Home / LGBTQ+ / Bound To Love / Chapter 1: First Day of School

Share

Bound To Love
Bound To Love
Author: Luna

Chapter 1: First Day of School

Author: Luna
last update Last Updated: 2025-05-18 00:48:04

Zyrine POV

Late na akong nagising ngayong araw dahil sa kaka stalk ko sa crush ko kagabe. Syempre part of growing up chaaarot. Ano ba yan first day of school late ako. Kaya nagmadali na akong mag-ayos. Bahala na ma late basta di ko makaka ligtaan ang aking morning routines. Pagtapos kong maligo nag- apply na ako ng cheek tint . Ito lang sapat na marunong na akong mag apply ng pampa ganda sa aking mukha pero dahil sa school lang naman ako pupunta kahit cheek tint lang okay na total I'm still in my Grade 12. Pag College na ako mag papalkado ng make-up total isang hinga nalang naman ay mag College na ako. Pagkatapos ko mag lagay ng cheek tint ay inayos ko naman ang aking mahaba at straight na buhok. Putulan ko nga to sa susunod na araw masyadong mahaba na eh. After ko ayosin sarili ko agad na akong bumaba.

"Nak, kain kana nakahanda na ang breakfast mo" sambit ni Mommy pagkababa ko na naghahanda na para pumunta sa trabaho.

"Naku Mommy sa school nalang po" sambit ko at nakisabay na sa kanya palabas ng bahay.

"Ba't ka ba na late ng gising. First na first day pa naman ng klase mo late ka. Ano ba ginawa mo kagabe?" pagsesermon ni Mommy sakin pagkapasok namin sa kotse.

Patay not now Mommy. Di pa alam ni Mommy na may crush ako pero okay lang naman na magka crush ako basta wag daw muna magboboyfriend ako kasi masyado pa akong bata para rito. Hayy naalala ko tuloy yung kaibigan ko buti pa siya pinapayagan.

"Ano po M-mommy uhmmm" utal ko sambit.

"Wag mo sabihin may boyfriend kana? Naku Zyrine pag-aaral mo lang muna ang atupagin mo. Kakalbohin talaga kita pag malaman ko na nagboboyfriend ka" taray na sambit ni Mommy na agad ko naman sinagot.

"Wala Mommy ah." agarang sagot ko.

"Siguraduhin mo lang" banta ni Mommy

Finally asa school na rin ako di dahil sa ayaw ko marining mga habilin ni Mommy. Syempre Mother knows best kaya alam ko para sa ikabubuti ko na din to. Lalo pa't ngayong generation namin daming nabubuntis naku2x kailangan ko bantayan kaibigan ko. Kundi patay ako nito kay Tita lalo na si crush ko.

"Bye Mommy" paalam ko sabay halik sa pisngi ni Mommy.

"Good morning Zy" bati sakin ng kapatid ng kaibigan ko pagkapasok ko sa gate.

OMG! Akalain mo nga naman noh kapag sinuswerte ka nga naman at si crush pa ang unang bumungad sa umaga mo. Heaven feels. Woah relax Zy. Di talaga nakakasawa mukha niya mapa personal man o sa phone ko. Siya lang naman wallpaper ko wala ng iba pa hahahaha. Tapos pogi niya pa ngayon bagay talaga sa kanya ang puting damit pang nurse. Oo tama nabasa niyo nursing ang course ng crush ko ang neat niyang tingnan.

"Good morning din kuya Lander. Si Lheanne asan?" tanong ko sa kanya na tinatago ang kilig. Kuya lang para di halata.

"Hi bessy" sigaw ni Lheanne pagka kita sakin sabay yakap sakin.

"Aray di ako makahinga" pag-aangal ko sa higpit na yakap ni Lheanne sakin. Nahagip naman ng mga mata ko ang tawa ni Lander na swear nakakamatay. Bigla naman tinuon niya yung atensyon niya sa phone niya. Sino kaya nagtext sa kanya?

