Share

Kabanata 6: Emotions

 

Shiro 

 

  

  

 

"Help..." I uttered I'm not sure if my conclusions are right, but this is the only reason I know. "I think he was poisoned... help him before he died!" I shouted. 

 

Nagka-gulo sa loob ng bus dahil sa sinabi ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, bigat na bigat na ako sa kaniya at hindi na rin ako komportable sa position namin ngayon. Kung saan-saan na din napupunta ang walang buhay niyang kamay na mas lalong nagpapailang sa akin. Mukhang hindi na niya alam ang ginagawa niya. 

 

Sigurado ako na kapag hindi siya naagapan, maya-maya lamang ay mamamatay na siya. Depende sa lason na nakain niya. 

 

Isang marahas na paghatak ang dahilan kung bakit kumawala ang lalaki sa pagkaka dagan sa akin. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni uno habang naka tingin sa akin, kapagkuwan ay nilinggon niya ang lalaki at dahan-dahan na inihiga sa sahig. 

 

Naagaw pa ng pansin ko ang babaeng umiiyak habang pinipigilan ito ng mga kaibigan niya. Naka-kuyom ang kaniyang kamao at nanggalaiti sa galit. 

 

“Marga, 'wag ka ng lumapit baka mapa ano ka—"  

 

"He's my boyfriend, Cecil! Ano sa tinggin mo ang mararamdaman ko?! boyfriend ko 'yong nag-aagaw buhay! " Her tears continued to flow. 

 

"Layo... layo!" Sigaw ni uno at sinusubukan na suriin ang lalaki. 

 

But when his eyes turned white and he started to vomit bubbles, we already knew that the man was dead. Tila nanghina ang aking tuhod at hindi makapaniwala sa nasaksihan ko. Bumigat ang aking paghinga at gusto kong maiyak, tila hindi pa rin nagsink-in sa akin ang nangyari sa harapan ko. 

 

Kabago bago ko lang dito ito agad ang nasaksihan ko?  

 

"He's dead..." Uno uttered, then he glanced at me with a worried face. He stood up and walked towards me. "Are you okay? B-baka may lason na sa balat mo... Remove your clothes! " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

 

Naramdaman ko ang pag akyat ng init sa mga pisngi ko. What’s with this man?! Hindi siya pwede mag-utos ng ganon sa akin kahit ganito pa ang sitwasyon! 

 

"What?!" Halos walang boses ng lumabas sa akin. 

 

"I said remove your clothes—" 

 

Sunod-sunod akong umiling at inakap ang sarili ko. I feel so harassed.  

 

"Wala, I... I will make sure na wala. No need to remove my clothes! "  

 

Huminga siya ng malalim. Kapag kuwan ay natigilan at mag-iwas ng tinggin. Unti-unti rin na namula ang kaniyang leeg hanggang tainga, he cursed under his breath.  

 

"Good..." Humarap ulit ito sa katawan na wala ng buhay.  

 

"Professor Wyatt, look what I saw." Itinaas ni Leora ang pagkain na naka balot sa cellophane. "I think the poison is in the food and, based on the symptoms, the culprit used cyanide." 

 

Nilapitan ni professor Wyatt si Leora at kinuha ang pagkain. Kapagkuwan ay tinignan kaming lahat.  

 

"Lahat ng nandito ay suspect. Madaling lumabas, single pile! " Professor Wyatt's voice thundered through the whole bus. 

 

Dali dali kaming lumabas at mumuntik pa akong matalisod dahil sa mga nagmamadali ngunit may agad na naka hawak sa braso ko. 

 

"'Wag kang sumabay sa kanila." Ani ni leora. Tumango ako at gumilid sa kaniyang tabi. "Ang galing mo kanina, alaman mong nalason ang lalaki."  

 

Napabaling ako sa kaniya at sumupil ang maliit na ngiti sa labi ko dahil sa puri niya.  

 

Inipit ko ang takas na buhok sa aking tainga. "Hindi rin ako sigurado kanina. I just observed the symptoms and the rest are my conclusions. Gano'n kasi ang mga nababasa ko. " 

 

"You're still good." Bumaling siya sa akin na may ngiti sa labi. "Tulungan mo ako na hulihin ang culprit. I know one of us on this bus is the killer. Hulahin natin kung sino man siya. "  

 

Natigilan ako at napatitig sa kaniya, although she was smiling, she didn’t look like joking around. "Kung nandito nga... paano naman? " 

 

The side of her lips tugged up. "Impusibleng walang bakas, shiro. Kahit ang butil ng bungahin ay makikitaan ng bakas ng nakaraan. Kung hindi makikita ang ginamit sa pang lason, malalaman natin 'yan sa mga kilos nila and I need you to observe. "mariing sabi niya at hinatak ako pababa ng bus. 

