Share

Chapter 2

Penulis: Senyorita
last update Tanggal publikasi: 2026-09-21 07:09:02

Bumibigat ang bawat paghinga sa loob ng malawak na VIP suite. Wala nang ibang maririnig kundi ang mahinang pag-crack ng apoy mula sa fireplace at ang mabilis na pagtibok ng dalawang pusong tila nagkakarera. Nakaupo si Queenie sa velvet armchair, habang ang estrangherong binayaran niya para sa gabing ito ay nakaupo sa katapat na silya, ilang talampakan lang ang layo, ngunit ang presensya nito ay parang isang mabigat na kumot na bumabalot sa buong pagkatao niya.

Kakatapos lang niyang umiyak. Kakatapos lang niyang ilabas ang lahat ng bigat at galit na dala-dala niya dahil sa pinaplanong arranged marriage ng kanyang ama kay Richard Mondragon. Inasahan niyang huhusgahan siya ng lalaking ito. Inasahan niyang gagamitin nito ang sitwasyon para makuha ang gusto nito. Pero sa halip, nakinig lang ito. Tahimik, seryoso, at punong-puno ng atensyon, na parang ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Queenie ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

"Uminom ka muna," mabasag at paos na boses ng lalaki, iniaabot sa kanya ang isang tasa ng mainit na chamomile tea. Ang boses nito ay parang mabigat na musika na nakakapagpakalma sa nagwawalang isip ni Queenie. Sa likod ng silver masquerade mask nito, kumikinang ang mga matang tila may matinding pag-unawa.

Tinanggap ni Queenie ang tasa, ang nanginginig niyang mga daliri ay bahagyang dumampi sa malalaki at maiinit na kamay ng lalaki. Napasinghap siya nang mahina. Kahit simpleng pagdampi lang iyon, naramdaman niya ang kuryenteng gumapang mula sa kanyang mga kamay papunta sa kanyang dibdib.

"Salamat," mahinang sagot ni Queenie, hindi makatingin nang diretso sa mga mata nito. Uminom siya ng kaunting tsaa at naramdaman ang pag-init ng kanyang sikmura, unti-unting pinapakalma ang nanginginig niyang kalamnan.

Hindi nagpatalo si Queenie sa kaba. Kung babayaran niya rin lang ang lalaking ito ng daan-daang libo, susulitin niya ang bawat segundo. Pero hindi sa paraang inakala niya kanina bago siya pumasok. Gusto niyang makilala ito, kahit ang isip nito man lang. Ginamit niya ang pagkakataon para suriin ang kabuuan ng lalaki. Nakabukas na ang unang dalawang butones ng itim na dress shirt nito, inilalantad ang matipuno nitong dibdib na halatang sanay sa hirap at matinding disiplina.

"Bakit mo ginagawa ito?" biglaang tanong ni Queenie, ibinaba ang tasa sa maliit na mesa sa pagitan nila. "Ang makinig sa mga taong basag. Hindi ba nakakapagod buhatin ang problema ng iba?"

Sumandal ang lalaki sa kanyang upuan, ang mga mata nito ay hindi humihiwalay sa kanya. Isang mapait ngunit seryosong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Minsan, ang pakikinig sa problema ng iba ang tanging paraan para makalimutan mo ang sarili mong mga demonyo."

Natigilan si Queenie. "May mga demonyo ka rin?"

"Lahat tayo meron, Queenie," sagot nito, binibigkas ang pangalan niya nang may kakaibang lambing na hindi niya inaasahan. "Ang pinagkaiba lang natin, ang sayo, pinipilit nilang ipakasal sayo bukas. Ang akin, matagal ko nang kasama."

Nakatitig lamang si Queenie sa mga mata nitong natatakpan ng maskara. Sa isip-isip niya, ito ang gabing buburahin niya si Richard Mondragon. Ito ang gabing aangkinin niya ang kaligayahang ipinagkakait sa kanya ng sarili niyang ama. At dahan-dahan, nararamdaman niyang nangyayari iyon, hindi dahil sa pisikal na bagay, kundi dahil may isang taong nagpaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

"Tell me about him," maawtoridad ngunit malambing na utos ng lalaki. Hinawakan nito ang baba niya gamit ang dalawang daliri at iniharap ang mukha niya rito. "Tell me exactly why you hate Richard Mondragon so much."

Lumunok si Queenie, ang mga mata'y nagdilim sa matinding pagka-inis nang maalala ang pangalan. "He's a monster. Isang halimaw na walang pakialam sa buhay ng iba basta makuha niya ang gusto niya. Nilamon niya ang kumpanya namin para lang pilitin ang ama ko na ibigay ako sa kanya. Tingin niya mabibili niya ang lahat. Tingin niya mabibili niya ako."

Tumango-tango ang lalaki, seryosong nakikinig. "Paano kung sabihin ko sayo na hindi lahat ng nakikita mo sa balita ay totoo? Paano kung ang lalaking iyon ay gumawa ng paraan para bilhin ang kumpanya niyo, hindi para sirain ang pamilya mo, kundi para iligtas ka mula sa mga taong ginagamit ka?"