"All student in St. Louis Academy please proceed to the auditorium now. Again All student in St. Louis Academy pease proceed to the auditorium now" rinig na announcement namin dito sa campus.

"Hoy Lheanne yung bilin ni Mommy sayo wag mo kakalimutan. Patay ka sakin. Una nako sainyo." sambit ni Lander.

"Oo na. Alis kana kuya babosh baka hinihintay kana ng jowa mo" pagtataboy ni Lheanne sa kapatid niya.

"Bye Zy2x" ngiti niya sakin sabay alis.

Nakatutok yung mga mata ko sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"Hoy. Baka matunaw si kuya. Gagang to nag bablush" asar niyang sambit sakin.

Omo! Ako nagbablush? Arrrk kahiya nakita kaya yun ni Lander? Alam ni Lheanne since bata pa kami na crush na crush ko talaga yung kapatid niya.

"Ano ba Anne nakakagulat ka naman eh. Tsaka di ako nagbablush noh. Nag apply kasi ako sa pisngi ko kaya mapula" reklamo ko sakanya.

"Oo nalang po, tara na punta na muna tayo sa bulletin board bago pumunta sa audi para alam natin schedule natin ngayong school year" aya ni Lheanne at nagsimula na kaming pumunta sa bulletin board sa Senior High School.

"Haaays I hate 7am class talaga" pag aalburoto naman ni Lheanne.

"Tara na punta na tayo sa auditorium baka mahuli tayo sa announcement na sasabihin ni Mr. Principal" sambit ko.

"Ang sabihin mo gusto mo lang makita si kuya uli. Di ka ba nagsasawa sa panget niyang mukha?" tanong ni Lheanne sakin na agad ko namang sinagot.

"Hindi. Mukha kasi siyang artista yung tipong di nakaka sawa. Alam mo yun?" sambit ko.

"Ay ewan ko sayo. Ginayuma ka ata ni kuya" tawa niyang sambit at tiningnan ko naman siya ng masama.

"Biro lang tara na" at siya na ang humigit sakin.

Pagkapunta namin sa auditorium ang daming tao grabe sabagay andito rin ang mga College students eh di pa nagsisimula kasi hinihintay pa ang aming Principal. Agad naman kami pumunta ni Lheanne sa line ng mga SHS students. 5 courses lang ang available sa school namin for College. Una ay ang Nursing pangalawa ay Engineering pangatlo Accountancy at pang apat ay Teacher at last ay HRM. Habang hinihintay namin ang aming Principal nahagip ng mga mata ko si Lander na busy makipag tawanan kay Finley ang kinaiinisan ko sa lahat ng studyante dito sa campus bukod sa mga maarteng studyante na nagkakandarapa kay Lander my only one di ko ba alam kung ba't naiinis ako sa Finley na yun basta naiinis ako kapag nakikita ko siyang tumatawa o ngumingiti swear. Bigla naman silang tumingin sa deriksyon namin ngumiti naman si Lander sakin nung nakita ako ningiti'an ko naman siya pabalik habang si Finley walang reaksyon na nakatitig sakin. Ano ka mas maganda ako sayo noh. Akala mo. Aagawin mo pa sakin si Lander ah.

"Hala bro sino ba yang may suot na eye glasses? Ang ganda grabe kahit may eye glasses siya ano pa kaya kung tininanggal niya yan?" rinig kong sabi ng Grade 11.

"Oy bro wag yan di ka papansinin yan. Kita mo yang kausap niya? Yan yung possessive niyang boyfriend. Pero crush na crush ko talaya yang si Finley simula nung nag-aral ako dito" sagot naman ng kaibigan niya di na ako magtataka bakit kilala niya yung boysit na babaeng yan tsaka si Lander. Pano ba naman siya lang naman ang student VP sa buong campus namin tinanong mo kung sino ang student Pres. edi sino pa ba si Finley the witch tsk. Kahit saan si Lander andun to. Kaka badtrip.