 

Hiwalay ang pila sa babae at lalaki, wala na kami sa mga kabahayan at ilang metro na lang din ang layo sa academy. Kapansin pasin ang pangunguna ng kambal at ni liam sa pag imbistiga kasama si Prof. Wyatt. Hindi na ako nagulat Kung bakit, after all, they are part of the Supreme Students. 

 

"Ms. Marga, come here." Tawa ni prof sa babae na girlfriend ng lalaking nalason. Her face was wet with tears. 

 

Umiiyak na lumapit ito sa kanila at kinausap si Marga. Napabaling ang tingin ko kay Leora na nasa harapan ko. Ang kaniyang tingin kaya naman ay sinubukan kong sundan ito at natuon ang pansin ko sa lalaking tahimik. 

 

Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang katabi ng lalaki bago siya mamatay. May alam kaya siya? O baka siya ang pumatay?  

 

I should not judge but... 

 

I tried to scan his whole feature. Silent, poker face, and a bit... pale? I tilted my head and stared at him more.  

 

Tila naramdaman niya ata ang mga titig ko dahilan upang mabalinggon siya sa gawi ko. I saw how his eyebrows raised and his eyes slightly widened. His lips parted a bit and he automatically averted his eyes away from me. suspicious enough to be the culprit, but I'm still not convinced. 

 

Dahan-dahan akong humukbang papunta sa kaniya at kitang kita ko na kinakabahan siya sa pag lapit ko.  

 

Why so tense? Are you the culprit? 

 

Ilang hakbang ang layo ko ng tumigil ako sa kaniyang harap. 

 

"Why?" He looked so terrified, but his voice was calm. 

 

"Did you poison the guy?" I asked. 

 

Agad itong umiling. "No..."  

 

Matapos ng sinabi niya ay dali dali akong tumalikod at bumalik sa pwesto kung nasaan si leora. Hindi ko alam kung ako ang nasa isip niya, Hindi ko alam kung ako ang tumatakbo dito, pero sa palagay ko ay may hinala na siya. Mariin akong napapikit dahil sa ginawa ko. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos ng ganon at Hindi ko dapat siya inakusahan agad dahil lang sa katabi niya ang biktima. 

 

Napakurap ako ng dumaan sa harapan ko si Marga na humihikbi. Dali-dali ko siyang pinigilan sa kaniyang mga braso na ikinagulat nito. 

 

"Did you poison your boyfriend?" I asked while maintaining eye contact. 

 

Her eyes started to water and she began to cry again. Marahas niyang iwinaksi ang braso dahila upang mabitawan ko ito sa pagkaka-kapit. 

 

"I did not poison my boyfriend! For pete's sake! Bakit ko lalasunin ang boyfriend ko? " Galit na sigaw niya sa akin at iniwan akong tulala. 

 

"Sungit..."  

 

Napa baling ako kay leora ng bumulong ito.  

 

"I told you, hindi talaga ako magaling mag observe—" 

 

"Napansin mo ang lalaki diba? He's aloof. " 

 

"Maybe he's just like that. Hindi tayo pwedeng mag bintang sa kung sino sino at isa pa... wala tayong ibedensiya. "  

 

Nagulat ako ng mag taas siya ng kamay. "Prof Wyatt, can we talk to you? I think Shiro already knew who the killer was... " 

 

Unti-unti na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Lahat ng mata ay bumaling sa amin at hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung mali ako? Paano kung hindi pala siya? Paano kung ganon lang talaga ang normal na kilos niya?  

 

"Really? Baka naman kayo ang naglason at tinaniman niyo pang ebidensya ang isa sa amin? " Ani ni everly. "Wala na nga kayong ability, nag mamarunong pa kayo—" 

 

Agad siyang hinarap ni Leora. "Stop throwing shit at us, stop throwing yourself." 

 

Nanlaki ang mata ni Everly ng mag tawanan ang nakarinig sa amin.  

 

That’s mean and brave, Leora. 

 

"Are you saying that I am a shit?" 

