Beranda / LGBTQ+ / Bound To Love / Chapter 5: Representative

Share

Chapter 5: Representative

Penulis: Luna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-23 08:53:55

Ang gulo-gulo ngayon sa loob ng room namin dahil nakapost na yung mga scores na nakuha namin. Di na muna ako nakigulo sa mga kaklase ko dun sa bulletin board . Maya ko nalang tingnan iyon pag medyo kunti nalang sila na andyan.

"Damn! lowest ako" rinig kong sambit sa isa kong lalaking kaklase.

"Okay lang yan bro. First grading palang naman. Di ka naman lowest sa ibang subjects natin" pag checheer nung kaibigan niya.

Kinabahan tuloy ako. Ilan kaya nakuha kong scores? bigla naman nag vibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung si Lander ba yung nagtext sakin or si Lheanne di ko pa kasi siya nakikita dito sa classroom. Pagtingin ko na yung unknown # na naman yung nagtext nag greet ng goodmorning. Binalik ko na agad yung phone sa bulsa ko.

"OMG! bessy matataas yung nakuha mong scores lahat ng subjects natin" masayang sambit sakin ni Lheanne. Hala andito na pala siya.

"Weh. Di nga?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga tingnan mo pa" sambit niya sakin. Tatayo na sana ako para lapitan ang bulletin board namin nang biglang dumating si Ma'am. Dali-dali naman nagsi-upuan ang kaninang mga kaklase ko na nagkakagulo.

"Good morning Ma'am" bati namin.

"Good morning too. Dahil malapit na ang Foundation day natin. Each Departmant kailangan may representative para sa pageant na gaganapin. Dahil si Zyrine yung muse ng Senior High School Department napagdesisyonan namin na siya ang magiging representative natin. Don't worry dagdag naman ito sa points mo for extracurricular" sambit ni Ma'am habang nakatingin sakin.

Naghiyawan naman mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am ngayon. Pero ano raw? Teka nabingi ata ako sa sinabi ni Ma'am.

"Mayang hapon Zy. Punta ka sa auditorium may rehearsal kayo" sambit ni Ma'am tumango nalang ako.

"So class dahil tapos na naman ang exam niyo at malapit na ang Foundation Day natin. Free na muna kayo ngayon hanggang sa matapos na ang Foundation Day. Liam yung project niyo sa Health pinapakuha ni Mr. Maraon sa Faculty" sambit ni Ma'am sabay alis.

"Guys wag muna kayong lumabas. Isasauli ko muna sainyo yung project natin" sambit ni Liam at iniwan muna kami. Gaya nung sinabi ni Liam na class President namin di nga muna kami lumabas sa room.

"Wow. Bessy congrats in advance" ngiting sambit ni Lheanne sakin.

"Kinakabahan ako bes" lungkot ko namang sambit.

"Ano ka ba kaya mo yan. Malay mo manalo na tayo ngayon" sambit niya. Dati kasi natalo yung Department namin kahit place wala kaming nakuha. Mas lalong kinabahan tuloy ako.

"Sana nga. College pa naman yung mga kalaban ko. Anong ibubuga ko?" sambit ko.

"Ano ka ba wag kang panghina'an" pagchecheer sakin ni Lheanne. Nang biglang may naalala ako.

"Bahala na. Ah Lheanne pwedeng patext?" sambit ko ibinigay niya naman agad sakin ang kanyang phone. Kinuha ko muna ang phone ko at dali-daling pumunta sa message box ko. May kutob kasi akong kilala ko to. Agad naman akong pumunta sa contacts ni Lheanne. Laking gulat ko na parehong # ang nakita ko yung sakin na unknown # samantalang sa kanya na may contact name. Maya-maya dumating na si Liam at nidistribute na ang aming mga projects. Pagkabigay ni Liam nung sakin. Ibinalik ko na din agad ang phone ni Lheanne.

"Wag nalang pala Lheanne" sambit ko sabay bigay nung phone niya.

"Ah, okay. Zy nga pala samahan mo naman akong pumunta sa SSG room" sambit niya at binigay naman ni Liam yung project ni Lheanne.

"Anong gagawin natin doon?" kunot noo kong tanong.

"Kung ano mang iniisip mo nagkakamali ka. Wala doon si Hans" agarang sambit niya.