Kumaway naman si Lheanne sa kanila or should I say kay Finley lang. Tumingin siya uli sakin tinaasan ko nga ng kilay. Buti nalang busy na si Lander kakausap sa iba nilang kaklase at di niya makikita ang pag tataray ko sa bwesit niyang kaibigan. At sinagot naman niya ako ng nakataas ang kilay din sabay tawa. Aba't ini insulto ba ako nito? Gusto ko na sana siyang komprontahin nang dumating na ang Principal namin. Inirapan ko nalang siya.

"May araw ka din sakin Fajardo" mahina ko namang sambit sa aking sarili.

"Ano sabi mo Zy?" tanong sakin ni Lheanne.

"Wala2x" sagot ko at nakinig na sa announcement ng Principal.

"I'm so glad to announce you that our school got the higher percentage during the board exam of Nursing and Engineering. Around of applause." sambit ng Principal namin at nagpalakpakan naman kami.

Madami pa pinagsasabi ang Principal namin at di nako nakinig dun. After ng mahaba niyang speech ay nagsilabasan na kami. As of now wala first subject namin dahil magkakaron muna sila ng meeting kaya nagpasama nalang ako kay Lheanne sa cafeteria namin. Dahil sobrang gutom na ako dahilan sa di ako nakapag breakfast ngayon. Inorder ko lang ay yung light na breakfast lamang at yun yung bacon tsaka fried rice dahil kakain pa ako mamayang lunch. Di naman ako diet eh. Samantala si Lheanne egg sandwich at juice ang ni order. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik pagkatapos naming kumain ay agad na kaming bumalik sa building namin.

Wala kaming ginawa buong araw sa room maliban sa pag introduce sa sarili namin at sa pagsabi what's our expectation for this school year. ABM nga pala strand namin ni Lheanne.

"Bye besh see you bukas" paalam ni Lheanne sakin pagkarating namin sa may gate dahil andoon na sundo niya.

"Bye din" pagpa-alam ko din sakanya pero nagpa-iwan muna ako dahil wala pa ang sundo ko. Maya-maya dumating siya.

"Hey" panimula niya tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What?" mataray na sagot ko. Maka hey to may pangalan naman ako!.

"Si Lheanne asan?" tanong ni Finley sakin agad.

"Kita mo na wala siya dito sa malamang umuwi na" mataray ko paring sagot sakanya.

"Ahh. Okay thank you" sagot niya sabay alis. Aba't bastos to ah di manlang nagpa-alam. Walang manners tsk.

"Akala mo kinaganda mo yan huh?!" inis na sambit ko sakanya. Kahit alam ko namang di na niya maririnig.

Buti nalang dumating na ang driver namin. Sumakay na agad ako na naka busangot ang mukha.

Pagkarating ko sa bahay namin agad na akong pumasok sa kwarto ko para magpahinga panandalian. Nagbihis na muna agad ako. First day of school nga pala namin pero naka uniform na agad kami. Ganda noh? Haist. Iba talaga tong si Principal. Habang nakahiga ako naisipan ko namang mag f* lang muna pampatanggal stress habang busy akong mag scroll down nakita ko ang post ni Lander na nakatag kay Finley. Napa irap naman ako sa nabasa kong caption ni Lander sa picture nilang dalawa.

"My days are complete when I'm with you" basa ko ng mahina sabay nguso.

"Iha nagprepare ako ng snacks mo. Gusto mo ba?" sigaw ni Manang sa labas.

"Salamat nalang po manang busog pa naman po ako. Baka sa dinner nalang ako kakain" sagot ko kay Manang.

