Share

Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance
Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance
Author: Senyorita

Chapter 1

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-09-21 07:08:44

Ang lakas ng ulan sa labas ng bintana ng sasakyan, ngunit mas maingay ang gulo sa isipan ni Queenie Rodriguez. Magkahalong galit, pandidiri, at pagkasakal ang nararamdaman niya habang nakatitig sa itim na gusali sa kanyang harapan. Ilang oras pa lang ang nakakalipas mula nang basagin ng sarili niyang ama ang nag-iisang bagay na pinapahalagahan niya, ang kanyang kalayaan.

"Queenie, it's either you marry Richard Mondragon, or we watch our entire legacy burn to the ground," umaalingawngaw pa rin ang malamig na boses ng kanyang ama sa kanyang tainga.

Rodriguez Aviation. Ang kumpanyang itinayo ng kanyang lolo, na ngayon ay nalulunod sa bilyun-bilyong utang dahil sa maling pamamalakad ng kanyang ama. At ang solusyon nila? Ibenta siya na parang isang mumurahing produkto sa kalaban nila sa negosyo. Kay Richard Mondragon. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi pabagsakin ang kumpanya nila, ang lalaking balita sa buong bansa bilang isang walang pusong bilyonaryo na yelo ang dumadaloy sa mga ugat.

Pilit niyang pinigil ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. "You want to sell my future to the Mondragons for an airplane company?" bulong niya sa sarili, gigil na nakahawak sa manibela ng kanyang sasakyan habang nanginginig ang kanyang mga kalamnan. "Fine. But tonight, my life is mine. At sisiguraduhin kong sa akin muna ang huling halakhak bago niyo ako ikulong sa impyerno."

Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at naglakad papasok sa isang tagong eskinita kung nasaan ang L'Éden. Hindi ito ordinaryong bar kung saan nag-iinuman ang mga desperado o nagpapakalasing ang mga brokenhearted. Ang L'Éden ay isang sikretong kaharian sa ilalim ng siyudad, isang exclusive at highly confidential na underground sanctuary para sa mga elite na babaeng gustong makalimot, mga babaeng may pambayad para sa panandaliang kaligayahan at pag-takas. Isang lugar kung saan ang bawat pantasya ay may presyo, at ang bawat bisita ay protektado ng isang maskara.

Bago pa man siya makapasok sa main lounge, sinalubong siya ng isang matangkad na attendant na nag-abot sa kanya ng isang eleganteng itim na lace masquerade mask. Sinuot niya ito, at sa sandaling tumapat ang maskara sa kanyang mukha, naramdaman niya ang biglaang pagkawala ng kanyang pagkatao bilang isang Rodriguez. Sa gabing ito, wala siyang apelyido. Sa gabing ito, isa lamang siyang babaeng uhaw sa kalayaan.

Dumiretso siya sa head manager ng bar, isang babaeng kilala sa tawag na Madame Sylvia na nakasuot din ng maskara ngunit nagbibigay ng awra ng matinding pagiging sopistikada. Padarag na ibinagsak ni Queenie ang kanyang black card sa ibabaw ng glass counter. Lumikha iyon ng matalim na tunog na agad umagaw sa atensyon ng manager.

"I want your most expensive man," matapang at malamig na utos ni Queenie, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses. Taas-noo siyang nakipagsukatan ng tingin dito. "Yong pinakamataas ang rate. I want him for the whole night. Ayoko ng baguhan, at mas lalong ayoko ng may istorbo."

Tiningnan ni Madame Sylvia ang itim na credit card bago ngumiti nang malapad, isang ngiti na tila may itinatagong malalim na sikreto. "An excellent choice, Miss. You demand nothing but the absolute best. Ihahatid na po namin kayo sa aming premium VIP suite, at susunod na ang lalaking hinihingi niyo. I promise you, he is a master of his craft. He is worth every single peso."

Iginaya siya ng isang tauhan sa isang mahabang pasilyo na nababalutan ng dark red velvet na wallpaper, hanggang sa makarating sila sa dulo, sa isang p***o na may nakaukit na letrang 'V'. Pagkapasok na pagkapasok ni Queenie sa VIP suite, halos mapatigil siya sa paghinga. Napakalaki ng kwarto at balot ito ng dimly lit na kulay pulang ilaw, nagbibigay ng sobrang seryoso at mapanganib na ambiance. May malaking king-sized bed sa gitna na natatakpan ng silk na itim na bedsheet. Sa gilid ay may nakahandang champagne na nakababad sa ice, at bumabalot sa hangin ang amoy ng mamahaling kandila na may halong musk at vanilla.