Si Hans yung ka MU niya na Auditor dito sa campus namin.

"So ano nga gagawin natin doon?" mataray kong tanong.

"Si kuya kasi may inuutos sakin. Busy kasi sila ngayon" sambit ni Lheanne kaya agad na kaming umalis sa classroom namin para magtungo sa SSG room. Nagkwentohan kami habang nasa hallway.

"Hoy Lheanne maghinay-hinay ka lang dyan ah? Pag ikaw mahuli ng kuya mo." banta ko sa kanya.

"Hindi yan tsaka nag-iingat naman kami ni Hans" sagot niya sakin.

"Be sure. Alam mo namang tutol talaga ako sainyo. Kasi feeling ko talaga di mapagkakatiwalaan si Hans. Pero dahil bestfriend kita at nakikita ko namang masaya ka sa kanya. Support nalang ako" sambit ko.

"Thanks best" ngiti niyang tugon.

Pagkarating namin sa SSG room tinapos na namin ang aming usapan tungkol sa kanila ni Hans agad na kaming pumasok wala ng katok-katok.

"You should knock Lheanne" sambit ni kuya Lander pagkapasok namin.

"Hayaan na kuya. Alam mo naman na kami yung papasok" sambit agad ni Lheanne sabay upo sa may sofa. Medyo maluwag yung SSG room nila. Ngayon lang ako nakapasok dito. Nahagip naman ng paningin ko si Finley na seryosong nakatuon sa papel na hawak niya.

"Ms. President. Ang seryoso mo ata ngayon" sambit ni Lheanne ngunit di siya pinansin ni Finley.

"Sino itong special band para mag guest sa araw ng pageant? Tsaka ba't band? Diba dapat solo singer lang. " biglang sambit niya nagkibit balikat naman si Lander sa tanong ni Finley.

"Ba't di maipinta yang mukha mo Zy?" biglang pansin sakin ni kuya Lander.

"Pano naman kasi kuya Lander siya yung representative samin" sambit ni Lheanne tumingin naman bigla sakin si Finley ngunit binalik niya agad ang tingin niya sa papel na hawak niya na batid ko yan yung program namin.

"Wow. Congrats in advance Zy. Alam kong kaya mo yan. Sana manalo ka" ngiting sambit ni kuya Lander.

"Kinabahan tuloy ako" sambit ko.

"Wag kang kabahan Zy. Okay?" sambit ni kuya Lander habang nakatitig sa mga mata ko. Tumango naman ako.

"Good" ngiti niyang sambit. "Lheanne bilhan mo na kami nung pagkain ni Ms. President di pa talaga kami nakapag breakfast" sambit niya sabay bigay nung pera.

"Ano ba gusto mo Fin?" tanong ni Lander kay Finley.

"Bacon nalang tsaka Fried rice" sambit niya sabay hikab at ni rest niya yung head niya sa may swevil chair niya.

"Yun nalang din sakin Anne. Ikaw Zy ano gusto mo?" tanong ni kuya Lander sakin.

"Wala kuya busog pa naman ako" sambit ko habang na kay Finley parin ang titig ko. Di talaga kasi ako naniniwala na into girls siya. Kailangan ko munang maconfirm to para we live happily ever after ni kuya Lander dahil wala ng sagabal. Bigla naman akong nakaramdam ng saya sa mga pinag-iisip ko. Pero ang tanong paano?

"Ako nalang kuya. Gutom ako" sambit ni Lheanne sabay alis. Naiwan naman kaming tatlo dito.

"Buti nalang Fin di mo tinanggap maging representative satin. Kundi di ko alam kung saan ako magsusupport sainyong dalawa. Pero sayang din talaga eh" panghihinayang na sambit ni kuya Lander wala namang reaction si Finley na nakapikit sa sinabi ni kuya Lander. Maya-maya may pumasok yung akala naming si Lheanne na hindi pala.

"Grabe hindi ba kayo marunong kumatok?" inis na sambit ni Lander.

Tinaasan naman siya nung kilay ng babaeng pumasok ngayon. Teka familiar yung mukha niya di ko lang alam kung ano pangalan niya.

"Fin. Sige na kasi" biglang lapit niya sa table ni Finley. Iminulat ni Finley ang kanyang mga mata at tumingin kay Yhana na nakasalubong ang kilay.