 

Leora chuckled and raised her chin. "I didn't say that. Asked yourself. " 

 

Matapos noon ay hinatak ako ni leora papunta sa kanila at wala akong nagawa dahil hindi narin nag poproseso sa isip ko ang nagyayari. Tila lumundag ang puso ko sa kaba. Itonang unang beses na naranasan ito—ano na ang gagawin ko? 

 

Naglandas ang mga Mata nila liam at ang kambal sa amin habang naka-taas ang kilay. 

 

"We already know who's the culprit—" 

 

Uno automatically cut her off. "Do you have any evidence?" 

 

Dahan-dahan akong umiking. "Uno, Hindi... Hindi namin alam. " Hinawakan ko sa kamay si Leora at hinatak ito ngunit hindi siya nagpa-pigil. "Leora..." I uttered 

 

"I have my evidence and Shiro observed enough to identify it."  

 

Tila alam na alam at malakas ang loob niya sa sinasabi hiya habang ako ay hindi sigurdo sa mga hinuha ko. Ano bang klaseng babae ito, wala kaming sapat na ebidensya! 

 

"Will you stop putting yourself into someone's business—pati si Shiro ay sinama mo pa!" Asik ni Tres. 

 

Pinigdikit ni leora ang kaniyang labi at tila pinipigilan ang inis. 

 

"We're not butting in! Pwede ba, sabihin hayaan niyo muna kami mag sabi? Then parusahan niyo kami kung mali ang hinala namin! " 

 

"Putang..." mahinang usal ko. Good thing, Hindi nila narinig. 

 

"Okay..." napa baling kami kay prof Wyatt. "Makikinig kami, pag mali kayo ay ihanda niyo na ang sarili niyo sa Parusa." 

 

Nanlamig ako sa sinabi ng prof. Bakit naman nangyayari sa akin ang ganito? Paano nalang kaya kung mali ang hinala ko? Natatakot ako sa parusa. Hindi dapat ako nae-envolve sa ganito. Paano na lang kung malaman ng magulang ko? 

 

I feel like crying... I want to go to school.  

 

"So, who's the culprit?" Tres asked while looking at us intently.  

 

Bumaling saakin si Leora. "Come on Shiro, tell them..." 

 

Humugot ako ng malalim na huminga ng malalim. Bahala na nga, magsasabi na ako ng hinala ko, kapag mali ako sasabihin ko nalang na huwag nilang sabihin sa magulang ko. 

 

I looked at them intently and my face turned serious.  

 

"A liar may use re-use words used in the question being asked." I said. "I think... there's no other culprit but his girlfriend... Marga." 

 

Leora clapped her hands. 

 

"Very well said." Ani ni Leora. "I told you, you were good, you just lack confidence." Kapagkuwan ay bumaling ito sa apat. "Shiro is right. The killer who poisoned that man was his own girlfriend. Hindi ko alam ang dahilan ngunit mapapatunayan namin ito, " 

 

Uno chuckled while Prof Wyatt remained silent.  

 

"Kung gusto niyo pwede kong hawakan si Marga para malaman ang—" 

 

Agad kong pinigilan si marga. "Hindi mo gagawin 'yan, Liam." Putol ko sa kaniya. "Maaaring may naiwan pang cyanide sa balat niya o sa damit" 

 

"But you held her arm awhile ago." Umawang ang labi ko sa napag tanto. Akma akong aalis ngunit hinatak ni Uno ang kwelyo ko at inilabas ang kaniyang puting panyo, kapag kuwan ay ibinalot sa kamay ko. "Mag hugas ka ng kamay bago umalis mamaya." Aniya. Dahan-dahan naman akong tumango. 

 

"Thanks," I shyly said. He rolled his eyes at me. 

 

"Accurate, hindi niyo ba napapansin ang naka sarado ang palad niya for the whole time? She never wipes her own tears. "  

 

"I wonder..." Uno speaks slowly, then he licks his lower lip. "How can you manage to observe those little things in just a short time? Is that an ability? "  

 

Inirapan ko ito ang ganon din si Leora.  

 

"We don't have time to have a chat with you." Humarap siya kay Prof. Wyatt na ngayon ay naka ngiti. "Prof, kung ako sa inyo at aarestuhin ko na si Marga." 

 

Proff. Wyatt let out a sigh before nodding his head and holding his chin. "I wanted to do some tests and I want both of you to do that." There's a playful smile on his lips that gives shivers to me. 

 

It feels like my life in the academy will be an upside-down struggle. 