Umupo siya sa gilid ng kama. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kaba na unti-unting gumagapang sa kanyang dibdib. Ano ba itong ginagawa niya? Ibibigay niya ang kanyang sarili sa isang lalaking bayaran dahil lang sa galit niya sa kanyang pamilya? Sa isang estranghero?

Pero nang maalala niya ang nakakainsulto at malamig na mukha ni Richard Mondragon sa isang magazine cover na nakita niya kanina, nag-alab muli ang kanyang determinasyon at namuo ang poot sa kanyang dibdib. Kung bukas ay mapipilitan siyang ibigay ang buong buhay niya para sa isang halimaw, sa gabing ito, siya ang masusunod. Siya ang bumili at siya ang boss.

Bumukas ang p***o nang walang anumang katok.

Mabilis na napatayo si Queenie. Pumasok ang isang matangkad na lalaki at tahimik na isinara ang p***o sa kanyang likuran. Sa sandaling dumapo ang mga mata ni Queenie sa estranghero, tila umurong lahat ng laway niya sa lalamunan. Kahit nakasuot ito ng isang silver na half-face masquerade mask na tumatakip mula sa noo hanggang sa matangos nitong ilong, hindi maitatanggi ang tindi ng presensya nito.

Mayroon itong broad shoulders, at ang matipunong dibdib ay partly exposed dahil sa nakabukas na tatlong butones ng kanyang itim na dress shirt. Ang bawat hakbang nito palapit sa kanya ay sumisigaw ng awtoridad at dominasyon, parang isang hari na naglalakad sa kanyang sariling palasyo. Hindi alam ni Queenie na ang lalaking binili niya ng daan-daang libo para sa isang gabi ay walang iba kundi ang mismong may-ari ng L'Éden.

Huminto ito sa mismong harapan niya, parang isang predator na tahimik na sinusuri ang kanyang biktima.

"Madame Sylvia told me a very feisty guest bought my night," mababa, garalgal, at paos na boses nito, isang boses na dumiretso sa kaibuturan ni Queenie at nagpatayo sa mga balahibo niya sa batok. "Are you sure you can handle me, sweetheart?"

Pilit na pinatigas ni Queenie ang kanyang ekspresyon. Tinaasan niya ito ng kilay, pilit tinatago ang kaba sa pamamagitan ng pagtataray. Humalukipkip siya. "Binayaran kita para pasayahin ako, hindi para makipagkwentuhan. Just shut up and do your job. Make me feel good."

Isang nakakapasong ngisi ang sumilay sa labi ng lalaki, isang ngiti na tila labis na naaaliw sa katapangan niya. Hinawakan nito ang baba ni Queenie gamit ang malalaki at maiinit nitong daliri, at dahan-dahan siyang itinayo nang maayos mula sa pagkakahilig sa kama.

"Impatient, aren't we?" mapanuksong bulong ng lalaki, ang mukha ay ilang pulgada na lang ang layo sa kanya. "But I like my women with a little bit of fire."

Bago pa man makasagot si Queenie, naramdaman na lang niya ang mabilis na paghawak nito sa kanyang baywang. Hindi para bastusin siya, kundi para hapitin siya palapit. Ang init ng katawan nito ay tumatagos sa manipis na silk dress na suot niya. Walang alinlangan na inakay ng estranghero ang kanyang mga hakbang. Isang kamay nito ang mahigpit na nakahawak sa kanyang likuran, habang inabot ng isa ang nanginginig niyang kamay, idinidikit sila sa posisyon ng isang pormal ngunit napakalapit na sayaw.

Dala ng matinding galit niya sa kanyang pamilya at ng kalituhan sa estrangherong nasa harap niya, pilit siyang kumawala. Ngunit napakahigpit ng hawak nito. Gumapang ang kanyang mga kamay papunta sa malalapad na balikat ng lalaki, pilit na kumakapit habang unti-unti siyang nawawalan ng balanse dahil sa tindi ng presensya nito na tila s********p sa kanyang hininga. Sumasabay sila sa isang banayad na intrumental music na hindi niya napansing tumutugtog pala sa background.