"Kulit mo naman Yhana eh. Sabing ayoko. A-Y-O-K-O can't you understand? Do you want to translate it into English. I said I don't wanna. Got it?" inis na sambit ni Finley.

"Hoy Yhana. Kahapon ka pa habol ng habol sa girlfriend ko. Inaano mo ba siya huh?" singit ni Lander sa usapan nila.

"Kahit ikaw nalang nag-iisang tao rito sa mundo Lander di mo pa rin si Finley magiging girlfriend" mataray na sambit nitong Yhana na to. Tumingin naman ako sa reaksyon ni Lander pero nakita ko naman na tumawa lang siya. Bumalik naman ang attensyon ko kay Finley at pansin ko na biglang may ibinulong itong si Yhana kay Finley na ikina iba ng reaksyon ni Finley.

"Fuck. Fine2x" mura ni Finley. Tumawa naman itong Yhana na to.

"Yun lang pala makakapayag sayo eh" ngising sambit ni Yhana samantalang tiningnan lang siya ng masama ni Finley. "I gotta go. See you later" pa-alam ni Yhana sabay halik sa pisngi ni Finley at umalis na.

"Fuck. Your saliva Yhana" inis na sigaw ni Finley na narinig naman ni Yhana.

"Arte mo. See you" tawang sambit niya at tuluyan na nga siyang umalis dito sa SSG room.

"Ngayon ko lang nalaman na close pala kayo ni Yhana" biglang sambit ni Lander.

"Not so LJ" sambit ni Finley na parang badtrip na.

Nung pagkahapon gaya nga ng sinabi ni Ma'am pumunta na agad ako sa auditorium namin para mag rehears. Andito na lahat ng mga representative. Kinabahan na naman ako ulit pagkakita ko sa kanila. Pansin ko pa't tinarayan ako nung isang representative nung Engineering. Aaminin ko madami talaga magaganda sa nursing department isama mo na yung taga Engineering actually lahat na mga College students magaganda. Ano talaga maibubuga ko nito?.

"Kinakabahan ka ba?" gulat ko nung bigla akong kinausap ng representative nila kuya Lander. Tumango naman ako bilang sagot. Bakit ko alam? kasi syempre naka uniform siyang pang nurse.

"Wag kang kabahan. Tsaka napansin ko tinarayan ka ni Gian. Wag kang magpapa-api doon" sambit niya.

"Di talaga" sagot ko naman. Anong akala nung Gian na yun magpapa-api ako sa kanya? huh asa siya ako kaya si Zyrine Sue Madrigal at kailanman di nag papa-api sambit ko sa isipan ko.

"Ayan palaban" ngising sambit nitong representative nila kuya Lander. "Ako nga pala si Lovely" pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kamay. Kahit alam ko naman na dahil sa plate name niyang nakasulat "Lovely Joyce Sabaneco BS-Nursing"

"Ako naman si Zyrine." pagpapakilala ko sakanya at nakipag shakes hand.

"Ohh. Nice meeting you" sambit niya sakin. Ramdam ko na di siya plastic kaya nagkagaanan kami ng loob. Ako yung tipong tao na kapag mabait mabait din ako sayo pero kung masahol yung ugali mo pwes di kita uurungan. Nagsimula na yung rehearsal namin sinimulan naman namin ang paglalakad na gamit ang heels.

"Right now. Gusto ko makita ang pag rarampa niyo isa't-isa. Sino ba dito ang pinangarap ang makasali sa Bb. Pilipinas?" tanong nung bakla samin. Nagtaas naman ang iba. Kunti lang kami na natira ang hindi nagtaas ng kamay. "Yung iba parang nahihiya pa. Anyway simulan na natin ang pag rarampa niyo. Isipin niyo sasali kayo sa Bb. Pilipinas. Okay?" sambit ng bakla at nagsimula na nga kaming rumampa. Nauna ang Engineering representative dahil siya ang #1. Samantalang ako ay #7. Woah relax Zy. Pansin ko lahat na sumali ngayon dito ay bihasa na sa pagrarampa. Lalo na si Lovely. Ako lang ata ang hindi.