Agad ko namang binalikan ang aking mga mata sa phone ko at tinitigan ko yung mga mata ni Lander na parang kumikislap. Yung tipong inlove ganun. Bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa puso ko habang tinititigan yung picture nilang dalawa. Simula talagang nakilala ni Lander si Finley di na kami nagkaka-usap ni Lander or nagkaka bonding. Finley is a bitch. Mang-aagaw damn!. Sarap niyang sabunotan eh. Nang gigigil talaga ako sa babaeng to. Di ko namalayan na ni stalk ko na pala siya. Bungad agad sakin ang dp niyang may 2K na likes. Wow famous ah. Okay lang 1K lang naman lamang niya sakin. First time ko siyang nakitang di naka puting damit na pang nurse which is their uniform, nakasuot lang naman siya ng simpleng t-shirt na black na my print "I'm proud and out" na may rainbow na design at nakalugay yung buhok niya dito sa dp niya at curly pala ang ibaba niyang buhok. Pero may eye glassess parin siya. Dumapo naman yung mga mata ko sa featured photos niya na puro naka pang two-piece? Asus sexy din naman ako kapag naka two-piece ah. Kala mo ikaw lang tsk. Pansin ko puro nakatalikod siya sa picture dito. Nahiya ata baka flat siya. Napatawa naman ako sa aking iniisip. Ano ba yan ang bastos ko. Nagbasa nalang ako ng mga comments dun. Akalain mo di ako tamad mambasa ng mga comments. Puro sexy at hot lang comment nila tapos todo react naman ng angry si Lander sa mga lalaking yun. Ano ba talagang meron sa dalawang to? Nababanas nako ah. Ang alam ko lang naman nanligaw talaga si Lander kay Finley pero binusted ni Finley swerte na nga niya dahil niligawan siya ng taong crush ko chossy pa nito di naman siya okay fine maganda nga talaga siya pero mas maganda ako noh. Nahagip naman ng mga mata ko ang matinong comment ni Lander na batid kong naiinis siya dahil sa mga comments ng mga lalaking ang babastos. Tawa lang ang sagot ni Finley. May sumali naman na isang lalaki sa convo nila.

"Finally I found you." basa ko ng mahina.

Allain Jay Alfaro. Sino kaya to? Lalaki niya ba ito?. Aba't dito pa sila naglandian. Teka ba't ko ba ni stalk tong kina iinisan ko. Agad ko naman ni log-out f******k ko.

"Iha, nakahanda na ang dinner mo" katok ni Manang sa pintuan ko.

Agad naman akong lumabas sa kwarto ko para magtungo sa dining area. Pagkababa ko wala pa si Mommy. Na-alala ko nagtext pala si Mommy sakin na malilate siya ng uwi ngayon kasi may kailangan siyang taposin sa office. 2 lang kami nandito sa Pilipinas dahil si Dad ay nasa ibang bansa namamahala sa malaking business namin dun. Samantala dito naman sa Pilipinas si Mommy ang namamahala.

Pagkatapos ko kumain agad na akong umakyat sa taas para magpahinga na. Nakahiga na ako ng bigla nag ring phone ko. Tiningnan ko ang caller kung sino at si Lheanne lang pala.

"Hello. Ba't napatawag ka Anne. Ano kailangan mo? Tsaka ba't ang ingay?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya.

"Oy Lheanne sino yan katawag mo? Lagot ka sa kuya mo" rinig ko sa kabilang linya.

Teka boses yun ni Finley wag mong sabihin nasa bahay siya nila Lheanne ngayon?

"Hello bes" tawa niyang sambit. "Grabe talaga tong si ate Fin. Mas strikto pa kesa kay Mommy" pagpapatuloy niya.

"Ba't andyan si Finley sainyo?" agarang tanong ko.

"May ginawa kasi sila ni kuya eh. Assignment nila ah? Baka kung ano isipin mo" tawa niya paring sambit sa kabilang linya.

"Psh. Assignment meron na agad silang assignment kakasimula palang ng klase ah." reklamo ko.

"Hmmm. Ewan ko sa kanila" sagot naman ni Lheanne sakin. "Anyway kaya ako napatawag kasi na miss agad kita" ngisi niyang tugon na ikina irap ko naman dito.

"Baliw ka talaga. Ano nga?" inis na sambit ko.