Bumaba ang malalaking kamay ng lalaki sa kanyang likuran. Inasahan ni Queenie na ibababa nito ang zipper ng kanyang damit, ngunit sa halip, umakyat ang mga daliri nito patungo sa kanyang batok. Mabilis ngunit napakaingat nitong kinalas ang tali ng kanyang maskara. Sa isang pitik, tuluyang nahulog ang kanyang itim na lace mask sa sahig, naiwan siyang nakatayo sa harap nito, walang anumang pader na nagtatago sa kanyang basag na emosyon.

Napatitig ang lalaki sa kanya, ang mga mata nito sa likod ng maskara ay biglang nagdilim at seryoso, parang isang taong nakakita sa mismong kaluluwa niya. Ang bigat ng titig nito ay nagpainit sa buong sistema ni Queenie.

Inalalayan siya nito nang walang kahirap-hirap, na parang isa siyang babasaging porselana, at dahan-dahang pinaupo sa gitna ng malambot na kama. Sumunod ang lalaki, ngunit imbes na tabihan siya, lumuhod ito sa harapan niya. Ang bigat ng presensya nito at ang matitigas nitong kamay na marahang humawak sa kanyang mga tuhod ay nagbigay kay Queenie ng isang kakaibang pakiramdam ng seguridad at init.

Kinalimutan ni Queenie ang mundo sa labas ng kwartong iyon. Kinalimutan niya ang kanyang apelyido, ang naghihingalong kumpanya nila, at lalong-lalo na ang bilyonaryong si Richard Mondragon na sisira sa kanyang buhay bukas. Sa gabing ito, sa ilalim ng mga maskara at kulay pulang ilaw, ipinaubaya niya ang sarili sa mapanuksong init ng estranghero, handang ibigay ang kanyang mga luha at tiwala hanggang sa matikman niya ang kapayapaang hatid ng taong totoong nakakakita sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 40

    Tahimik na binabagtas ng itim na sasakyan nila ang mga kalsada ng siyudad sa ilalim ng madilim na gabi. Mahigpit ang hawak ni Richard Mondragon sa manibela, ngunit ang buong atensyon niya ay wala sa kalsada, kundi sa babaeng nakaupo sa passenger seat.Nakatitig si Richard kay Queenie. Suot ng kanyang asawa ang isang simpleng puting silk dress na umaabot hanggang tuhod, ang buhok nito ay malayang nakalugay at hinahawi ng malamig na hangin mula sa bintana ng sasakyan. Isang kalmado at matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga.Pinagmasdan ni Richard ang bawat detalye ng mukha ni Queenie. Limang taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang babaeng ito. Noong panahong iyon, isa lamang siyang malamig, walang-awa, at aroganteng bilyonaryo na sanay bilhin at kontrolin ang lahat ng bagay. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para ikulong si Queenie sa isang kasunduan. Akala niya, siya ang naglalaro. Akala niya, siya ang nagmamanipula.Ngunit ang totoo, mula sa unang gabi n

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 39

    Para kay Richard Mondragon, ang pinakamagandang oras ng bawat araw ay ang mga sandaling hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sa mga oras na ito, bago magsimulang umikot ang magulo at maingay na mundo ng negosyo, hawak niya ang tanging reyalidad na may halaga sa kanya.Nakatukod ang isang siko ni Richard sa malambot na unan, ang matipuno at hubad nitong dibdib ay bahagyang umaangat at bumababa sa isang kalmadong ritmo. Hindi na siya madalas dalawin ng insomnia tulad noong mga panahong nagtatago pa siya sa likod ng silver mask sa L'Éden. Hindi na niya kailangan ng alak o ng mga artipisyal na pampatulog, dahil ang mismong kapayapaan niya ay natutulog ngayon sa kanyang tabi.Tahimik na pinagmasdan ni Richard ang mukha ng kanyang asawa. Ang mahaba at itim na buhok ni Queenie ay nakakalat sa puting unan. Ang mahahaba nitong pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang manipis na puting kumot ay nakabalot lamang sa ibabang bahagi ng katawan nito, inilalantad ang makinis nitong likuran.Itinaa