"Ikaw na sunod. Zy kaya mo yan wag kang kabahan para makalakad ka ng maayos." sambit ni Lovely sakin. Pabalik na ako sa aking pwestohan at doon lang ako nakahinga ng maayos kanina kasi habang palakad ako pigil hininga ang ginawa ko. Buti naman nakaraos ako at di ako natumba.

"Yiee sabi sayo kaya mo yan eh" ngiting sambit ni Lovely sakin.

"Salamat" nginiti'an ko naman siya pabalik.

"Okay ladies parang pansin ko naman na magagaling na yung iba sainyo sa pagrarampa. Pero yung iba parang nahihiya pa. More practice pa ng kunti. Be confident. So sa ngayon magprepare na kayo ng inyong talent para bongga yung inyong performance. Take note kailangan 30 mins ang nakalaang oras para sa talent portion." pahayag nung bakla at nagkanya-kanya na kaming lumabas sa auditorium.

"Yhana. Napasali mo siya? Yieee. Sige2x papunta na ako dyan. Bye" rinig ko namang sabi ni Lovely sa kausap niya sa phone.

"Zy pwedeng favor?" nahihiyang niyang tanong sakin.

"Ano yun?" tanong ko.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon?" tanong niya sakin.

"Wala naman" sagot ko. Umuwi na naman si Lheanne kasi kaya wala kaming lakad ngayon. But I'm not sure kung umuwi na talaga siya or nakipag date pa.

"Great. Pwede mo ba akong samahan sa building namin?" paki-usap niya sakin agad naman akong tumango. Hinigit naman niya agad ako.

"Aray" reklamo ko.

"Ay sorry" pagpa-umanhin niya sakin sabay ngisi "Nga pala may naisip kana bang talent mo?" biglang tanong niya sakin.

"Wala pa eh" sagot ko kanina pa talaga ako namomroblema plus wala pa akong handler.

"Eh saan ka ba magaling? Yan nalang gawin mo. Tulad sakin example sa sayaw ako nakahanay so sasayaw ako for sure sa pageant natin" sambit niya.

Napa-isip tuloy ako sa sinabi ni Lovely sakin. Saan nga ba ako magaling? tanong ko sa aking sarili. Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa Nursing building at paakyat kami na batid ko rooftop nila.

"Anong gagawin natin sa rooftop?" agarang tanong ko kay Lovely.

"Ay sorry nakalimutan ko sabihin sayo na may practice pala kami sa sayaw. Pero hindi para sa talent ko kundi para sa dance competition. Sa susunod na siguro ako magpapractice para sa talent ko. Madali lang naman yun" sambit niya sakin.

Buti pa siya may naisip na samantala ako wala pa. Naku naman ba't ba kasi ako pinili gawing representative namin.

"Finally Lovely. Akala ko di mo na kami sisiputin" sambit nung babaeng may kulay ang buhok na kulay brown pagka-akyat namin ni Lovely sa may rooftop.

"Pwede ba yun?. Eh andito na si Finley eh" ngising sambit ni Lovely. Pansin ko namang nakakunot ang noo ni Finley. Di pa ata ako napansin na andito ako.

"Sino yang kasama mo?" tanong nung isang naka ponytail.

"Oy Zyrine andito ka pala" sambit ni Yhana bigla naman tumingin si Finley sa direksyon ko. Sabi na di ako napansin agad nito kasi ngayon lang niya ako tiningnan. Binaling ko naman ang tingin ko kay Yhana at ningiti'an ko siya.

"Why are you here?" tanong sakin ni Finley ngayon lang niya ulit ako kina-usap simula nung sinabihan ko siya ng masasamang salita.

"Sinama ko siya Ley" ngiting sambit ni Lovely kay Finley sabay upo sa tabi niya.

Tumingin naman bigla si Finley kay Lovely "Close kayo?" tanong niya.

"Oo. Di ba Zy?" tanong niya sakin at tumango naman ako marahan.

"Kailan pa?" tanong ulit ni Finley.

"Ngayon lang" tawang sambit ni Lovely at tinaasan naman siya ng kilay ni Finley.

"Oh tama na ang daldalan. Magsimula na tayo sa first step natin" sambit ni Yhana. "At ikaw Ms. President wag ka nang mag-inarte" sambit ni Yhana kay Finley.