"Yun nga. Oh sige babye na" sambit niya at pinatay na ang tawag pero bago namatay ang tawag narinig ko muli ang boses ni Finley.

"Fuck Lander Am gonna kill you" huli kong rinig at nag end na ang call ni Lheanne sakin.

Ano kaya ginagawa ng babaeng yun kila Lander? Kung ako kaya mag two-pieace magiging over protective din kaya si Lander sakin? Hayyy. Dahan-dahan ko naman ipinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound To Love   Chapter 3: Coffee

    Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising ngayon. Kunti palang kami ang andito yung mga di ko pa close ang nauna dito sa school. Hayy wala akong maka-usap ngayon samantala sila busy namang mag-usap. "Woah. Next week na exam natin then after that Foundation na" masayang sambit nung babae kong kaklase. "I'm so excited sa mga pageant. Makikita ko na naman yung crush ko sa Engineering yieee" kinikilig na sambit ng kausap niya. Di ko alam mga pangalan nila at wala din akong interes pang malaman ito. At isa pa mahina talaga ako sa mga pangalan. Dahil di naman ako gaano ka excited sa darating na Foundation namin dahil una di naman mahilig sumali sa pageant si Lander. Kaya napag-isipan ko nalang na wag nang makinig sa usapan nila at mag simula nang gumawa ng aking plano para kay Finley. Busy ako kaka formulate ng mga posible plan para kay Finley at di ko napansin na andito na pala si Lheanne sa room namin. "Sorry Zy" biglang yakap niya sakin. Nagulat naman ako. Siguro n

  • Bound To Love   Chapter 2: Drawing

    Zyrine POVAng bilis lang ng panahon at next week ay first quarter exam na namin. Kaya hito kami ngayon busy sa pag cocomply ng mga projects namin. Napag-isipan namin na sa bahay nalang daw nila Lheanne kami gagawa ng project. Sa una di talaga ako pumayag dahil for sure magpapagawa lang kami sa kuya ni Lheanne at nakakahiya talaga pag nagkataon. Project lang naman namin ay gumawa ng sex organs both male and female diba nakakahiya. Ba't kasi di ako pinagpala na maging magaling mag drawing plus only child pa ako. Kaya no choice at pumayag nalang din ako di nako nag inarte kesa naman wala akong maipasa na project diba?."Pauwi na daw sila kuya" sambit ni Lheanne sakin habang ako ay busy i-ayos ang aking mga materials para mamaya ay wala ng problema."Sila? Sino kasama niya?" agarang tanong ko."Si Ate Fin. Sino pa nga ba" sagot niya agad.Sabagay si Finley lang naman lagi kasama ni Lander wala ng iba pa. Tsk. At dahil doon nawalan na ako ng gana. Ba't ba siya andito? Kahit saan talaga ma

  • Bound To Love   Chapter 1: First Day of School

    Zyrine POVLate na akong nagising ngayong araw dahil sa kaka stalk ko sa crush ko kagabe. Syempre part of growing up chaaarot. Ano ba yan first day of school late ako. Kaya nagmadali na akong mag-ayos. Bahala na ma late basta di ko makaka ligtaan ang aking morning routines. Pagtapos kong maligo nag- apply na ako ng cheek tint . Ito lang sapat na marunong na akong mag apply ng pampa ganda sa aking mukha pero dahil sa school lang naman ako pupunta kahit cheek tint lang okay na total I'm still in my Grade 12. Pag College na ako mag papalkado ng make-up total isang hinga nalang naman ay mag College na ako. Pagkatapos ko mag lagay ng cheek tint ay inayos ko naman ang aking mahaba at straight na buhok. Putulan ko nga to sa susunod na araw masyadong mahaba na eh. After ko ayosin sarili ko agad na akong bumaba."Nak, kain kana nakahanda na ang breakfast mo" sambit ni Mommy pagkababa ko na naghahanda na para pumunta sa trabaho."Naku Mommy sa school nalang po" sambit ko at nakisabay na sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status