 

Pinapila namin isa isa ang lahat. Isang diretso linya na lahat sila'y naka harap kay prof. Wyatt. Hindi ko alam kung tama ba ang plano naming ito. Paano kung mali talaga ako? Paano kung wala talaga sa loob ng bus ang nag lason? Hindi ko mapigilan na mag-overthink, wala akong tiwala sa sarili ko dahil ito pa lang naman ang unang beses na makakatagpo ng ganitong engkwentro! 

 

Naramdaman ko ang pag siko sa akin ni Leora. I threw a dagger at her. Sobrang sigurado siya sa sinasabi niya, pero wala parin akong tiwala sa hinala ko, ayokong maparusahan. 

 

"What's with the chocolate prof? piece offering? "  

 

Nagtawanan ang sila dahil sa biro ng lalaki. Nakita tawa rin si Prof. Wyatt Dahilan upang lumakas ang tawanan. Kapag kuwan ay sumimangot ito at natigil sila sa pagtawa. 

 

"Baka kasi 'yan na ang huling kain mo." Aniya.  

 

Nilobo ko ang aking pisngi para pigilan ang pagtawa. Nagsi tahimikan ang lahat ng tumikhim si prof at tumayo ng tuwid.  

 

Matiim na pinag masdan ko ang lahat, bawat pag galaw at maliliit na kilos nila, ngunit mas nag focus ako ng tingin kay marga. 

 

Someone raised her hand. "How about them?" Turo niya sa amin. "Bakit kami lang ang pinaghihinalaan, kahina hinala rin naman sila. Baka nga nagtanim sila ng ebidensya sa amin "aniya at inirapan kami. 

 

Ngunit bago pa makapag salita si prof at biglang nagsalita si Tres. 

 

"Kain..." utos niya, his voice was full of authority. I’m not even shocked if they obey him quickly. Kahit ako ay natatakot kay tres kapag nag-iibi siya ng aura. Kit rin na kahit labag sa kanilang loob ay dahan-dahan nilang kinain ang chocolate.  

 

Gaya ng inaasahan ay may hindi kumain ng chocolate, dalawa sila. Si Marga at isang babae sa hulihan. Agad na gumapang ang kaba sa akin, shit! Si marga ba talaga? Hindi naman kahinahinala ang isang babae o baka hindi talaga ako nabmanman nb mabuti? 

 

"Ms. Xiao, bakit hindi mo kinain?" Tanong ni prof.  

 

Dahan dahan na umangat ang tingin nito. "Allergic po ako sa chocolate..."  

 

I don’t know why,  but somehow, I felt relieved.  

 

Kapagkuwan ay bumaling si Prof. Wyatt Kay Marga. 

 

"How about you, Marga?"  

 

Napansin ko agad ang panginginig ng kamay ni Marga. Kung tama ako ay hindi niya pa talaga natatanggal ang cyanide sa kaniyang kamay.  

 

Taka siyang tinignan ng kaibigan niya habang nginunguya ang chocolate niya. “Marga, diba fave mo 'yan? Ito ang laging binibili ni—" 

 

"You got me." 

 

Napuno ng maingay na katahimikan ang namutawi sa lugar. Buking na. Nanlilisik ang mata na bumaling ito sa amin kapagkuwan ay bumaling sa kaniyang kaibigan. 

 

She furiously pointed at her friend using her finger. Naging alerto kami sa kung ano man ang gagawin niya. 

 

“It's your fault! Hindi ko siya papatayin kung hindi dahil sa'yo! Hindi siya mamamatay kung hindi dahil sayo... " napa-upo ito sa sahig at nagtuloy sa pag-iyak. "It's your fault!" 

 

Gulong-gulo ang babae at maging kaming lahat. Is there some affair involved?  

 

"B-bakit ako?" gulong-gulo siya sa nangyayari at sa ibinibintang sa kaniya. "Anong ginawa ko—" Marga cut her off. 

 

"Hindi mo alam? Anong ginawa n'yo noong nakaraang araw ha? Kumakapit ang amoy mo sa boyfriend ko! Sobrang kapit! Ahas ka, inahas mo ako! "she accused. 

 

"Teka, Marga. Wag mo akong sasabihin ahas lalo na't wala akong ginawang masama—" 

 

Agad na lumapit si tres upang pigilan si marga sa akmang pagsugod niya sa kaibigan nito. What’s happening to them? Is her friend having an affair with Marga's boyfriend? Even so, Marga has no right to kill her boyfriend.  