"Wala kang galang. Sinasabi ko sayo magsisisi ka sa pagpapasali sakin. Imbes na magkakaroon ulit kayo ng place if ever na di kayo manalo. Pero dahil pinilit mokong sumali. Sorry nalang talaga at pati place mawawala sainyo" mahabang pahayag ni Finley.

"Daming mo pang sinabi eh. Lokohin mo na ang iba. Wag lang ako" seryosong sambit ni Yhana pinukol naman siya ng masamang tingin ni Finley.

"Shut-up. Let's start" seryososong sambit ni Finley sabay tayo sa ikina-uupuan niya.

"Oy Yhana baka naman tama si Finley" pangambang sambit nung payat na babae.

"Don't question her skills" sagot lang ni Yhana. Nagsitayo'an na silang lahat upang mag-umpisa sa first figure nung step nila. Teka parang narinig ko na tong line na to ah? Saan ko nga ba to narinig? Ah tama kay kuya Lander. At dahil nagsalita si Yhana ng ganito ibig bang sabihin magaling si Finley sumayaw? Di nako pinahirapan pa ni Finley dahil nakita mismo ng dalawang mata ko ang pag galaw ng kanyang katawan first move niya palang ito at napapamangha na sila.

"Wow" sambit ni Lovely na manghang-mangha.

"I guess mananalo na tayo" sambit nung kulay na brown ang buhok.

"Mananalo na talaga tayo nito for sure" sambit naman nung payat na babae.

"Sabi sainyo eh" masayang sambit ni Yhana.

Aaminin ko napamangha din ako. Alam kaya ni kuya Lander na magaling sumayaw si Finley? Bigla tuloy ako nanliit sa aking sarili. Baka ito yung reason ba't gustong-gusto ni kuya Lander si Finley dahil talented ito samantalang ako. Wala ni isa. Feeling ko tuloy nobody ako. Ano pa kayang kaya niyang gawin?. Busy lang ako kakapanuod sa practice nung sayaw nila or should I say kay Finley. How to be like her?

"Nasa sayo na talaga ang lahat" biglang sambit ni Yhana pagkatapos nilang sumayaw.

"Not yet. Di pa siya sakin" sambit ni Finley "Una nako bukas nalang ulit. Gawin natin itong remix para di boring. I trust your taste Yhana ikaw nalang bahala mamili nung kantang sasayawin natin" tugon ni Finley sabay kuha nung bag niya.

"Sinong siya Fin? Si Lander ba? Eh akala ko kayo na?" tanong nung payat na babae.

"Di kaya sila." singit ni Lovely.

"Eh ba't ang sweet nilang tingnan?" tanong pa nung payat na babae.

"MU palang kasi sila Malanding Ugnayan " sagot pa ni Lovely.

Ano siya spokesperson ni Finley? at bigla akong napasimangit doon.

"Or Mag-isang Umiibig" at ginatongan pa ni Yhana habang tumatawa at dahil doon nabadtrip na ako, girls and their gossip. Napairap ako.

"Sino Yhana, si Lander ba"? tawang tanong nung babaeng kulay brown ang buhok.

"Sssh. Enough wag niyo pag-usapan si Lander andito si Zy. Lagot kayo dyan sa kanya." sambit ni Finley na ikinabigla ko dahil ngayon lang niya binanggit pangalan ko.

"Ay bakit Zy? Anong meron sainyo ni Lander?" tanong sakin ni Lovely.

"Soon to be girlfriend niya yan. So better shut your mouth. I'll go ahead" sambit ni Finley at namula naman ako doon sa sinabi niya. Akmang lalagpasan na niya ako nung bigla umatras siya at humarap sakin "You're blushing. Susundoin ka ba?" tanong niya sakin ng naka kunoot ang noo.

"Ayieeee. Tingan mo naman talaga at mahilig sa magaganda si Rodriguez oh. Oy Fin pasabay ako" sambit ni Lovely.

"Oh yeah2x." sagot niya kay Lovely "hey ano?" tanong niya sakin at umiling naman ako.

"Bye guys. See you bukas" paalam ni Lovely at hinigit na ako pababa. Namumuro na 'to ah kanina pa siya higit ng higit sakin masasapak ko na talaga 'to. Tahimik namang nakasunod samin sa likod si Finley.