"Impossible," mariing sagot ni Queenie. "Walang pusong tao iyon."

Hindi na sumagot ang estranghero. Sa halip, tumayo ito, naglakad papalapit sa kanya, at umupo sa mismong gilid ng armchair na inuupuan niya. Ang init ng katawan nito at ang pamilyar na pabango ay pumalibot sa kanya.

"You're tired," mahinang bulong nito. "Gusto mong makalimot, hindi ba?"

Tumango si Queenie, ang mga mata ay puno ng pagod. "Gusto kong maramdamang akin ang buhay ko."

Dahil sa sinabi niya, maingat na inalalayan ng estranghero si Queenie papunta sa malaking king-sized bed. Akala ni Queenie ay gagawin na nila ang dahilan kung bakit siya naroon, ngunit laking gulat niya nang kumaha lang ng kumot ang lalaki at maingat na itinakip iyon sa kanya. Sumandal ang lalaki sa headboard at marahang hinila si Queenie para isandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.

"Sleep, sweetheart," garalgal na bulong ng lalaki, tila nahihirapang magsalita. Ang malalaking kamay nito ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang balikat, hinihimas iyon nang marahan upang pakalmahin ang kanyang pag-iisip.

"Hindi ka ba aalis?" naiiyak na daing ni Queenie, hindi na magawang itago ang matinding kaginhawaang unti-unting pumupuno sa kanyang isipan. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang mahina sa gabing ito.

"I'm not going anywhere. I'm right here with you," bulong ng lalaki sa kanyang tainga.

"I—I don't even know your name," humihikbing bulong ni Queenie, nakakapit nang mahigpit sa polo nito.

"Malalaman mo rin bukas," sagot nito bago marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ni Queenie.

Unti-unting bumigat ang mga talukap ni Queenie, dinadama ang mabilis ngunit kalmadong tibok ng puso ng lalaki laban sa kanyang pisngi. Ang tunog ng paghinga nila, kasabay ng mahinang ulan sa labas, ang tanging pumuno sa loob ng malawak na suite. Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, nakaramdam siya ng tunay na kapayapaan sa bisig ng isang estranghero, wala sa isip na ang lalaking nagbigay sa kanya ng gabing ito ay ang mismong lalaking akala niya'y magpapagiba ng kanyang mundo kinaumagahan.

~

Nang magmulat ng mga mata si Queenie, sinalubong siya ng mahinang sinag ng araw na tumatagos mula sa siwang ng makapal na kurtina. Nanlalata pa ang buong katawan niya nang dahan-dahan siyang bumangon. Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa malaking kama. Wala na ang lalaking nag-alaga sa kanya kagabi.

Tiningnan niya ang paligid. Maayos ang kwarto. Nang mapadako ang tingin niya sa bedside table, nakita niya ang black card niya, at sa ibabaw nito ay isang pamilyar na silver na maskara. Sa ilalim ng maskara ay may isang nakatuping puting papel.

Kinakabahang kinuha ni Queenie ang papel. Pamilyar sa kanya ang sulat-kamay. Ang malamig, pormal, at matapang na sulat na madalas niyang makita sa mga legal na dokumento ng kumpanya.

"I told you I'd protect your freedom, Queenie. And I intend to keep that promise. See you at the wedding. — Richard"

Isang gulat na gulat na pagbuntong-hininga ang nakawala sa labi ni Queenie. Babalik na siya sa reyalidad. Babalik na siya sa pagiging isang Rodriguez na nakakadena sa apelyidong Mondragon. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na galit ang nararamdaman niya, kundi isang napakalalim at hindi maipaliwanag na kuryosidad sa lalaking akala niya ay halimaw, ngunit naging tagapagligtas niya sa gitna ng dilim.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 40

    Tahimik na binabagtas ng itim na sasakyan nila ang mga kalsada ng siyudad sa ilalim ng madilim na gabi. Mahigpit ang hawak ni Richard Mondragon sa manibela, ngunit ang buong atensyon niya ay wala sa kalsada, kundi sa babaeng nakaupo sa passenger seat.Nakatitig si Richard kay Queenie. Suot ng kanyang asawa ang isang simpleng puting silk dress na umaabot hanggang tuhod, ang buhok nito ay malayang nakalugay at hinahawi ng malamig na hangin mula sa bintana ng sasakyan. Isang kalmado at matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga.Pinagmasdan ni Richard ang bawat detalye ng mukha ni Queenie. Limang taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang babaeng ito. Noong panahong iyon, isa lamang siyang malamig, walang-awa, at aroganteng bilyonaryo na sanay bilhin at kontrolin ang lahat ng bagay. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para ikulong si Queenie sa isang kasunduan. Akala niya, siya ang naglalaro. Akala niya, siya ang nagmamanipula.Ngunit ang totoo, mula sa unang gabi n