 

Hindi ako makapaniwala. Papatay ka ng tao dahil lang doon? Ganon ba talaga ang pag-ibig, kayang makapatay ng tao dahil sa pag-ibig? Kung ganoon lang pala ay ayoko ng maranasan iyon. Love is just for insane people! 

 

"Wala kang kwentang kaibigan, pinagkatiwalaan kita, pero inahas mo ako!" Nanggagalaiti ito sa galit. 

 

Nagsimulang umiyak ang babae. "Nagkakamali ka, Marga. Oo nga't buong araw kami magkasama, pero wala kaming ginawang masama! Buong araw kami magka sama dahil balak ka niyang sopresahin pag pasok sa academy! " 

 

Tila nanghina at natigilan si Marga dahil sa narinig niya, kahit ako rin ay hindi alam ang sasabihin. Marga's lips trembled and she became weak. I felt my knees getting weak, too. Kung totoo man iyon ibig sabihin ay nasayang ang buhay ng tao dahil sa maling akala?! 

 

I can’t imagine this is really happening.  

 

"No!" She shouted at the top of her lungs and cried even more. "That's not true! Mga manloloko! " 

 

"Magra! For God's sake, please listen to me! How can I betray you? 'Yan ba ang akala mo sa akin ha? Ganiyan ba ang tinggin mo sa akin– mang aagaw?! Jarred really loves you so badly and he wanted to surprise you and give you the best monthsary— tapos dahil dito ay pinatay mo siya? " 

 

Napaluhod si Marga habang patuloy sa pag-iyak at tila hindi matanggap ang nangyari at sisingsisi pa. Uno finally let her go and Marga started to crawl on the floor. 

 

Nagulat ako ng biglang lumapit si leora kay marga. Naging mabilis ang pangyayari, isang malakas na tunog ang nilikha ng pagdapo ng kamay ni leora sa pisngi ni marga. Ni hindi rin ako naga galaw dahil sa gulat. 

 

"Pumatay ka dahil sa maling hinala at selos?! Bwiset utak 'yan, napaka bobo mo! Sa tinggin mo, saan ka dinala ng galit mo? Pumatay ka ng inosenteng tao! " sigaw nito kay marga dahil sa galit.  

 

I can feel it. I could feel her wrath towards Marga. The difference is, I don’t know how to express my anger. I don’t know what to do just to make myself calm. I wanted to explode, but I couldn’t... 

 

Ang akma niya ulit na pagsampal kay marga ay napigilan dahil sa matipunong braso na umakap at pumigil dito. Inakap ni uno si Leora na ngayon ay nanginginig na sa galit.  

 

Hindi ko masisisi si Leora, ako man din ay galit dahil sa ginawa ni Marga. Nagpadala siya sa galit at nakalimutan niyang mag-isip ng maayos. 

 

"Ngayon alam mo na," napabaling sila sa akin nang lumapit ako kay marga. "Matuto ka sa nangyari, 'wag mong hahayaan na lamunin ka ulit ng galit at' wag mong isarado ang isip mo sa eksplinasyon. Don't let your emotions overpower you. "Ani ko at inirapan siya. 

 

I hid my trembling fist inside my pocket and averted my eyes away from her. 

 

Kailangan talaga matutunan ng mga tao na kontrolin ang mga emosyon nila, dahil sa isang maling desisyon at kung magpadala sa bugso ng damdamin ay malamang hindi magiging maganda ang kakalabasan nito. Control your emotions or do they control you? Mamimili ka lang sa dalawa. 

 

Napabaling ako kay leora na akap-akap parin ni uno. Umiiyak na ito ngayon at nanggalaiti sa galit. Habang si uno ay pilit na pinapatahan ito. I didn't know that Leora had a soft spot. Akala ko ay sobrang tapang niya na hindi niya kayang umiyak sa maraming tao. Akala ko lang pala.  

 

I want to comfort Leora, but I think uno is enough for her. I went to see Liam and Tres, who were formally talking about the case. 

 

It's a case closed. I gazed at Leora once again. 

 

But I felt so emotionless when I saw Uno wipe Leora's tears while uttering some words to make her calm. What is this feeling? I couldn't explain it nor find the right word to describe it. Nag-iwas na lang ako ng tingin at sa pag-iwas na iyon ay nakasalubong ko ang mata ng lalaki kanina. Nangunot ang noo ko. Kakaiba talaga ang kinikilos ng lalaking ito.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status