Pagkarating naman sa may garahe pumasok na agad si Lovely sa front seat so sa likod nalang ako umupo.

"Zy saan ka nakatira?" tanong sakin ni Lovely at nagsimula ng umandar ang kotse ni Finley tahimik naman siyang nagmamaneho.

"Sa may alang-alang st." sagot ko.

"Oh. Pareho pala tayo" sambit niya at di na muli nagtanong si Lovely sakin dahil busy na siya kay Finley.

"Fuck Love wag kang magulo pag tayo mabangga makikita mo" inis na rinig kong sambit ni Finley. Ano kayang ginagawa ni Lovely sakanya?

"Ano sabi mo mahal?" masayang sambit ni Lovely kay Finley.

"It's your name. May pagnanasa ka talaga sakin" ngising sambit ni Finley.

"Baka ikaw" biglang sambit ni Lovely.

Napa-irap naman ako sa mga pinag-uusapan nila. Nakakadiri pakinggan aist.

"Zy andyan ka pa?" tangang tanong ni Lovely.

"Of course" mataray kong sagot. Patay natarayan ko si Lovely.

"Ohhh" ngising sambit ni Finley.

"Ay sorry naman Zy. Di ka kasi nag-iingay eh" pagpapa-umanhin ni Lovely sakin "Anyway may handler kana ba?" tanong niya.

Great wala akong maipapakitang talent wala din akong handler huhuhuhu. What a life.

"Sorry din kung natarayan kita may-iniisip lang talaga ako" sagot ko. "Sa katunayan yan yung iniisip ko ngayon. Mag back-out nalang kaya ako?" lungkot na sambit ko.

"No" sambit ni Finley. "Ako bahala" sambit niya sabay kuha sa phone niya.

"Oh himala napatawag ka" rinig kong sambit ng kabilang linya naka loudspeaker kasi ito.

"Yhana. Kilala moko di ba?. Baka nakakalimutan mo mas magaling akong mang black mail. Pinapa-alala ko lang sayo" sambit ni Finley samantalang tahimik lang kami ni Lovely.

"Tang-ina mo talaga." inis na sambit ni Yhana.

"I love you too" tawang sambit ni Finley "Anyway nangangailangan si Zy ng handler do your part for this and I'll do my part" seryosong sabi ni Finley sa kausap niya.

"Asus yun lang pala. Akala ko naman kung ano na. Pero teka anong sabi mo I love you? Sumbong kita kay Ne---" di na natuloy ang sasabihin ni Yhana dahil pinatay na ni Finley ang tawag.

"Ayan solve na yung problema mo Zy" ngiting sambit ni Lovely sakin.

Hayy sana nga solve na yung problema ko. Bigla naman nag ring yung phone ko.

"Hello kuya Lander?" sagot ko sa tawag niya.

"Asa school ka pa?" tanong niya sakin. "Tinawagan ako ng Mommy mo hindi ka kasi macontact kanina pa, di ka daw masusundo ni Manong. Kaya ako nalang susundo sayo." sambit niya.

"Wala na kuya. Pauwi na ako ngayon" sagot ko pero bakas ang pang hihinayang ko.

"May naghatid ba sayo o nag commute ka?" tanong niya.

"May naghatid sakin, si Finley kasama namin ngayon si Lovely" sagot ko.

"Ah, sige ingat kayo" sambit niya at pinatay na ang tawag.

"Awiieee so sweet" biglang sambit ni Lovely "Di ka ba nagseselos Fin?" tanong niya kay Finley.

"I am" sagot niya.

"Oh, eh ba't kasi binusted mo si Lander?" tanong ulit ni Lovely bigla naman huminto ang kotse niya.

"Baba na" sambit ni Finley.

"Ano ba yan sana inihuli moko binaba" reklamo ni Lovely.

"Aba namumuro kana. Hingan kita ng pamasahe dyan eh" pabalang na sagot ni Finley.

"Joke lang. Oh siya baba nako. Bye" pa-alam niya sabay kiss sa cheeks ni Finley "Bye Zy." ngiting sambit ni Lovely at lumabas na sa kotse ni Finley. Pansin ko namang pinunasan ni Finley yung pisngi niyang hinalikan ni Lovely.