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 38

    Isang tahimik at maaliwalas na Sabado ng hapon ang bumalot sa buong mansyon. Sa unang pagkakataon ay naiwan silang dalawa ni Richard. Kinuha kasi ng mga parents ni Richard sina Lucas at Aria upang ipasyal ang mga ito sa Europe ng isang buong linggo. Isang bihirang pagkakataon para sa mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang oras, isang munting "honeymoon" sa loob ng sarili nilang tahanan.Nakatayo si Queenie sa gitna ng malawak na ibrary ng kanilang mansyon. Ang amoy ng lumang papel at kape ay nagbibigay ng nakakapanatag na pakiramdam. May hinahanap sana siyang libro na matagal na niyang gustong basahin, ngunit nang buksan niya ang isa sa mga antique na drawer sa gilid ng mahogany desk ni Richard, isang pamilyar na itim na folder ang nakakuha ng kanyang atensyon.Dahan-dahan itong kinuha ni Queenie. Pamilyar ang bigat nito. Pamilyar ang texture. Nang buksan niya ang folder, bumungad sa kanya ang isang dokumentong limang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makita.Ang kani

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 37

    Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng malawak na bintana ng kanilang mansyon ay lumilikha ng isang nakakarelax at malamig na musika sa buong kwarto. Paborito ni Queenie ang ganitong mga gabi. Habang ang buong mundo sa labas ay binabagyo at madilim, ang loob ng kanilang tahanan ay nananatiling mainit, tahimik, at punong-puno ng kapayapaan.Nakatayo si Queenie sa harap ng floor-to-ceiling glass window, hawak ang isang mainit na mug ng chamomile tea. Suot niya ang isa sa mga malalaking puting button-down shirts ni Richard na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita. Mahaba at maluwag ang manggas nito, at ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood na nakakapit sa tela ay sapat na para yakapin ang kanyang buong sistema ng matinding siguridad.Tapos na ang isang mahabang linggo. Tahimik na ang mga kumpanya, at mahimbing nang natutulog sina Lucas at Aria sa kabilang kwarto matapos silang pagkwentuhan ng asawa niya hanggang sa makatulog ang mga ito.Isang pamilyar na init ang

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 36

    Ang amoy ng bagong lutong pancakes, tinunaw na butter, at sariwang kape ang unang sumalubong sa pang-amoyni Queenie nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata.Kumunot ang kanyang noo at kinapa ang kabilang gilid ng kanilang king-sized bed.Gaya ng inaasahan, malamig na iyon at maayos nang nakatupi ang kumot. Napangiti siya. Kahit na Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho, mukhang mas maaga pa ring nagising ang kanyang asawa upang maghanda ng surpresa.Bumangon si Queenie, isinuot ang kanyang paboritong puting silk robe, at itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang magulong bun. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng master bedroom at bumaba sa grand staircase ng kanilang mansyon. Habang papalapit siya sa malawak na kusina, mas lalong luminaw ang mga pamilyar at masisiglang boses na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.Huminto si Queenie sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmasdan ang nakakatuwang eksena sa kanyang harapan.Nakatayo si Richard sa harap ng marble kitchen i

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 35

    Tulog na ang buong mansyon nang dahan-dahang isara ni Queenie ang pinto ng kwarto nina Lucas at Aria. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong mahimbing na ang tulog ng dalawang bata matapos ang isang mahabang araw ng paglalaro.Habang naglalakad siya pabalik sa master bedroom, napansin niyang kakaiba ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa ganitong oras, naririnig niya ang mahinang pag-type ni Richard sa laptop nito sa loob ng study room o kaya nama'y naghihintay na ito sa kama nila. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang kwarto, madilim at walang tao roon.Kumunot ang noo ni Queenie. Binuksan niya ang dim light sa gilid ng kama at doon niya napansin ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng unan ng asawa. Isa itong perpektong puting rosas, at sa ilalim nito ay may isang maliit na itim na sobre.Nakangiting lumapit si Queenie. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon. Nakasulat sa pamilyar at matapang na handwriting ni Richard ang isang maikling mensahe:Meet me in the cou

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status