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 39

    Para kay Richard Mondragon, ang pinakamagandang oras ng bawat araw ay ang mga sandaling hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sa mga oras na ito, bago magsimulang umikot ang magulo at maingay na mundo ng negosyo, hawak niya ang tanging reyalidad na may halaga sa kanya.Nakatukod ang isang siko ni Richard sa malambot na unan, ang matipuno at hubad nitong dibdib ay bahagyang umaangat at bumababa sa isang kalmadong ritmo. Hindi na siya madalas dalawin ng insomnia tulad noong mga panahong nagtatago pa siya sa likod ng silver mask sa L'Éden. Hindi na niya kailangan ng alak o ng mga artipisyal na pampatulog, dahil ang mismong kapayapaan niya ay natutulog ngayon sa kanyang tabi.Tahimik na pinagmasdan ni Richard ang mukha ng kanyang asawa. Ang mahaba at itim na buhok ni Queenie ay nakakalat sa puting unan. Ang mahahaba nitong pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang manipis na puting kumot ay nakabalot lamang sa ibabang bahagi ng katawan nito, inilalantad ang makinis nitong likuran.Itinaa

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 38

    Isang tahimik at maaliwalas na Sabado ng hapon ang bumalot sa buong mansyon. Sa unang pagkakataon ay naiwan silang dalawa ni Richard. Kinuha kasi ng mga parents ni Richard sina Lucas at Aria upang ipasyal ang mga ito sa Europe ng isang buong linggo. Isang bihirang pagkakataon para sa mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang oras, isang munting "honeymoon" sa loob ng sarili nilang tahanan.Nakatayo si Queenie sa gitna ng malawak na ibrary ng kanilang mansyon. Ang amoy ng lumang papel at kape ay nagbibigay ng nakakapanatag na pakiramdam. May hinahanap sana siyang libro na matagal na niyang gustong basahin, ngunit nang buksan niya ang isa sa mga antique na drawer sa gilid ng mahogany desk ni Richard, isang pamilyar na itim na folder ang nakakuha ng kanyang atensyon.Dahan-dahan itong kinuha ni Queenie. Pamilyar ang bigat nito. Pamilyar ang texture. Nang buksan niya ang folder, bumungad sa kanya ang isang dokumentong limang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makita.Ang kani

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 37

    Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng malawak na bintana ng kanilang mansyon ay lumilikha ng isang nakakarelax at malamig na musika sa buong kwarto. Paborito ni Queenie ang ganitong mga gabi. Habang ang buong mundo sa labas ay binabagyo at madilim, ang loob ng kanilang tahanan ay nananatiling mainit, tahimik, at punong-puno ng kapayapaan.Nakatayo si Queenie sa harap ng floor-to-ceiling glass window, hawak ang isang mainit na mug ng chamomile tea. Suot niya ang isa sa mga malalaking puting button-down shirts ni Richard na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita. Mahaba at maluwag ang manggas nito, at ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood na nakakapit sa tela ay sapat na para yakapin ang kanyang buong sistema ng matinding siguridad.Tapos na ang isang mahabang linggo. Tahimik na ang mga kumpanya, at mahimbing nang natutulog sina Lucas at Aria sa kabilang kwarto matapos silang pagkwentuhan ng asawa niya hanggang sa makatulog ang mga ito.Isang pamilyar na init ang

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 36

    Ang amoy ng bagong lutong pancakes, tinunaw na butter, at sariwang kape ang unang sumalubong sa pang-amoyni Queenie nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata.Kumunot ang kanyang noo at kinapa ang kabilang gilid ng kanilang king-sized bed.Gaya ng inaasahan, malamig na iyon at maayos nang nakatupi ang kumot. Napangiti siya. Kahit na Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho, mukhang mas maaga pa ring nagising ang kanyang asawa upang maghanda ng surpresa.Bumangon si Queenie, isinuot ang kanyang paboritong puting silk robe, at itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang magulong bun. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng master bedroom at bumaba sa grand staircase ng kanilang mansyon. Habang papalapit siya sa malawak na kusina, mas lalong luminaw ang mga pamilyar at masisiglang boses na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.Huminto si Queenie sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmasdan ang nakakatuwang eksena sa kanyang harapan.Nakatayo si Richard sa harap ng marble kitchen i

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 35

    Tulog na ang buong mansyon nang dahan-dahang isara ni Queenie ang pinto ng kwarto nina Lucas at Aria. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong mahimbing na ang tulog ng dalawang bata matapos ang isang mahabang araw ng paglalaro.Habang naglalakad siya pabalik sa master bedroom, napansin niyang kakaiba ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa ganitong oras, naririnig niya ang mahinang pag-type ni Richard sa laptop nito sa loob ng study room o kaya nama'y naghihintay na ito sa kama nila. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang kwarto, madilim at walang tao roon.Kumunot ang noo ni Queenie. Binuksan niya ang dim light sa gilid ng kama at doon niya napansin ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng unan ng asawa. Isa itong perpektong puting rosas, at sa ilalim nito ay may isang maliit na itim na sobre.Nakangiting lumapit si Queenie. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon. Nakasulat sa pamilyar at matapang na handwriting ni Richard ang isang maikling mensahe:Meet me in the cou

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status