Muntik na akong maniwala na into girls siya pero sa ginawa niya ngayon mukhang di nga talaga. Sabi na eh pinagtitripan niya lang si Lheanne para di siya mahate ni Lheanne. Tsk.

"Hey wala kang balak tumabi sakin?" tanong niya sakin.

"Wala" mataray kong sagot.

"Di mo'ko driver" sambit niya sakin.

"Edi magbibigay ako ng pamasahe." mataray kong sagot sa kanya.

"Baba" seryosong sambit niya. Ngunit di ako nagpatinag.

"Ayoko sabi" pagmamatigas ko.

"Ayaw mo bumaba? Bakit sasama ka ba pauwi sakin?" tanong niya sakin.

"Ano hindi ah" agarang sagot ko.

"Oh edi bumaba ka na nga" sambit niya.

"Baliw ka ba? Layo-layo pa ng bahay namin noh" sambit ko.

"Maglakad ka problema ba yun. Mamili ka tatabi ka sakin o maglalakad ka pauwi?" pag hahamon niya sakin.

"Maglalakad nalang ako pauwi" sagot ko akmang bubuksan ko na ang pintuan nung may sinabi siya.

"Okay ingat ka nalang baka may makasalubong kang ligaw na kaluluwa. May kweninto pa naman sakin si Lovely dati about dito sainyo" sambit niya at dahil doon ay napahinto ako sa pagbukas ng pintuan sa kotse. Kasabay nun ang paglipat ko sa front seat.

"What the fuck. Yung cover seat ko" reklamo niya.

"It's your fault. Nanakot ka eh" sambit ko.

Hindi na siya nagsalita at sinimulan na niyang paandarin ang kanyang kotse. Naalala ko ulit ang insecurities ko.

"How to be you?" biglaang sambit ko.

"What?" takang tanong niya.

"Siguro kaya ka nagustohan ni kuya dahil sa nasa sayo na ang lahat" sambit ko sakanya.

"Nagkakamali ka. Wala sakin ang lahat" sambit niya "Dahil asfghkskais" pagpapatuloy niya na di ko na maintindihan dahil binulong niya lang ito.

"Ano sabi mo?" tanong ko.

"Wala, bumaba kana. Baka di ako makapagpigil at iuwi kita sa bahay." sambit niya at agad naman akong bumaba. Bigla naman tumibok ang puso ko ng mabilis ang weird. Napailing nalang ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bound To Love   Chapter 8: Passenger Princess

    Zyrine POV Gaya nga ng sinabi ni Lander noong nakaarang araw sa text na siya raw na ulit maghahatid at sundo sakin. Like we used too. Kaya ito ako ngayon nagmamadali sa pag aayos. Nakakahiya naman na pag antayin ko siya sa baba. Nasabi ko na rin kila Mommy na si Lander lang muna maghahatid at mag-uuwi sakin. Parang hulog na rin ng langit ito si Lander para di na mapromblema si Mommy sa ihahire niyang bagong driver ko dahil nag resign si Manong a days ago upang umuwi sa probinsya nila dahil may malalang sakit ang asawa niya. Kaya buti nalang at andito si kuya Lander. Oh speaking of him. Pagkababa ko sa aming hagdan andoon si kuya Lander na busy makipag usap kay Manang. Ganito talaga siya ang hilig niyang makipag socialize. Kaya rin siguro nanalo siya sa school namin as President dahil ang dami niyang kakilala. Nung napansin ako ni kuya Lander ningitian niya ako. The reason why gustong-gusto kong nakangiti siya kasi nalabas ang dimple niya at nadepena ang pagiging pogi niya bukod s

  • Bound To Love   Chapter 7: Confession

    Pagkapatay ng tawag nila Mommy naka tanggap ako ng text galing kay Lander. Napangiti ako ng malapad habang binabas ang text niya sakin.From: bae❣️Nakauwi na ako Zy. Matutulog kana ba?To: bae ❣️Mabuti naman kuya Lander. Hindi pa naman, bakit gusto ko ba textmate tayo ulit? 🤣. Kasi dati talaga non stop textmate kami ni Lander. Nawala lang dahil umeksena nga si Finley. Napa irap naman ako. Bakit ba kasi dumating pa ito sa buhay namin. Nawala ang inis ko nung nakatanggap naman ako ng reply galing kay Lander. From: bae ❣️Yeah sure, no prob. I actually miss it Zy. I am really sorry if nawalan tayo ng closeness ngayon ko lang narealize ito. Kaya gusto ko sanang bumawi sayo.Napatalon naman puso ko sa nabasa kong text ni Lander sakin. To: bae❣️Really kuya Lander?From: bae❣️ Yeah, pwede bang ako na mag hatid at magsundo sayo like I used too?Napakagat ako ng labi sa nabasa ko at hindi na mapigilan ang kilig buti nalang hindi kami magkaharap ni Lander kundi mahihiya ako nito dahil f

