. "Wala kayong gagawin?" Asik ko.

 

Tres 'tsked' again before he stood up. Nang tumayo siya ay natahimik ang mga tao sa bus. Maging si everly ay natameme maliban sa babae. It looked like Tres owned the full authority covered by a strong aura. 

Of course, para saan pa at naging presidente siya para sa wala?

 

For the shorterof time, the playful tres vanished.  "Mamili kayo. Katahimikan o sakit? " His voice thundered all over the bus. 

Simpleng salita lang naman ang sinabi niya, pero nagawa niyang patiklupim ang mga tao sa loob ng bus. How strong is he? I am so lucky to be friends with them. 

Maski ako ay nangilabot sa paraan ng pananalita ni Tres. Para bang alam niya lahat ng sikreto ng mga tao dito at natatakot sila na mabunyag ito at tila kayang-kaya niyang gawin at iparanas sa kanila ang sakit na tinutukoy nito. 

Ngunit tila hindi nagpa-tinag ang babae, humarap ito kay Tres, tinitigan niya.  

"I'm not scared, I can take all the consequences as long as this girl," turo niya kay everly. "... will learn her lesson." Anito ay bumalik sa kaniyang upuan.  

Napalunok ako dahil sa lamig ng boses nito at dahan-dahan na umupo sa aking upuan. Nagtaasan din ang balahibo ko ng dumaan siya sa tabi ko. Sinubukan ko pang lingunin ulit ang babae at naabutan ko sila ni uno na nag-usap habang may kaniya-kaniyang ngisi sa kanilang labi.  

Ano kaya ang pinag-usapan nila? Mukhang is interesting.  

Maya-maya lang ang dumating ang lalaking guro at chi-neck lahat ng nasa bus. Nuong una ay hindi siya aakalain na guro, naka maong na pantaloon, a white V-neck shirt. 

Messy hair without gel bears the strong scent of perfume. He also had chinito eyes with thick eyebrows and the sides of his lips were always tugging up. 

Sandaling tumuon ang titig niya sa akin kapagkuwan ay bumaling din sa babae sa likuran.  

Gumapang na naman ang kaba sa katawan ko dahil doon. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan lalo na at Hindi ako sanay sa maraming tao. Isa pa, nahihiya rin ako dahil sa itsutra ko. I placed my hand on my chest and gripped it. I felt my heart pierced all of a sudden. I am so ashamed of myself.  

"Okay, I hope both of you don't mind if you introduce yourselves. You... " He pointed at me using the tip of his pen. "And you." Turo niya sa may likuran ko. 

He also had a deep, husky voice. Such a manly man, but intimidating.  

Dahan-dahan akong tumayo at humugot ng malalim na hininga. Iminuwestra ng lalaki ang kamay niya at pinapalapit kaming dalawa, kaya kahit naiilang ay lumapit ako at humarap sa maraming tao. Tumabi rin sa akin ang babae. Mas matangkad siguro siya sa akin ng kaunti. 

"First of all, I am Professor Wyatt Armstrong, your professor of Physical, Mental, and Emotional Activity. You heard it right, I will be your teacher in those three components. " He smirked. "I love seeing my disrespectful and unobedient students get punished." He said and plastered a mocking smirk. 

He stood up straight and crossed his arms over his chest.  

"I only have one option in my class. Obey or suffer the consequences? I accept failure, but if you fail again and again, that's not my problem anymore. Now it's your turn... "bunaling siya saakin. 

Ilang segundo, nag proseso sa akin ang mga sinabi ni prof. Wyatt, nakaka-takot naman pala maging teacher ito halos kalahati ng katawan mo ay nasa hukay na. 

But it's fine with me. Wala naman siguro akong gagawin na ikakapahamak ko. After all, it's my choice if I do stupid things that can cause me to suffer the consequences.  

I took a deep breath before I faced them. Nakita ko si Liam na chi-ni-cheer ako at si Tres na tila antok pa. Napabaling din ako kay Uno na ngayon ay naka tinggin sa akin, mas lalo tuloy akong kinabahan. 

"Hi, everyone. I am Shiro. I'll be— " 

"Full name miss, Shiro."  

Tumango ako at tumikhim, "uh, I'm Shiro Yuki Taranza. I'll be your classmate for the whole year. Sana maging kaibigan ko kayo. "  

Nagulat ako ng may mag taas ng kamay. Isang lalaki na naka brown na jacket at kulay brown din ang buhok.

"Yes, Sebastian?" Ani ni Prof Wyatt. 

Tumayo, Sebastian. "Why are you so white? And what's your ability?"

 

I gulped. What’s your question?! Gezz. 

"Uh, I have a rare skin disease... an albino disease, and I... I don't have the ability." Nag-ingayan ang mga tao sa bus. Tumango ito at kapagkuwan ay umupo na. 

"Okay, it's now your turn."  

Matapang na tumayo ng tuwid ang katabi kong babae. "Hi, I'm Leora Lior Galilea... Respect yourself and others. By that, you will earn my respect. " Then the side of her lips tugged up. "By the way, Wala rin akong ability, so don't expect too much." 

I can't help but be amazed by her personality. Una palang alam ko talaga may iba na sa kaniya... something wicked. Wala rin pala siyang ability, buti naman ay hindi kona iisipin na kakaiba ako. And also, she doesn’t seems to be the serious and bitch type of girl. Maybe I can be friends with her.

"Thank you miss Taranza and Galilea. You may now seat at your respective seat. "  

Nagka tinginan kaming dalawa ni Leora at sabay na ngumiti sa isat-isa. Nauna ito sa paglakad hanggang sa maabot niya ang dulong upuan, dahil ata sa pag masid ko sa kaniya ay hindi ko namalayan ang bagal ng lakad ko.  

I was startled when someone from my side approached me. Ang akala ko ay dadaan lang siya sa tabi ko, pero biglang itong bumagsak sa akin. Natakot ako dahil akala ko ay may gagawin siyang kakaiba ngunit ng tignan ko ang mukha niya ay nakita ko kung paano siya mag habol ng hininga. 

Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero natatakot ako sa mangyayari pa lang. Sumandal ako sa sandalan ng upuan upang hindi kami tuluyang bumagsak. Sobrang bigat niya. Para siyang lantang gulay dahil sa panghihina.  

"Hey, what happened?" Boses ni Prof. Wyatt.  

Pilit ko itong nilalayo sa akin ngunit may humigpit ang kapit niya sa akin at mas lalong hindi naka-hinga dahilan upang mamilipit siya sa sakit. Something inside his body was aching. Mahigat ang kaniyang paghinga at sobrang lalim. I raised my hand and tried to scan his eyes... his pupils were very small, plus his lips were too dry. 

My eyes widened and I became terrified. No, this can't be. Agad na kinapa ko pa ang kaniyang dibdib upang makumpirma ang hinala. Sobrang bilis rin ng tibok ng kaniyang puso. 

"Help..." I uttered. I'm not sure if my conclusion is right, but this is the only reason I know. "I think he was poisoned... help him before he died!" I shouted.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status