  • Bound To Love   Chapter 6: Happiness

    Habang papalapit ang araw ng Foundation Day namin mas lalo akong kinakabahan. Papunta kami ngayon sa bahay nila Finley napag-isipan kasi ni Yhana na doon nalang daw kami magpractice para daw makapag focus ako buti nalang Saturday ngayon. Sa una talaga di pumayag si Finley dahil may gagawin daw siya. If I know pupunta siya sa lalaki niya. But at the end pumayag nalang din siya sa gusto ni Yhana. Dumaan muna kami sa grocery store dahil nabanggit ni Finley na walang stock sa ref niya. Pagkatapos naming mamili ay agad na kaming umalis. Malaki ang bahay nila Finley parang mansyon doble pa sa laki ito kesa sa bahay namin sa States. "Ikaw lang talaga nakatira dito Cas?" tanong ni Yhana kay Finley. "Yup" bored na sagot ni Finley na pansin kong naka t-shirt na siya at may dalang apple. "Kung sana bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo. Di ka sana mamumuhay ng mag-isa" sambit ni Yhana sabay kuha nung apple. Magkakilala na nga ata talaga sila dati pa feeling ko kasi alam ni Yhana ang buhay

  • Bound To Love   Chapter 5: Representative

    Ang gulo-gulo ngayon sa loob ng room namin dahil nakapost na yung mga scores na nakuha namin. Di na muna ako nakigulo sa mga kaklase ko dun sa bulletin board . Maya ko nalang tingnan iyon pag medyo kunti nalang sila na andyan. "Damn! lowest ako" rinig kong sambit sa isa kong lalaking kaklase. "Okay lang yan bro. First grading palang naman. Di ka naman lowest sa ibang subjects natin" pag checheer nung kaibigan niya. Kinabahan tuloy ako. Ilan kaya nakuha kong scores? bigla naman nag vibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung si Lander ba yung nagtext sakin or si Lheanne di ko pa kasi siya nakikita dito sa classroom. Pagtingin ko na yung unknown # na naman yung nagtext nag greet ng goodmorning. Binalik ko na agad yung phone sa bulsa ko. "OMG! bessy matataas yung nakuha mong scores lahat ng subjects natin" masayang sambit sakin ni Lheanne. Hala andito na pala siya. "Weh. Di nga?" di makapaniwalang tanong ko. "Oo nga tingnan mo pa" sambit niya sakin. Tatayo na sana ako para lapit

  • Bound To Love   Chapter 4 Date?

    Last subject na namin para sa examination ngayon. At finally kunting kembot nalang at matatapos na din ang hell week namin. Sinagutan ko naman ito ng maayos. "Grabe ang hirap nung Business Marg natin buti at nairaos ko" pagrereklamo ni Lheanne pagkalabas namin sa room. Di naman sa nangungulilat kami sa katunayan nga kaming dalawa ay honor students minsan talaga nahihirapan kami sa mga tanong dun sa test. Palabas na kami ngayon sa SHS building para pumunta sa cafeteria. "Ikaw ba Zy anong subject ang nahirapan mo?" tanong niya sakin. "Yung Business Management" sagot ko naman. "Grabe talaga tong si Sir magbigay nung mga tanong noh. Anong akala niya satin College na?" pag aalburoto niya "Anyway Tom's World muna tayo mayang hapon total half day lang naman tayo ngayon. Pampawala nung stress" sambit niya. At tumango nalang ako bilang pagsang-ayon tama din siya kailangan namin marelax ngayon. Habang busy kami kakahanap ng upu-an bigla naming nakita sila kuya Lander. "Zy dito na kayo

  • Bound To Love   Chapter 3: Coffee

    Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap. "Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status